Your Blood Is Mine

By FinnLoveVenn

1M 33.2K 1.8K

Fiolee Hernandez- isang simpleng dalaga na nais lang naman siyang i-crush back ng crush niya, pero nagbago an... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
AUTHOR's NOTE
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
EPILOGUE
BOOK II
THANK YOU

CHAPTER 9

19.9K 618 24
By FinnLoveVenn

MARSHALL's POV

"Gising na po master may pasok pa po kayo." parang nalindol bakit nayugyog ang paligid?

"Malalate po kayo pag 'di pa po kayo bumangon d'yan." hindi lindol 'yun men! ano 'yun? kaya minulat ko ang mata ko saka ko nakita ang maganda naming chimay.

"Goodmorning chimay." bati ko sa kaniya saka ko ngumitI, nakita ko na naman ang pisnge niya na namumula.

"Ah eh master malalate na po kayo." saka niya hinila ang kumot ko at pinagpagpag 'to at tiniklop. Habang ako nagkakamot ng ulo at naghikab.

Tumayo na ko saka dumaretsyo sa banyo at naligo, mga ilang minuto rin ako nagbabad dahil hanggang ngayon manghang mangha pa rin ako sa bahay na nilipatan ko. Dito kasi may bathtub at shower samantalang sa apartment ko mag iintay ka pa ng tulo ng tubig bago ka makaligo.

Nang makuntento ako saka ako umahon at nagbihis ng pang pasok ko. Paglabas ko ng banyo wala na 'yung chimay ko.

"Personal maid ko kaya 'yun?" Napakamot tuloy ako ng ulo saka lumabas sa kwarto ko para kumain.

"Lolo alis na ko." saka ako sumakay ng taxi papuntang school. Kumaway siya sa'kin at ganun din ako sa kaniya.

Dapat nga 'di na ko nag tataxi dahil ang gusto ni lolo James eh ihatid ako ng magara niyang sasakyan. Pero baka magtaka ang mga schoolmate ko kung bakit biglang yaman ko at makiusisa pa sa buhay ko. Mahirap na baka pumunta pa sila sa bahay at makahalata sa mga kilos namin. Mas mabuti na 'tong nag iingat kami.

Naglakad na ko papasok sa campus. Simula rin ng maging bampira ako feeling ko naging pogi ako mashado hahaha pwera biro kasi napapansin na ko ng mga babae sa school namin. Dati kasi payat pa ako at walang paki alam sa itsura ko pero ngayon nagkalaman ako at nag gi-gym pa. Naging conscious din ako sa itsura ko kaya 'to nag aayos na ko ng mukha ko.

"Hi Marshall." bati ng mga student na nakakasalubong ko. Ngiti lang ako ng ngiti saka sabi ng." hi." or." hello." Sa kanila. Ayoko naman silang isnobin dahil simulat sapul 'di naman ako artista o sikat na personalidad no. Mashado lang talaga akong pogi ngayon.

*ehem ehem*

Naglalakad na ko sa hallway ng building namin at pansin na pansin ko ang mga babae na nakatingin at pinag-uusapan ako. Ayoko ng ganito, feeling ko 'di na ko makakautot o makakangulangot sa ganitong sitwasyon.

"Goodmorning Marshall." pagpasok ko ng room binati agad ako ng mga kaklase ko.

"Goodmorning din." dumaretsyo ako sa upuan ko saka binati si Fiolee nang

"Hi Fiolee mas maganda ka pa sa umaga." kinindatan ko siya at ang mga kaklase kong nakatingin samin ay nag sitilian at parang kinikilig.

"Wala akong barya para sa pangunguto mo Marshall." saka niya ko inirapan. Lagi ba siyang may mens para mag taray ng ganito?

"Hahah ang taray mo talaga, humanda ka dudurugin ko kayo ni Prince mo." bulong ko sa kaniya. Saka ko binitawan ang pinakapangasar kong ngiti sa kaniya.

Nakita ko siyang namumula na sa galit kaya lalo akong na tawa.

