Fall in love with Mr. fake th...

By bettydumbs

158 78 23

Inspired by lea_gwaps 2nd story collection in wattpad. Finding Mr. Sun is so damn difficult. "Bakit ba Mr. S... More

AUTHOR'S NOTE :
Prologue :
CHAPTER 1 Simula
CHAPTER 3

CHAPTER 2

20 13 6
By bettydumbs

Chapter 2.

Lalliana's Point of view

Umagang kay ganda 'readers' ah este 'self.
Gusto ko pang matulog, pero kaylangan dahil may pasok na at malapit na ang intrams namin. Kagabi anong oras na kaming naka uwi dahil natagalan pa sina mams. Monday na naman ngayon kaya kaylangan ng kumilos. Natapos na ang exam namin sa first quarter kaya intrams na.

Bumangon ako at pumunta sa kitchen.

"Me?" tawag ko kay mams.

"Ano yun Zhel nandito ako sa cr. Abay bakit me ang tinawag mo sakin?" Hiyaw ni mams mula sa cr.

"Hindi po kita tinatawag kumakanta po ako." Biro ko, hahalakhak na sana ako pero pinigilan ko dahil baka ma inis si mams sakin. 'haha'

"Wala namang kantang 'me' ah?" Tanong nya, siguro tumatae to.'

"Meron po, kakantahin ko po." Pigil na pigil na talaga ang tawa ko sumasakit na tiyan ko."Me eh eh, oh oh ohho I'm the only one of me  baby that's a fun of me eh ehee  oh oh ohho your the only one of you baby that's the fun of you and I promise that nobody gonna love me like me eh ehee..." kinanta ko yung kanta ni Taylor Swift.

"Ah sige na kumain kana dyan." Sabat nalang nya.

"Hahahahahahah!" Sa wakas lumabas na ang niapon kung tawa.

"Eh kasi sya naman ang nauna tapos ako naman tong pag bibintangan." Rinig kung sigawan sa kapit bahay, at batid kong si angel yung sumigaw.

Kumuha ako ng plato and nag salin ng pagkain at kumain mag isa si Zhelo tulog parin si paps naman pumunta na ng trabaho si mams naman tumatae. Haha.

"Anong ako?" sigawan na naman sa kabila, at bosses ni MM iyon. Palagi lang silang tatlong magkapatid nag aaway. At syempre ang mga sigawan nila ay maririnig namin dahil magkakapit bahay lang kami. Ang family kasi namin ay nasa iisang compound lang, syam lang na bahay ang nakatirik sa lupa ng lola ko. Ang lupa kasing tinitirhan ng mga pamilya namin at kami rin mismo ay sa lola ko.

Pagkatapos kung kumain ay nilagay ko sa lababo ang plato ko, syempre. Papasok na sana ako sa room ko para kunin ang towel ko, pero nakita kung lumabas si Zhelo sa room nya.

"Good morning Zhelo,"bati ko.

"What's good in morning ate?" Masunggit nyang tanong.

"What's good in morning?" Nag act akong nag iisip. "Good, because I woke up alive and  another good because I see you." Sabat ko.

'English talaga ma nose bleed na naman ako sa batang to.'

"Talaga lang ate," tagalog yung sabat nya.

"Tagala lang talaga, pag ako maging magaling mag englisss." Nagmamalaki ako.

"You'll never be, ate!" Panira nya, tinignan ko naman sya ng masama.

"Hoy tigilan mo nga yang kaka englisss mo hindi ka amerikano oy,"singhal ko.

"But at least I've one eight blood of american." Sabat nya at dinidila dilaan ako.

"Sinong nag sabi sayong may lahi kang amerikano?" Tanong ko.

"Hoy tumigil na kayong dalawa, Zhelo go to the bathroom and take a bath." Binasag ni mams ang ka walang kwentang pag uusap namin ni Zhelo.

"Mams ako po mauuna, hindi pa sya kumakain," giit ko.

"But mams said me first, ate!" Sinabi nya yun, dinidila dilaan nya pa ako, in short inaasar dahil sya ang nauna. Pagkatapos yang gawin sakin yun tumakbo sya pa punta ng cr. Loko.

"Mams naman, ma le late na naman ako neto eh." Naka simangot kung giit.

