Lewd And Lust | Completed

By itsmezucky

255K 3.9K 227

- Completed - All Rights Reserved 2019 ©itsmezucky More

Disclaimer
Prologue
Ch. 1
Ch. 2
Ch. 3
Ch. 4
Ch. 5
Ch. 7
Ch. 8
Ch. 9
Ch. 10
Ch. 11
Ch. 12
Ch. 13
Ch. 14
Ch. 15
Ch. 16
Ch. 17
Ch. 18
Ch. 19
Ch. 20
Ch. 21
Ch. 22
Ch. 23
Ch. 24
Ch. 25
Ch. 26
Ch. 27
Ch. 28
Ch. 29
Ch. 30
Ch. 31
Ch. 32
Ch. 33
Ch. 34
Ch. 35
Epilogue

Ch. 6

7K 109 5
By itsmezucky

HENRIETTE


Nagtext sa'kin si Wangko na hihintayin niya daw ako sa labasan mamayang 2 ng hapon, pumayag kasi akong makipag-date sa kanya.

'Lam niyo na, maka-bawi man lang dahil 'di ako nakapunta sa laro nila.

Saktong pag-uwi ko galing sa school ay nakita ko'ng nakagayak na si Dexter, uuwi na ang dilawan..

"Thank god you're here, already." aniya ng makita ako. Kinunutan ko siya ng noo.

"Bakit?" tanong ko. Well, pwede naman siyang umalis kahit wala pa ako.

Nagkibit-balikat siya, "I just want to bid my goodbye to you personally," aniya at nginitian ako. Naglabasan tuloy ang pantay-pantay at mapuputi niyang ngipin.

Natawa ako. "Ang cheesy, 'di bagay." sabi ko at nilapitan siya.

"Whatever, Ganda." natatawang sabi niya at niyakap ako. "I know that you'll gonna miss me." aniya. Kinurot ko naman siya sa tagiliran bago ako natatawang lumayo sa kanya.

"Pangit-pangit mo, ba't kita mami-miss?" pagbibiro ko. Tumawa lang siya at ginulo ang buhok ko, palibhasa hanggang kili-kili niya lang ako. Gorilla talaga e.. "Hatid kita sa terminal?" tanong ko.

Umiling siya, "Susunduin ako ng kaibigan ko,"

"Baka maligaw pa 'yun?" sambit ko habang inilalapag sa upuan ang bag ko.

"Nah, he's good at directions--" sabay kaming napatingin sa labas ng may marinig kaming bumusina. "--I think he's already here." aniya at kinuha na ang bag na dala niya at ang bungkos ng saging na kinuha nila kaninang madaling araw.

Sumunod ako sa kanya sa labas, nakita ko pa si Diday na nagbabantay ng bakery at si Jason na manghang-manghang nakatingin sa magarang kotse'ng nakahimpil dito sa labas.

Kahit ako'y namangha, ang ganda kasi nito at mukha talagang mamahalin. Ang kinis pa at ang angas ng disenyo.

Bumukas iyon at lumabas mula roon ang isang matangkad na lalaki- ka-height ni Zero, I think? Naka-shades ito at cool na cool sa suot na black leather jacket na pinalolooban ng white shirt at black cargo pants naman sa pang-ibaba.

Kala mo ito artista ng tanggalin niya ang suot na shades at poging-pogi na tumingin sa'min.

Kapansin-pansin ang maputi at makinis nitong kutis na tinalo pa ang akin, maganda rin ang pagkaka-ayos ng itim na buhok nito, nakakalula ang brown na mata, matangos ang ilong, mapula ang kissable na lips- na bahagyang nakaangat, perpekto rin ang panga, ang sarap titigan ng Adams Apple at ang laki ng katawan- in short masarap siya.

"Yo," bati nito kay Dexter at nag-fist bump pa ang dalawa. Nang malipat naman sa'kin ang tingin niya'y nginitian niya 'ko at inilahad sa harapan ko ang palad niya. "I'm Tedson Hang, you are?" baritono ang boses na pakilala niya.

"H-Henriette Dolorosa.." utal na pakilala ko at aabutin ko palang ang kamay niya'y kinuha na agad niya ang braso ko at hinila ako para yakapin.

