TUNAY NA KAIBIGAN

282 4 0
                                    


Tunay na kaibigan

I
Nagsimula sa biruang pagkilala
Natagpuan ang salitang masaya
Minsan nga'y di nagkakaunawaan
Lilipas rin at magbabalikan

II
Pader na nagsisilbing sandigan
Sa saya man o kalungkutan
Sa tuwid ma't baluktot na daan
Kaakbay pa rin,ikaw kaibigan

III
Ikaw lang ang hindi nang-iwan
Sa lahat ng oras ika'y nandiyan
Lubos kitang pinasasalamatan
Tunay ka ngang kaibigan

TAGALOG POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon