HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1)...

By Vis-beyan28

681K 11.3K 519

(RAW/UNEDITED) Ahlisha Zoxzhen Bustamantelo has a simple life. She studies at public school and she always en... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 31
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
Important Note
BOOK 2

Chapter 15

9.8K 161 3
By Vis-beyan28

Chapter 15

'A secret'

Ahli's POV

Napapakamot ako sa ulong tumingin kay zadkiel na ngayon ay masama ang tingin sa akin. Yung kaninang pag alala'ng nakita kong emosyon sa kanyang mata ay nawala ng magamot ako. Hindi ako mapakali dahil naiilang ako lalo na't nasa gilid lang si khanz habang nakasandal sa pader.

Kasalukuyan kaming nasa hospital para magamot kaming tatlo nila gelo. Halos maiyak nga ang gago dahil masakit daw. Pero hindi na siya pinansin nung nurse at umalis na pagkatapos magamot. Sinundo naman si lester ng kanyang lola habang si gelo naman ay sinundo ng tatay niya.

At ngayon, kasalukuyan akong nakaupo sa upuan habang nakatingin kay zad sa harapan ko.

"Magsasalita ka ba o magsasalita?"-taas kilay na pukaw ni zad sa aking pag iisip.

Napalunok ako at napayuko. Paano ko ba ipapaliwanag to sa kanya? Hindi pa naman niya alam na mahilig ako sa mga away.

"Ahli."-may nagbabantang sambit niya. Halatang bagot na bagot na.

Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa aking gilid para maiwasan ang kanyang titig.

"Papauwi na kasi kami tapos bigla na lang sumulpot ang mga yun at naghamon ng away."-paliwanag ko at nanatiling nasa malayo ang tingin.

"Bakit daw?"

"Akala kase nung lider nila inaagaw ni gelo yung syota niya kaya ayun."-tipid kong paliwanag sabay lunok.

*katahimikan*

Nagtataka akong tinignan siya ng naging tahimik ang pagitan namin. Gulat ang bumalatay sa mukha ni zad na tila yun na ang pinaka imposibleng kwento'ng narinig niya. Samantalang nakaangat ang gilid ng labi ni khanz na tila natatawa.

"Z-zad...huy."-tinawag ko siya dahilan para mapatingin siya sa akin.

"At dinamay ka nila? For petes sake, your a girl! Wala kang alam sa pakikipaglaban."-naiinis siyang napahawaksa sentido.

Napalunok ako at umiwas ng tingin dahilan para mapunta ang paningin ko kay khanz. Nanunuya ang kanyang tingin.

Hindi alam ni zad na palagi akong nasasangkot sa gulo kaya ganito na lang siya mag alala sa akin. Naiintindihan ko naman siya. Ayaw ko lang na ipaalam pa sa kanya yun dahil paniguradong papagalitan niya ako. Ganun ka over protective sa akin ang kaibigan ko. Ayaw kong magsinungaling pero ayaw ko namang sabihin sa kanya yun. Madaming nagbago sa akin simula ng mawala siya. Simula ng iniwan niya ako.

"Dapat pala linumpo ko ang lalakeng yun."-galit niyang sambit kaya agad akong bumaling sa kanya.

Bakas sa mukha niya ang inis na ngayon ko lang nakita.

Galit ba siya dahil nasaktaan ako?

"H-hayaan mo na zad. Okay lang naman ako."-paninigurado ko. "Buti nga at dumating kayo ni khanz para tulungan kami."

Pag iiba ko ng topic para naman mawala ang pagkailang ko sa kanya. Hindi kase ako komportable kapag naiinis siya. Ngayon ko nga lang siya nakitang ganito. Bago sa akin ito kaya naman hindi ko mapigilang mailang kay zad.

"You know each other?"-bakas ang pagtataka sa mukha ni zad habang nakaturo sa amin ni khanz.

O_O

Shit! Hindi pala niya alam.

"O-oo."-pinilit kong tumango ng hindi magsalita si khanz. "Uh...s-schoolmate ko siya hehehe..."-kunwari akong natawa at saka pinandilatan ng mata si khanz para iparating na makisakay na lang siya dahil yung mukha niya, parang nanunuya. Parang may ibig iparating na: you're lying.

Napalunok ako ng mapansin kong nakatitig din sa akin si zad na tila hindi naniniwala.

Mag isip ka ng dahilan ahli! Huwag kang pahalata! Hindi pwedeng malaman niya kung ano ang namamagitan sa amin ni khanz! Hindi niya pwedeng malaman ang sitwasyon kong may gustong pumatay sa akin. Ayoko siyang madamay. Mas mabuting ilihim na lang para hindi siya mapahamak.

"Kriiiing* *kriiiiiiing*

Nakahinga ako ng maluwag ng biglang nag ring yung cellphone ni zad dahilan para mapunta ang atensyon niya dito. Napatingin naman ako kay khanz na prenteng nakasandal sa pader. Walang emosyon ang mukha pero nakangisi.

"Stay here."-wika ni zad bago sinagot ang tawag at umalis.

Dali-dali naman akong lumapit kay khanz at hinila ang t-shirt patungo sa gilid kung saan walang tao kundi kami lang.

"What's your problem woman?"-taas kilay niyang tanong at saka pinagpagan ang t-shirt niyang hinawakan ko kanina.

Arte naman ito. Marumi na ba ako?

"Huwag na huwag mong sasabihin kay zad ang totoong rason kung bakit tayo magkakilala."-panimula ko habang napapatingin sa aking likod para masigurong walang makakarinig sa amin.

"Zad?"-nanunuyang sambit niya saka umismid. "So your he's friend. Never knew that."-pabirong wika niya.

Sinamaan ko siya ng tingin at huminga ng malalim.

"Seryoso ako. Mananatiling sikreto lang natin ito. Pwede ba?"-pakiusap ko pero kumunot lang noo niya.

"At bakit?"

Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa sobrang inis. Bakit ba napaka usisero nito? Hindi ba pwedeng um-oo na lang at matapos na to? Baka marinig pa kami ni zad neto eh!

"Bakit ba ang dami mong tanong?"-bulong ko at linapit ang mukha sa kanya para walang makarinig aa amin.

"Kase gusto kong malaman, may problema ka?"-tila nag babantang tinignan niya ako.

"Nagtatanong rin ako sayo noon pero ayaw mong sagutin, quits lang tayo!"

"Ahhh, so you want to be fair?"-ngumiwi siya at humalukipkip.

Napalunok ako ng naglakad siya papalapit sa aking harapan. Kinabahan ako dun dahil parang nagbabanta ang kanyang tindig. Ramdam ko ang malakas na pintig ng puso ko ng magtama ang aming paningin. Ang mala tsokolate niyang mata na nagbibigay lamig sa akin.

Napakagat labi ako ng wala na akong aatrasan! Nakasandal ako sa pader dahilan para wala na akong matatakasan pa!

"A-ano b-bang g-ginagawa mo...?"-pabulong kong tanong habang nakatingala sa kanya.

"Do you want to be fair, ahlisha?"

Nagtindigan ang mga balahibo ko dahil sa uri ng kanyang tanong. Lalo na ng tinawag na naman niya ang pangalan ko. Napakalalim at napakalamig ngunit hindi ko maramdaman ang takot kundi kaba lang.

Linapit niya ang mukha niya sa akin kaya naamoy ko ang panlalake niyang pabango. Nakaka adik at napaka bango. Nakakalunod ang kanyang tingin na para bang hindi na ako mKaka ahon pa pag nalunod na ako.

"Tandaan mo..."-mas nilapit niya pa mukha niya sa akin pero parang hindi na ako makagalaw para itulak siya dahil nanghihina ang tuhod at kamay ko. Para akong nahihipnotismo sa kanyang titig.

"Hindi ko gusto ang maging patas."-bulong niya at saka lumayo sa akin dahilan para makahinga ako ng maluwag.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil ramdam ko pa din ang malakas na kabog nito. Para akong naluwagan dahil umalis na siya sa harapan ko. Nanghihina pa din ako pero hindi ko pinahalata sa kanya.

"Now tell me what's your reason. Kung ayaw mo, I will tell him the truth."-nagbabanta ang kanyang tinig.

Ng mapatingin ako sa kanya, seryoso ang kanyang mukha. At mukhang hindi siya nagbibiro. GGawin niya talaga yun at ayokong malaman ni zad yun.

Hindi talaga patas ang lalakeng to! Ang sarap sapakin siya ng pa ulit ulit! Punyeta niya! Nakakainis siya!

"Ayoko niyang malaman dahil maari siyang mapahamak. Kapag nalaman niya yun, paniguradong hindi siya magdadalawang isip na tulungan niya ako at ayokong mangyari yun. Hindi niya kaya ang mondriguez na yun."-paliwanag ko at saka hinintay ang magiging reaksyon niya pero blangko lang ito na para bang walang narinig sa mga sinabi ko.

Sabi na nga ba at hinding hindi siya magiging interesado sa isang bagay. Tangina mo!

"Kaibigan mo ba talaga siya?"-maya maya'y tanong niya sa akin na ikinagulat ko.

"Oo. Bakit mo natanong yan ha?"-naguguluhan ko siyang hinarap.

"Tsk."-umirap lang siya sa akin kaya kumunot ang noo ko.

"Bakla neto! Bakit mo ako inirapan?"-may nanlalaking butas ng ilong kong bulalas.

Napaka wierd talaga ng lalakeng to. Ang seryoso kanina tapos ngayon iirapan ako ng walang dahilan? Kanino ba nagmana to?

"Kasalanan ba ang umirap? Sinong bakla? Baka ikaw, tomboy!"-nanlaki na rin ang mga mata ko sa sumbat niya.

"Aba at tarantado ka!"-dinuro ko siya at napapikit sa inis. "Bwisit ka! Tandaan mo rin ito, kapag may sinabi ka sa kanya malalagot ka sa akin. Sasapakin kita khanz!"-banta ko din sa kanya at dinuro pa siya.

Hindi talaga siya papalya sa pang iinis sa akin. Hindi pa siya gumagawa ng kilos pero parang naiinis na ako. Ganyan epekto sa akin ng lalakeng to! Hindi na ako magtatakang magkakasakit ako sa ulo dahil sa sobrang pagkairita ko sa kanya.

"Don't call me khanz."-seyoso niyang wika dahilan para matigilan ako.

O_O

Napalunok ako ng tinignan niya ako ng matiim na parang bang binabasa ang nasa isipan ko. Pilit niyang inaalam.

Dapat na talaga akong masanay sa ugok na to. Pa iba iba ng ugali! Nakakabanas!

*katahimikan*

Walang nagsasalita sa pagitan namin. Nanatili kaming nakatitig sa isa't-isa. Walang namutawi na ingay sa amin samantalang ang naririnig ko lang ay ang mga tinig ng mga tao sa paligid namin. Nanatili kaming hindi gumagalaw habang ang mga tao sa paligid ay tila hindi nila kami nakikita habang patuloy lang sila sa pagtakbo at pagmamadaling maglakad.

"Khanzler is my name not khanz."-basag niya ng katahimikan sa pagitan namin.

Napakurap kurap ako at napalunok. Tila may bumara sa lalamunan ko.

"H-ha?"-wala sa sariling tugon ko na lang ng hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"Call me khanzler."-utos niya saka walang pasabing linayasan ako.

Sinulyapan ko siyang maglakad papalayo sa akin habang nakatitig sa bulto niyang papalayo. Laman padin sa isip ko ang sinabi niya kanina.

Bakit naman khanzler ang gusto niyang itawag ko sa kanya kaysa khanz? Ano yun, galit na galit sa akin kaya full name niya ang itatawag ko habang ang mga kaibigan niya ay 'khanz'? Gago nun! Pasalamat siya at hinahayaan ko siyang tawagin niya akong 'ahlisha'.

