Throwback

1.2K 33 9
                                    


[Throwback]

Christian POV

'Sa dinami dami ng pwede Kong mahalin bakit yung Abbey payatot pa!' Naiinis na turan ni Christian sa sarili.

"Hindi dapat ako magka-gusto dun sa babaeng yon!kala mo kung sinong makapag-YUCK sakin kala mo maganda sya..."saad ni Christian habang naglalakad papuntang ilog.

"Uy Chris! (Second name ni Christian)Badtrip ka ata"Tanong ni Joonh. Pero di sya sinagot ni chris.

"Baka nag-away na naman siguro sila ng abbey nya"tukso ni jack.

"Grabe ang tagal niyo na plang nag aaway ni abbey! di man lang kayo nagkakasundo kahit minsan"-Prince

Pagkasabi nun ni prince ay bigla nlang nagalit sa kanila si Chris.

"Bahala nga kayo sa buhay niyo!Wala na ba kayong ma topic kaya ako nlang palagi ang topic niyo!Nakakainis na kayo ah"pagalit na turan ni chris.

"Chill ka lang pre!niloloko ka lang naman namin"pakalmang sabi ni prince.

"Pwes!Di ako natutuwa sa mga biro niyo!mga bwisit" inis na Saad ni Chris.

Bigla nalang nag walkout si Chris sa kanilang lahat.Umiba ng landas si Chris papuntang ilog.lahat sila ay napatahimik at nagsisihan naman yung iba.

Walang kaalam-alam si Chris sa lugar na tinatahak niya basta ang alam niya lang ay makalayo sya sa mga baliw niyang kaibigan.

Napahinto sa paglalakad si Chris ng may nakita syang batang babae na nagtatago sa malaking puno at nakasilip sa kanya.

"Huy!Ikaw!Alam mo ba kung saan ang papuntang ilog?"tanong niya sa babae.

Lumabas sa pinagtataguan na puno ang babae at lumapit sa kanya.Nakipagtitigan muna ito sa kanya bago sumagot.

"Opo, alam ko kung saan ang papuntang ilog 'Sasamahan kita papunta don kuya" saad ng batang babae.

"Sige!Oo nga pala Anong pangalan mo? At Bakit ka nandito sa gubat mag-isa?" Curious na tanong ni Chris.

"Ako po si Veronica, Kasama ko lang po ang kuya ko kanina kaso, di ko na po sya Nakita Dito nagpunta po Kasi ako ng ilog para maghugas Ng paa kaso biglang nawala na Si kuya Dito. kaya nung nakita kita akala ko masamang tao ka kaya nagtago ako sa puno."paliwanag ng batang babae.

"Ah'kaya pala,Wag kang mag-alala Veronica di akong masamang tao,Gusto mo hanapin na muna natin ang kuya mo Baka nag-aalala na yun sayo."-chris.

"Sasamahan mo ko?di ba sabi mo gusto mong makapunta sa ilog?"tanong ng Batang babae.

"Hanapin na muna natin kuya mo bago yun!" Nakangiting Saad ni Chris sa Bata.

"Sige po..Alam ko po nandon ko huli nakita ang kuya ko eh!"sabi nang bata at tinuro nito ang madilim na kakahuyan.

"Sigurado kang jan pumunta ang kuya mo?" pag-aalangang saad ni Chris.

"Opo, jan kong huling nakita ang kuya ko eh kumukuha po sya Doon Ng mga panggatong namin palagi." Ngiting Saad ng Batang babae.

"Ganon ba Sige, pumunta tayo dun at hanapin ang kuya mo"sabi ni Chris kahit na nag aalangan syang pumunta doon sa masukal na kakahuyan.

Malayo na ang napuntahan ni Chris at kasunod lang ni Chris ang bata sa likod niya.

"Oo nga pala Bata, Anong pangalan ng kuya mo?" tanong ni Christian.

"Pangalan po ng kuya ko, Tony po"saad ng bata.

The Forest Where stories live. Discover now