Diamond's Worth ✓COMPLETE

By MadamKlara

160K 5.2K 2.1K

Her name is Diamond but she is no gem. Juan Jose only treasures her body. Besides that, Diamond is worth noth... More

Prologue
DW-1: Juan dela Cruz
DW-2: Nananana
DW-3: Diyamante
DW-4: Apartment
DW-5: Miracle
DW-6: Run or Stay
DW-7: Daya
DW-8: Rain
DW-9: Galit (Ang Author 😂)
Primo and George
DW-10: Control
DW-12: Laugh
DW-13: Pablo
DW-14: Pretending
DW-15: Almost
DW-16: Universe
DW-17: Friends
DW-18: Interview
DW-19: Believe
DW-20: First Meeting
DW-21: Truth
DW-22: Choose
DW-23: Mail
DW-24: In Love
DW-25: Found
DW-26: Behind the Scene
DW-27: Flower
DW-28: My Diamond
DW-29: Deserve
DW-30: Gift
DW-31: Magical
DW-32: Iceland
DW-33: Five
DW-34: Family
DW-35: Chaunny
DW-36: Family Day
DW-37: The Place
DW-38: Late
DW-39: Father
DW-40: Past
DW-41: Cold Night
DW-42: With Him
DW-43: Annoyed
DW-44: Star
DW-45: Danger
DW-46: Jealous
DW-47: Realize
DW-48: The Promises
DW-49: Missing
DW-50: Point of Views
Diamond's Worth
Epilogue
Special Chapters
Special Chapter I
Special Chapter II
Special Chapter III
DIAMOND'S WORTH

DW-11: Happy

3K 82 101
By MadamKlara

Diamond

Hindi ko akalaing sa mga susunod na araw mula ng hayaan ko na namang maging parte ulit ng buhay ko si Wan ay matututunan kong ngumiti ng totoo. Katulad niya, hindi ako naniniwala sa pag-ibig. Alam kong isa iyan sa mga bagay na kailanman ay hindi darating sa'kin lalo na ngayong hinayaan ko si Wan sa buhay ko. Pero kung ano man 'tong nararamdaman ko para kay Wan, kahit hindi man 'to pagmamahal, I am simply contented because for a while, nagagawa kong kalimutan ang nakaraang ayaw na ayaw kong balikan.

"Diamond, matatalsikan ka nga diyan!" Nanlalaki ang mata ni Wan na pinapanood ako. Naka-stretch sidewards ang kamay ko habang nakatayo sa kawaling may kumukulong mantika.

"Do you want to save me, JJ?" Panunukso ko sa kanya. Seryoso parin ang kanyang mukha kaya lalo akong natatawa at ginanahang tuksuhin siya.

"Come on. Please stay away from there, Diamond." Sabi niya pero hindi naman ako malapitan.

Nagluluto kasi kami ngayon sa kusina. Takot siya sa mantika kaya naisipan ko siyang asarin.

"Aw!" Pag-iinarte kong natalsikan ng mantika kahit hindi naman talaga. Sinubukan niya akong hilahin pero umiiwas ako. Tawa ako ng tawa sa reaksiyon ng mukha niya. "Aw!" Tili ko ulit, nagkukunwaring natalsikan na naman.

"Daya. I told you to stay away!" Panenermon niya matapos akong yakapin.

"Yep. That's it. Now get the ladle." Utos kong nagpabitaw sa kanya sa pagyakap sa'kin. Tiningnan niya ako ng masama. But when I smile at him, his face slowly softens. Eventually, he smiles back. "I will be just right here. Kaya huwag kang matakot sa mantika na 'yan."

He stops for a moment and just stares into my eyes again. "You cannot be my shield." Aniyang nagpatawa sa'kin. May pailing-iling pa siya at ang seryoso ng mukha. That face of his tickles me, I cannot stop smiling.

"Why not? I can be whatever you need, JJ."

"Yeah. But not that. I cannot bear to see you hurting especially because of me."

"Aw." Kinurot ko ang dalawang pisngi niya. "Ang korni mo!" Sabi ko't inagaw muli ang sandok sa kanya.

Hinarap ko nalang ang kawali at binuhos roon ang karne. Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko e— tinitigan lang naman ako ni Wan.