Uhmm! Eng teges neng ketewen..

"It's nice to finally meet you!" aniya. Nangunot naman ang noo ko.

'Finally?'

Ah, baka na-ikuwento na ako sa kanya ni Dexter. Daldalero pa man din ang isang 'yun. Anyway, back to matigas! Ayun nga, ang bango niya rin..

At parang..

Parang gusto ko na siyang ipalit kay Zero.. Joke! Magjejer muna kami ni Zero bago ko siya palitan, harhar juk ulit!

"Enough." sabi ni Dexter at pinaghiwalay na kami. "Ganda, Take care of yourself. I'm going now." dagdag niya pa at inabot kay Tedson ang dala niyang bungkos ng saging bago ako muling balingan. "Bye." aniya at hinalikan ako sa noo.

"S-Sige.." sagot ko. Stun parin ako sa yakap-portion na ginawa ng kaibigan niya.

"Bye, Gorgeous!" sabi pa ni Tedson bago muling suotin ang shades at pumasok sa magarang sasakyan. Hihi.

Sana all may sasakyan...




***




"Kala ko 'di mo na 'ko sisiputin e.." mahinang sambit ni Wangko pagkarating ko dito sa labasan. Medyo na-late kasi ako ng kalahating oras.

"Eto naman," usal ko at mahina siyang hinampas sa balikat. "Na-late lang ng konti e." dagdag ko pa at pabiro siyang inirapan.

Ngumiti naman siya at pinisil ang pisngi ko. "'Lika na nga, sa Food Court tayo." aniya.

"Oki." sagot ko at medyo nauna pa sa kanyang maglakad. Di kasi ako kumain ng tanghalian dahil ang kupal na si Diday e inubos ang ulam at do'n kumain sa bakery.

Medyo lumayo pa 'ko kay Wangko dahil parang tutunog ang tyan ko, ayoko namang marinig niya 'yon at baka isipin niyang gutom na nga ako, kahit 'yun nga ang totoo.

Naka-isang sakay lang kami ng Jeep at nakarating nga agad kami sa Food Court, siya ang nagbayad ng pamasahe hanggang sa pagkain. Wala akong inilabas maski singkong duling dahil lahat ng bayarin ay siya ang sumalo.

Tumikhim ako matapos uminom ng tubig, kasalukuyan parin kaming kumakain-- I mean ako lang pala dahil nabusog na daw siya kanina.

"Salamat." sabi ko at nginitian siya. Salamat dahil binusog niya 'ko.

"Wala 'yun. Nasiyahan ka ba sa pagkain?" tanong niya habang pinapanood akong tumibag, nakapangalumbaba pa siya at panay ang pagmamasid sa bawat subong ginagawa ko.

Lumunok muna ako bago tumango, "Oo naman, syempre." sabi ko pa. Mahina siyang natawa.

"Halata. Anlakas mong kumain e.." aniya.

"Syempre sinulit ko na," sabi ko. Alam ko namang medyo malaki ang nagastos niya dahil miya't-miya ang turo ko ng mga gusto kong kainin. "Anyway, kelan next date natin? Bukas?" ngiting-ngiti na tanong ko.

Bigla naman siyang napa-ayos ng upo at pilit na ngumiti sa'kin.

"Uhm, next week nalang?" aniya. Napalabi naman ako.

Ang gusto ko nga'y wag na niya 'kong ayain makipag-date..

"Okay, ikaw bahala..." sabi ko nalang at tinapos na ang pagkain ko.

Pagtapos kumain ay nag-gala-gala pa kami, hanggang hapon ay gala parin! Gabi na nang ihatid niya 'ko sa labasan, sa kabilang baranggay kasi ito nakatira at dumadayo lang talaga dito sa'min para syempre sumilay sa'kin.

"Sure kang ayaw mong ihatid kita hanggang sa inyo?" tanong niya. Ngumiti ako at umiling.

"Okey lang talaga. Saka anlaki ng nagasta mo dito sa date natin, oks na sa'kin 'yun.." malambing ang boses na usal ko.

Napahinga siya ng malalim at tinanguan ako. "Ingat ka ah, mamahalin pa kita." aniya.

