My GF Is So Panget (Various F...

By PrinceofBanat

1.8M 11.2K 4.4K

Mukhang prinsepe ang lalake. Usap-usapang mangkukulam naman ang babae. Sa mundo kung saan namumuhay ang iba't... More

Prologue and Chapter 1: The Voice
Chapter 2: Beleaguered Prince
Chapter 3: Kiss From A Witch
Chapter 4: Weapon of Miss Destruction
Chapter 5: He Who Persists
Chapter 6: In Action
Chapter 7: To Live with a Witch
Chapter 8: Just Us
Chapter 9: Tell Me Where It Hurts
Chapter 10: Newly Found Wall
Chapter 11: Flash Drive
Chapter 12: The Attack of the Flirting Prince
Chapter 13: The Road
Chapter 14: First 143
Chapter 15: Unsuitable
Chapter 16: First Date with Flirt Mate
Chapter 17: Davember
Chapter 18: The Only Exception
Chapter 19: The Battle
Chapter 20: Broken Friendship
Chapter 21: The Best Joke In Town
Chapter 22: My World
Chapter 24: Relationship Status
Chapter 25: Is There One or None?
Chapter 26: Wake Me Up When September Comes
Chapter 27: Fucking Monthsary
Chapter 28: Ube
Chapter 29: Annoying Call
Chapter 30: Freed from a Fib
Chapter 31: The Decision
Chapter 32: Worst Feeling Ever
Chapter 33: I Love You Versus I Love You Too
Chapter 34: Eclipse
Chapter 35: Fujiwara Effect
Chapter 36: Tears of Joy
Chapter 37: Ube Mooncake
Chapter 38: The Extra Part 1
Chapter 39: The Extra Part 2
Chapter 40: Rainbow
Chapter 41: Compunction of An Ex-Angel
Chapter 42: This Week Is Not Weak To Make Me Miss My Miss
Chapter 43: I Seriously Hate One Lizard
Chapter 44: No More Ube
Chapter 45: One More Lonely Girl
Chapter 46: Lost
Chapter 47: The Longest Word in the World
Chapter 48: Very Weary Christmas
Chapter 49: Silent Lover Here
Chapter 50: A Free Rapunzel
Chapter 51: Doomsday
Chapter 52: Crownless Princess
Chapter 53: Raise the White Flag
Chapter 54: Supernova
Chapter 55: Blood Tension
Chapter 56: Scars of the Stars
Chapter 57: No More Eclipse
Chapter 58: When Fate In Disguise Reveals Reality, It Sucks, Fucks, and Cracks
Chapter 60: Various Ways of Saying I Love You
Epilogue

Chapter 23: Beauty Over Ordinary

31.5K 149 43
By PrinceofBanat

Chapter 23:

 Maggie

November 23 na bukas--first monthsary namin ni Dave. Matapos ang almost 2 years, bukas rin ang unang buwan na hindi na si Jules ang boyfriend ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Excitement ba 'to? Ano kayang mangyayari bukas? Haay! May surprise kaya si Dave para sa akin? Siguro kaya siya nag-effort kanina na lambingin ako, kasi alam niya na bukas na ang first monthsary namin kaya ayaw niya na mag-away kami. Awww!!! Nanginginig ang leeg ko sa kilig.

Bago ako umuwi ng bahay ay dumaan muna ako sa supermarket para bumili ng ingredients para sa spaghetti. Naalala ko na hindi natikman ni Dave 'yung ginawa ko noon dahil inubos iyon ni Jaime.

"Late ka na, ate" ang pambungad sa akin ni MJ nang makauwi na ako.

"Nag-text ako kay mama." Wala pa si mama sa bahay kasi busy siya ngayon sa Palomo's kasi na-promote na siya ng tita ko as executive chef kaya malamang ay mamayang 9:00 o 10:00 PM pa siya makakauwi. Iyon ang totoong dahilan ko noon kaya ayaw kong kumain kami ni Dave doon. Pagmamayari iyon ng tita ko, pinsan ni mama, at dun si mama nagtatrabaho as chef. Now, she's the executive chef of Palomo's.