"Mabilis lang naman yun, oh sya pala sabay nalang kayo ni Zhelo may pupuntahan pako at hindi ko sya ma ihahatid." Giit ni mams nangunot naman ang noo ko.

"Kasama ko po sina moana't at lovely!" Pagtatangi ko.

"Oh ano naman ngayon, ihahatid mo lang naman sya."

"Eh baka pag susungitan naman ako nun eh," giit ko.

"Aalis nako, basta ihatid mo sya." Sabi nya, hindi ko namalayan naka bihis pala sya. Kinuha nya yung bag nya at tumungo sa pinto. "Aalis nako, may pera pa naman kayo dyan." Yun lang at umalis.

"Hayssst," singhal ko at pumasok ng kwarto. Naghintay lang ako dun ng ilang minuto at lumabas ako para tignan kong naka labas na ng cr si Zhelo. May na rinig akong kumakatok sa pinto kaya dali dali akong pumunta at binuksan.

"Sama nalang ako sayo, iniwan nako ni angel." Giit ni mm at naka bihis na s'yang uniporme.

"O sige, hintayin mo lang ako hindi pa naka labas ng banyo si Zhelo maliligo naman ako agad." Sabi ko at pinapasok sya. "Zhelo ano ba ang tagal mo," singhal ko at lumapit sa pinto ng cr.

"Eto na eto," pasigaw nya.

Mayamaya lang ay lumabas na sya. Kaya mabilis akong pumunta ng cr at mabilis ring naligo.

"Ate, I'm ready!" kinatok ni Zhelo ang pinto ng room ko.

"Wait nag bibihis nako." Tugon ko.

"Okay," aniya.

Pagkatapos kung mag bihis at mag ayos ay umalis din kami.

"San po tayo ma'am?" tanong ng taxi driver.

"AR elementary school po muna, at sa feleciano po." Sagot ko.

"O sige," sagot nya at pina andar ang sasakyan.

"May pera kaba dyan?" Tanong ko kay Zhelo habang nasa byahe.

"Translate it in english ate I can't understand!" Sagot nya, pinan lakihan ko naman sya ng mga mata.

"You have a money?" Tanong ko.

"Tch. Hahaha," tumawa sya ngumisi naman yung driver na nilingon kopa sa mirror.

"Tama naman ah, you, ikaw, have, meron, a money, bang pera!" Sabat ko tumawa naman sya, tinaas ko ang sa left side ng ibabaw kong labi. "Ikaw meron bang pera? O tama naman." I rolled my eyes on him, and he just can't stop laughing. "Stop laughing, your annoying." Suway ko, medyo tumigil naman sya.

"Give me some ate," tugon nya at inilatag ang palad na mang hihingi.

"Anong ibinigay ko?" naguguluhang tanong ko.

"I've money but it's few ate, give me more!" Sabi nya na nag papa cute.

"Ewan ko sayo," tinalikoran ko sya at humarap sa window ng taxi at nag masid masid sa lugar na dinadaanan namin.

"Ate plsssss," kinablit nya pa ako bumaling naman ako sa kanya.

"Ilan ba pera para mo 'dyan?" Tanong ko ngumiwi naman sya.

"1025!" sagot 'nya.

"Wow bilang na bilang, o sige ibigay mo sakin." Ngumiwi 'sya ng sinabi ko ang huling linya.

"Why?" Ngayon naman naka simangot na sya.

"I told you already not to buy tex, pero anong ginawa mo?"

"I do nothing! Ate."

"Your lie'ng, I know you! Pag ito malaman ni mams lagot ka." Nakasimangot sya at ipinakita ang mukha 'nyang kawawa.

"Ate plsssss, don't tell mams!" Pag mamamatay 'nya.

"Okay, kiss muna!" nginuso ko ang pisngi ko. Mabilis 'nya akong hinalikan sa pisngi.

"Done!" mayabang 'nyang sagot.

"Sakin nga Zhelo 500 lang sayo 1000 tapos hihingi kapa?" Sumabat si mm.

"Hehe," ngiting aniya.

"Tama na yan!" sabi ko pa. Ngumuso naman sya.

"Dito na po!" Sabat ng driver, hindi ko naman na malayan na narito na kami.

Pinagbuksan ko ng pinto si Zhelo."Mauna kana, mag ingat ka!"

