dummies

By sunrisefellow

12.3K 588 207

The girl who was a creation out of intelligence, of madness, and discovery. The boy who was tasked to guard h... More

Dummies
Prologue
Part I
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Part II
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Part III
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Part IV
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 36

105 5 0
By sunrisefellow

Chapter 36: Dracula

Potchy's POV

TODAY IS Saturday. Two weeks it had been, since nag-decide akong mag-Chemistry na lang, hindi na Engineering. Bombarded kami ngayon ng iba't ibang scholarly activities.

Umaga, mainit ang sikat ng araw pero mas nananaig ang init ng tensyon dito sa function hall ng law department. Ewan ko ba kung bakit kailangan pa 'to? Chem naman ang pinasok ko, hindi Law!

Malawak ang function hall, enclosed and silid dahil air conditioned, may mga speaker sa paligid na nakakonekta sa mga mikropono na nasa center stage, may dalawang podium sa bawat gilid ng elevated stage.

Nakaayos na ang lahat para sa debate session ngayong araw. Ayun, hindi ko alam na ganito pala kahirap ang pinasok ko.

"Sandro Nashima." Tawag ng aming professor sa aking kaklase.

Pormal na tumindig si Sandro, chin up and chest out na akala mo pulis. Walang lingon lingon, dumiretso kaagad siya sa stage at tumayo sa left podium.

"Pamela Dimalugi." Tawag naman sa kanyang magiging katunggali.

Katulad ng unang tinawag, kitang-kita ang confidence ni Pamela, halatang ayaw magpadaig sa kalabang debater.

Kahit paulit-ulit ay muling ipinaliwanag ang rules ng debate. Wala naman akong ibang narinig kundi walang personalan, eh kasi naman, na-discuss na namin ito, no need para ulitin na naman.

Nanatili akong tahimik na nanonood sa mga nangyayari. Habang tumatagal ang debateng nangyayari ay lalong lumalakas ang boses ng magkatunggali sa unahan. May kung minsang napapasigaw rin ang mga kasamahan kong nanonood.

"... am I right, fellows?" Kumbinsi sa amin ni Sandro, nagsigawan naman lalo ang mga kaklase ko.

"Shame, folks! Bla bla bla" Depensang tugon ni Pamela.

Tuloy-tuloy lang ang mistulang bangayan sa unahan. Nakaramdam naman ako ng kaunting kirot sa aking tiyan, hindi ko alam kung bakit. Kinapa ko ang aking tiyan, ilang sandali pa ang lumipas ay parang nanigas ang aking mga binti. Natuod ako sa aking kinauupuan kaya direkta akong nakatingin sa unahan.

This isn't good. My eyes are glowing again.

Minadali kong yumuko habang tinatakpan ng aking kanang braso ang aking mga mata. Mabuti't lahat ng kanilang concentration ay nakatuon sa mga nagsasalita sa unahan kaya walang gaanong nakapansin.

"Ano 'yon?" Bulong ng aking katabi sa isa pa niyang katabi.

"Akala ko ako lang ang nakapansin, 'yung liwanag ba?" Sagot naman nito.

Patuloy pang nagbulungan sa paligid. Hindi ko na ito gaanong pinansin, baka lalo lang nilang mahalata na galing sa akin ang liwanag. Kailangan kong tumakas!


"I SAW that." Mabilis akong napalingon sa aking gilid. Matapos kasi ng pangyayari ay mabilis akong nagtatakbo upang makaalis sa function hall. Nandito ako sa labas ng main gate ng school.

Sandro? Bakit niya ako sinundan?

Umiling-iling ako kahit 'di ko gaanong narinig ang sinabi niya.

"I saw that." Pag-uulit siguro niya sa sinabi niya kanina.

What? Anong sinasabi niya? "You saw what?"

"Your eyes glowed, I think." Patay! Anong isasagot ko sa kanya, akala ko walang gaanong nakakita - mali pala. Teka lang, bakit 'di man lang siya nagulat? O kaya, bakit walang bago sa nakita niya dahil casual niya lang na sinabi sa akin? This man must be something.

"Sorry, I don't exactly know what you're talking about." Muli nanaman akong napailing, napatakip pa ako sa aking bibig. "That is impossible!" Dagdag ko pang depensa.

"Come on, I know a place that will surely determine who you are." Anong pinagsasabi niya? Place that will determine who am I? Where can we find that?

"Wala nga, baka namamalik-mata ka lang, Sandro." Medyo naiilang pa akong banggitin ang pangalan niya, wala naman kasi akong nakakausap sa mga kaklase ko.

"You should come with me." What? At talagang mapilit ang Sandro na 'to ah.

