Heiress(Part One:COMPLETED)

By DarkDreamerGirl

108K 2.1K 40

Heiress ~PART ONE~ Graecielle Jane Crisanto or simply Cielle, ay isa lamang ordinaryong teenage girl. Pero hi... More

Prologue
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Special Chapter
Epilogue

Chapter XXIII

2K 39 0
By DarkDreamerGirl

Rome, Italy

10:15 am

Salvatorè Mansion

Sa Mansion ng pinaka-kilala at kinatatakutang Mafia ay may nagaganap ngayong pagpupulong. Nakaupo ang lahat sa isang mahabang mesa.

Sa pinaka-harap nito at sentro ng lahat ay walang ganang nakaupo habang nakataas pa ang dalawang paa nito sa mesa at nakasalampak ang kanyang likod sa kanyang swivel chair ang isang mestisong binata na may kulay asul ang mga mata. Abala ito sa paglalaro ng isang punyal sa kanyang kamay habang pinapaikot-ikot ito.

Ang iba naman na nasa kwarto ay karamihan ay may edad na rin na makikita sa kanilang mukha ang kapangyarihan. Mukhang galing rin ang iba sa kanila sa ibat-ibang bansa. Ang iba pa ay nagpupulong na at nagsasalita habang may kanya-kanyang interpreter ang mga ito.

"When Master Leandros have died, our Mafia Organization has started to fall, and many other Organizations wants to defeat us and decided to rule instead." Wika ng isang may edad na lalaki na tila ba'y kinakabahan ang mukha nito sa pagsasalita. Pero marami ring sumang-ayon sa sinabi niya kaya naging maingay ang buong pagpupulong.

Pero nagulat ang lahat nang biglang bumulagta na sa mesa ang lalaki na kanina lang ay nagsasalita. Umagos ang napaka-raming dugo sa mesa na nagmula sa ulo nito at may punyal nang nakatarak dito. Dahil doon kaya nagulantang ang mga nakasaksi at napuno na ng takot sa loob ng pagpupulong. Pero ang iba ay nanatili lang na tahimik.

Ang kanina lang na binatang pinaglalaruan ang kanyang punyal sa kanyang kamay ay nakahalumbaba na ito ngayon at parang inaantok na nakatingin sakanilang lahat.

"Are you finished with all your speeches?" Malamig na wika nito. Wala namang umimik ni isa. Bumuntong hininga ang binata at saka ngumisi.

"The next time that someone will mention that name again will surely die." Saka sila matalim na tinignan isa-isa saka ito tumayo.

"That man over there doesn't know the rules yet, right? Once I hear that name again, that's not the only bloody thing that will happen to any of you." Nakakatakot na sabi niya bago ito mabilis na lumabas ng kwarto. Sinundan naman siya ng isang babae at nang isang lalaki na nag-aabang sa labas ng pinto.

"You're really scary." Wika ng babae na nasa kanan niya. Masasabi mong mas bata itong tignan at mga nasa edad na labing-anim pa lamang ito. Maputi ang balat nito at mahaba ang kulay tsokolate niyang buhok na nakatirintas.

"That's what they get by not obeying me." Malamig na wika ng binata.

"That's why the both of you must obey me too. Do you understand that, Krischelle?" Baling niya sa dalaga na tinapunan lang niya ng malamig na tingin. Mariing tumango lang ang dalaga.

Nilingon naman niya ang binatang nasa may kaliwa niya. Mistiso rin ito at kumpara sa mahaba at magulong itim na buhok ng binatang may asul na mga mata ay clean cut ang buhok nito. Kapansin-pansin din ang mga mata nitong kulay abo.

"You too, Xander." Balin niya rito. Hindi naman siya sinagot ng tinawag niyang Xander.

"Lory, I think you should call Gaia too, and ask about her mission." Nakangising wika ng dalagang si Krischelle sa binatang may asul na mga mata at tinawag niyang Lory.