"Akala ko ba ako ang magluluto?" Tanong ni Wan na ngayon ay nakayakap sa'kin mula sa likuran.

"Eh, takot ka nga sa mantika diba?" Sagot ko, nilingon siya. Tinake-advantage niya 'yon at mabilis akong hinalikan.

"Sige na. Ako na. Akin na 'yang sandok." Aniya, inagaw sa'kin ng walang kahirap-hirap ang hawak kong stainless na frying ladle. "Ano ang gagawin ko, gandang-masungit?"

"Halu-haluin mo lang."

Sumunod naman siya pero halata parin ang takot niyang matalsikan ng mantika dahil ang layo-layo niya sa gas range. Nakakatawa siyang panoorin pero hindi ko magawang tumawa kasi naalala ko kung paano niya niluto 'yong adobo noon na ginawa niyang peace offering sa'kin. Alam niya talaga kasing mahal ko ang adobo.

I may have said that I don't believe in love. But adobo is the exception. Hahaha.

"Juan José, hindi ganyan." Nilingon niya ako, inosente ang mukha. "Lumapit ka." Panunudyo ko sabay tulak sa kanya ng dahan-dahan. "Tapos halu-haluin mo lang lagi para 'wag dumikit 'yong karne sa kawali. Kapag didikit 'yan, matakot ka na, maghahasik ng lagim 'yang kalaban mong mantika."

Tumawa pa ang mokong sa paraan ng pagpapaliwanag ko. Dahil takot talaga siyang lumapit, niyakap ko siya mula sa likuran at unti-unting umusod papalapit sa kawali. Hindi naman siya umangal.

"Mantika lang 'yan, Wan."

Humarap siya sa'kin at hinalikan ako sa noo. Umiinit na naman 'yong pisngi ko pero binalewala ko na muna. His eyes are so worth staring for. Nginitian ko siya.

"Mantika lang 'to." Sabi niya sa sarili niya. "Para ito sa matakaw na babaeng gusto kong laging masaya."

"Hindi ako matakaw!"

"Wow. Ang sweet ng sinabi ko, iyan pa ang napansin mo?" Reklamo niyang nginusuan ko.

"Sweet? Sinabihan mo 'kong matakaw?"

"I get it, Diamond. I noticed you earlier. Ayaw mong sweet ako sa'yo." Aniya sa tonong nang-aasar. "Fine. Sa iba nalang ako maglalambing."

"Balaka sa buhay mo." Sabi ko, nakanguso ng mahaba.

"Sa tingin mo naman kaya ko? Iniisip ko palang na magseselos ka, hindi na ako mapakali." Sabi niya pa saka tumawa.

"Ang kapal ng mukha nito! Hindi ako magseselos oy. Kapal!"

"Hindi?" Binitiwan niya ang sandok at ipinid ako sa counter. "Bakit hindi?"

"Wan, 'yong niluluto mo." Pinandilatan ko pa siya pero hindi talaga nasindak ang mokong.

"Okay lang sa'yong sa iba ako maglambing?"

Umirap ako. Bumaba ang tingin ko sa labi niyang tila nanunukso at nagyayayang halikan.

"Ikaw? Gusto mo bang maglambing sa iba?"

Unti-unting sumilay sa labi niya ang ngiting nagpapagwapo sa kanyang lalo. Walang ano-ano ay hinalikan niya na lamang ako.

"Wan, ang niluluto mo." Awat ko matapos putulin ang paghalik niya sa'kin.

"Oo nga pala." Sabi niya pero muli lang akong hinalikan. Kapagkuwan ay naging marupok na naman ako. I just find myself kissing him back while my arms are around his neck, inviting him to kiss me deeper.

NANG MAGKAAYOS NA kami ni Wan, pumasok narin ako sa klase ko. Kasama ko naman si Kristina palagi kaya kahit papaano, naeenjoy ko ang pagbalik ko sa pag-aaral. Magkaklase nga kasi kami dati at sabay ring nag-drop. Bestfriend goals ba masyado? Tsk. Pero honestly, 'yong pag-drop namin, hindi iyon planado. Sabay lang kaming nagkaroon ng dilubyo sa buhay. Umiling ako nang maisip ang paghinto ko noon sa pag-aaral. I don't ever want to recall it.