"Magluluto ka ng spaghetti, ate? May ulam na tayo, ah. Fried chicken -- ipainit na lang daw sabi ni mama" ang sabi sa akin ni Marian.

"Marian, dadalhin ko 'to bukas sa school. Hindi natin 'to kakainin ngayon."

Nang matapos na kaming maghapunan at masigurado kong gumagawa na ng kanilang homework ang mga kapatid ko ay sinimulan ko na ang pagluto ng spaghetti.

Naisip ko rin na tama si Don-Don. Enjoy-in muna namin ang mga unang araw ng suspension namin. Mali ito actually, dahil hindi tama ang ma-suspend, pero wala naman sigurong masama kung mage-enjoy muna kami, lalo na't monthsary namin ni Dave bukas.

Eee. Kinikilig ako. Ano kayang mangyayari? Hindi man lang nagte-text si Dave. Ayoko namang maunang mag-text. Hello?! Ako ang babae. Hehe. Ang arte ko. Basta ako, may surprise na ako sa kanya, itong spaghetti ko!

Naalala ko ang text sa akin ni Allan kanina about school. Nai-PM niya na raw sa akin ang mga dapat pag-aralan, pero nag-reply ako kanina na bukas ko na lang titignan. Isa pa, late na, at sa totoo lang, monthsary namin bukas ni Dave. Hindi na ako nag-online kasi kailangan kong mag-beauty rest -- ambisyosa! HAHA. Tumingin ako sa salamin, wala naman akong nakitang beauty, so rest lang siguro ang kailangan.

Nakauwi na si mama. Nailagay ko na rin sa fridge ang spaghetti. Tulog na rin ang mga kapatid ko, kaya nang makapag-good night na ako kay mama ay umakyat na ako at pumasok sa kwarto ko. Gigising na lang ako nang maaga para maihanda ang dadalhin kong spaghetti bukas.

Kinapa-kapa ko ang cell phone ko sa bulsa ko. Hinanap ko rin sa kama at study table ko, pero wala, kaya naisipan kong bumaba uli -- baka nakalimutan ko sa kusina. Nakita ko iyon na nakapatong sa lamesa kaya kinuha ko agad. Nang tignan ko ito, nakita ko sa notification ang 2 missed calls ni Dave at 5 text messages -- 3 out of 5 ay text mula kay Dave.

Ang 2 other SMS na natanggap ko ay GM mula sa iba kong kaibigan. Una kong nabasa na text ni Dave ay ang "Good night, see u tom! :3"; kasunod naman ang "Ba't 'di mo sinasagot ang tawag ko?"; at huli ang "Hindi ka ba online sa FB? May sasabihin ako..."

Nag-reply ako agad kay Dave ng "Dave, sorry! Luh! Nk-silent mode kc ang cp q knna. Sorry tlga. Tska my gngwa aq knna. Sorry uli. Gud nyt qng gcng kp, qng morning m n 2 mbbsa, gud morning! Luv u!"

Ano kaya ang sasabihin ni Dave? Na-excite ako bigla. Shit! Siguro about sa monthsary namin bukas ang sasabihin niya? Eee...ewan! Come what may! Makatulog na nga!

Dave

"Hindi siya maganda" ang huli kong narinig mula kay mommy, na paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko, habang nakahiga ako sa kama ko.

Maganda ang mommy ko. Kadalasan pa nga ay napapagkamalan siyang ate ko, dahil mukha siyang bata kahit 43 y.o. na siya.

She's fond of beauty. Bata pa lang ako, puro mga magagandang bagay lang ang nakikita kong ginagawa at ginugusto niya. Sa ayos ng bahay, pananamit, at mukha, laging maganda lang ang gusto niya. Marahil ay si mommy ang dahilan kung bakit nasanay rin ako na magaganda lang ang naa-appreciate, at kung bakit ang taas ng tingin ko sa sarili ko.

Noong bata ako, ayaw ni mommy na lalabas ako na madungis. Nagagalit din siya kapag uuwi ako mula sa school na madumi o mabaho, kaya noong elementary ako, inggit na inggit ako sa mga kaklase kong masayang naglalaro, pawis na pawis at walang pakialam sa ayos o amoy nila.

