The Bathroom Love Affair (Pub...

By xPANICx

421K 15.4K 7.4K

† The Restroom Love Affair: The Kisser Remake † Matyagang hinihintay ni Eros ang pag-ibig habang si Zach ay d... More

Prologue
NOTE
Chapter 1 - Love at First Fight
Chapter 2 - Best Supporting Lover
Chapter 3 - Heartbreaker
Chapter 4 - Haunted Apartment
Chapter 5 - Collide
Chapter 6 - Bad Day
Chapter 7 - Table for Four
Chapter 8 - Roommate
Chapter 9 - Balinguyngoy
Chapter 10 - The Act
Chapter 11 - S. A.
Chapter 12 - Beautiful Mistake
Chapter 13 - The Bathroom Love Affair
Chapter 14 - My Sun & Moon
Chapter 15 - The Restroom Love Affair
Chapter 16 - Confessions
Chapter 17 - Seros
Chapter 18 - Both Yours
Chapter 19 - Call Me Love
Chapter 20 - Pierce
Chapter 21 - Be Careful What You Wish For
Chapter 22 - Anselmo
Chapter 23 - Fire on Fire
Chapter 24 - Break a Leg
Chapter 25 - Scared to Death
Published! (plus giveaways)
Last Words & Review
Special Chapter 1
First Draft - Chapter 19

Chapter 26 - Icecream

11K 506 264
By xPANICx

Eros

Napatayo na lang ako sa gitna ng malawak na pasilidad. Malalim ang paghinga dahil sa pagtakbo mula labas, umaasang maaabutan pa sila Zach sa kabila ng halos isang oras na huli ng pagdating namin.

     Paulit-ulit na sinabi ko sa sariling naipit din sila sa traffic. Pwede iyong mangyari, may tsansa na mahuli rin sila. O kaya delay ang flight. Palagi namang nangyayari iyon sa Pinas. Iyon ang mga natitirang apoy na nagpakilos sa akin kanina, na ngayon ay wala na.

     Napunta ang tingin ko sa departure board. Lalo akong nanlumo sa nakita. Alam kong huli na kami, pero iba kapag sinampal ka ng katotohanan.

     Bumigay ang kontrol ko kasabay ng pag-asang muli ko pa syang makikita. Kumawala ang luha kasama ng mga katagang 'mahal kita.' Para saan pa ang mga salitang iyon kung hindi na masasabi kay Zach?

     May ilang nagbigay sa akin ng sandaling tingin pero wala akong paki-alam. Wala na si Zach. Ang taong bubuo sa buhay ko ay tuluyan nang naglaho.

     Parang kinuha ang puso ko nang walang kalaban-laban-mali, pinili kong hindi lumaban. Nararapat lang sa akin ito, pero hindi kay Zach. Yumakap ang sakit kasama ng paalala na ako ang nagdulot nito sa aming dalawa. Iniwan ko sya sa laban na dapat ay hinarap naming magkasama.

     May ilang linggo ako upang sabihin sa kanya ang tunay na nararamdaman ngunit hirap ang binigay ko. Ilang beses syang nagmakaawa at ilang beses ko rin syang tinaboy. May hanggang kaninang umaga ako upang pigilan sya pero sarili ang inisip ko.

     Tumatakbong dumating si Chris mula sa labas matapos iparada ang sasakyan. Hindi na nya kailangan magtanong, sinasabi na ng pag-iyak ko ang lahat. "Eros," marahan nyang sambit.

     Yinakap ko sya nang mahigpit. Alam kong hindi ito patas para kay Chris ngunit kailangan ko ng masasandalan. "Wala na sya Chris at kasalanan ko kung bakit." Binuhos ang lahat ng sakit, panghihinayang, paghihirap at galit sa sarili. "Mahal ko sya pero naging mahina ako, Chris. Naduwag ako. Kasalanan ko, Chris. Kasalanan ko."

     "Shhh," pag-aalo nya. "Wag mong sisihin ang sarili mo. Balido ang dahilan kung bakit mo ginawa yun. Wag mong ibunton ang sisi at dagdagan pa ang sakit."