Sus! Gasgas na 'yan!

Ngumiti nalang ako at tinalikuran na siya. Mamahalin daw, ulol! Kung 'di ko alam na nilalandi niya si Pia na taga do'n sa kanila, baka naniwala pa 'ko! Tss.

At oo, may nilalandi ang isang 'yan. Sabi sa'kin ni Mikaella'y nakita niya raw itong nakikipagharutan habang nagtitinda siya sa palengke nung isang araw.

Anyway, wala naman akong pakielam pa do'n. Back to reality na!

Naglalakad na 'ko papasok sa medyo may kadilimang daan pauwi, may mangilan-ngilan paring tao dahil nga maaga pa naman. Siguro mga 7 palang..

Akmang paliko na 'ko sa kanto ng may humila sa braso ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba kaya mabilis kong nilingon kung sino ang taong 'yon.

Nang makita kung sino ito'y mas lalong kumalabog ang puso ko na kala mo nagwawala na sa loob ng dibdib ko ng matagpuang si Zero 'yon.

Madilim man ang paligid ay kita ko parin ang matalas na mata nitong naka-pukol sa'kin.

Napalunok ako.

"Uwi ba 'yan ng matinong babae?" magaspang ang boses na aniya.

Ay waw! Alas-siete palang, maaga pa kaya 'yun..

Kinunot ko ang noo ko at nagpumiglas mula sa mainit at mahigpit na pagkakapit niya.

"Ano bang pakielam mo!?" singhal ko. Nang mabawi ko ang braso ko'y medyo lumayo ako sa kanya saka ko siya tiningala ng maayos.

"Pakielam ko?" iritadong tanong niya. Saglit siyang natigilan at mahinang napamura. "Wala akong pakielam." matigas ang boses na aniya at muli akong hinila sa braso.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng makitang daan papunta sa eskinita ang tinatahak niya.

Oh my gosh!

Hindi ako papalag!!!

Nagpatangay lang ako sa kanya hanggang sa malapit na kami sa eskinita. Pero laking gulat ko ng lampasan lang namin 'yon, naka-ilang lingon pa ako sa madilim na eskinita habang kunot na kunot ang noo ko.

Hindi ba kami magki-kiss and touch dun?

"Saan mo ba 'ko dadalhin!?" singhal ko. Badtrip kasi na-L na 'ko kanina e.

Hindi siya sumagot hanggang sa makarating kami...


...sa bahay niya.

Nanlaki ang mga mata ko. "H-Hoy! A-Anong-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng marinig ko ang kahulan ng mga alaga niyang aso. Bale apat ang alaga niyang aso, lahat ay lahing askal.

Binuksan niya ang pinto at pabalibag iyong isinara at ini-lock, hindi niya parin inaalis ang mahigpit na kapit niya sa braso ko.

"Wala akong pakielam, naiintindihan mo? Wala akong pakielam kahit makipag-date ka ng isang buong araw sa kahit na sinong lalaki. Wala akong pakielam sa'yo." galit ang boses na aniya. Umawang ang bibig ko.

Nagliliyab ang mga mata niya sa galit at miya't-miya rin ang pagtatangis ng mga ngipin niya.

Muli akong napalunok. Binitawan niya ang braso ko at kinabig ang bewang ko palapit sa katawan niya.

"Wala akong pakielam sa kahit anong may kinalaman sa'yo, naiintindahan mo?" mula sa matigas na tono ay naging malamig ang boses niya. Ang kulay abo niyang mga mata ay mistula na namang pang-hipnotismo sa'kin kaya wala sa sariling napatango ako.

Tumaas ang isang gilid ng bibig niya at mula sa mata ko'y bumaba ang mainit na mata niya sa mga labi ko.

"Good.." aniya at yumuko para angkinin ang mga labi ko.




#

Continue Reading

You'll Also Like

76.9K 52 5
Penelope Dela Fuentes, her parents raised her as a achiever. At the very young age, she have a goals in her life, everything is in the plan, not unti...
83.9K 3.3K 28
WARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Meet Maddie Apostol who is a total siren b...
408K 30.8K 7
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
1M 29.1K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...