"Mrs. Viacrusis." Pilyang tawag ni Kristina sa'kin. Sinalubong niya ako't niyakap. "Ang saya natin ah! Maaliwalas ang mukha. Hmm?" She winks playfully. "Ilang rounds?"

"Sira-ulo." Sabi ko lang at umiling.

"In love ka talaga day. Iba 'yong glow eh! Daig mo pa si Kathryn Bernardo sa MET endorsement niya."

Baliw talaga siya.

Nang makaupo na ako sa upuan ko, inilabas ko kaagad ang cellphone ko. Ang isa pang baliw na si Wan ay panay send sa'kin ng mga nakakatawang meme. Nahuli niya kasi ako this morning na puro meme ang bina-browse sa internet. Pinagalitan pa niya ako. Pero siyempre, lumaban naman ako. pinagalitan ko din siya. Sinabihan kong nagkakawrinkles na siya sa sobrang seryoso niya. Kaya heto na po siya. Mapapailing ka nalang.

Hay naku Juan José, as always, napaka-complicated mong tao.

But he is definitely my favorite kind of complicated.

"Diamond! Bilisan mo na diyan! Male-late ka na!" Tawag ni Wan mula sa labas ng kwarto isang umaga. Paalis na dapat kami kanina pa; siya sa trabaho at ako naman, sa university.

"Shit." Mura ko nang namanhid na naman ang binti ko. Ito 'yong problema ko kapag nakaupo ako ng 'di maayos, ang bilis nitong makatulog.

"Diamond!" Sumilip si Wan at nakita niya akong nakaupo sa kama, hinihintay na magising 'yong kaliwang binti ko. "What happened?" Nakangising tanong niya.

Hindi ako sumagot pero alam kong alam na niya ang nangyayari. Paborito niya kaya akong inisin kapag nakakatulog 'yong paa ko.

"Left? Right?" Mapanudyo niyang tanong. Umiling ako. Pinandilatan ko siya ng mata pero gaya ng dati, hindi siya nagpapasindak.

"Juan José, malilintikan ka sa'kin kapag ginalaw mo 'yong binti ko!" Tili ko, nagpipigil na matawa para kunwari seryoso ako.

"Eh baby, male-late ka na e!" Aniya sabay hawak ng kaliwang binti ko.

Shit. Ininda ko 'yong tila nakukuryenteng pakiramdam ko upang linlangin siya na 'yong isang binti ko ang nakatulog. And he falls for it.

"Oh. It's the other leg?" Panunudyo niya sabay pisil ng kabilang binti ko.

"Wan! Ano ba?" Pag-iinarte ko sabay tawa. "Tumigil ka, nakukuryente ako! Tumigil ka. Ano ba?"

Tumawa lang siya habang patuloy sa pagkiliti ng binti ko. "Is it still sleeping?" He continues teasing me. "Is it still sleeping, babe?"

When I feel my legs acting normal again, I smirk evilly at him.

"Nope. Okay na." Nakangising sagot ko. "And JJ, it's the left." Pag-amin ko saka tumawa ng malakas.

Pinagsisihan kong sinabi ko 'yon dahil sa tuwing nakakatulog 'yong paa ko, ginagalaw niya 'to para makiliti't makuryente ako. Wala na. Ang ginagawa ko nalang minsan, nananahimik ako at nagkukunwaring busy pero ang totoo ay naghihintay lang na magising ang paa ko sa pagtulog. But that just rarely happens because Juan José always keeps watch of me.

"Umupo ka kasi ng maayos." Pangaral niyang inirapan ko lang. "Hindi nakaka-circulate ng maayos ang dugo mo kaya nagkaka-paresthesia ka."

"Okay doc. Uupo na ng maayos."

Tinaasan niya ako ng kilay dahil sa paraan ng pagsagot ko. Ah, mas pikunin nga pala siya sa'kin.

"Uupo na nga ng maayos." Sabi ko, nagpipigil ng ngiti. "Heto na oh. Uupo na ng maayos."

He remains unfazed. His thick brows still aims to scare me and while that gets my attention, Wan pushes me down the bed. Hinalikan niya ako saglit at pagkatapos ay kiniliti na ako.