     "Siguro nga hindi ako karapatdapat kay Zach dahil hindi sapat ang pagmamahal ko para ipaglaban sya." Deserve ni Zach ang taong kayang tumbasan ang binibigay nya. "Siguro nga hindi pa ako dapat magmahal at mahalin dahil hindi ko pa kilala ang sarili ko."

     Sabi nila kung saan ka nadapa doon ka dapat bumangon. Ngunit hindi sa pagkakataong ito. Si Zach ang mundo ko. Anong saysay ng araw at buwan kung wala na ito?

     "Naintindihan kita, Eros, alam mo yan. Pareho tayo ng sitwasyon," sabi ni Chris. "Hindi umayon sa atin ang ngayon, pero alam na natin ang gagawin pagdating ng bukas. May natutunan tayo na kapag nagkaroon ulit tayo ng pagkakataon, alam na natin ang gagawin."

     Tumango ako. Sa ngayon iyon ang aking titignan. Hindi ko pa nakikita ang sarili na magmamahal ng iba, at mukhang matagal pa bago mangyari iyon. Pero kung sakali man, kung sino nga ang taong dadating, hindi ko na sya pakakawalan dahil handa na ako.

     Kung si Zach man sya o hindi.

     Kumalas ako sa yakap at pinunasan ang luha. Kung naduwag ako para sa amin ni Zach, kailangan kong maging matapang sa naging resulta noon. Pero parang pagkalunod sa malamig, malalim at madilim na tubig ang lahat. Wala akong ibang nasa isip kundi dapat akong mabuhay sa kahit anong paraan, dapat akong magpatuloy.

     "Tara na?" aya ni Chris.

     Tumango ako. Wala na akong magagawa at pinapaalala lang sa akin ng lugar na ito ang kabagalan ko. Ilang buwan akong nahuli sa paghabol kay Zach.

      Inakbayan ako ni Chris at tinapik sa dibdib bago kami naglakad palabas ng pasilidad.

     Hindi ko lubos maisip na ang araw na pinakahihintay ko noon dahil sa pag-aakalang magdudulot ng sobrang saya ay kabaligtaran ang binigay sa akin.

* * *

     Maluwag ang daan pauwi kaya gusto kong magmura. Nakatanaw ako sa labas, ang mga poste ng ilaw ng Skyway ay mabilis naming linalagpasan isa-isa. Walang bituin sa langit ngunit natatanaw ang buwan.

     Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Iba ang hila sa pagkatao kapag may gusto ka pero alam mong hindi mo na makukuha. Nakunteto na akong makasama lang si Zach araw-araw, pero. . .

     Walang salitang namagitan sa amin ni Chris hanggang sa ang dinaraanan namin ay maging pamilyar. Ilang minutong biyahe na lang malapit na kami sa kani-kaniyang bahay.

     "Saan kita ihahatid?" tanong ni Chris, bakas na rin ang pagod sa kanya.

     Sa kung nasaan si Zach.

     "Sa bahay nyo o sa apartment mo?" dagdag na tanong ni Chris.

     Ayaw kong umuwi sa lugar na magbibigay ng maraming alaala ni Zach pero hindi ko kayang harapin sila Mama sa kalagayan ko ngayon.

     "Sa apartment," sagot ko. Masokista.

     "Kung ayaw mong mapag-isa at hindi ka pa komportable na umuwi sa inyo, pwede naman sa amin," alok ni Chris.

     "Salamat, Chris," tugon ko. "Pero sa susunod na lang siguro."

     "Okay," sagot nya.

     Muli kaming binalot ng katahimikan hanggang sa marating namin ang apartment ko. Bumaba kaming dalawa. Walang ibang tao at tahimik na ang paligid bukod sa ingay ng sasakyan ni Chris.

     "Samahan na kita," sabi ni Chris pagkasara nya ng pinto.

     Mas lalo kong naramdaman ang pagod na dulot ng araw ko. "Wag na," sagot ko pagharap sa kanya. "Umuwi ka na para makapagpahinga ka na rin."

     Sumandal sya sa kanyang kotse, ang siko ay nakapatong sa bubong. "Dota tayo?" nakangiti nyang tanong. "Siguradong may bukas pang shop malapit sa La Trinidad."

     Sa kabila ng lahat, napangiti ako. "Alam ko yang aya mong yan, Chris."

     Napangiti rin sya.

