GURO
Unang hakbang ko sa pintuan
Ngiti mo ang unang nasilayan
Sa tulad kong papatay-patay
Pinapasok mo't tinuruan sa'yong bahay
Ramdam ko'y daga sa'king dibdib
Nang tanungin mo ako sa 'yong ibig
Nahihirapan man ika'y nagtitiis
Di kasi dalawa ang aking bibig