Secrets of the Muse

By ZealousEina

234K 10.9K 2.8K

Secrets. Fights. Lies. Betrayal. Pain. Hindi kasama sa plano ni Charl ang pagpasok niya sa Class 3-A nang map... More

SOTM
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

Chapter 18

3.4K 142 29
By ZealousEina

[Charl's PoV]

"Lo," bati ko sa taong nasa kabilang linya matapos sagutin ang tawag ni Lolo Bry sa landline.

Tahimik lang naman si Lolo sa kabilang linya nang ilang minuto bago ito sumagot. "How's life there, Princess?" tila pagod ang boses nito.

Napatingin ako sa wall clock at nakitang mag aalas onse na nang gabi. Dapat natutulog na si lolo pero heto siya, tumawag pa talaga para lang mangamusta?

I felt guilty all of a sudden. Binigyan ko pa siya nang malaking problema gayong marami na siyang iniisip at inaasikaso. "I'm fine, Lo. Uno and Dos are taking care of me. Nakaka-adjust na rin ako kahit papaano sa bagong school."

He hummed in response, indicating that he was following what I was saying. "Hindi ka naman ba gumagawa pa ng gulo diyan?" may pagdududang tanong nito na ikinatawa ko,

"Wala po, Lo. Hindi pa nga naaayos kaso ko diyan sa Isabela, gagawa na agad ako dito sa Manila?"    

Napabuntong hininga nalang din ako sa sariling nasabi. Dapat ay nasa US pa si lolo ngayon at hinahawakan ang kompanyang tinayo nila ni lola pero heto at umuwi pa talaga siya para maayos ang gusot ko.

"Good to know. Sooner or later, makakabalik ka na rin dito sa Isabela. Malapit na, Princess. Pero kung ako lang, mas gugustuhin kong sumama ka nalang sa'min sa US at do'n na magpatuloy nang pag-aaral."

Mahihimigan ang pagtatampo sa boses ni lolo na alam kog ako ang dahilan. Matapos kasi niyang mapauwi sa Pinas at malaman ang gulong pinasok ko, ginusto niyang ilayo nalang ako dito sa Pilipinas pero hindi ako pumayag.

        

Masyadong maraming bagay akong ayaw na iwanan dito. Maraming bagay pa rin akong dapat na tapusin. Saka ayoko ring iwan si Prince...

"You don't have to say anything, Princess. I understand. Pero kung magbabago ang isip mo, I'm one call away."

Matapos ang pag-uusap namin, pumanhik na ko sa kwarto ko. Habang naglalakad sa hagdan, pinag-iisipan ko rin ang naging pag-uusap namin ni lolo. At habang mas iniisip ko ang bagay na 'yon, mas tumitindi ang kagustuhan kong manatili rito sa Pilipinas dahil ayokong takbuhan ang mga kinakaharap kong problema. Pero umalis ka nang Isabela para tumakas sa gulo mo ro'n.

'Nah, wala na sa Isabela ang gulo ko. Nandito na sa Manila. What's left in Isabela was the aftermath of my unintelligent decisions.'

Nang makarating sa tapat ng kuwarto ko, agad kong pinihit ang seradura nito. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok pagkabukas ng pinto ay agad akong napatigil sa may bukana. May nakahiga sa kama ko.

Napabuntong hiningang pumasok ako sa sariling kuwarto bago sinara ang pinto at ni-lock saka lumapit sa kama

"Kapag nalaman ni Uno na nandito ka sa kwarto ko, baka i-cut niya ang allowance mo," sabi ko rito bago naupo sa kama

Nanatili lang naman siyang nakatihaya at nakatingin sakin bago umurong nang kaunti at tinapik ang space sa tabi niya. Nang hindi ako gumalaw, hinatak niya ang braso ko dahilan para mapahiga ako sa tabi niya na agad naman niyang sinamantala at pinulupot ang braso sa aking bewang.

     

"I'm tired, Charl." 