"Juan José, tumigil ka!" Reklamo ko sa ginawa niya. Pakiramdam ko talaga mamamatay na ako kapag kinikiliti niya ako. 'Yong literal na mamamatay ka na yata sa kakatawa at sa pag-inda ng kiliti.

"Titigil na." Sabi niya pa pero patuloy sa pagsundot ng tagiliran ko. "Heto na nga oh. Titigil na." Aniya na parang mini-mimic ang pagsagot ko sa kanya kanina.

"Sorry na. Please." I pout at him. "Hindi na mauulit."

"Kiss mo 'ko." Aniya na tumigil na sa pagkiliti sa'kin. Nakakubabaw siya sa'kin, magkalevel ang mga mukha namin. Kaya natititigan ko na naman ang mga mata niyang napakaamo kung tingnan.

"Juan José ha? Nagiging adik ka na sa'kin." Pagbibiro ko.

"Oh? I thought I made that obvious for the past years. Ganyan ka ba ka-manhid, Diamond?" Tanong niyang nagpakabog na naman ng malakas sa dibdib ko na animo'y may mga dagang naghahabulan sa loob nito. Hindi ako binigyan ni Wan ng pagkakataong sagutin ang kanyang tanong. He just closes the gap between us and kisses me passionately.

Saturdays are what I look forward to. It's the boys' night. Minsan lumalabas silang magkaibigan pero most of the time, pumupunta sila rito sa bahay. Dati, nilo-look forward ko talagang dumating ang Sabado dahil ibig ding sabihin no'n, makakasama ko si Kristina. But then, the fella got herself a boyfriend. It's not Nike who owned the fast food chain we worked at recently. It's a guy from the university.

Kaya ang nangyayari naman ngayon, Saturdays become my scary days. It's an awkward time for me kasi nakakasama ko si Wan at Alejandro in the same place and at same time.

Nakilala ko naman ang iba pa nilang kaibigan, ang kaibigan nilang palagi akong pinapatawa, si Yael. Pero ang sabi ni Wan sa'kin, mas nakakatawa daw 'yong isa pa nilang kaibigan na si Stan. Nasa ibang bansa ito. Sayang nga daw at hindi ko nakilala bago umalis dahil ito daw 'yong atat na atat na makilala ako.

"Ingat-ingat ka nga lang do'n, Daya." Biro ni Yael patungkol kay Stan. "Balak talaga non umpisa palang na agawin ka kay Wan."

Ngumiti ako. Hindi sinasadyang napatingin ako sa gawi ni Alejandro. Nakatingin rin siya sa'kin. His eyes are so mysterious and even the way he looks at me. He makes me really uncomfortable kaya ako ang unang nagbitaw ng tingin.

"Sinong aagaw kay Daya sa'kin?" Tanong ni Wan na kababalik lang mula sa CR.

"Si Stan. Ikinwento ko sa kanya 'yong kalokohan ni Stan." Sagot naman ni Yael. "Kailan kaya babalik 'yong gago na 'yon?"

"Naniniwala ka bang may emergency kaya siya umalis?" Tanong ni Alejandro na kanina pa tahimik. Kumunot ang noo ko.

"The jerk ran away." Wika ni Wan, siguradong-sigurado sa opinyon niya. "Emergency? Tsk. Stan doesn't care about his family."

"That's exactly what I'm thinking too." Alejandro seconds. "Knowing Stan, sigurado akong naglayas 'yon."

"Hoy. Ang harsh niyo naman sa kaibigan niyo."  Saway ko sa kanila.

"Mas harsh 'yon, Daya. Kung alam mo lang." Sagot ni Yael, nakangisi pa. "Sina tita Andrea, hindi nalang nagtanong sa'tin kasi kung naglayas nga si Ogag, alam nilang hindi natin sasabihin."

Tumawa siya at sinabayan rin mayamaya ni Alejandro at ni Juan.

ONE FRIDAY AFTERNOON, excited na lumabas kami ni Kristina ng campus dahil nga Biyernes at weekend na naman.