Maging sa loob lang ng bahay ay ayaw niyang nakikita kaming magkakapatid na hindi maayos ang hitsura. "Physical appearance is part of personality" ang lagi niyang sinasabi sa aming magkakapatid. Kapag inayos mo ang hitsura mo, ibig sabihin daw gusto mo ang sarili mo, kaya magugustuhan ka rin ng mga tao, kasi nga "People get easily attracted to beauty."

Sa aming tatlong magkakapatid. Si ate Erika ang pinaka malapit sa personalidad ni mommy. Malamang, babae siya, eh. Nasa France ngayon si ate para mag-aral ng Fashion Design. Kung si ate ang closest to mommy's personality, si Jaime naman ang pinaka malayo. Wala siyang pakialam kung maayos ang hitsura niya o kaya maganda ang mga bagay na meron siya, kaya sa amin tatlo, sa kanya pinaka madalas mainis si mommy. Nang ipaalam ko pa nga sa kanya na si Maggie ang girlfriend ko ay hindi siya nag-react ng hindi maganda. Nagtaka lang siya kung bakit si Maggie dahil alam niya ang mga tipo kong babae, pero hindi siya nagbigay ng hindi magandang komento o reaksyon. Iyon rin siguro ang dahilan kung bakit nagkaroon ako ng lakas ng loob na i-confess ko sa kanya ang tungkol sa amin ni Maggie -- hindi siya judgmental pagdating sa appearance.

Ako naman, I like pretty girls, honestly, kaya nga siguro masyado akong na-fall kay Lani. She's everything I wanted to a girl -- she was.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman kong ito. Ayoko kay Maggie. Hindi siya ang ideal girl ko, pero ba't ganito ang nararamdaman ko? Ako ang nalungkot nang sobra nang tignan siya nang mapanglait nina tita Marissa at kuya Albert kanina. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi ko gusto ang mapalungkot siya. Nang umiyak siya sa harap ko, parang gustong-gusto ko siyang patahanin. Higit sa lahat, ang gaan-gaan ng pakiramdam ko nang mag-I love you ako kanina sa kanya. Nakalimutan ko yatang ginagamit ko lang siya. Teka, ginagamit ko pa rin ba siya?

Inisip ko si Lani. Inilarawan ko siya sa utak ko nang nakangiti habang sinasabi niya ang pangalan ko -- wala na -- wala na akong nararamdaman para sa kanya.

Inilarawan ko naman si Maggie -- shit -- napangiti ako bigla.

"Arggghhh!!!" Mula sa pagkakahiga ay napaupo ako bigla at ipinatong ang mga kamay ko sa ulo ko habang nakayuko.

Have I fallen in love with Maggie?

Tok! Tok! Tok!

Biglang may kumatok sa kwarto. Tinignan ko ang oras. 6:30PM pa lang. Usually, 7:00PM kami nagdi-dinner, kaya malamang, hindi si yaya ang kumakatok para tawagin ako para sa hapunan.

"Sino 'yan?" ang tanong ko sa kumakatok.

"Anak, si mommy 'to!"

BULL!!! What the fuck! Grabeng timing 'to, ah! Si mommy ang dahilan ng pagse-senti ko ngayon, and then, ayan, ayan na siya kumakatok sa kwarto ko.

Kinabahan ako bigla. Will she ask me about Maggie? Honestly, confused pa ako. Ewan! Paano 'to? Mag-act na lang kaya ako na natutulog? O kaya nag-aaral? O kaya naglalaro? Kinuha ko agad ang PSP ko sa drawer ko, at binuksan para pagpasok ni mommy ay makita niyang busy ako.

"Nak, open the door".

"Sandali lang po, my!"

"OK."

Binuksan ko ang kwarto at nagbeso kay mommy dahil hindi nga ako nakapagsabi sa kanya kanina na nakauwi na ako, at pagkatapos ay agad akong bumalik at tumalon pahiga sa kama ko.

"Dave, let's talk" ani mommy.

Patay, eto na nga. Hindi pa ako handa. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Mmm..."

"Dave, stop playing. Later na lang 'yan, anak."

