Treacherous Haven [Under Revi...

By Bangssi

2.2K 402 68

Vaughan was still a kid when she lost her mom due to assassination. Seeing her mom lying down on the floor, b... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN

CHAPTER EIGHT

75 20 3
By Bangssi

・━━━━━━━☆☆━━━━━━━
C H A P T E R   E I G H T
・━━━━━━━☆☆━━━━━━━・



🅥🅐🅤🅖🅗🅐🅝

"Saan si Laude?" Napaangat ng ulo si Trace at nang makita ako sa tabi niya ay mabilis itong tumayo't niyakap ako nang mahigpit.


"Vaughan!" Wika nito. Inikot ko ang aking paningin sa table na kinuha nila at ang nakita ko lang doon ay ang backpack ni Laude, ngunit walang Laude na nakaupo. Medyo nahirapan pa akong hagilapin agad kung nasa saan naroroon sina Trace dahil wala si Laude at nakalapat naman ang mukha ni Trace sa dalawang braso nitong nakatupi sa mesa. Aakalain mong natutulog ito, kaya medyo nahirapan ako, mabuti na lang namukhaan ko ang likod ni Trace.


"Bakit ang tagal mo bago nakabalik?" He asked, ignoring my question. Ako na mismo ang humiwalay mula sa pagkakayakap ni Trace. Mabuti na lang at hindi masyado marami ang tao sa loob ng cafeteria gawa ng maghahapon na rin, kung hindi may mga napatingin siguro sa amin nang bigla akong yakapin ni Trace.


Umupo ako sa upuang katabi ng kinaroroonan ng bag ni Laude. "It was too late when I got there. May nagkaklase na sa loob and it took me long before I got the chance to get my notebook."


"Ah, gano'n ba. Akala ko kung ano na nangyari sa'yo eh. Pupuntahan na sana kita." Wika nito at umupo na rin sa silya niya.


"You didn't answer my question, Trace." I said, half annoyed. Nakita kong napakunot ito ng noo at tila walang alam sa pinagsasabi ko.


"May tanong ka ba?"


"I said, where's Laude?" I sighed after saying it. Para naman itong hinila pabalik sa reyalidad nang marinig ang pangalan ni Laude.


"Ay oo nga pala, si Laude!" Tumaas ang kilay ko habang hinihintay ang karugtong ng sasabihin niya but he just shrugged his shoulders.


"Hindi ko alam kung saan siya pumunta. Ang weird nga no'n eh, may nakita lang, bigla nang tumayo't umalis. 'Di sinabi kung saan pupunta, ang mahalaga sinabi niyang babalikan niya raw ako. Kaya babalik din 'yon, huwag ka mag-alala." Wika nito. I just nodded my head but I'm still curious about something because Trace and I, I'm damn sure we both know and can feel that something's wrong with Laude today, but I think among the two of us, ako ang mas nag-iisip tungkol sa bagay na 'yon.


"Gutom ka na ba?" Basag ni Trace sa panandaliang katahimikan. I nodded my head. Medyo nagugutom na rin ako, at mabuti na lang talaga may natyempuhan akong late na estudyante sa klaseng iyon at pinaki-usapan ito na kung maaari niyang i-abot sa akin ang notebook ko, ayon nga lang, I have to wait for few minutes hanggang sa nakapagpaalam itong magbabanyo at isinabay na rin ang notebook ko pagkalabas.


Walang salitang tumayo si Trace at pumunta sa counter, obviously to grab some food for me. Ilang minuto ang nakalipas ay nakita ko na itong naglalakad pabalik sa akin na may hawak na tray ng pagkain. Inilapag niya ito sa mesa at itinulak papalapit sa pwesto ko. I didn't raise a protest and just grabbed the spoon and fork right away. I can feel the monsters inside my stomach are already begging me to feed them. "I'll pay you later." I said between my food. I just saw him shook his head and smiled at me, a mischievous one.


"I don't accept any currency but kiss currency. A kiss on cheek would be fine." I knew he'll say it.


"Sure, no problem." I said using a disinterested tone. I saw his face lights up and a wide smile appeared on his face after. Look at this dumbass.