Umismid naman si Lory at tinaasan lang niya ito ng isang kilay.

"I don't want to worry about that Gaia 'cause I know she can handle any mission that I command. Unlike you, she's very reliable." Wika ni Lory na nakangisi saka siya agad napangiwi nang makitang kasalukuyan ng nakanguso ang dalaga.

"If that's the case. Why is it that she has not yet given any reports to you? It's been a while since the last time she reported." Halata ang pagkainis ng dalaga pagkasabi niya ng mga iyon.

"I think she's having a hard time dealing with him. Maybe she's even dead by now." Dagdag pa ng dalaga habang nakakunot ang noo nito kay Lory.

Sa sinabing iyon ng dalaga ay sobra rin ng naging pagkuyom ng mga kamay ni Xander at ganoon din ang panga nito. Umusbong ang galit niya. Ngunit napigilan naman niya agad iyon.

"We should go." Seryosong sabi ni Xander para makuha niya ang atensyon ng dalawa. Nilingon siya ni Krischelle na may halong pagtataka. Hindi naman siya tinapunan man lang ng tingin ni Lory.

"Tss. You can check on her. Do whatever you want." Bagot na wika ni Lory na hindi nililingon ang dalawa saka nagsimula na itong maglakad papalayo.

Nilapitan naman ni Krischelle si Xander na sinundan lang ng tingin ang papalayong binata. Napatingin naman agad ang binata sa dalaga matapos siyang tapikin nito sa kanyang balikat.

"Don't worry. That b*tch can handle that mission. Don't forget that she's an ass kicker!" Matamis na nginitian niya ang binata at kinindatan ito.

.....

.....

.....

.....

Philippines

Yria's POV

I'm currently inside of a bar with my gang. Abala silang nag-iinuman habang yung iba naman may kasamang mga babae. Ako naman ay tulala lang habang nakaupo sa tapat ng bar counter. Kanina pa ako kinakausap ng mga kasamahan ko pero hindi ko sila pinapansin.

"Yria, kanina ka pa tulala diyan. May problema ba?" Tanong ni Shane. Pero umiling lang ako saka kinuha ang nakalatag na shot glass sa harap ko at agad na nilagok iyon.

Wala ako sa mood ngayon dahil sa biglaang pag-tawag saakin ni Dad. Madalas kasi ay si Lance na lang ang inuutusan niya. But now, I was surprised nang kumustahin niya ako.

Cold ang pakikitungo ko sa sarili kong ama simula noong dumating ang anak niya sa labas.

Tss. Tinawagan palang niya ako para sabihing nakauwi na siya dito sa Pilipinas. Ba't di palang niya pinasabi kay Lance tulad ng dating ginagawa niya?

Bahagya akong nagising sa realidad nang may humawak sa braso ko. Kunot noong ni-lingon ko naman ito.

"Why are you here, Ellaine?" Iritableng tanong ko sakanya pagkatingin ko palang sakanya saka agad kong iniiwas din sakanya ang paningin ko. Bigla akong nainis sa paglapit niya.

"Awww. I really missed you, Yria." She said in a seductive way. Agad kong tinanggal ang pagkakakapit niya sa braso ko at tumayo na lang saka naglakad palayo. Tss. Lalo lang ako nabad-trip. Damn!

"Yria!" Narinig ko pa ang pagtawag ni Ellaine pero hindi ko na siya nilingon.

Sinenyasan ko na lang ang mga kasamahan ko na kailangan ko ng umalis. Tumango na lang sila.

Agad akong pumunta ng parking lot at sumakay sa kotse ko. Agad kong pinaandar ang makina saka pinaharurot ito.

Mabilis akong nagtungo na sa Mansyon. Mabilis akong pinagbuksan ng guard. Pero napansin ko na iyong guard ay hindi yung dati na nagsisilbi saamin. Kundi isa siya sa mga tauhan ni Dad. Suot nila ang all black suit nila at naka-shades pa ito. Malamang napapalibutan na ngayon ang buong area ng mga tauhan niya. Tss!