"Teka lang po, my! I'm busy."

"Stop it. Now!"

Authoritative na ang tono ni mommy kaya tumigil na ako. Pucha! Eto na! Wala na akong kawala.

"Ano po ba 'yung sasabihin mo?"

Lumapit siya sa akin at inipit niya ng kamay niya ang mukha ko at in-assess ako as if my something wrong sa akin.

"Are you OK, son?"

"I guess, my! I mean I am, my! Of course!"

Inalis niya na ang kamay niya pero she's still looking at me straight to my eye -- ako na lang ang umiiwas ng tingin dahil nao-awkward-an ako.

"Wala ka bang weird things na nararamdaman sa katawan mo?"

"Wala po."

"Really? Eh, do you know where you are?"

"What the -- sorry, my!" Muntik na akong mapamura sa harap niya. "I mean, my, syempre naman po! Nandito ako sa kwarto ko."

"What's the date today?"

"I'm not psycho, my!" Nainis na ako sa mga tanong niya kaya humiga na lang ako at ini-snob siya.

"Dave, sit down!" At umupo ako uli. Takot ako kay mommy kapag ganyan na ang tono niya.

"Mommy, ba't 'di niyo na lang po kasi ako diretsuhin? My, today is November 22, and the day after tomorrow is your birthday! OK na po ba?!"

"Aww, nak -- kasi, sige, I'll make it sraight. May nakausap akong parent ng isa sa mga schoolmates mo. Eh, usap-usapan daw na you're being potioned. Kinukulam ka daw?! Anak, are you obsessed with someone now?"

"My -- ugh" Napahawak ako sa noo ko, saka ko itinuloy ang sinasabi ko. "Ano po bang pinapanuod niyo lately?"

"Anak, I'm serious."

"Ako din po."

"Then answer me straight. Are you obsessed with someone now?"

"I don't know, my! Hindi ako kinukulam. Hindi ako obsesses sa isang tao." Hindi nga ba talaga? Naguguluhan na talaga ako, fuck!

"May girlfriend ka na." Tumaas 'yung kaliwang kilay niya. Hinid siya nagtatanong. Sinabi niya talaga iyon as if alam niya.

"Opo."

"Eh, bakit hindi mo ipinapakilala sa akin?"

"my -- "

"I saw her--sa Facebook." Pinutol niya ako agad at hindi na nakapagsalita.

"Kailan mo siya planong ipakilala? Sa birthday ko? Anak, are you serious with that girl? Kung hindi, I'm not willing to meet her."

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Tumayo na agad si mommy at hindi na naghintay ng sasabihin ko.

"Get up. Dinner is ready in a few minutes. Sumunod ka na sa baba, ha!" Tumalikod na siya at lumabas na ng kwarto ko.

As expected, hindi ko pa talaga pwedeng ipakilala si Maggie kay mommy. Kahit hindi niya sinabi sa akin nang diretso, alam kong ayaw niyang ipakilala ko sa kanya si Maggie, dahil hindi siya ang alam ni mommy-ng ideal girl ko, lalong hindi siya ang ideal girl ni mommy para sa akin.

Since I was a kid, puro magagandang babae lang ang ipinapakilala niya sa akin. Lahat yata ng magagandang babaeng anak ng mga amiga niya, ipinapakilala niya sa akin, lalo na nang malaman niya ang realsyon namin noon ni September. Pilit nila ni daddy akong inilalayo kay September noon. September's father and my father are childhood rivals, kaya kontra ang mga parents namin sa aming dalawa noon.

Arrgghh!!! Gulong-gulo na ang utak ko. Naisipan ko na lang na bumaba para kumain nang makalimutan ko sandali ang mga gumugulo sa isip ko.

Tahimik lang ako sa dinner, at binilisan ko ang pagkain ko. Umiiwas ako na makipag-usap kay mommy dahil, honestly, hindi ko talaga alam ang sasabihin ko; kaya nang matapos na akong kumain ay nagpaalam na akong babalik sa kwarto ko.

