Tunay na kaibigan
I
Nagsimula sa biruang pagkilala
Natagpuan ang salitang masaya
Minsan nga'y di nagkakaunawaan
Lilipas rin at magbabalikan
II
Pader na nagsisilbing sandigan
Sa saya man o kalungkutan
Sa tuwid ma't baluktot na daan
Kaakbay pa rin,ikaw kaibigan
III
Ikaw lang ang hindi nang-iwan
Sa lahat ng oras ika'y nandiyan
Lubos kitang pinasasalamatan
Tunay ka ngang kaibigan