The Forest

By RexEmma

29.6K 573 112

kwento ito ng isang barkadahan na pumunta sa isang lugar na di nila alam,pero sa lugar pla na yon ay may naka... More

Character Profile
Outing in bataan
Itim na babae
Bundok Marikit
The mysterious girl
Plan
Throwback
Ann Knows
Trap
The Truth
Returning
Bintang
Eliana & Emelia
Sumpa

First Blood

1.8K 29 17
By RexEmma

Ann POV

Maaga kaming lahat na nagising,lahat sila naghahanda ng mag punta sa ilog na yun.Kinukutoban ako na may mangyayari na masama ngayong araw na to-parang may nagsasabi sakin na pigilan ko sila sa pagpunta doon pero di ko magawa,Di ko sila mapipigilan na pumunta don dahil sumasakit ang ulo ko...parang pinipiga na ito sa subrang sakit.

Lagi rin akong inaalalayan ni Justine kapag nahihilo ako At natutumba dahil sa pagkahilo.Ayaw ko sana syang magpa iwan dito kasama ako pero mapilit sya,kaya wala na Kong magagawa di ko muna paiiralin ang sama ko ng loob sa kanya,Mas lalo lang sasakit ang ulo ko kapag pinairal ko pa yun.

"Justine Ikaw na bahala Kay Ann!Kapag nawala na yung sakit nang ulo niya sumunod nlang kayo dun.Pinatawag ko si Mang Tony sya nlang daw ang mag babantay ng camp natin.Baka mamaya dumating yun hintayin nyo nlang."Sabi ni Abbey.

"OK susunod kami ni Ann"-Justine.

"Sige ingat nalang kayo"-sabi ko

"Hays kung tutuusin mas gusto ko pang wag na ituloy itong pag punta sa ilog eh...kaso yung baboy at mga kasama niya ang mapilit eh.."-Abbey.

"Ano ka ba'Abbey!Susunod din kami ni Justine dun wag ka nga mag-alala Jan" sabi ko.

"Basta hihintayin namin kayo dun ah"

"Oo na susunod kami"

"Uyy! Abbey halika ka Dito!Ikaw mag bitbit nitong mga gamit mo" sigaw ni Christian.

"Grabe ka baboy!Ang gaan nga lang nitong dinala ko aarte kapa!Ang sabihin mo di mo kayang bitbitin sarili mo,Tababoy ka talaga"-Abbey.

"Aba! ikaw na Payatot ka! ah,Kagabi ka pang nang aasar ah,Kapag ako napikon papatulan na talaga kita."-Christian.

"Aba! hinahamon mo ko ng suntukan sige ba...Di ako papatalo sa yung baboy ka! kaya kitang ipatumba Jan!"

"Ano ba kayong dalawa kagabi pa kayo a! kapag di ako nakapag timpi ipapakasal ko kayong dalawa! Halata namang may gusto kayo sa isa't isa e! pinapahirapan niyo pa mga Sarili niyo!" Sigaw ni Eliza.

"Ews.ew.Yuck, As if naman mangyayari yun Eliza! Mahiya Ka nga walang makakagusto Dyan sa Baboy na Yan at kahit siya nalang nag-iisang lalaki sa bala't Ng lupa di ko Yan magugustuhan no, Baboy na nga! Masama pa ugali nyan magpapakamatay nalang Ako pag-ganun talaga nangyari pero never ever Yun talaga mangyayari" Mataray na sabi ni Abbey.

Hindi kumibo si Christian sa sinabi ni Abbey.Hinagis niya ang gamit ni abbey dito at umalis ng di man lang nagsalita.

"Anong nanyari don?" Tanong ni abbey.

"Harsh! Grabe Ka abbey bakit Naman ganun nasaktan mo Yung tao at kaibigan pa natin Yun! nagbibiro lang Naman Ako sa sinabi ko grabe Ka maka react don." Sabi ni Eliza.

"Huyy!dapat kasi di ka na nag Biro nang ganon" sabi ni Abbey.

"Mag sorry Ka Kay Christian, Abbey!" sabi ni Eliza.