Ipinark ko na sa tapat ng bahay at sinalubong ako ng mga tauhan niya na agad yumuko. Kumunot ang noo ko sa mga ito. Kaya ayokong umuuwi dito sa tuwing nandito siya e.

"Maligayang pagbabalik, Young Master!" They said in unison.

Tumango na lang ako at agad pumasok sa loob. Matagal na rin akong hindi umuuwi rito.

Abala ako sa paglinga sa buong paligid nang umalingaw-ngaw ang boses ng taong kahit kailan hindi ko naging karamay buong buhay ko.

"Yria." Malalim na boses ni Dad. Nasa taas siya ng staircase at katabi niya ang anak niya.

Seryoso lang ang naging tingin ko sakanya. Sa mga oras na ito ay iba-iba ang nararamdaman ko at hindi ko alam kung anong gagawin dahil kasalukuyang naglalaban ang galit sa puso ko at ang mga salitang sinabi noon saakin ni Graecielle na kailangan ko nang magpatawad at tanggapin ang mga taong natitira pa sa buhay ko ngayon. Bakit ang hirap parin para saakin?

"I'm glad that you've decided to go home." Panimula ni Dad.

"Bakit niyo ako ipinatawag?" Iyon lang ang naging tanong ko. Ngumiti ito.

"Gusto ko lang mag-dinner ka dito sa bahay. Iyon lang naman, and I'll also call your Ate Lance. " Wika niya at tumango na lang ako.

"At siguro ito na ang oras that the both of you will get along to each other." Tukoy niya saamin nung anak niya dahil tinapunan niya ng tingin ito sa tabi niya.

Hindi na lang ako nagsalita saka napabuntong hininga na lang. Iniwan naman na kami ni Dad at kami nalang naiwan. Hindi ko rin naman matagalan sa ngayon kaya nagpasya akong pumunta na lang sa may music room nitong Mansyon habang inaantay si Lance.

Nasa harap na ako ng music room. Binuksan ko ang pinto at umalingaw-ngaw ang pinto nito sa buong kwarto. Maluwang kasi ang espasyo dito and I realized na matagal na akong hindi pumupunta rito.

Dito sa kwartong ito nakalagay ang malaking portrait ni Mama. Makikita ang napakaganda niyang mga mata. The emerald eyes that she possessed. Ang minana namin mula sakanya.

Napangiti ako dahil naalala ko si Cielle na kamukhang kamukha talaga ni Mama.

Pagkatapos ay lumapit ako sa isang malaking bagay na natakpan ng puting tela. Tinanggal ko iyon at napangiti ako nang muli kong makita ang grand piano.

Binuksan ko ito at pinakinggan kung maayos pa ang tunog na nililikha nito. Napangiti ako dahil maayos pa ito. Agad akong umupo at nagsimulang tumugtog ng isang pyesa na matagal ko ng hindi tinutugtog. Ipinikit ko ang aking mga mata at inalala ang mga masayang pangyayari sa aking buhay.

Lalo akong napangiti nang maalala ko si Cielle. Her eyes. Her sweet smile...

Nang natapos ko na ang tugtog ay biglang tumulo ang luha sa aking mga mata.

Somehow, I also felt the scar inside of my heart. Yung kakulangan parin sa buhay ko ay naririto parin hanggang ngayon.

Pero biglang naramdaman ko ang pag-titig saakin mula sa pinto kaya napakunot ang noo ko. Pinunasan ko kaagad ang luha ko sa mata at mabilis na tumayo.

"What are you doing here?" I said in a cold voice. Narinig ko naman ang tuluyang pagpasok niya.