"I nominate Diamond Ramiro as Rapunzel." Panunudyo ni Kristina habang naglalakad kami. Ako namang walang kaalam-alam ay inirapan lang siya. "Naaapakan ko ba ang buhok mo, Rapunzel?" Tanong niyang nagpakunot ng noo ko. "May Juan José ka na, mahal ko. Wag mong kakalimutan 'yan." Bulong niya sa'kin. "Hihintayin kita dito." Aniya saka tumingin sa direksiyon kung saan nakatayo si Alejandro.

Napangiwi ako. Nagdadalawang isip man ay nilapitan ko nalang siya.

"Lehan." Ngumiti siya matapos kong banggitin ang pangalan niya. "What brings you here?"

"Bawal na ba kitang makita?" Tanong niyang nagpaalis ng ngiti ko. "So? Kayo na ni Wan? Officially?" Ngumisi siya na para bang nanghuhusga. "Juan José finally got himself a girlfriend."

Am I Wan's girlfriend? Mukhang hindi malinaw sa'kin ang part na 'yon. May pagkatanga talaga ako pagdating sa usapang 'to.

"Masaya ka ba Diamond?" Tanong niyang nagpatigil sa'kin.

Napaisip ako habang sumagi naman sa isipan ko ang nakangiting mukha ni Wan.

Masaya ako. These past weeks have been really good. Napatunayan kong hindi nga ang pag-alis ng bansa ang magpapabago ng buhay ko, ang magpapalimot sa'kin sa pangit kong nakaraan.

Wan is making me really happy. Kung dati, nakukwestiyon ko ang sarili ko kung naging masaya nga ba ako ni minsan sa buhay ko, ngayon sigurado ako.

"He is so lucky to have you, Diamond."

"Alejandro—"

"Sorry. Am I scaring you?" Tanong niya, nakangiti na ngayon.

"Lehan, no." Pinilit ko ang sarili kong ngumiti narin.

Magsasalita pa sana ako pero nabaling ang atensiyon ko nang may tumikhim. It's Kristina.

"Hi Alejandro. Sorry ah? Kailangan ko ng kunin si Daya. May kailangan pa kasi kaming balikan sa library." Sabi ni Tina na nagpakunot ng noo ko dahil sa pagtataka. What is she doing? "Daya, tara na."

"O—okay." Naguguluhang sambit ko. "Alejandro, sorry. Kailangan na naming umalis."

Tumango lang siya samantalang hinila na ako ni Kristina pabalik ng campus. Lalo pa akong nagtaka nang hilahin niya ako't magtago sa malagong bushes sa tabi ng sidewalk.

"Kristina? Ano'ng ginagawa natin?"

"I'm sorry to burst your bubble, Rapunzel. But your prince is on the way." Paliwanag niya. "Tumawag si lolo Juan." Sabi niya sabay abot sa'kin ng cellphone kong hiniram niya kanina. "Ang seloso no'n e. Natakot lang akong baka maabutan niya kayo ni Alejandro, my loves."

"Sira ulo." May boyfriend na kaya siya. Pinanood ko ang kaibigan kong sumilip, sinisilip niya yata si Alejandro kung nakaalis na ba.

"He is not leaving yet. Oh my gosh, girl. Pwede ba kitang kalbuhin? Naaasar na ako sa sobrang haba ng buhok mo—ay anak ng kalabaw!" Gulat na hiyaw niya dahil sa biglang pagtunog ng cellphone ko. Hinablot niya 'yon sa'kin. "Shit. Prince Number Juan is calling."

I roll my eyes at her and grab my phone back.

"Juan José?"

"I'm on the way to pick you up. I'll be there in a minute. Literally." I imagine him grinning. "Actually, I'm already here. Where are you?"

Sinulyapan ko si Kristinang tinuturo ang gawi ni Alejandro. Hindi pa kasi umaalis ang kotse nito. She points at next Wan's car. Kakarating lang nito.

"Diamond?"

"Ah—Papalabas na kami ni Kristina. Give us just a minute, okay?"

"Okay babe."

Tahimik kami ni Kristina nang nasa kotse na kami ni Wan. Sinikap ko talagang huwag lingunin ang kotse ni Alejandro paglabas namin kanina.

"Are you ladies alright?" Tanong ni Wan na nagpakaba sa'kin. Nagtinginan kami ni Kristina sa rearview mirror.