"Are you serious?" Hindi makapaniwalang tanong nito. Kung hindi lang ako kumakain baka nabatukan ko na 'to. Lagi na lang akong pinagtitripan ng lalaking 'to.


"Yeah, I'm serious. I'll give you an earth-shattering kiss using the rubber outsole of my shoe if you didn't stop pulling jokes on me." Mabilis na napawi ang ngiti sa labi nito kasabay ng pagbagsak ng dalawa niyang balikat.


"Oh right. I can't wait for it." He sarcastically replied. I just smirked and finished my food.


Halos kalahating minuto na ang nakakalipas mula nang matapos ako sa pagkain but Laude is still nowhere to be found. Tiningnan ko ang backpack nito sa tabi at tila napapaisip kung nasa saan na ito ngayon. Una si Criden, ngayon naman si Laude ang nawawala. What's wrong with these two?


"Hindi ka naman nakikinig sa kinukwento ko eh!" Napalingon ako kay Trace at nakita ko itong nakapangalumbaba habang nakanguso.


"I'm sorry. What are you saying again?"


"Tsk. Lagi na lang sorry, nakakatampo na ha." I rolled my eyes heavenward. This guy thinks that I don't know him enough para mahulog sa mga kalokohan niya. "Nagtatampo na ako, Vaughan. Kailangan mo 'kong lambingin para mawala 'yung tampo ko."


"Edi magtampo ka. Pakialam ko naman?" His eyes went wide and his mouth made an "O" shape. He feigned a shock from the feedback that he got as if there's something unexpected about it.


"Iyan talaga sasabihin mo sa'kin?"


I gave him a bored look then nodded my head. "Oo, bakit?"


He made a small gasp sound. "How dare you?" He whispered before pouting again. Pouting doesn't make him cute or attractive. He's hopeless. "Pareho kayo ni Laude. Hindi nakikinig sa akin tapos kung saan saan pa nakatingin. Ganyan ba talaga kayong mga babae? Ang hilig n'yong manakit ng feelings ha!"


"Speaking of tinitingnan, ano ba ang nakita ni Laude kaya siya umalis?" I asked before sipping on my melon juice. I saw Trace shrugged his shoulders again. Bakit ba parang wala manlang kaalam-alam ang lalaking ito?


"I tried to look around earlier to see what is she looking at, but I failed to catch it. Tapos ayon, bigla na lang siyang umalis." That's weird. Now I'm curious too kung ano ba ang nakita ni Laude.




"Hindi pa rin nag-ri-ring, Vaughan." For the 9th time of trying to call Laude, ni ring ay wala kaming naririnig. Tatawagan sana ulit ni Trace sa cellphone niya si Laude but I stopped his fingers from typing her number. Trace looked at me at nakuha agad nito ang nasa isip ko. Nilinisan na kami ng table ng cleaner kanina pa pero hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik si Laude.


"Dumidilim na." Wika ko habang nakatingin sa babasaging bahagi ng cafeteria's wall. Naramdaman kong napatingin din sa labas si Trace bago ito bumuntong hininga.


"Saan na kaya si Laude?" Wika nito.


Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at saka isinukbit ang bag ko. Napatingala naman si Trace sa akin. "Uuwi ka na? Paano si Laude?"


"I think it is better for us kung babalik na tayo sa mga silid natin nang makapag pahinga na rin tayo. Ako na muna ang magtatago sa mga gamit ni Laude." Tumango naman si Trace sa sinabi ko at saka may pinindot sa cellphone niya.


"Nag-iwan ako ng mensahe sa kanya na kunin sa'yo 'yung mga gamit niya." Wika nito nang makitang nakatingin ako sa kanya. Tumango na lang ako at bubuhatin na sana ang bag ni Laude nang um-extra naman ang mga kamay ni Trace at inagaw ito sa akin.


"Ako na magdadala nito, ihahatid naman kita eh."


"Ako na, Trace. Kaya ko na mag-isa. Akin na 'yan."


Iniwas ni Trace ang bag ni Laude mula sa akin nang tangkain kong kuhain ito. Nang hindi ko ito nakuha, he just stuck his tongue out on me at nagsimula na itong maglakad papalabas.