Naisipan ko munang maglaro online, pero temporary lang na nawala ang mga gumugulo sa isip ko, kaya naisipan ko na lang ang mag-log in sa Facebook para makita kung sino sa mga kaibigan ko ang online. Walang online sa kanila kahit isa, at nang sunod-sunuran na ang mga nag-pop out para makipag-chat sa akin ay in-offline ko na lang ang chat ko.

Nag-browse ako ng mga bagong pictures na in-upload ng grupo, at dahil sa kaka-browse ko ay nakita ko ang ibang comments ng mga relatives ko tungkol sa amin ni Maggie.

"Is she really Dave's GF?"

"GF ni Dave???"

"Anong nagyari? Nasan na si Lani?"

"Hey, Dave! Who's that girl? Don't tell me..."

"GF mo Dave? Weh???"

"Bakit ang sweet nila? Ano siya ni Dave?"

Ang mga negative comments sa mga photos ko ay agad kong pinagde-delete. Hindi ko nga lang maide-delete ang iba dahil uploaded ang mga iyon sa account nina Chloe at Don-Don, kaya nag-PM ako sa kanila na i-delete ang mga negative comments.

Nang puntahan ko naman ang group page ng mga kamag-anak ko ay usap-usapan rin kami doon, kaya sa sobrang inis ko ay ni-remove ko ang sarili ko from them.

Hindi ko na namalayan na kanina pa pala akong naka-kunot ang noo. Nabubwisit ako sa mga binasa ko. Nahihiya. Naiinis. UGH!

Nag-reply na si Don-Don sa PM ko sa kanya!

"Hey, 'tol! Deleted na!"

Don-Don

Nang mabasa ko ang PM ni Dave na i-delete ang mga negative comments sa mga photos nila ni Maggie ay agad kong hinanap ang mga iyon para burahin, pagkatapos ay nag-reply na ako kay Dave.

Nag-chat kami.

Dave: salamat tol!

Don-Don: ok nb?

Dave: tol sa tingin mo alisin ko n lng relationxp status nmin ni Maggie?

Don-Don: bkt, break nb kau?

Dave: hnd, pero alam n ni mommy dhil s fb. Tska kita m nmn mga comment ng mga relatives q. Tsaka alam m b kung bat kami nag-away knina ni Maggie? Kasi sinabi ko sa tita at pinsan q knna n GF ko siya, pero binawi q, sabi q JOKE lang!.

Don-Don: gago k pla, tol, eh! ewan q sau! qng hnd m mahal c Maggie. Bat m xa ginrlfrnd? Ikinkhiya m b sya?

Dave: hnd yun tol! Hnd s iknkhiya q siya. Auq lng mabasa niya yung mga ganun kasi alam q, malulungkot siya.

Don-Don: hnd m aq sinagot. bat m sya ginrlfrnd qng hnd m xa mahal?

Hindi siya agad sumagot. Kilala ko si Dave. Hindi si Maggie ang tipo niyang babae. Mga babaeng mukhang anghel, o mukhang model, o mukhang artista ang lagi niyang nagugustuhan, kaya nga ng malaman kong sila na ni Maggie ay agad akong nagduda. Pumasok sa isip ko ang pagiging witch ni Maggie, pero nang ipaalala ko sa kanya si September, dun ko nalaman na hindi siya under Maggie's spell. At dahil dun, lalo akong napaisip kung bakit si Maggie ang girlfriend niya ngayon. Marahil ay dahil kay Lani. Iniisip ko na baka ginagamit niya lang si Maggie para pagselosin si Lani.

Sa totoo lang, naiinis ako kay Dave. Naiinis ako dahil alam kong hindi totoo ang ipinapakita niya kay Maggie. Naiinis ako dahil hindi deserving si Maggie sa ginagawa ni Dave. Naiinis ako kasi --

Nag-reply na si Dave.

Dave: tol, I think I like Maggie.

Whoa! Like? Girlfriend niya na, like pa lang? Wala ba kahit konting love?

Don-Don: whoa, tol! Like? GF mo na, like pa lang?

Dave: tol, hnd m naiintndhan, eh. At first, fine, I confess, gnamit q lng si Maggie para pagselosin si Lani, pero ngayon, na-realize q n n wala n aqng feelings kay Lani, kundi kay Maggie na.

