Dear Hoshi,
Hosh umuulan nanaman. Kaya wala akong ginawa kundi ang basahin ang ika anim na letter mo nabanggit mo yung tungkol sa Apple. Natatakam tuloy ako. Ikaw naman kasi eh pinapatakam mo ako sa Apple
Nga pala Hosh si Aiza nagpapatingin sa Psychiatrist. Baka pag gumaling na siya, nakakapasok na ulet siya
Sana di na siya gumawa ng kabaliwan no? Nakakatakot din siya Hosh eh
Nga pala pinakita sa akin ng Teacher niyo (Na Teacher namin sa Cpar) ang video mo habang sumasayaw. Grabe kilig na kilig ako habang pinapanood kita sa TV hosh. Ang pogi mo kasi habang sumasayaw!
Sabi ni maam dapat daw gayahin ka namin kasi next week sasayaw daw kami isa isa sa harap. Ang sama ni maam no? Sana kung ganun ako kagaling sumayaw gaya mo. Kaso di ako ganun kagaling eh. Ano kayang sasayawin ko? Sana nandito ka para turuan mo ako
Hmm. Ano kaya kung yung Nobody ng Wonder Girls? Ang ganda kasi ng choreo doon eh hehe. Feeling ko kaya ko namang gayahin
Nga pala Nakasuot na ako ng pajama gabi gabi. Takot na akong magka dengue ulet. Takot na ako sa Injection ngayon
Sana mamemorize ko agad yung dance steps. Bigyan mo naman ako ng talent sa pagsasayaw oh?
Ps. Hosh hihintayin ko na bigyan mo ako ng chocolates para yakapin kita at saka i kiss sa cheeks
Pps. Sana balang araw sabay tayong kakain ng Apple
Mag meme morize ng sayaw,
Ayeshyesha