"Ayoko nga bahala sya syaka bakit ko Naman gagawin Yun may kasalanan din Naman Yun sakin dapat mag sorry din sya sakin!"-Abbey

"Dami mong reklamo no!, Hindi Naman mahirap mag sorry!, Abbey you! hurt him! not physically but emotionally,Abbey Say sorry to him kung Hindi mo gagawin Yun Im going to tell this to others" mataray na saad ni Eliza.

"Hays!Sige na nga,Gagawin ko na pero dapat mag sorry din sya sakin."-Abbey

"Daming mong satsat Sis, halika ka na nga..nauna na yung Iba don..BTW Bye Ann See you later nalang pagbabatiin ko pa Yung dalawang mga isip bata e...Sunod kayo ah."-Eliza.

Tumango ako at ngumiti sa kanila. Hindi Nako nabahala sa dalawang iyon dahil alam kung magkakaayos din Ang dalawa nayon.

Pumunta na ko kung nasan si Justine.

Nakita ko si Justine na inaayos yung mga gamit niya.

"Ahm...Anong Oras kaya sila makakauwi?" Tanong ko..

"Mga 4 or 5 Ng hapon yata!" Sagot niya.

"Makakahabol pa pala tayo" sabi ko.

Tumalikod na ko sa kanya at pabalik na sana sa tent ko nang mag-salita sya.

"Ann please let me explain...Tungkol don samin ni Venus." Sabi nya.

"Justine pwede wag mona masakit ang ulo ko, baka sumakit lalo ito kung dadagdagan mo pa" sabi ko.

"Nag-rarason ka lang Ann, Please kahit mga ilang minuto lang Ann."

"Justine kahit mag explain ka pa,wala nang magbabago ilang beses na kitang binigyan ng chances pero Ano! sinayang mo lang, tapos hihingi ka na naman.,Nakakasawa na Justine..Sawang-sawa na ko"sabi ko nang di umiiyak sa harap niya.

"Ann, di ako perpektong tao nagkakamali rin ako, gusto kung magpaliwanag sayo pero kung yan na talaga ang desisyon mo, Wala na Kong magagawa ,Tatanggapin ko nalang kahit masakit, Kakayanin ko" sabi nito sa kanya at iniwan syang mag-isa.




____________________________________

Emma POV

Nakarating na kami sa ilog at lahat na nang kasama namin nagsasaya na..

"Emma...Halika punta tayo dun sa malaking bato na yun" sabi ni jack.

"Ahm--Sige" sagot ko.

Umakyat kami sa malaking bato ni Jack.

"Emma mag da-dive ako dito tapos sunod ikaw naman." Nakangiting saad ni jack.

"Baliw ka ba jack!Baka malumos lang ako nyan eh,Papatayin mo ba ko!" Sabi ko.

"Wag kang matakot Em.Ako bahala sayo nasa baba lang naman ako eh...Syaka di kita papatayin no,Importante ka kaya sakin maliban nalang..." saad ni jack pero di ko na narinig yung huli nyang sinabi dahil sa mga nagsisigawan sa baba.

"Tumalon na kayong dalawa..Em..Jack"

"Tama na...ang lambingan tumalon na kayo.!"

"Duwag siguro tong dalawa...Di kayo mag-tatagal nyan!"

Naiirita ako sa mga pinagsasabi nila.

"Ano nga yung sinabi mo..di ko narinig eh,ang ingay kasi nila." Tanong ko.

"Ang sabi ko Mahal kita Em!" Sigaw niya at biglang tumalon, tiningnan ko sya sa baba at Nagpalakpakan yung iba Kay Jack.

"Baliw ka talaga Jack,Dapat sabay tayo eh.." Sigaw ko.

"Kaya mo yan em! di kita hahayaan na malumos dito." Nakangiting saad ni jack.

"Sabi mo yan..kapag nalumos ako dito jack Yari ka sakin mamaya." Banta ko.

Pero Tumawa lang Ang gong².

Huminga ako ng malalim at nag ready sa pagtalon , hinanda ko na Sarili ko sa pagtalon pero Ng Papatalon na sana ako ng biglang nalang may nagtulak sakin at naramdaman ko nalang nasa ilalim na ko nang tubig.

