Chapter 13 – REALationship
“Ano ba Serenity! Sabi na kasing humawak ka ng mahigpit! Ilang beses ka ba dapat mahulog sa lupa, ha?” galit na sambit ni Hunter sa akin habang pasan niya ako sa likod niya.
Inis ko siyang nilingon habang iniinda ang sakit sa pagkahulog ko for the 3rd time at humalukipkip.
“Excuse me lang po kamahalan, ha?! Hindi naman kasi ako na-inform na ikaw pala ang sasakyan ko papunta sa pinsan mo! Akala ko kasi magkokotse tayo!” singhal ko sakanya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko agad nakuha ‘yung ibig sabihin noon ni Shelby na walang pinagkaiba ang ugali ni Haynes sa pinsan niya kasi pala iisa sila. Dapat sinabi niya sa akin para nabangsan ko mukha nito.
“Sumasagot ka na ha, Serenity?!” tinataasan niya din ako ng boses. Akala siguro niya porket alam ko ng siya ang crowned prince ay magpapatalo na ako. No no! Not in my vocabulary.
“Seri! Seri ang itawag mo sa akin!” I sounded like a little girl having tantrums pero kahit naman siguro sino kung ang kasama ay kasing sama ng ugali ni Hitler eh magtatantrums.
“H’wag mo ‘kong sinisigawan na babae ka! Ang dami mo ng gulong binigay sa akin!” dinuro niya ako at talagang nanlilisik ang mga mata niya sa sobrang galit.
“Isipin mo na lang, karma mo ako! Kasi ang sama ng ugali mo!” hindi ko alam kung bakit siya natigilan sa sinabi ko. Tama nga kaya na ako ang karma niya? Kung gano’n, mas lalo ko siyang iinisin. At talagang pinapamukha niya sa akin na ako ang nagdudulot ng gulo sa buhay niya.
“Umangkas ka na sa akin. Malapit na tayo.” Mababang sabi niya. I sneered at him kahit nakatalikod na siya.
Dahan-dahan akong umangkas sakanya at humawak sakanya. Naramdaman ko naman na hinawakan ng malalamig niyang kamay ang kamay ko para ata hindi na ako mahulog ulit.
“Brace yourself.” Pagkasabi niya no’n ay mabilis naming nadadaanan ang gubat at halos hindi ko ma-feel na mabilis na tumatakbo itong umaangkas sa akin. Pwede naman kasi siya magteleport eh. nakakaasar.
Nakarating kami sa isang bayan na malaki ang pinagkaiba sa Vampire City. Kumbaga, para siyang municipality lang at hindi city.
May stores din at shops pero hindi siya kasing taas na gusali kagaya sa City. Madami rin ditong mga bata at hindi magara ang suot mga vampires. Para kaming nakarating sa old version ng Vampire City.
“Dito namumuno ang daddy ni Shelby. Isa siyang Prime Minister dito sa Province ng Vampire Land. Si Tita Avia dapat ang mamumuno dito kaso napangasawa niya si Tito Wynner kaya nasa Germany na sila. They were the King and Queen there.” sabi niya sa akin.
“Eh sino ‘yung pinsan na pupuntahan natin? Kapatid ni Shelby?” I asked.
“No. Shelby is my second cousin, may little brother pa siya pero half brother niya lang ‘yon kasi iba ang mother niya. Pupuntahan natin ‘yung nag-iisa kong first cousin na anak ni Tita Avia at Tito Wynner.”
“Bakit ba kayong mga Vampira ang titipid sa anak. Kung hindi isa, dalawa lang.” komento ko.
“H’wag kang mag-alala, at kapag tayo ang magkatuluyan ay lalahian kita ng isang dosena.” Napaubo ako sa sinabi niya. Gusto kong matawa kaso pinipigilan ko. Ibang level din ang humor nitong vampirang ‘to.
“Ano’ng akala mo sa akin palahiang baboy?! Tsaka ‘wag kang mag-assume na tayo ang magkakatuluyan at baka magunaw ang mundo!” inis kong sabi sakanya. Tumawa lang siya na may halong pang-aasar.
“I’m not even dreaming of it.” Parang diring-diri niya pang sabi.
“Nakakainis ka!” I stomped my feet at mas lalo niya akong tinawanan na mas nakakapikon.
“It’s my compliment.” Tumalikod siya saka naglakad. Hinabol ko naman siya.
“Malayo pa ba tayo?” tanong ko habang mabilis kaming naglalakad. Hindi naman siya umimik at sa unahan lang nakatingin. “Hmp! Suplado.” Bulong ko.
“Eh Hunter, matanong nga kita.” Inangat ko ulo ko para tignan siya pero wala man lang reaction. Bahala siya. Kukulitin ko siya ng kukulitin. “Bakit ang sama ng ugali mo? Kasi mukhang mababait naman talaga ang pamilya mo. Not to mention si Shelby, Ryder at Ms. Erina. Pero ikaw—“
“Your point of view is useless if you don’t read between the lines, woman!” hasik niya. Inirapan ko naman siya. Kung maka-woman naman siya eh 18 pa lang namana ko. Pero sabagay, awkward naman kung tatawagin niya akong girl.