Hindi na lang ako umimik.

Tumalikod na ako at akmang aalis na.

"Bahala ka, alam ko pa naman kung nasaan ang kapatid mo." Mahina nitong sambit but that caught me.

Otomatiko naman kaagad akong napaharap sa kanya.

"Huwag mo 'kong pinagloloko. Hindi ko gusto ang biro mo." May pagbabantang tono ko sa kanya, how can he know where my sister is? Eh, halos ngayon lang nga kami nagkakakilala dahil sa ngayon lang din kami nagkausap. "Wala akong panahon kung lolokohin mo lang ako."

"Okay, kung 'yan ang tingin mo, hahayaan na kita." Tumalikod siya, nakapamulsa ang kaliwang kamay kasabay na itinaas ang kanang kamay na parang nagpapaalam na aalis na siya. Humakbang na siya ng isa. Nakapagtatakang malakas ang tunog ng paghakbang niya.

Aalis na dapat ako pero kung susubukan ko ay wala naman sigurong mawawala tutal, kailangan ko na ring makita ang kapatid ko. Gusto ko na siyang makita, gusto ko na siyang mayakap, gusto ring mag-sorry kung bakit pinaampon ko siya. Responsibilidad ko siya dahil kapatid ko siya.

"W-wait..." Mahina at may pag-aalinlangan kong tawag.

Tila wala na siyang pakialam, tuloy tuloy na ang kanyang paghakbang paalis.

"S-sandali lang..." Tumakbo na ako, hinabol siya.

"Uy, sandali naman!" Nahabol ko na siya pero hindi pa rin siya lumingon. "Sandro, uy!" Tawag ko na may kasama nang tapik. Kaya pala, kasi may suot suot siyang earphones.

Hindi ko naman namalayang parang naluluha na ako.

"Oh, anong problema mo?" Malamig niyang tanong.

"Sige na, sasama na ako... para sa kapatid ko."

Mabilis niya lamang akong hinablot saka kami nagmadaling naglakad palayo.

May nakaabang namang puting kotse na sa tingin ko ay kay Sandro.

NAKARATING KAMI sa isang malaking gusali, no - this is more likely to be a mansion with corinthian columns.

"This is what we call the white house." Pagbasag sa katahimikan ni Sandro.

Pagbaba namin sa kotse, agad na sumalubong ang isang ginang na sa tingin ko ay nasa mid 30s na.

"Sir, sino po siya?" Magalang nitong tanong kay Sandro.

"Code Red." Malamig na wika ni Sandro.

What? Anong code-code ang sinasabi niya?

Nanlaki ang mga mata ng ginang, mahigpit niyang hinawakan ang aking braso na tila ayaw akong pakawalan, mali mali, parang nanggigigil niya akong hinawakan.

Sobrang laki ng mansion, sa kaliwang pasilyo kami dumaan. Wala akong choice, mahigpit ang pagkakahablot ng ginang sa akin.

"Dito ka lang muna." Walang kaemo-emosyong wika ng ginang at pinaupo ako sa mahabang bangko.

Sa paglilibot ko ng aking tingin, pwede kong masabing isa itong museum, o maaaring pinagdadausan ito ng mga art exhibit or what.

Nabaling bigla ang tingin ko sa napakalaking painting na nasa gilid lamang ng isang mesa.

Ang weird naman dito, bakit parang wala man lang ingay?

Muli kong pinagmasdan ang painting, may nakasulat na description sa ibaba nito. "This painting is the most controversial feministic artwork of this era, for it describes the suffering of the women in general..." Basa ko sa nakasulat, ito ay isang babae o siguro'y isang ina na may hawak na bata. Hindi matitingkad na kulay ang ginamit dito, halos lahat nga maitim.

"That is not what actually the painting is all about when I painted it." Bahagya akong nagulat sa boses na nagsalita. Napatingin naman ako sa nagsalita.

"Hi." Otomatikong lumabas na salita sa aking bibig kahit wala talaga akong balak na magsalita.

"Hello." Itinapat niya ang kanang kamay na parang magpapakilala. "I'm Dracula, and today, you will now know who you really are."

Continue Reading

You'll Also Like

45.8K 1.3K 79
A man who always play a girl. Hurting every girls feelings, breaking their hearts but what if the day will come that someone with play his feelings...
3.2M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
454K 17.3K 48
Isa ka bang tagahanga? Isa ka ba sa mga babaeng nahuhumaling sa kanilang iniidolo? Isa ka ba sa mga tagahanga na kahit ano ay gagawin para lang makap...
517K 1.9K 178
Mga da'best tagalog story sa Wattpad!