Dumilat ako at nakita ko sya...Yung blacklady,Akmang sasakalin niya ako sa ilalim ng tubing ng may biglang humatak sakin pataas.

Nakita ko si Jack at niyakap ko sya.

"Emma, Ayos ka lang ba?Bakit ganon yung pag dive mo!Muntik nang tumama yung ulo mo don sa bato kanina alam mo bang nag-alala Ako sayo." Sabi niya.

Tulala Ako saglit pero nakabawi din Ng tinawag Niya ko ulit.

"Ahm--Natisod lang ako kaya ganon.Okay lang Naman Ako, Wag Kang OA Jan no." Sabi ko kahit Hindi Naman talaga dahil natakot din Ako kanina.

Nag-alala silang lahat sakin pero ako tudo ngiti nalang at laging sinasabi na OKay lang ako.Ayaw Kong sabihin na may blacklady lady na tumulak sakin.Hindi Rin Naman Sila maniniwala kapag Ganon.

"Jack! sumama ka kaya sa kanila...OK lang ako dito kasama ko naman si joy eh." Sabi ko.

"OKay di na ba masakit yang paa mo?"

"OKay na ko,.daplis lang naman to,OA ka talaga masyado." Natatawang Sabi ko kahit sya seryosong nakatingin padin sakin.

"Joy, paki tingnan nalang si Emma, punta lang ako saglit don sa mga yun babalik din Ako agad"-jack

"Aba! parang katulong mo ko kung makapag-utos ka ah..Char lang,Sige babantayan ko yang Emma ng buhay mo." Sabi ni Joy at napangisi sa huli nitong sinabi.

"Thanks Joy maaasahan talaga kita!" Ngiting Sabi ni jack.

Ngumiti lang ako Kay joy at umalis na si Jack.

"Swerte mo Emma Kay Jack!" Sabi niya.

"Ikaw rin naman Joy,Swerte Karin naman Kay Min"sabi ko

"Sinabi mo pa em. actually malapit na kaming magpakasal ni Min."ngiting sabi ni joy.

"Congrats sa kasal niyo Joy,kailan Ang kasal niyo? kung di Ako maka attend mag send ka nalang ng mga picture nyo a." Sabi ko.

"Bakit hindi ka ba makakapunta sa kasal namin, next month pa naman yun?" Malungkot na Saad nito.

"May Plano Kasi Akong pumuntang Japan
at Doon mag-aral ng Fine Arts. Alam mo Naman na pangarap kung magpatayo Ng exhibit don diba" sabi ko.

"Alam ko Naman Yun pero nasabi mo na ba ang tungkol dito Kay jack!"

"Di ko pa nasasabi sa kanya kasi baka pigilan niya ako at ayaw Kong mabigla sya,Please joy wag mong sa sabihin kay jack.Ako na ang mag sasabi kapag naka-uwi na tayong lahat." Sabi ko

Tumango sya at ngumiti sakin.Nag yakapan kami ni joy.Nang biglang...May sumigaw

Nagulat kaming dalawa ni Joy nang may sumigaw sa di kalayuan.

"Ano yun!"-tanong ni Joy

Alam ko kung sino Ang mga Yun.

"Sila abbey at Eliza! Puntahan natin sila."sabi ko at tumayo ako at Ganon din si Joy.

Pinuntahan namin ni joy sila Abbey at Eliza.

Naabutan namin na sumusuka si Eliza at umiiyak si abbey at Venus.

"Anong nanyari dito Abbey...Eliza,Venus?" Tanong ko.

May tinuro si Abbey samin at ganon nalang ang gulat namin ng makita si Christian.

Halos di ako makahinga sa nakita ko.Nakita ko si Christian nakahiga sa halamanan at bukas ang tyan nito...halos makita na namin ang mga lamang loob niya...

"My ghad Si--Chri-christian yan di ba!" Sabi ni joy at Bigla na lang syang naduwal.

Nagulat kami Ng biglang bumagsak si abbey at Buti nalang nahagip agad sya ni Joon at tinapik tapik ito para magising.

Pinaalis kami mga babae Doon at nasi iyakan at takot na takot kami sa Nangyayari Ngayon.

di ko kinaya Ang nakita ko ngayon at di ko na napigilang mapahagulgul ng iyak.