ASSHOLE! Sabi na, eh! Napakamot ako sa ulo ko dahil sa inis ko kay Dave.

Don-Don: tol, ang babae, napkin 'yan! Hindi dapat ginagamit ng lalake! Ang babae, mataas ang lead-content niyan, kaya hindi dapat pinaglalaruan! 'Di ba nga, quote mo 'yan sa akin dati?

Dave: ay, ewan! Basta! hnd m rn nmn maiintindihan. Ano? Ok lang ba na alisin q n lng ang relaxnshp status namin 2? Tinetxt q siya, hnd siya nagrereply. Tinwagan q hnd rn sumasagot

Don-Don: ewan q sau! bahala ka!

Dave: basta, tol, kung ano ung cnabi q sau, kht ky Dan, wag mng ssbihin ha!

Don-Don: fine!

Ilang minuto lang ang nakalipas "David Angeles de los Santos is now single" ang sabi sa timeline.

Dave

Magkahawak kamay kami ni Maggie habang naglalakad sa mall. Napansin kong nakatingin ang halos lahat sa amin. Hindi ko alam kung bakit. Nagbubulung-bulungan pa sila.

"Dave?" ani Maggie.

"H'wag mo silang pansinin."

Hindi ko namalayan na pabilis na nang pabilis ang paglalakad namin ni Maggie habang magkahawak kami ng kamay, pero kahit ganun ay hindi pa rin mawala ang mapanlait na paningin sa amin ng mga tao, at ang bulung-bulungan nila -- nakakabingi.

Nagdahan-dahan ako sa paglakad ngunit mahigpit pa ring hinahawakan ng kanang kamay ko ang kaliwang kamay ni Maggie -- nang bigla ay napatingin ako sa kanya. Punong-puno ng hiya at lungkot ang mga mata niya na pati ako ay naapektuhan na.

Nang makita ko ang reaksyon ng mga mata niya ay lalong bumilis ang paghinga ko.

Tumigil kami sa paglakad. Tumingin ako sa paligid. Ang daming tao. Lahat sila tumatawa. Nilalait kami sa patingin-tingin at pabulong-bulong, kaya sa sobrang galit ko, binitawan ko si Maggie.

Lumapit ako sa lalakeng mataba na kung maka-grin ay akala mo kung sinong gwapo. Nang makalapit ako ay walang tigil ko siyang pinagsusuntok hanggang sa makita ko nang dumudugo na ang mukha niya.

Nakaramdam ako ng matinding init ng katawan. Naramdaman kong balot na balot ako ng makapal kong kumot kaya iniangat ko ito para alisin sa katawan ko, saka ko hinila pataas ang sando ko na halos hubarin ko na. Nang makapa ko ang katawan ko, nalaman ko na lang na basang-basa na pala ako ng pawis.

Naramdaman ko bigla ang lamig ng paligid dahil sa aircon. Panaginip lang pala ang lahat. Nakapikit pa rin ako. Pero ramdam ko ang paligid. Alam kong madilim pa rin. Malamig, pero pinagpapawisan ako. At higit sa lahat, damang-dama ko pa rin ang galit na naramdaman ko mula sa naputol kong panaginip.

Hinayaan ko na lang ang sarili ko na makatulog uli.

Maggie

Nagising na ako, pero madilim pa rin. Malamang 4:00 AM pa lang. Nang tignan ko ang oras sa cp ko ay nalaman kong 4:15 AM na. Hindi na ako inaantok. Gising na gising na ang diwa ko. Ano 'to? Excited lang? Wala akong maalalang napanaginipan sa pagtulog ko kaya ang sarap ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko ang haba ng naging tulog ko.

Gising na si sleeping beauty! Beauty? haha.

Ano kayang mangyayari mamaya? Ano kaya 'yung sasabihin sana ni Dave kagabi? Could it be his plan? May date kaya kami mamaya? Kung meron, saan? Paano? Kasama ba ang barkada? Haay!

5:00 AM ay bumangon na ako para ihanda ang dadalhin kong spaghetti. 7:00 AM kami magkikita, as usual, sa Cafe Love na bukas 24 hrs at pagmamayari ng pinsan ni Daniel.