"Oo naman." Siya ang sumagot. "Nakapili na nga pala kami ng kompanya para sa internship namin."

"That's great. Just tell me if you need my help." Wan offers.

"Oh." Kristina gasps. "We actually do. Bali-balita kasing hindi sila tatanggap ng intern mula sa university namin. Isa kasi sa mga benefactors ng kabilang university ang kompanya na 'to eh."

Tumingin si Wan sa'kin. "Do you like to intern there, babe?"

"Ah." Napalunok ako. "I really don't mind. Okay lang sa'kin kahit saan."

"Really?"

"Ops. Except sa kompanya niyo." Pahabol ko. Naging subject to ng argument namin dati. Gusto niyang doon ako mag-intern para daw lagi kaming magkikita.

He smirks. "Okay. What's that company again, Kristina?"

"Ha? Ah. Horizons. Horizons Publishing House."

For a while, tumahimik si Wan. Napatingin ako kay Kristina. Ang awkward lang na ang tahimik namin. Mayamaya pa ay tinawagan ni Wan ang kanyang secretary.

"Leticia, make an appointment with Mr. Esguerra of Horizons." He glances at me and smiles. "Thanks. Yes, bye."

Nagkatinginan ulit kami ni Kristina. Ang lukaret nag-OK sign lang.

"So ladies, where do you want to have dinner?" Tanong ni Wan sa'min matapos tawagan ang secretary niya.

"Naku, hindi ako pwede." Ani Kristina. "May date kami ng the Wan ko." Kumunot ang noo ni Wan habang nagpipigil naman akong matawa. Sira-ulo talaga 'tong babae na 'to. "I mean, boyfriend ko."

"So? Where are we going to drop you?" Seryosong tanong ni Wan.

"Sa Bermuda Triangle." Ako ang sumagot. Umirap si Kristina samantalang natawa naman si Wan.

Habang naghihintay kami ni Wan ng order namin, nahuli ko siyang nakatitig sa'kin. Halos hindi na siya kumukurap kaya hindi ko maiwasang huwag magtaka at mangamba.

"Why?" Pabulong na tanong ko. Umiling siya't nginitian ako. It's a forced smile so I feel even more worried somehow. "Juan José, what is it?"

I watch his Adam's apple move. Then, he smiles assuringly. "Nagkikita ba kayo ni Lehan?" Tanong niyang nagpakaba sa'kin.

"Oo—oo naman. E—every Saturdays, kapag sinasama mo 'ko sa lakad niyo."

Oh my God. I feel so bad for lying. Gusto kong sampalin ang sarili ko.

"Okay. Baka nagkamali lang ako. Mukha kasing nakita ko ang kotse niya kanina sa labas ng university."

Sumisikip ang dibdib ko. Nagi-guilty talaga ako.

"Ba't mo naitanong?"

Umiling siya. "Wala lang."

"Wan?" Anas ko, hindi kumbinsido sa kanyang sagot.

"Diamond, wala nga."

Sumimangot ako. Eksakto ring dumating na ang pagkaing inorder namin kaya hindi na ako namilit pang sabihin sa'kin ang tumatakbo sa isip niya. Sa kalagitnaan ng dinner, bigla niya nalang akong tinanong.

"Daya, do you still want to leave me?"

***

☺️☺️🤭🤭

HAPPY ANNIVERSARY ULIT KNs! 😍

Continue Reading

You'll Also Like

1.6K 77 50
A famous fashion model lets her image get tainted due to a part of her past that only a few people knew about. - Guerra Entre Familias Series #1
3.1K 663 139
Park Jimin- a.k.a- Jess/jass Min Yoongi- a.k.a- Red Kim taehyung- a.k.a- Fatima Jeon Jungkook-a.k.a- Luigi Kim Namjoon- a.k.a- Neil Kim Seokjin- a.k...
18K 31 1
Cover made by: DarkLeagueGraphics © After Erica's death, Earth's life became a mess. He enjoyed his life with his friends, while teaching lessons to...
70.8K 1.3K 10
Man hater is not the best word to describe her. She thought she's just afraid of falling, that she might fall hard, and will hurt like hell. Kaya aya...