Lumapit sakin si jack at niyakap ko sya ng mahigpit.

Lahat ng mga lalaki ay nagkagulo at nag suka naman ang iba.

"Hey...Dito ka lang Emma.Wag ka nang pumunta don ulit, Okay!" Sabi niya.

"Jack si Christian!Patay na si Christian...Jack!" Hagulgul na iyak ko.

Niyakap ako ni jack ng matagal at nang mahimasmasan na ko.Pinuntahan na nila si Christian.Sama-sama kaming mga babae dito na naiwan.

"Sino may gawa non Kay Christian!bakit ganon.?" Iyak na sabi ni Joy.

"Omg! baka Oso or Lion na nakawala umalis na tayo Ngayon din dito" Saad ni Venus habang yakap Ang Sarili.

"No, Mali Ka Ng iniisip, may mga marka Ng sugat sa kamay na pawang tinali ito at basag Yung ribs at panga niya. Tao Ang may gawa nito nasa panganib tayong lahat" seryosong Saad ni bert Ng makalapit Samin.

"Tao Ang may gawa kung Ganon may killer Dito sa gitna Ng gubat" Saad ni Jhon.

"Omg! Tumawag tayo Ng pulis Ngayon na!Ayoko pa mamatay" Sigaw ni Venus.

"Walang signal remember, need talaga natin bumaba pero bago Yun kailangan natin isama si Christian Hindi natin iiwan Ang kaibigan natin sa gitna Ng gubat nato" malungkot na Saad ni Bert.

Walang ng sumagot saming lahat.Ito na nga ba!ang sinasabi ko eh...May masamang mangyayari ngayon eh...Dapat pinigilan ko na sila...dapat sinabi ko...Di sana mangyayari to...Kay Christian.kasalanan ko to eh...

"Wait si Justine at ann? Pano sila?" Iyak na sabi ni Eliza.

Napahinto ako sa pag iyak.

"Babalik tayo sa Camp kailangan lang Ng may maiwan para Bantayan Yung bangkay ni Christian hindi sya pwedeng itaas ulit" Sabi ni jack.

"Sinong maiiwan Dito?" Tanong ni Venus.

"Gusto kung maiwan Dito" biglang Saad ni Abbey di Namin namalayan na gising na Pala sya.

"Abbey naman" malungkot na Saad ko.

"Gusto ko samahan si Chris Dito, di Ako aalis sa tabi niya"malungkot na umiiyak na Saad ni Abbey at agad Naman na inalo sya ni Venus.

"Sasamahan ko sya dito, pakidala nalang Ng mga gamit Namin pagbaba niyo kunti lang Naman Yun bilisan niyo nalang para makaalis na tayo sa Lugar nato." Saad ni Venus.

"Sasamahan Namin Sila ni Joon at Prince" Saad ni Jhon.

"Salamat Jhon, prince at Joon kayo na bahala sa kanila babalik din Naman kami agad." Saad ko.

Tiningnan Namin sila at Tumango nalang.

"Sige, Babalik tayo sa Camp Kukunin natin lahat Ng gamit at aalis na Dito at Hihingi Ng tulong sa mga pulis agad." Saad ko sa lahat.

Inayos na Namin sa tabi lahat ng Ibang gamit na dinala Namin kanina at pagkatapos ay nag-umpisa ulit na umakyat para bumalik Ng camp.






A\N:medyo mahaba tong part na nato😅pero Salamat padin sa pagbabasa ng The Forest 🥰.#Vote#Comment#TheForest

Continue Reading

You'll Also Like

106K 16K 62
How Is it to have Found Love in Childhood Right ! A dream come true for many, Your soulmate is none other than your best friend from years Ever thoug...
25.9K 391 18
Hindi pa natatapos ang lahat. Imposibleng maulit yung mga nangyari dati. Pero posible ding maulit yun. Napag-planuhan nyong mag-bakasyon at sa gitna...
29.5K 248 17
Valentines special that was never released.
21.4K 260 20
here's some pics I stole from Four when he wasn't looking, quickly look at them before he com-