"Wala akong pake! para sa puso ko panalo na siya no." teka ano daw? panalo na sa puso niya si Prince eh ang panget nun eh! putcha ano bang nakita niya sa mistong prinsipeng bading na 'yun?

"Tsk matatalo kayo! wala akong pake sa puso-puso na 'yan! importante eh talo kayo." humarap na ko sa board, nakakainis! takte ano naman kung ang panalo sa puso niya eh 'yung mistisong bading na 'yun. Wala akong pake! Matatalo sila tsk. Ako? Akong si Marshall Perez matatalo sa singing and writing contest?

UTOT!

Nang gigil ako na parang gusto kong mangagat, namimilipit na 'yung kamao ko sa ilalim ng desk ko. Gusto kong manapak!

Tumingin ako kay Fiolee, nakita ko siyang nakangiti habang hawak ang cellphone niya. Sino naman kaya ang ka-text niya? si Prince na naman 'yan tsk nakakainis!

"Goodmorning class." pumasok na si Sir at nag greet na rin kami. Bago niya ilapag 'yung mga gamit niya eh nag announce muna siya.

"Class this Friday na 'yung contest ah, kailangan niyong suportahan ang panlaban ng section natin na si Perez at isa pa sumali kayo sa ibang contest na palaro ng school natin para naman bago kayo grumaduate eh maranasan niyo 'yung mga ganun activity. Masaya 'yun class." nag usap-usap 'yung mga classmate ko, plano dito, usapa doon.

"Sir ano pa ba 'yung ibang event?" Tanong ni Bruce

"Magbasa ka nga sa bulletin board bata ka! lahat ng event at contest ay nakapost na doon. Kaya class sumali kayo, ginawa 'yun nga mga student council para sa inyong mga 4rth year." matapos nun nag simula na si Sir magturo.

Simula rin nang naging bampira ako nahilig ako magbasa ng libro at hindi man kayo makapaniwala natatapos ko ang isang libro sa isang oras lang. Lahat ng nababasa ko ay malinaw at naiintindihan ko. Kaya kahit hindi na ko makinig sa teacher ko ayos lang.

Binuksan ko 'yung notebook ko at nag drawing ng kung ano-ano sa likod nito, nag drawing ako ng isang lalaking nakangite ng malambing. Si Prince 'to mukhang bading eh tas nag drawing ako ng isang lalaking may pangil at nalipad sa ere. Sa gitna nila may babae na matcho, si Fiolee 'to amasona eh. Kung ano-ano din ang sinulat ko doon sa sobrang boring ko.

Natapos ang klase at break time na. Pumunta ako sa canteen para hanapin si Fiolee pero hindi ko siya makita kaya pumila na ko para bumili ng pagkain nagugutom na rin kasi ako.

"Pabili nga po isang dugo." nagtinginan 'yung mga kasunod ko sa pila. Sa sobrang gutom ko na dulas tuloy ang bibig ko.

"Ay sorry ate, akala ko may mga isaw-isaw din dito hehe." kinamot ko 'yung ulo ko. Takte nakakahiya! ilang taon na ko nag aaral dito tapos mukha akong walang kaalam alam!

"Hahaha ayos lang ijo, oh anong bibilihin mo?" naghagikhikan 'yung mga babaeng kasunod ko.

"Ahmm steak na lang po." pagkakuha ko ng tray nag hanap na ko ng bakanteng upuan. Dati pag nakain kami ni Fiolee paunahan pa kami pumwesto sa tapat ng electric pan eh. Ngayon solong solo ko 'yung table. nakakalungkot din pala.

Naglalakad na ko pabalik sa building ng napadaan ako sa garden ng school, 'di ko alam pero parang may pamilyar akong na amoy dito. Kaya sinundan ko ang amoy tutal maaga pa naman at mamaya pa ang next subject namin.

Kaso dapat pala hindi ko na tinuloy at dumaretsyo na ko sa classroom namin, dahil nakita ko sila Prince at Fiolee na sabay nakain sa ilalim ng puno. Masaya pa silang tignan at kung 'di mo sila kilala baka isipin mo na magkarelasyon sila.