Nang matapos kong ihanda ang spaghetti ay naligo na ako, saka nagbihis ng uniform ko. Honestly, nagi-guilty ako sa ginawa kong pagpapanggap kay mama. Paano kapag nalaman niyang suspended ako? Haay! ERASE! Mamaya na ang negative thoughts. Today is my day! This will be a happy day -- I declare! hihi

Nang matapos na akong mag-almusal ay kinuha ko na ang bag ko at ang paper bag na pinaglagyan ko ng spaghetti, saka ko kinuha ang baon ko kay mama.

Natatakot ako actually na lumapit kay mama, dahil nga alam kong niloloko ko lang siya.

"Oh!" Inabot sa akin ni mama ang 100 pesos at nag-kiss at thank you ako sa kanya.

Nang tumalikod na ako ay may bigla akong naalala.

"Ay, ma!"

"Hmm?"

"Bumili po ba kayo ng kandila?"

"Nak, hindi, eh."

"Hala! 23 po ngayon, ma" dismayado kong sinabi.

"Anak...ano...um, hindi ba, kayo na ni Dave?"

"Ayy..." Napahawak ako bigla sa dulo ng buhok ko. "Um, ma, hindi naman po ibig sabihin nun na hindi ko na dadalawin si Jules. Sige po, ma. Ako na lang po ang bibili mamaya. Bye!" Nag-wave na ako at umalis. Hindi naman ako nalungkot na nakalimutan ni mama ang kandila para kay Jules. Actually, proud pa nga ako, eh, kasi masasaabi kong hindi ko pa rin nakakalimutan si Jules, kaya bago ako umuwi mamaya, dadalawin ko pa rin si Jules.

***

Ako ang unang dumating sa Cafe Love at after 10 minutes ay dumating na din si Don-Don.

"Good morning, Don!" Tumaas lang ang dalawang kilay niya bilang response, saka siya umupo at sumandal na parang walang gana.

"Ah, Don, may spaghetti dito, ha. Ito na lang ang lunch natin mamaya."

Bigla siyang nabuhayan nang marinig niyang may dala akong pagkain. Mula sa pagkakasandal ay nag-lean siya sa lamesa.

"Talaga?! Patikim! Hindi pa ako nag-aalmusal, eh! Kainin na natin ngayon."

"No! Ah, I mean, mamaya na ngang lunch."

"Kakainin ko na lang 'yung parte ko, bibili na lang ako ng pang-lunch ko mamaya, please!"

Ayoko siyang pagbigyan. Para kay Dave kasi talaga 'to kaya gusto ko na siya ang unang makakatikim.

"Don, hindi pwede. Bumili ka na lang ng pang-breakfast mo."

"Hmp." Tumayo siya bigla at nag-order.

Nang makabalik siya dala ang in-order niyang kape at cake ay magkasabay ring dumating sina Dan at Chloe.

"Good morning, Chlow! Good morning, Dan!"

"Good morning" ang sagot ni Dan.

"Good morning, Maggie!" ang sagot ni Chloe na sinundan niya ng pagbeso sa akin.

"Nag-almusal na kayo?"

"Ya! Um, Maggie! Hindi mo naman ni-send sa amin kagabi ang mga assignments at lessons sa school."

"Ay, guys, sorry! Hindi na ako nag-online kagabi. Naisip ko na Friday ngayon, walang pasok bukas, tsaka -- " nag-alinlangan pa akong ituloy pero sinabi ko pa rin ang "tama din si Don, enjoy-in muna natin ang ilang araw?! hehe." Napatingin ako kay Don nang sabihin ko iyon habang humihigop siya ng kape niya.

"See, guys?! I'm right"

Nakita ko lang na nag-roll ng eyes niya si Chloe.

"By the way, Maggie, tutal sabi mo enjoy-in natin ang araw ngayon -- "

Nalihis ang atensyon ko mula kay Chloe patungo kay Dave nang pumasok na siya sa Cafe Love. Bigla akong kinabahan -- na-excite? Babatiin niya ba ako ng happy monthsary, saka magbebeso at ibibigay ang bouquet of flowers na itinatago niya lang? Eee...