     "Magiging okay din ako," sabi ko. Hindi ako sigurado kung kailan pero alam kong mangyayari iyon. "Wag kang masyadong mag-alala."

     Nawala ang ngiti ni Chris, tumayo syang tuwid. "Sabi mo, eh. Basta kapag kailangan mo ng balikat na maiiyakan, tawagan mo lang ako."

     "Salamat," tugon ko. "Babawi ako sayo."

     "Psh," singhal ni Chris. "Wag mo nang isipin yun. Para saan pa na mag-bestfriend tayo kung may bilangan?"

     Yinakap ko ulit si Chris. "Maraming salamat talaga, Chris." Tinapik-tapik nya ang likod ko. "Sige na, baka maiyak pa ulit ako," biro ko para bahagyang gumaan ang pakiramdam namin at para makumbinsi syang ayos na akong mapag-isa. "Ingat ka sa pag-uwi."

     "Oo naman," tugon ni Chris at pumasok na sa sasakyan. Kumaway pa sya sa akin bago pinaandar ang kotse.

     Mabibigat ang hakbang na inakyat ko ang aking unit. Habang papalapit ay sumisidhi ang kagustuhan kong tumakbo palayo. Hanggang sa marating ko ang pinto.

     Walang lakas na binuksan ko ang kandado. Sinalubong ako ng dilim ng silid kaya agad kong binuhay ang ilaw. Tumuloy ako sa pagpasok, dumiretso sa may upuan bago pa tuluyang mawalan ng lakas at muling mapaiyak.

     Napunta ang tingin ko sa dalawang kama, parehong malinis. Kung alam ko lang na kaya nagliligpit ng gamit si Zach ay dahil aalis sya sana hindi na lang ako tumuloy sa Mahiwagang Batis.

     Ang tahimik ng buhay noong wala si Zach. Pero nung maging parte sya nito, sya ang ingay na ayaw ko nang mawala. Hindi ko gusto ang katahimikan-ang kawalan ngayon.

      Ayaw ko nang mapag-isa. Ayaw ko na wala na si Zach.

      Kumawala na naman ang luha. Napatungo na lang ako sa lamesa. Binuhos ko ang iyak na hindi ko magawa sa airport kanina dahil sa dami ng tao. Nadoble pa ito ng katotohanan na mag-isa na lang ako sa kwartong ito simula ngayon.

     Wala nang masarap na usapan magdamag. Wala nang mga korni na joke mula kay Zach. Wala nang kaagaw sa banyo. Wala na yung taong akala ko ay hindi ko kailangan sa buhay ko. Wala na yung taong ang tagal kong hinintay.

     Sa loob ng kwartong to, may dalawang pusong tumitibok, sabi nya dati. Isa sa akin, parehong sayo.

     Ang tanga mo kasi—

     "Eros?"

     Kasalanan mo yan kaya—

     "Bakit ka umiiyak?"

     Napatunghay ako. Totoo ba to?

     "Zach?"

     Binigyan nya ako ng alanganing tango. Nakatayo sya sa may pintuan ng banyo, bagong ligo at magulo pa ang basang buhok. "Anong problema? Hindi ba maganda ang resulta ng Mahiwa-"

     "Ikaw nga!" sigaw ko. Malabo man ang paningin dahil sa luha, madali akong tumayo, dahilan para matumba ang kinauupuan ko kanina, at tumakbo sa kanya.

     "Uhmp," daing ni Zach pagsalo sa bigat ko. Mabuti na lang nagawa nya akong saluhin.

     Walang mapagsidlan ang tuwa ko na lalong nagpaiyak sa akin. Yinakap ko syang mahigpit dahil baka nananaginip lang ako. Pinaramdam ko sa kanya ang takot ko na hindi na sya makita ulit at saya na nandito sya ngayon kasama ko.

     Malamig at basa pa si Zach, maging ang tuwalyang nakapatong sa balikat nya. Binalot ko sya sa aking kamay nang sobrang higpit at umiyak sa kanyang balikat. Hindi sya dumaing, hindi nya ako tinulak palayo. Maya-maya ay bumalot na rin ang kamay nya sa akin.