Napahagikgik ako sa naisip ko kaya napatingin siya sa akin.
“Ano nanaman iniisip mo dyan?! Para kang retard!”
“Ang sungit mo talaga! Bakit ka ba ganyan? Pati sa kapatid mo ang sama mo! Mabuti pa si Ryder ang bait-bait. Ideal vampire man siya.” Nakangiti kong sabi sakanya.
Tinignan ko nang maigi ang mukha ni Hunter. Namana ni Ryder ang mata ng mommy niya samantalang si Hunter ay copy ng daddy niya. Matalim din kung tumingin si Hunter samantalang si Ryder eh malambing kung tumimingin. Parang laging nakangiti. Chiseled ang shaped ng mukha ni Hunter at si Ryder ay plump ang cheeks at may dimple. Pareho silang maganda ang hubog ng katawan at halos magka-height lang. Crimson Red ang kulay ng mata ni Hunter at si Ryder ay burgundy.
“Did I pass?” he smirk. Tsk. Nahalata niya siguro na kanina ko pa siya tinititigan.
“Hindi! Ang panget mo kasi!” pagkasabi ko no’n ay nauna na akong naglakad. Sumunod naman siya sa akin.
“Tandaan mo. Pinsan ko ang kaharap natin mamaya kaya umayos ka. H’wag mo kong ipapahiya at gagawin talaga kitang hapunan!” pananakot nanaman niya.
After zillion years nakarating kami sa isang mala-mansyon na bahay. May malaking gate at may open lawn sa harap ng mansion. Sariling nagbukas ang gate at dumaan kami sa pathway kung saan iba’t-ibang desinyo ng bato ang makikita mo.
“Humawak ka sa braso ko.” Utos niya.
“Eh?”
“Tsk!” siya na mismo kumuha ng kamay ko at pinulupot sa braso niya.
Pumasok kami sa mansion at kung gaano kaganda ang sa labas ay gano’n naman ka-simple sa loob. Plain white ang pintura nang buong mansion. May sala na malaki pero walang upuan. May fireplace at grand piano na may stool. Mayro’n ding chandelier sa ceiling pero walang ilaw. May mga arc entance na papunta sa kung saan at puti din ang kulay. May konting shade lang siya ng gold and silver pero mas madami pa rin ang puti.
Napalingon ako sa right side nang may marinig akong yabag ng naglalakad. Tumambad sa akin ang napaka engrandeng stair case. Sobrang haba nito at pa S ang hangdanan pero walang hawakan. Nakakatakot.
“What brings you here, my dear cousin?” anang nang babaeng nakasuot ng puting bestida. Kulot ang buhok niya sa dulo at may bangs siya. Her hair has a streak of pink at kumikinang ito. Her beauty is beyond this planet.
“Gamutin mo siya.” Tapos itinulak ako ni Hunter paharap sa magandang babae. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya na makita ako.
“S-siya si—“
“Gamutin mo siya, Wynnet.” Ramdam kong nagbabanta ang boses ni Hunter. Pati ba naman sa pinsan niya ang sama niya.
“Of course. But first, I have to introduce myself.” Nakangiting sabi ng babaeng vampira. “My name is Avia Wynnet. Nahahabaan ka sa pangalan ko kaya Weya ang tawag mo sa akin.” Nakangiti niyang sabi. Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Wala naman kasi akong naiisip na mahaba ang pangalan niya. Actually, her name is so cute and unique.
“Ano ba, Wynnet!” galit nanamang sabi ni Hunter.
“Ako si Seri.” Nakangiti kong tugon sakanya.
“I know.” Kumibit siya tapos kinuha niya dalawa kong kamay. “Magiging magkaibigan ulit tayo, ah?”
“Ha?”
“I thing it’s a wrong move bringing you here.” Hinigit ni Hunter braso ko at nilayo ako kay Wynnet.
“Bitawan mo nga siya, Hunter. Sige na, magbe-behave na ako. Just let me heal her.” Umirap si Wynnet kay Hunter.
Giniya ako ni Wynnet papasok sa isang silid na walang ilaw kundi kandila lang. May isang mahabang couch do’n na kulay maroon, isang table side na may vase at fresh flower, sa kabila naman ay bookshelves na sobrang ayos at organized. This room looks vintage.
“Alam mo bang ang dami kong gustong ikwento sa’yo kaso baka mapatay ako ni Hunter kapag binulgar ko ang lahat.” Tapos tumawa siya. Umupo ako sa long couch na naguguluhan sa sinabi niya.
“Ikaw lang ba mag-isa ang nakatira dito?” tanong ko sakanya.
“Yup. Umalis kasi ako sa amin. Ayaw kong maging Prinsesa sa lugar namin. Gusto ko maging mang-gagamot. I want to heal my own kind. Pero hindi ako pinapayagan ni daddy kasi ako ang nag-iisang heiress sa Paxton Clan.”
“So tumakas ka sa inyo?”