"Ahli, let's go."-napunta ang atensyon ko kay zad sa aking likod. Wala na yung dating inis sa kanyang mukha. Maaliwalas na yun ngayon at halatang masaya siya at nakangiti.

Hindi ko na lang yun pinansin dahil alam ko namang, hindi magtatagal ang pagkainis niya sa akin. Ganyan si zad eh. Hindi kumikimkim ng galit o di kaya ng inis sa isang tao. Isa sa mga nagustuhan ko sa kanya.

"Wait, where's khanz?"

Palihim akong napairap. "Mauuna na daw siya."-walang ganang sagot ko.

Taka naman niya akong pinagmasdan. "Are you...okay? Bakit---"

"Wohoooo! Okay na okay ako! Tara na! Gusto ko ng umuwi okay na ako!"-pinutol ang kanyang sinsabi at saka hinila siya palabas ng hospital. May pagtataka padin sa kanyang mukha pero nawala na din kalaunan. Mabuti naman.

Nang makapasok kami sa kanyang kotse, siya na ang nagsabit sa akin ng seatbelt kaya hindi mapawi ang ngiti ko. Ang sweet niya talaga kahit kailan!

"I have a good news."-wika niya ng paandarin niya ang kanyang kotse.

"Ano yun?"

"Dad says I'm staying here in the Philippines for good."

"Talaga? Oh edi dito ka na din mag aaral?"-masaya ako dahil sa kanyang balita!

Parang gusto kong tumalon sa tuwa dahil sa sinabi niya. Sa wakas, makakasama ko na si zad ng matagal! Namiss ko talaga ang bestfriend ko. Kailan kaya kami mag bo-bonding?

"Yeah. Pero sabi ni dad sa private school daw ako mag aaral so I can't be with you all the time."-malungkot niyang sabi at saka sinulyapan ako.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Si zad yung tipong maalalahanin pagdating sa akin. Hindi siya hibiwalay sa akin hanggat hindi napapanatag ang loob niyang iwan ako. Palagi kaming magkasama noon kaya naman nasanay akong palagi siyang nasa tabi ko. Siya ang nagparamdam sa akin na hindi ako nag iisa.

Kaya mahal na mahal ko siya.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko at saka napaiwas ng tingin. Minsan naisip kong umamin sa kanya. Gusto kong ilabas ang nararamdaman dahil minsan nasasaktan ako. Gusto kong ipaalam yun sa kanya kaso nauunahan ako ng takot. Paano kung ayaw niya sa akin? Mababalewala ang pagkakaibigan namin. Pero paano kung gusto din niya ako? Hindi ako sigurado.

Mahirap sumugal dahil maaari kang mabigo. Maaring masaktan ako ng todo kapag nagkataon. Nahihirapan ako sa sitwasyong kong to na palihim ko lang siyang minamahal habang siya ay walang kamalay malay.

"Ahli, you okay? Kung gusto mo kakausapin ko si dad para sa school niyo na ako mag aaral---"

"Zad. Okay lang ako. Huwag mo yung problemahin. Magkaibigan parin naman tayo kahit wala tayo sa iisang school diba?"

"Of course. You're my best friend remember?"

Napalunok ako at umiwas ng tingin. Ramdam ko ang pagkirot ng puso ko. Nasasaktan ako.

Kaibagan lang ba talaga zad...?

"B-bestfriend."-tumango ako at saka pilit na ngumiti sa kanya. Sana hindi niya mahalata na peke lang yun.

"And we will going out tomorrow afternoon. Pagkatapos ng klase mo susunduin kita. Pasyal tayo."

Natigilan ako sa sinabi niya at napatingin sa kanyang mukha na masaya. Nakakahawa ang kanyang ngiti kaya napangiti ako. Yung totoo.

Kung hindi niya ako gusto, gagawa ako ng paraan para masuklian niya ang pagmamahal ko. Pwede naman diba? Kung yun ang tanging paraan para mapansin din niya ako, hindi lang kaibigan. Gagawin ko. Tanga na kung tanga pero ito na lang ang paraan.