"You too ate, mm take care! I'll go now!" Saka nya kami tinalikoran tinanaw kopa muna sya maka pasok ng gate ng school nila.

"Feleciano po?" tanong ng driver.

"Opo," tumango naman sya at nag maneho.

Pagkarating namin ng school nag hiwalay kami ni mm kasi sa kabilang hallway ang daan pa punta sa room nila, at sa kabila rin yung sa amin.

"Ang aga natin ah?" bungad agad ni Angeline kaklase ko.

"Hinatid ko pa kasi si Zhelo!"Sabat ko at pumunta sa upuan ko. "Psst. Anong meron dun sa stage?" tanong ko kay Divine at tuloyang umupo.

"Ewan," tanging sagot nya at bumalik sa ginagawa. "Uuwi kaba ngayon?" Tanong 'nya.

"Hindi," agad kung sagot.

"Good morning everyone," nangibabaw ang tinig ng kakarating lang na lecturer namin.

Ng nag umpisa na ang lec wala na kami ginawa pa kundi ang makinig, hindi rin ako umuwi ng lunch dito ang sa school kumain. Natapos ang morning session namin ng walang assignment or project kaya happy. Natapos narin ang afternoon session namin pero merong homework, dalawa pa. Hinihintay ko nalang ngayon si divine dahil cleaners 'nya at ako bukas pa. Ang plano namin pagkatapos 'nyang mag clean ay mag co-computer kami.

"Tara na day!" hinila nya ang kamay ko.

"Tapos na ba?" tanong ko, at nilingon ko ang loob ng class room may nag wawalis pa. "Meron pa oh," turo ko sa loob, nag tago naman sya sa likod ng pinto para hindi makita.

"Ayokong mag floor wax, tara."  Hinila na naman nya ang kamay ko, hinayaan ko naman yun.

"Pano ka naka takas na dala mo na yang bag mo?" tanong ko ng maka layo kami.

"Ang sabi ko, kukuha lang ako ng basahan ang hindi nila na pansin dala kona yung bag ko." Humalakhak pa 'sya.

"I want to lay down by the fire with you,
Where souls  are glowing, ever warmer too,
Your love surrounds me like a lullaby
Singing softly, you are mine oh mine."♪  Tinig mula sa stage.

"Wow, sino yun? Tara bilis manood tayo." Yaya ni divine, binilisan naman namin ang pag lakad pa punta sa stage. Ngunit pag ka rating namin walang kaming may makita ang daming nanonood.

"Moon has never glowed this color
Hearts have never been this close
I've never been more certain
I will love you 'till we're old."♪

'Maybe the night? Woohh favorite music ko pa talaga ang kinanta nya, I love it destiny.'

"Anong meron?" Tanong ni divine sa katabi.

"Talent show case ng senior, last school year na kasi nila kaya nag pa show case, at alam mo ba 'yang kumakanta---"

"Tama na," awat ni divine.

'Grabi to si girl nag tanong lang kung anong meron tapos, e kekwento pa ang kumakanta, gossip!'

♪" Maybe the night hold a little hope for us, dear
Maybe we might want to settle down, just be near,
Stay together here."♪

"Whooo," pumalakpak ang karamihan pati kami 'nina divine napa palakpak na din. Bagaman hindi ko makikita ang mukha ng kumakanta, pinariringgan ko nalang ng maigi ang bosses nya 'nakakainlab'.
Maraming sumisigaw na Mr. Pogi, at Mr. Poety. 'Siguro pogi yung kumakanta'.

♪"We follow the pull of fate, into this moment,
We follow the pull of fate, into this moment." ♪

"Pakshit  inlab na me," sigaw ng babae na may hawak pang banner na nakalagay.' Go Xio, kaklase namin yan.' Nanatili pa  rin akong hindi nakikita ang mukha ng kumakanta.

♪"Moon has never glowed this color,
Hearts have never been this close
I've never been more certain
I will love you 'till we're old."♪

'Shit nakakainlab ang bosses. Gusto kung makita kung sino ang tumatago sa likod ng ganyang tinig.'Tumalon talon pako para makita lang pero hindi talaga maraming tao at marami ring banner nasa itaas. 'Anong magagawa ko, malapit ng matapos ang kanta.'