"Halika na, Vaughan. Huwag pabagal bagal!" I just shook my head before following his track. Trace will be Trace.


I fished for my keys nang makarating kami sa tapat ng pinto ng silid ko. Pagkabukas no'n ay humarap ako kay Trace upang kuhain sa kanya ang bag ni Laude. Maingat naman niya itong ibinigay sa akin.


"Goodnight, Trace."


Papasok na sana ako sa loob nang hilahin ako ni Trace papalapit sa kanya at saka maingat na ikinulong sa mga bisig niya. I was surprised at first and after few seconds, my knees suddenly felt weak and I felt the need to hold onto something, but my body doesn't want to do it. Gumapang ang kamay nito papunta sa likod ng ulo ko at marahang hinaplos ang buhok ko.


"Vaughan..." He whispered before gently pulling my head closer to his chest, making me listen to his fast heartbeats. I firmly closed my eyes while my mind was silently trying to count his heartbeat. I don't know what to feel at this moment. Pakiramdam ko nakikipag karerahan na rin ang tibok ng puso ko sa tibok ng puso ni Trace.


"Trace..." Tawag ko sa kanya at nagbabaka sakaling papakawalan na niya ako, but he acted like he heard nothing.


"I hope we can stay like this for the whole night." I heard him whispered then I felt his chest vibrated against my face when he chuckled. I can't deny the fact that Trace was very expressive of what he feels for me and that makes some things go awkward for me. I can't deny that fact but I always deny his feelings for me. I just feel like I have to do it or else I'll be fragile and I think the walls I've been keeping for years will be vulnerable as well. There's no way I'm gonna let that happen.


"Trace, I have to take some rest now." I mumbled on his chest. I heard him heaved a heavy sigh before feeling his lips against the side of my head.


"I should be punished from forcing you in this situation." I heard him chuckled again before breaking the hug. "You can take a rest now."


Doon ko lamang napagmasdan ang mukha nito. Namumula ang mga pisngi nito at medyo magulo ang buhok gawa na siguro ng malamig na hanging kanina pa humahampas sa amin. Mapupungay ang mga mata nito at punong puno ng kalungkutan.


"Goodnight, Vaughan."


"Goodnight, Trace." Iyon na lamang ang mga salitang binitiwan ko bago pumasok at sinarado ang pinto. I'm sorry, Trace, but I can't let feelings dominate for now. Not at this point.



━━━━━━━━━━━━


"Vaughan?"


"Hmmmm." Napaunat ako ng katawan gawa ng ingay na nagmumula sa may pinto. Maya-maya ay narinig ko ulit itong tinawag ang pangalan ko at saka sumunod ang tatlong malulumanay na katok. Napabukas ako ng mata dahil sa ingay na iyon at nagdesisyong bumangon. I opened my phone to check the time and it showed 8:30 PM on the screen.


"Vaughan? Si Laude 'to." Nang marinig iyon ay tila nawala ang antok ko't mabilis na napa-ayos ng upo sa kama. Teka, bakit nandito si Laude?


"Vaughan?" Oh shoot. Right. 'Yung bag nga niya pala. Agad akong bumaba ng kama at dinampot ang bag ni Laude sa gilid. Nagtungo ako sa pinto at binuksan ito. Kung ibang tao siguro ang nasa kabilang parte ng pinto, ay baka nagulat na dahil sa itsura ko, ngunit si Laude ito, at ako ang nagulat sa itsura niya nang mabuksan ko ang pinto.


May pasa ito sa gilid ng ibabang labi, magulo ang buhok, madumi rin ang suot nito, ngunit ang mas nakaagaw sa akin ng pansin ay ang natuyong dugo mula sa maliit na hiwang mayroon siya sa kanang pisngi.


"Teka--- anong nangyari sa---"


"Wala. Nadulas lang ako. Salamat pala." Wika nito at mabilis na kinuha mula sa kamay ko ang bag niya at mabilis na naglakad papalayo sa akin. I was half shocked due to what Laude did. She was so different from the Laude na madalas naming nakakasama. Ibang-iba si Laude ngayong araw. Pinanuod ko lang itong maglakad papalayo dala dala ang bag niya.


I need to find out what was Laude trying to hide from us.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...