"Narinig ko po kasi ang magandang musika kaya nagtungo po ako rito." Mahinahong wika niya. I stare at her coldly but she didn't even move. Sa buong buhay ko ngayon ko lang siya natignan ng mabuti. Hindi sila magkahawig ni Dad. Siguro ay namana niya lang ay nagmula sa kanyang ina. But her eyes is very different. I saw sadness within those orbs. Bumuntong hininga nalang ako saka inayos ang piano at inilagay muli ang tela rito. Naglakad na ako papunta sa pinto na kinatatayuan niya.

"Huwag ka na ulit papasok rito." Walang ganang wika ko. Saka siya iniwan sa kinatatayuan niya.

I'm sorry pero hindi ko parin maiwasang ganoon makitungo sakanya. Sa tuwing nakikita ko siya ay nakikita ko parin ang lahat ng pagkukulang ni Dad.

Nang medyo malayo na ako sa kwarto ay nagsalita siya kaya ako napahinto bigla.

"Bakit ka ba ganyan makitungo saakin, Kuya?" Kumunot ang noo ko sa pagtawag niya saakin ng Kuya. It felt foreign to me.

"Sa pagkakaalala ko ay ni minsan wala namang akong nagawang masama para maging ganito ang pakikitungo mo saakin, Kuya." Halata ang naging paggaralgal ng boses nito na parang maiiyak na.

Kumuyom ang kamao ko at kaagad umapaw ang sakit na nararamdaman ko noon pa man dito sa dibdib ko. Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapangisi na lang.

"Hindi mo parin talaga maintindihan, ano?" Tinignan ko siya ng mariin. Halata kong naguluhan siya sa sinabi ko. Pero itinuloy ko lang ang pagsasalita.

"Simula nang tumungtong ka sa bahay na ito't ipakilala ka ni Dad saakin bilang kapatid ko ay doon na nagsimula ang lahat-lahat kung bakit ganito na lang ang pakikitungo ko sayo at kay Dad." Nag-igting ang panga ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko, pero bigo ako at ramdam ko na ang panginginig ko sa galit na nararamdaman ko. She needs to know what I really feel about her presence.

Kinailangan ko na lang talikuran siya bago pa ako may masabing mas masakit. With that naglakad na ako palayo. Hindi ko na siya narinig magsalita pa pero narinig ko ang mahinang paghikbi niya. And now she's crying. Tss!

Habang naglalakad parin sa hallway ng mansion ay biglang may mabilis na humila saakin sa isang pasilyo at sinikmurahan ako't sinuntok sa mukha. Nang tatadyakan pa niya ako ay mabilis kong sinalo iyon upang pigilan ang paa niyang tatama sa mukha ko dahil mas malakas ako ay hindi niya nagawang tadyakan ako kaya hawak ko lang ang paa niya.

"You, son of a b*tch! Stupid! Why did you do that, a**hole!?" Malakas na sigaw ni Lance sakin at akmang susuntukin ulit ako ngunit sinangga ko ulit iyon. Matapos ay galit na tinignan ko siya.

"Ano bang problema mo!? Damn it!" Sigaw ko sakanya habang hawak ang kamay niya at pinipigilan siya sa pagwawala niya.

"F*ck! Nagtanong ka pa! Bawiin mo yung sinabi mo dun sa kapatid mo!" Parang tigreng galit na galit talaga siya pero sa halip ay itinulak ko siya at naglakad papalayo. Pero agad niya ulit akong hinarang.

"Where are you going, Mister? So ganun na lang iyon? Do you think that you can get away with that!?" Sabay hila niya sa kamay ko at iniharap sakanya.

"Non posso credere che tu, Yria." Wika niya gamit ang salitang Italian habang umiiling.

(I can't believe you, Yria.)

"Ano ba Lance? Can you please just shut up? Sorry a, dahil hindi ko talaga magawang pigilan ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siya. Can't you see that I'm also in pain? Nasasaktan ako dahil ni hindi man lang naiparamdam saakin ni Dad na importante ako sakanya. Mas matimbang sakanya ang anak niya sa labas kesa saamin ng kakambal ko. Kaya sana pala noon pa man ay namatay na lang ako para hindi ko na nararamdaman pa ito---

*PAK!*

"SHUT YOUR F"CK*NG MOUTH!"

Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko ramdam ang ginawa niyang pagsampal saakin. Wala akong pake. Sanay na ako sa kahit na anong sakit.

Tinignan ko siya ng masama pero nagulat ako nang makitang bumubuhos na ang mga luha mula sa kanyang mga mata.

Hindi ko akalaing ganyan siya aasta ngayon. I mean, ang kinatatakutang Lance Tempest ay kaya palang umiyak. This is the first time that I saw her cry, and it's because of me.

"No! Hindi mo dapat sinasabi iyan, Yria. Maswerte ka dahil buhay ka pa hanggang ngayon. Do you think your mom and your twin sister will be happy if your dead? Kahit ang Dad mo masasaktan dahil kayo na nga lang ang natitira sakanya! Maswerte ka dahil nandiyan pa sila para sayo! Hindi mo alam ang pakiramdam ng maulila at mawala saiyo lahat-lahat ng minamahal mo. So please stop saying that!" Mahabang wika ni Lance saakin. Nagulat ako sa mga sinabi niya. Kamuntik ko ng makalimutan na ulila na pala siya. Kahit papaano ay nagising ako sa mga sinabi niya. Tulad din iyon ng mga sinabi ni Cielle noon.

Napapikit na lang ako at tinalikuran si Lance. Naglakad na lang ako papalayo.

"Sorry sa inasal ko. Siguro kailangan ko muna mag-isip. Ikaw din, you need some air." At tuluyan na nga akong umalis. Sumakay ako sa aking kotse at pinaharurot iyon. Tanging gusto ko lang ngayon ay ang puntahan siya.

I want to see her.

....

....

....

Cielle's POV

Mabilis na na-discharge si Itay sa ospital at pauwi na rin kami ngayon. Pero ang hindi matanggal sa isip ko ay noong magbabayad na sana ako ng bill ni Itay.

Nung papunta ako kanina sa may billing section ay tinanong ko ang mga babayaran pero nang sabihin ko ang pangalan ni Itay ay agad ngumiti saakin yung babae at sinabing bayad na raw lahat ng bill niya.

Syempre nagulat ako at hindi muna naniwala. Pina-check ko ulit pero talagang bayad na nga ang lahat. Tinanong ko kung sino ang nagbayad at hindi man lang sinabi saakin kung sino saka may ibinigay lang itong papel na may signature na initial lang na letter "V" ang nakalagay. Wala naman akong nagawa dahil ayaw talaga ipabayad saakin e.

Pero naisip ko rin yung lalaking nagbigay sakin ng calling card. Vernon Tempest. Siguro kapamilya siya nila Yria o ni Miss Lance.

Tulala lang ako sa may tricycle at nakanganga lang. Pero nagpapasalamat parin ako dun sa good samaritan na pinadala ni God. Medyo gumaan tuloy ang loob ko.

Nakauwi na kami nila itay at inalalayan siyang makapasok sa loob ng bahay papunta sa kwarto niya para makapagpahinga na siya.

Ibinilin ko na muna siya kay Aling Choleng dahil kailangan ko lang muna magtinda ng balut. Gabi na rin kasi. Kailangan ko ng pera para na rin sa mga gamot na kakailanganin ni Itay.

Nagpaalam na ako saka lumabas ng bahay.

Naglalakad ako sa kalye at inipon ko ang lahat ng hininga ko saka sumigaw ng malakas.

"BALUUUUUUUUT!" Sigaw ko at mabuti naman ay may bumili rin. O diba effective.

"BALUT! BALUT KAYO DIYAN!" Tuloy parin ako sa pagtitinda.

....

.....