♪" Maybe the nights hold a little hope for us, dear,
Maybe we might want to settle down, just be near,
Stay together here."♪

"Whaaaa," hiyawan ng mga babae. Nilingon ko naman si divine, wala na 'sya.
'Shit malapit ng matapos! Asan ka divine bahala ka gusto kong makita ang kumakanta.'

♪" Maybe the nights hold a little hope for us, dear,
Maybe we might want to settle down, just be near,"♪

♪" Maybe the nights hold a little hope for us, dear,
Maybe we might want to settle down, just be near,
Stay together here."♪

"Dito," tinig ni divine, kumaway sya batid kung kita dun ang kumakanta. Mabilis ang pumunta doon. Na statwa ako ng makita ko ang lalaking kumakanta.

" Stay together,
Stay together here."♪
Pagtatapos ng kanta. Hindi pa umalis ang lalaki ewan kung bakit.

'Where's the sun?' 

'Totoong pogi!'

'Ewan ko, hindi ko na maalala ang mukha ng lalaki kagabing tinawag namin na 'where's the sun'. Pero mukhang sya, ang gulo ng utak ko.

'Napaka bobo ko, kitang kita dito.'

Tumakbo ako palapit pero maraming nakaharang na mga tao. Pero at least lumapit at kitang kita ang mukha.

'Are you Mr. Sun?' Gumugulong tanong sa utak ko. Nag ha-half half ngayon ang utak ko.

'Mr. Sun?' Napa iling iling pako, habang hindi pa rin naka baba ng stage ang lalaki.'Bakit sa kanya ko lang naramdam to?' Nag si labasan ang mga studyante mula sa backstage. E  a-announce na siguro? Ibig sabihin 'sya ang last performer.

'Ang sinabi ni wawa (ang lola ko) kapag parang tumigil daw ang mundo ibig sabihin 'it's called destiny,' kapag 'ng yari na daw ang ganoong pangyayari si tadhana na daw ang nag dadala patungo sa pag mamahalan. Kaya nalilito ako, tumigil ang mundo ko ng nakita ko 'sya.'

'Kung 'sya si Where's the sun bakit kagabi hindi tumigil ang mundo? Litong lito na ko, dahil tumilig ang mundo. Hindi naka rotate ang earth sa axis.'

"Whoy,"

"Shit Fuck." Nagulat ako kay divine.

"Anong Shit Fuck? Hoy bat natutulala ka?" Humalakhak naman 'sya.

"Ah-ano kasi," napa kamot pako sa batok ko.

"At tumakbo kapa talaga para, pumauna.!" Mas lumakas pa ang halakhak 'nya. 'Ano ba kasing ginawa ko?' "Para kang anong tumakbo, kala mo yung mahal 'nya sa buhay ay iiwan na sya at pupunta sa ibang bansa!"

"Ano bang ginagawa ko?" Napa maangan naman 'sya.

"Buang ka 'ngang talaga, kitams hindi alam ang ginawa. Abay ewan ko tumigil ba mundo mo? Wag mong sabihing Oo dahil baka may maka rinig, pagtatawanan kapa nilang buang ka."Humalakhak na naman 'sya at hinihimas himas ang 'tiyan sa sobrang tawa.

'Totoong tumigil ang mundo ko, bobo. Buang na kung buang!'

"Tara na nga, haha!"Hinila na 'nya ako at nilisanan namin ang lugar na yon.

End of chapter 2

Continue Reading

You'll Also Like

47.9K 829 26
Violet Magne is the older sister of Charlie Magne and is the eldest daughter of Lucifer and Lilith Morningstar. While her sister opens up a hotel, Vi...
36.6K 3.4K 117
Admin ဆီက ခွင့်ပြုချက်မရသေးပါဘူး free တင်တဲ့ အတိုင်း တင်ပေးပါ့မယ် admin တွေ လာပြောရင် ဖျက်ပေးပါမယ်။ Start date -21•4•2024(Sunday) End date-
262K 10.5K 25
"မောင် မဆိုးစမ်းနဲ့ကွယ်" "ကျုပ်ကိုမချုပ်ခြယ်နဲ့"
23.9K 993 27
"Come on, come on, don't leave me like this I thought I had you figured out Something's gone terribly wrong You're all I wanted Come on, come on, don...