"Hey!" ang bati niya sa aming lahat at saka siya umupo sa tabi ko.

WALA!

WALANG NAGYARI!

NGA-NGA!!!

AS IN BIGLANG BUMAGSAK 'YUNG EXCITEMENT KO! AY HINDI! HINDI BUMAGSAK! LUMAGAPAK KASI INTENSE!

Kalma, Maggie. Baka may surprise lang siya? hehe. Pinilit ko pa ring ngumiti.

"Morning, Dave." ang mahina kong bati sa kanya.

"Morning" ang sagot niya with his killer smile! Eee...instantly ay napangiti rin ako.

"Kumain ka na?"

"Yep"

"May dala akong spaghetti for lunch! Uy, Dan at Chlow, may spaghetti akong dala. Nakalimutan kong sabihin sa inyo -- para sa lunch natin."

"Really?" Nanlaki ang mata ni Dave.

"Um-mm!" Kasi nga monthsary natin ang sabi ko sa isip ko.

"Pwede bang kainin ko na? Natakam ako bigla, eh."

"Pang-lunch nga daw 'yan, 'tol! Nanghihingi nga ako kanina, eh. Ayaw mamigay. PANG-LUNCH daw!" In-emphasize pa talaga ni Don ang 'pang-lunch'. Nahiya ako bigla kay Don. Ang totoo kasi, gusto ko na si Dave ang unang makakatikim.

"Shut up, Don. Natural, boyfriend ni Maggie si Dave, kaya malamang, pagbibigyan siya" ang sabat ni Chloe.

"Nye-nye-nye!" Ang response ni Don-Don.

"Sige na, Maggie! Please" ang pamimilit ni Dave.

"Dave, mamaya na lang. Tsaka sabi mo, 'di ba, nag-almusal ka na!"

Hindi mo pa rin ba ako babatii, ha?! Sumisigaw na ang isip ko sa kanya.

Humaba lang 'yung nguso ni Dave dahil sa disappointment. Siya pa ang na-disappoint? Luh! Ako, malapit na rin akong ma-disappoint.

Nag-open uli ng iPad niya si Chloe. Si Daniel ay um-order, habang si Don-Don ay busy pa rin sa pagkain niya, si Dave naman, humalumbaba. Hindi niya pa rin ako binabati. Ayoko naman maunang bumati sa kanya. Ewan? Dahil ba sa may hinihintay ako from him? Naalala ko na may sasabihin siya kagabi.

"Dave, uy!" Tinapik ko siya. "Na-receive mo 'yung reply ko sa text mo kagabi?"

"Ah, iyon? Oo --" 

Naputol ang sasabihin ni Dave nang biglang magsalita si Chloe ng "Guys?"

Napatingin kaming lahat sa kanya.

Ipinakita niya muna kay Dan ang nakita niya sa I-Pad niya, pero nakisingit si Don para makita iyon.

"Ah, ayan?!" ani Don-Don. "Dave, ano?!"

"Ang ano?" tanong ni Dave.

"Iyong kagabi! Sabihin mo na kay Maggie" aniya kay Dave.

Nagtaka ako. Huhluh! Ito na ba 'yung sasabihin niya sana sa akin kagabi? Ito na ba 'yung surprise na hinihintay ko? Nanigas ang katawan ko. Hindi ako makagalaw.

Continue Reading

You'll Also Like

88K 2.1K 31
Naranasan mo na ba mahalhin ang bestfriend mo? Nasaktan ka na ba dahil sa kanya? Handa ka bang isuko lahat kahit ang pag mamahal mo sa kanya para lan...
126K 2.8K 84
Paano mo matatakasan ang iyong nakaraan kong mismong ang nakaraan na ang lumalapit sayo Magmamahal ka pa ba , kong ang taong mahal mo sa kasalukuya...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
41.5K 965 56
... .... ... SA HIGH HIDDEN CAMPUS (H.H.C) Kung saan mag tatransfer ang 4 na babaeng magkakaibigan o kung tawagin ay 4Princesses na kung saan makik...