Lumipas na ang ilang oras at marami narin akong natinda. Pero nagulat ako nang may mga lumapit saakin ang 4 na lalaki at mukhang mga sanggano pa ang mga ito at halatang nakainom.

"Miss, pabili kami." Wika ng isang lalaking may tama. Kumunot ang noo ko pagkaamoy ko sa nakakairitang amoy ng alkohol dito.

"Ilan po mga sir?" Wika ko na pinanatili lang ang composure ko. Lalong nagsalubong ang kilay ko dahil nagngisian ang mga ito. The ef!

"E ikaw, Miss? Pwede ka ba naming bilhin?" Wika niya na parang nababaliw. Shit! Ginapangan kaagad ako ng pagkainis dahil sa lumabas sa bibig niya. Makakasapak ata ako ng mga gurang ngayon. Tss!

Napalayo pa ako nang umambang hahaplusin niya ang braso ko. Nagtawanan sila at akmang lalapit iyong isa ay lalo pa akong dumistansya mula sa mga ito.

"Sir, wala naman pong ganyanan." Matigas kong sabi at ni hindi man lang natinag ito.

"Miss sige na. One night lang oh. Pramis! Hindi ka mag-sisisi." Naku! Bumungisngis pa siya at ayun BOOMBUNGAL nga!

Papalapit na sila nang papalapit ay doon na ako umamba ng suntok at talagang handang handa na akong bigyan ang mga ito ng suntok at sipa nang bigla na lang tumilapon yung isa nilang kasamahan dahilan para magulat kaming lahat at mawala ang atensyon nila saakin.

"Don't you dare touch her with your f*cking filthy hands." Seryoso at malamig na pamilyar na boses ang namutawi. Hindi ko alam pero gumaan na ang pakiramdam ko dahil sa biglang pagdating niya.

"G-Glaire!" Usal ko. Shocks!

"Tsah! Aba't sino ka namang ingleserong pakelamero ka, ah!? Aba'y ang yabang mo bata ka, ah!" Galit na sabi nung isang gurang at tinitigan lang siya ng mabuti ni Glaire.

"Naintindihan mo ba yung sinabi niya, Pare? Ni isa wala akong na-gets, e. " Bahagya pa akong natawa sa sinabi nung isa pero tinignan nila ako. Uh-oh wrong move. Dahil doon kaya nakalapit siya kaagad saakin at hinila ako saka tinakpan ang bibig ko. Eww! Ang baho!!

"Gago! Sugurin mo na yan!" Utos nung may hawak saakin dun sa may kasama niyang kasalukuyang niyuyugyog yung kasama niyang naknock-out ni Glaire.

Sumunod naman iyon at sinugod si Glaire na nanatili lang na nakatayo. Pero pagkasugod nito ay mabilis itong nailagan ni Glaire at sinipa dahilan para bumagsak yung gurang.

Two gurangs down. Yipiee! Ewan ko pero tuwang tuwa ako habang pinapanuod yung mga gurang na unti-unting natutulog dahil sa ginawang pagsapak ni Glaire sa mga ito.

Nagulat na lang ako nang may mga nagsilabasan pang mga gurang mula sa dilim. Ang dami naman nila? Hindi ko na napigilang sumigaw nang sugurin na nila ng sabay-sabay si Glaire nang bahagyang natanggal iyong kamay nitong gurang sa pagkakatakip sa bibig ko.

"Glaire, sa likod mo pa!" Sigaw ko at napalingon naman siya kaagad sa mga iyon. Wow! Grabeng action pack na ito.

Pero nakapagtataka lang dahil kakaiba ang mga suot nitong mga nanggaling sa dilim. Para silang mga ninja dahil sa itim na kasuotan nila. Batid kong hindi na ito kasamahan ng apat na gurang.

Bigla akong kinabahan. Parang may mali.