     "Sorry," sambit ni Zach. "Alam kong may kasalanan ako. Hindi ko naman akalain na-"

     "Akala ko wala ka na," pagputol ko sa sasabihin ni Zach. "Akala ko iniwan mo na ako."

     "Uhmmm. . ."

     "Mahal din kita, Zach," sambit ko na sana naintindihan nya sa kabila ng paghagulgol ko. "Mahal na mahal."

     "Eros," ang tangi nyang nasabi ngunit umalog pa ang kanyang boses.

    "Sorry kung hindi ko hinarap kaagad ang nararamdaman ko. Sorry kung pinagtabuyan kita. Sorry kung naging pahirap ako."

     "Shh. Shh," pag-aalo ni Zach. Parang sasabog ang puso ko sa pagbaha ng emosyon. "Okay na. Okay na. Ang mahalaga nandito na tayong dalawa."

     Lumipas pa ang ilang minuto ng pag-iyak ko sa balikat ni Zach at yakap namin nung kumalma ako. Pinunasan nya ang luha ko at binigyan ako ng malapad at napakatamis na ngiti.

     "Icecream?"

* * *

     Nakaupo kami sa kama nya, nakatingin sa labas. Maaliwalas na ang gabi, o dahil basag ako kanina kaya hindi ko ito napansin. Tanaw namin ang natutulog na La Trinidad na maliit buhat ng distansya.

     "Nagulat ako kanina. Akala ko umiiyak ka kasi may nangyaring hindi maganda sa play," sabi ni Zach matapos ang ilang sandali.

     Magkadikit kaming dalawa, nakapatong ang ulo ko sa kanyang balikat. May sarili kaming mangkok na icecream pero paminsan-minsan sinusubuan nya ako.

     Matapos ang mahabang araw, gusto ko na lang matulog katabi nya.

     "Umiiyak ako kasi akala ko sumama ka na sa kapatid at tatay mo," sagot ko.

     "Sino namang nagsabi sayo nyan?" tanong ni Zach.

     "Si Tita," tugon ko.

     "Ah. Misunderstanding at miscommunication," sambit ni Zach. "Nagpaalam kasi si Kuya kay Mama na pabalik na sila ng Canada at sinabi nyang kasama ako."

     Umayos ako ng upo para makita ang mukha nya. Ngayon, susulitin ko ang bawat segundo na kasama si Zach. Itatatak ko sa isip ang bawat anggulo ng mukha nya.

     "Bakit hindi ka matawagan ni Tita?" tanong ko. "Pati ako, hindi rin kita matawagan."

     Natawa sya sandali bago tinugon ang tingin ko. Napakaganda ng mata nya. Ang laking tanga ko talaga para saktan ang mga ito.

     "Ikaw kasi."

     "Ako?"

     Tumango si Zach.

     "Noong nakaraang araw, noong inaya mo ako na manood sa play nawala sa isip ko na uuwi na nga pala sila Papa. Ganun ako katanga pagdating sayo. Isipin mo, hindi pa tayo maayos nung mga pagkakataong yun," paliwanag ni Zach. "Tapos kanina hindi ko naman magawang sabihin na hindi ako makakatuloy dahil ang saya-saya mo nung umaga. Kaya nung magtext ka na hinihintay mo ako at tumawag ka pa, pinatay ko na lang ang cellphone ko." Nginitian nya ako. "Kaya eto, may dala akong icecream bilang peace offering."

     "Akala ko talaga iniwan mo na ako," sabi ko.

     Nawala ang ngiti ni Zach at binalik ang tingin sa labas. "Ang daming rason para umalis, para sumama sa kanila. Pero may sapat akong dahilan para manatili. Malaking parte nun ay ikaw."

     "Kausapin mo rin si Tita," paalala ko. "Sobrang lungkot nya nung akalang umalis ka."

     "Sige," pagsang-ayon ni Zach. "Akala ko nga susunod sya sa airport para magpaalam kay Papa kasi nagtanong sya kanina."

     Bumalik ako sa pagkakasandal sa kanya. "Nagtanong sya kasi hahabol ako sayo para pigilan ka."

     "Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Zach.

     Natawa na lang ako sa pag-alala sa nangyari kanina. "Parang paghabol ni Mario kay Elena ang nangyari kanina. Nag-eksena pa ako sa airport, nandito ka lang pala."