"Matulog ka na sa kwarto mo, Dos." Mas humigpit ang yakap niya.

"Hindi ako makatulog mag-isa ngayon. Let me sleep here, please?" he begged like a kid.

Natahimik naman ako sandali bago gumalaw at humarap sakanya. "We'll be in trouble if Uno finds out."

He buried his face on my neck. "I don't care. He can do whatever he wants." Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang pagbigat nang kaniyang paghinga at naririnig ang mahina niyang paghilik. 

Napahugot nalang ako nang malalim na hininga at isinuklay ang buhok nito gamit ang kamay ko.

"This is wrong, you know? We're cousins." And I'm in a relationship with someone.

Bahagya akong napaigtad nang maramdamang mas sumiksik pa siya sa leeg ko. "I don't care."

'But you should care, silly. Dahil alam kong pagsisisihan mo rin 'yang nararamdaman mo para sakin oras na malaman mo kung sino ka ba talaga.' Piping usal ko at marahang tinapik tapik ang ulo niya. 'You should care, Dos. Kasi kapag pinilit mo 'to, ikaw lang ang masasaktan sa huli.'

Nang masigurong malalim na ang tulog ng pinsan, maingat kong inalis ang mahigpit niyang brasong nakapulupot sa akin at tinungo ang study table ko kung saan nandon ang cellphone ko.

Una kong binuksan ang messenger ko para mag-check ng mga messages. Hindi na rin ako nagulat na in-add ako ni Ali at nag-send pa ng wave sticker sakin sabay sabing 'ay napindot'. Napapailing nalang ako kasi pang-apat na tao na siyang gumagawa sakin no'n ngayong linggo.

     

The first one was Grayson, the second one was Mike and the third one was Dan. Ang kuwento sakin ni Dan, uso raw ang gano'ng paraan para mapansin ka ng crush mo. Sinubukan lang niya sakin para makita kung anong magiging reaksiyon. After all, nag-chat siya no'n nung magkatabi kami sa room kaya nagtaka pa 'ko at tinanong siya. Sa kaso naman nina Gray at Mike, mukhang nakakahiligan akong pag trip-an ng dalawa na minsan ay pinapatulan ko pero madalas ay pinagsasawalang bahala nalang.

      

Natatawang nag-send nalang ako ng like sticker kay Ali bago nag switch ng account at binuksan ang kay Prince. We usually check each other inboxes kasi madalas, sakaniya nag-me-message ang mga taong may kinalaman sa business naming dalawa. Kusa niyang binigay ang account niya para lagi akong updated sa bawat plano at pangyayari. Samantala, binigay ko naman ang account ko sakaniya para maging fair no'ng binigay niya ang kaniya sakin.

I was busy reading the unread messages na galing sa mga kakilala namin nang may isang pamilyar na pangalan akong nakita sa inbox niya. 

Quennie Lacsamana

Agad na pinindot ko ang usapan nila at una kong nakita ang huling mensahe ni Prince para sa babae.

'3-A misses their Muse. When are you coming back?'

 Kahit alam kong pangingialam na nang privacy ang pag-scroll ko sa mga nauna nilang chat, hindi ko parin napigilan ang sarili at binasa talaga mula umpisa ang naging palitan nila ng mensahe. Nakita ko kung paanong ilang beses na nagka-video call ang dalawa.  And it all started three days ago.

-REVISED-

Continue Reading

You'll Also Like

3.1K 80 27
This story tells about the students of 10-C who tries to fight with the unbelievable happening in their City.
455K 18.8K 54
Siya si Hyeri Rodriguez. Basagulera, matigas ang ulo, at palaban kaya laging nasasangkot sa gulo. Simple lang siyang namumuhay sa bayan nila. Pero ma...
5.6K 593 32
Disinfection gone wrong *** When a contagious disease which could be transferred human-to-human through inhalation hit in the world, government thoug...
287K 7.5K 56
When the world full of lies, heartbreaks and deaths overcame them, it was too late and they can't get out without killing anyone. To survive, you mus...