"Sige."-sagot ko na lalong kinatuwa niya.

Pagkatapos ng ilang oras nakadating kami sa bahay. Pareho kaming nakangiting nagpaalam sa isa't-isa. Hinintay ko siyang maka alis bago pumasok sa bahay. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa kaalamang lalabas kami bukas ni zadkiel. Parang nae excite ako na kinakabahan.

Papasok na sana ako sa bahay ng makita sa gilid ng aking mata ang isang lalakeng nakasakay sa kanyang motor. Nakahelmet siya kaya hindi ko kita ang kanyang buong mukha. Peeo sigurado akong nakatingin siya sa gawi ko.

Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi sa takot o kaba. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Tila tumigil ang mundo ko at natahimik ang buong paligid ng magtama ang mata naming dalawa.

Yung tsokolateng mata na naghahatid kilabot sa aking buong sistema. Nakatitig kami sa isa't-isa na tila walang pajialam sa paligid. Parang nanuyo ang lalamunan ko at hindi makapagsalita hanggang sa pinandar niya ang kanyang motor. Papalayo sa akin. Nanatili akong nakatingin sa kanya hanggang sa mawala siya sa aking paningin.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil hindi matigil ang mabilis na pintig nito.

Bakit ganito?

Leyah's POV

Natigilan ako sa pagsusulat ng biglang may kumatok sa pintuan. Hindi ako kumibo at saka sumandal sa swivel chair na kinauupuan ko.

Sakto namang pagpasok ng aking pamangkin na may mataray na ekspresyon sa kanyang mukha. I remained silenced and took my coffee beside me.

"Any reports? "-tanong ko bago sumimsim sa kape kong medyo nalamigan na dahil kanina pa to sa aking lamesa at hindi pa nagagalaw dahil busy ako.

Bumuntong hininga siya at naupo sa harapan ko. Nagpandekwatro siya ng pangbabae at humalukipkip. Hindi na ako umaasang may dala siyang bagong report sa akin. Pero kahit ganun hindi pa din ako nawawalan ng pag asang mahanap siya.

Umikot ako patalikod sa kanya at humarap sa malaking salamin na bintana ko. Kitang kita ang bilog na buwan at ang mga bahay sa baba.

Sometimes I'm losing hope but this is not the right that I will give up. Never. Not until I find that person. Hindi ko ugaling sumuko lalo na't siya ang kailangan ko. Kailangan ko siyang makita at makausap kahit anong mangyari.

"We'll find that person no matter what tita."-pakinig kong sabi ng aking pamangkin.

Huminga ako ng malalim at humalukipkip.

"You must. Hanapin niyo sa ano mang parte ng mundo. Huwag kayong titigil hanggat hindi niyo siya maihaharap sa akin. I'm trusting you my dearest niece."-sambit ko at napatingin sa repleksyon ko sa salamin.

"And what will you do if we find that person?"

"Ako na ang bahala sa kanya. And if that happens, gagawin ko sa kanya ang lahat ng hindi ko nagawa sa kanya noon."-makahulugang sagot ko at tumayo sa aking kinauupuan.

Time comes, and I will find you...no matter, what kahit madaming hadlang.

_________________________________________

TO BE CONTINUED

A/N: Another new character from our story. Sa tingin niyo, sino si leyah at sino ang hinahanap nila? Abangan sa susunod sa kabanata! God bless.

Do not forget to vote and follow! Thanks =) and oh, khanz is in the multimedia. Check it out.

Continue Reading

You'll Also Like

59.4K 4.5K 30
Sorcha Byrne and her twin used to love mythology when they were little. Their parents will tell them stories about the different gods and goddesses...
79.2K 3.5K 55
Myth Series 4 Apollo cursed the vampires, but what if he fall in love with the youngest daughter of the vampire descendants?
23.6M 784K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
782K 21.4K 5
Rainbow is not just in the sky, sometimes it is in the eyes...