“Hindi naman. Alam nilang nandito ako. Gusto ko lang ma-realize nila na hindi ang gusto nila ang masusunod.” Kibit niya.
Hinawakan niya ang mukha ko pati ang sugat ko. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya pero nararamdaman kong gumagaan ang pakiramdam ko.
“Ikaw lang ba ang marunong manggamot sa mga vampira?” tanong ko.
“Namana ko ‘to sa Lola ko at sa daddy ko. Sa dugong Donagon namin siya nakuha—mother’s side.”
“Ah.”
“Gusto mo ba nang advice?” sabi niya kaya napatango ako kahit hindi ko naman alam kung bakit niya ako bibigyan ng advice.
“Don’t fall in love with my monster cousin and don’t fall in love with his brother either. Just saying.” She shrugs.
Bumalik kami ni Hunter sa cuidad at nakatanim sa utak ko ang advice chuchu ni Wynnet. Bakit naman niya ‘yon nasabi? Nakakaloka naman siya.
“Bakit ang tahimik mo?” untag sa akin ni Hunter habang naglalakad kami papunta sa SMA. Umiling lang ako saka nagpatuloy sa paglalakad. “Ano ba pinagsasabi sa’yo ni Wynnet, ha?” umiling nanaman ako.
“Pwede ba pakahatid mo sa akin h’wag mo na akong sunduin? Gusto ko lang kasing mamahinga after ng class.” Matamlay kong sabi. Hindi ko alam kung bakit ako nawala sa mood. Para kasing gusto kong sundin ang sinabi ni Wynnet eh.
“Hindi pwede. Hinatid kita kaya susunduin kita. H’wag ka ng maarte.” Sabi niya pa.
“Bahala ka.” Inunahan ko na siyang maglakad.
Bago ako makarating sa classroom ko, hinarap ko si Hunter. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin.
“Kung ayaw mong masira ang pangalan mo sa lahat. Pwede bang ako na lang ang bumawi sa lahat na hindi talaga tayo? Ok lang kung ako ang maging masama. Hindi ko kasi talaga kayang pakisamahan ang ugali mo eh.” tahimik lang siya. Walang sinabi peo nakikita kong nagtatagis ang bagang niya. Ginagalit ko siya pero alam kong nagtitimpi din siya. Siguro kasi madaming nakatingin sa amin.
“What exactly did Wynnet told you para makaisip ka ng ganyan?” naningkit ang mga matatalim niyang mata. Kalmado lang ako. Ayaw ko din namang sumigaw o magtaray kasi wala akong lakas para gawin ‘yon.
“You want me to tell the truth?”
“Of course!” he answers abruptly.
“She said, hindi dapat ako magkagusto sa’yo o kahit kay Ryder. Kaya ngayon pa lang, kung pwede, layuan na kita.” He was staring at me with undefined expression. Hindi ko siya mabasa.
“Why?”
“Huh?”
“There’s nothing wrong of falling in love with me, Serenity. And the way you say it, as if loving me is the worst thing that can happen to you.” Hindi ako makaimik. Nararamdaman ko ang hinanakit sa boses niya. Bakit naman kasi ako diring-diri sa ideya na magkagusto sakanya? Kasi masama ang ugali niya?
“Pero itong pagpapanggap natin—“
“Pagpapanggap? Sino nagsabi sa’yong nagpapanggap tayo?” nakataas kilay niyang sabi.
“Ha? Eh diba—“
“Hindi tayo nagpapanggap, Serenity. This relationship is serious. So whether you like it or not, you’re stuck with me.”
“But you said kapag may nagutuhan na akong iba papakawalan mo na ako.”
“I still honor that condition. But as long as you’re not feeling anything towards anyone, you’re mine.” Hindi ako nabibingi sa mga naririnig ko. Hindi rin ako namamalikmata kasi deretso sa aking nagsasalita si Hunter.
“P-pero… P-paano kung… P-pa’no kung magkagusto ako sa’yo sa tinagal-tagal nang panahon? Paano kung pinakawalan mo na ako at na-realize ko na mahal kita.”
Nakita kong may sumilay na konting ngiti sa labi niya.
“Sisiguraduhin kong sasaluhin kita kapag nahulog ka na sa akin. At kung nasa piling ka na ng iba at alam kong ako ang mahal mo… babawiin kita sakanya. Kahit sino pa siya.”
--
Hi guys, itong Vampire City 3 ang lagi kong naa-update at hindi 'yung MKiSF. Medyo nagkaro'n kasi ako ng Writer's block sa plot niya at hindi ko alam kung paano ko susundan ang chapter. Ayaw ko kasing pilitin ang sarili ko na gawan ng update ang MKiSF at baka magsisi lang ako sa outcome.
May tanong pala ako. Sa book 2 ng Vampire City: Definitely Not Your Ordinary Vampire Story, ano ang gusto niyong idagdag at tanggalin? At eto pa, gusto niyo ba ng illustrations kada chapter? (post via facebook) Your answer will be a great help to improve more the book 2 (Aric's story).