     Natawa na rin sya. Nagpatuloy kami sa pagkain ng icecream. Tinamasa ang bawat segundong magkasama matapos ang ilang linggo magkalayo.

     "So. . . Mahal mo nga ako."

     "Mahal na mahal," pagkumpirma ko.

     "Paano si Yna?"

     "Alam ko nang hindi sya si S. A. Alam ko na rin na si Chris iyon, umamin sya habang nasa byahe kami." Tumango si Zach. So, matagal na nga nyang alam na may gusto sa akin si Chris. "Tinulungan nya ako papunta sa airport at pabalik dito."

     "Tama ka nga, mabait si Chris."

     "Uh-hmm."

     "Marami kang utang sa akin," anunsyo ni Zach.

     Natawa ako. "Alam ko."

     "Pero sapat na sa akin na mahalin mo ako."

     Muli akong tumughay upang magtagpo ang mga mata namin. "Ipaparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal araw-araw."

     Dahan-dahang linapit ni Zach ang mukha sa akin, awtomatikong gumalaw ang sa akin hanggang sa magtagpo ang aming mga labi. Marahan ang halik, parang pagdapo ng paro-paro sa rosas.

     Pagkalas sa halik, tinuon namin ang noo sa isa't isa. Hindi nga ako nananaginip. Hindi kayang ibigay ng panaginip ang sarap ng halik ni Zach.

     Eto. Eto ang saya na pinagkait ko sa aming dalawa nang mahabang panahon.

     Tama nga sila. Malalaman mo lang ang tunay na halaga sayo ng isang bagay o tao kapag nawala na sa iyo. Pero sa kaso ko, muntik nang mawala. Mabuti na lang hindi nya ako sinukuan.

     "May tanong ako," sabi ni Zach.

     "Hmm?"

     "Tayo na ba?"

     Lumayo ako nang bahagya sa kanya at tinapik sya sa balikat. "Seryoso ka ba dyan, Gomez?" natatawa kong balik na tanong.

     "Wow naman, Matsumura," sarkastikong bawi ni Zach. "Gusto mo pa talaga na ligawan kita. By the way, sinubukan ko pero pinigilan mo ako. Kaya kung gusto mo ng ligawan stage, ikaw ang manuyo sa akin, na kapag ginawa mo oo kaagad ang sagot kaya parang wala lang din. Wag na tayong magsayang ng oras ulit, Eros. Tsaka para saan pa kung mahal naman natin ang isa't isa."

     Hinayaan ko syang dumakdak. Ang sarap sa tenga kapag sinasabi nya ang pangalan ko. "Ang dami namang sinabi," puna ko. "Ang ibig kong sabihin, tinatanong mo pa talaga ako? Naghalikan na nga tayo, ah."

      Wala na ang takot sa sistema ko. Tuluyan na akong nakalaya sa kulungang ako mismo ang gumawa. Ang sarap sa pakiramdam.

     Mas lumiwanag ang mata ni Zach. "So, tayo na nga?"

     "Kamote ka talaga. Oo nga!"

     "Yes!" magiliw nyang sabi na may pagmwestra pa. "Pahingi nga ulit ng pruweba dyan," udyok ni Zach.

     Naghintay ako at dumating sya; naghanap sya at nakita nya ako. Hindi ako naniniwala sa tadhana pero matapos ang mga nangyari naniniwala ako sa aming dalawa.

     Wala nang takot, wala nang duda, wala nang pumigil sa akin. Walang pagdadalawang-isip na lumapit ako upang muli syang halikan.

     "May naisip ako," sabi ni Zach. "Since magboyfriend na tayo, siguro naman pwede na tayong sabay na-"

End

Continue Reading

You'll Also Like

18.7K 454 9
Luis Yisrael Alston is a man who is difficult to befriend and get along with, owing to his serious and quiet personality. He has no friends. However...
211K 8.3K 47
Drop Delgado, the university's captain ball and yearly MVP, has no experience about love. He barely knew anything about romance. But he has a girlfri...
3.4M 59.8K 56
[Received Wattpad's Most-Read Milestone]
6K 249 21
After years of practicing his profession as an industrial engineer, Drei decided to take a rest and be a part-time instructor at Don Placido Institut...