Hindi ko alam pero ito na naman 'yung pakiramdam ko kagabi at kanina sa room. naiinis na naman ako sa kanilang dalawa.

Gusto kong sumabog sa inis, agad-agad akong tumakbo papalayo sa kanila at dinala ako ng paa ko sa likod ng building namin. Kung saan madaming puno na nagpapalilim sa kapaligiran at mga halaman na 'di na naasikaso ng gardener ng school.

Mataas ang mga damo dito pero hindi makalat at madumi, may mga bench at maliliit na upuan din naiwan dito. Siguro dito muna ako papalipas ng galit ko, baka kasi anong mangyari at makasakit pa ko ng tao.

Nag simulang mag dilim ang langit, mukhang nag babandyang bumuhos ang malakas na ulan. Ang mga dahon sa puno ay nagbabagsakan dahil sa ihip ng hangin. Sumabay pa ang panahon sa nararamdaman ko, nakakaawa naman talaga ako.

Lumipas ang oras at nakaramdam ako ng sakit ng tyan at tawag ng laman.
Nagugutom ako! Kailangan ko ng dugo pero saan ako kukuha dito? wala namang hayop o ibang pwedeng pagkunan sa lugar na 'to. Para na naman akong nawawala sa sarili at nanginginig ang buo kong katawan.

"Hoy anong ginagawa mo dito?" isang babae ang lumapit sa'kin. siya si Earlenne ang babaeng puro gulo ang alam gawin. Nakapamewang siyang humarap sa'kin at bukas ang dalawang botones ng blouse niya. Pinaka kinaiinisan ko 'tong babae na 'to sa buong school namin dahil hindi ko makakalimutan ang ginawa 'yang pagtulak kay Fiolee dati na nagdulot ng pagkapilay niya ng dalawang buwan. Bully siya at lagi siyang napapaaway, kumalat na rin ang scandal niya sa school pero wala siyang pakialam. Ilang beses na rin siyang umulit ng year niya dahil sa suspension niya at ngayon ito mukhang guguluhin niya pa ko.

"Umalis ka dito," sabi ko at pinipigilan ko ang isa kong kamay dahil nang gagalaiti na 'to at isa pa gutom ako ngayon.

"Akin ang lugar na 'to kaya ikaw umalis dito." may kinuha siyang sigarilyo saka 'to sinindihan, lumuhod siya ng bahagya saka niya binuga sa'kin ang usok nito. Hindi niya iniisp ang ginagawa niya! hindi niya alam nagtitimpi lang ako ngayon at pilit na pinipigilan ang sarili ko.

"Umalis kana dito! ako na ang nag sasabi sayo masama akong magalit." tumalikod ako sa kaniya.

"Talaga lang ha?" hinawakan niya ang kwelyo ko at nilapit ang mukha niya sa'kin, amoy na amoy ko ang sigarilyo niya. Tinitigan niya ang mga labi ko at kinagat niya naman ang sa kaniya. Anong tingin niya? maaakit niya ko?

"Alam mo, sikat ka sa school ngayon Marshall Perez." binaba niya ang mukha niya papunta sa leeg ko. Naiirita na ko sa kaniya nakakadiri siya!

"Gusto mo bang maging tayo?" hinalikan niya ko sa leeg. Ang kamao ko ay nanginginig na sa galit at ang mga pangil ko ay nakalabas na. Pinipigilan ko ang sarili ko pero ang sunod niyang ginawa,

Doon nagdilim ang paningin ko.

TO BE CONTINUED  

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 42.5K 58
Eve Henderson-a troublemaker, a tricky devil, a short-hot-tempered girl, a bitch with a heart, a bullyhater, a notorious hacker, a Mafia Heiress, a r...
3.2M 273K 54
Jewella Leticia is willing to face the biggest war to rewrite the conflicted past of Nemetio Spiran- a world she thought she would only need to see f...
383K 8.4K 80
Prologue: How to be a gangster? - Never care - Never have mercy - Fight or die - Kill or be killed - Fight fairly - Never surrender - Be the stronges...
163K 4.8K 45
Was there any hope when all of his senses demanded him to kill her when his heart only wish was to spend a day with her?