Nagsilabasan ulit ang iba pang mga gurang na naka-ninja outfit. Ba't ang dami na talaga nila ngayon? Napapalibutan na si Glaire ngayon. Ngunit namamangha ako sakanya dahil sa wala man lang siyang ipinapakitang reaksyon. Nanatili lang itong kalmado.

At nagulat nanaman ang lahat pwera lang si Glaire nang may tumilapon na gurang sa likuran at nanlaki ang mata ko nang nakita ang isa pang pamilyar na imahe.

"Y-Yria?" Takang tanong ko. Oo, siya nga! At ngayon ay dalawa na sila ni Glaire na napapalibutan ng mga gurang. Nang susugurin na sila ay hindi nagpatinag ang dalawa at sa isang iglap ay napaka-rami na nilang natalo. Ibang klase.

Naramdaman kong sumikip ang paghawak saakin nitong lasing na gurang at inilagay niya ang braso niya sa leeg ko at sinikipan ito. Shit! Sinasakal na niya ako!

"B-Bitiwan mo ako. A-Aray!" Hirap na sabi ko. Badtrip! Pilit kong tinatanggal ang braso niya at ganoon talaga ang pagpupumiglas ko nang mapansin na rin kami ni Glaire at nakita ko pang binugbog niya iyong nasa harap niya at parang may ibinulong siya kay Yria at tumango ito. Teka kelan pa nagkasundo ang dalawang 'to?

Nakita kong lumalapit na si Yria saamin at lalo naman sumisikip ang pagsakal nitong gurang. Nagulat ako dahil kinakaladkad na ako palayo at biglang may itutok siya sa leeg ko na isang patalim.

Bakit biglang naging hostage taking na ang mga ganap dito? The ef!

Kumunot ang noo ni Yria dahil doon.

"Sige, kapag lumapit ka lalaslasin ko na parang manok ang leeg nito!" Pananakot nitong Gurang. Pero lalo lang kumunot ang noo ni Yria. Nakita kong umigting ang panga niya.

"Subukan mo at magsisisi ka." Malamig na wika ni Yria. Nakaramdam ako ng takot sa sinabi niya. Nanginig naman itong gurang at konti nalang ay sasaksak na yung hawak niyang patalim sa leeg ko.

At ayun na nga naramdaman kong dumampi na ang patalim sa leeg ko at humapdi na nga dahil nasugatan niya na ito. Ramdam ko na ang patuloy na ang pag-agos ng dugo. Kinaladkad parin niya ako papunta sa madilim na parte ng eskinita.

Mula sa likuran ng gulat na si Yria ay nakaramdam ako ng matinding takot ng makita ko kung sino iyon. Bigla akong nanginig at nanlumo.

"Glaire," Mahinang naiusal ko habang tulala parin ako sa nakikita.

Duguan ang buong katawan niya, at nanindig ako lalo nang makita ko ang nakakatakot niyang mga mata.

Naramdaman ko ang pagdaloy ng dugo sa leeg ko dahilan para manlabo ang paningin ko ganoon din ang panghihina ng buong katawan ko.

"Cielle!"

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil sigaw nalang ni Yria ang huling narinig ko at nagdilim na ang lahat...

....

....

....

To be Continued....

God bless us All....

10-31-14

Edited: 02-25-19

Continue Reading

You'll Also Like

2.2K 201 41
There's a two young masters are from Yen and Piarch clans, these two clans treat each other as a great enemies in mortal realm. Fynxian Yen is a naug...
159K 4.1K 49
A love can heal each darkness of a person. β’ΈAll Right Reserve 2014 √ Completed
48.1K 2.8K 66
One unexpected encounter. Clyde met Demi. Clyde was like an open book while everything about Demi is a mystery. Join me in reading and falling in lov...
Sweet Badboys By Yuri

General Fiction

10K 395 77
Shine is a very simple girl. Walang arte, simple at palangiti. Ika nga ng iba, perfect na sya. Pero one thing she didnt have. That's LOVE. She can't...