Stay awake, Agatha (PUBLISHED...

By Serialsleeper

35.1M 1.2M 570K

Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the... More

Stay awake, Agatha.
Epigraph
1 : Her name is Agatha
2 : That idiot named Cooper
3 : New kid on the ward
4 : Of breakdowns and Ice cream
5 : Menace
6 : That awkward moment
7 : The challenge.
8 : The real Cooper Alvarez
9 : Pushing Daisies?
10 : Stimulants
11 : The Boyfriend Commandments
12 : Stay close and don't let go
13 : It's too late
14 : The Stranger
15 : Long time no see
16 : Stay Away Agatha
17 : The truth about us
18 : The last chance
19 : The real jerks
20 : Because she stayed awake
21 : The Fool's move
22 : Back to square one
23 : Don't forget
24 : To-get-her
25 : Yet another star-crossed couple
26 : Nothing
27 : As long as
28 : Struck by Truth
29 : Three words she just cant say
30 : Nothing's well in farewell
31 : The road to you
Author's Note
The Lost Chapter
BOOK RELEASE AND BOOK SIGNING EVENT ON DAVAO CITY!

Epilogue.

1.1M 46K 51.9K
By Serialsleeper

Stay Awake Agatha

Epilogue

Third Person's POV

1 year later

“Agatanginaaa!” Masiglang sigaw ni Cooper nang makapasok sa kwarto kung saan nakaratay ang walang malay na si Agatha.

Isang taon na at hindi parin ito nagigising o gumagalaw. Ayon sa mga doktor, brain-dead na ang dalaga nang maisugod sa ospital kaya ngayo'y makina na lamang ang bumubuhay sa kanya, ayon narin sa kagustuhan ni Cooper. Sa kabila ng lahat ng mga nangyari, tanggap na ng pamilya ng dalaga ang kahahantungan niya. Sadyang si Cooper na lamang ang natitirang umaasang magigising ito at babalik sa kanya.

 Itinapon niya sa sofa ang backpack at suot na school ID bago umupo sa gilid ng kama ng dalaga.

“Nagawa ko na ang ilan sa nasa listahan. Nakahanap narin ako ng mga taong maari kong maging kaibigan. Sina Dilly, Puma at Chord. Alam mo ba, kakaiba ang tatlong ‘yun kasi magkakaibigan sila mula pagkabata. Yung si Dilly? Bulag siya pero kahit ganun hindi yun naging hadlang sa pagkakaibigan nila. Kung tutuusin para ngang normal na estudyante si Dilly eh kahit bulag. Si Chord naman yung may pagkatarantado, ewan naasiwa talaga ako sa pagmumukha nun. Kanina sinusubukan siyang hanapan ni Puma ng girlfriend kaya ang ginawa ko, nakigulo ako sa kanila. Sana maging kaibigan ko rin sila.” Kwento ni Cooper habang hinimas ang kamay ni Agatha. “Sana magising ka na para makilala mo sila, para maging kaibigan rin natin sila.” Dagdag pa nito at hinilikan ang kamay ni Agatha.

“Agatha miss na miss na kita.” Mahinang sambit ni Cooper at dahan-dahang hinaplos ang pisngi nito.

“Cooper.”

Napalingon si Cooper sa pinto at nagtaka siya nang makita niya sina Reema at Javi na kapwa umiiyak. 

"Ano? Ba't kayo umiiyak? Hindi niyo ba alam na lalo kayong pumapanget kapag umiiyak?" Biro na lamang ni Cooper sa mga kaibigan kahit na sa kaloob-looban niya'y may idea na siya kung bakit ito nag-iiyakan.

"Cooper diba sabi namin sayo alagaan mo parati ang sarili mo? Bakit di mo ginawa?" Tuluyang napahagulgol si Reema at napaupo na lamang sa sahig.

"Teka 'wag mo akong iyakan. Mas gusto ko pa yung minumura mo ako." Biro na lamang ulit ni Cooper habang inaalalayan si Reema na umupo sa sofa.

"Cooper nawala na nga si Agatha tapos ngayon ikaw naman!" Iyak ni Javi.

"Hindi nawala si Agatha. Ayan oh, natutulog lang yan at magigising rin yan balang-araw." Paniniguro ni Cooper dahil lumipas man ang isang taon, hindi parin niya sinusukuan ang dalaga.

"Cooper wala na ba talagang paraan?" Muling tanong ni Reema kaya ngumiti lamang si Cooper at umiling.

"Buti pa ang sakit ko bumalik, si Agatha hindi parin." Tumatawang sambit ni Cooper na tila ba nagpapasaring sa dalagang hindi naman makakarinig sa mga biro't patutsada niya. "'Wag na nga kayong malungkot. Noon pa man, sinabihan na ako ng mga doktor na malaki ang posibilidad na bumalik ang Myeloma ko. Wala eh, may relapse eh, wala na akong magagawa. Siguro two-three years nalang ang itatagal ko kasi maaring maapektohan ang kidney at mga buto ko sa paglipas ng panahon." Paliwanag ni Cooper na tila ba walang kahit na anong nararamdamang takot o pag-aalala. Mistula pa nga itong masaya.

"Cooper mag-treatment ka ulit!" Pamimilit ni Javi kaya umiling lamang si Cooper at ngumiti.

"Betlog mo pink! Magkakaroon parin ng relapse. Babalik at babalik parin ang sakit ko. Tanggapin nalang natin." Giit ni Cooper kaya agad napatayo si Reema at dinuro siya.

"Naririnig mo ba ang sarili mo?! Sa tingin mo matutuwa si Agatha na makita ka niyang hindi lumalaban?! For God's sake Cooper! Hahanapan ka namin ng kidney kung ayaw mong maghanap!" Galit na sambit ni Reema kaya lalong natawa si Cooper.

"Wag na kayong mag-abala. Sa totoo lang maayos lang naman ako eh. Wag niyo na akong alalahanin. Tara kain tayo sa bulaluan, libre ko." Pag-iiba ni Cooper ng usapan kaya kapwa na lamang nagkatinginan si Reema at Javi.

 

-------

2 years later...

Pinagmasdan ni Cooper ang sariling repleksyon sa salamin. Napakalaki ng ibignagsak ng timbang at sigla sa pangangatawan niya makalipas ang dalawang taon. Wala na ang dating buhok na paulit-ulit niyang pinapakulayan at isinusuot na lamang niya ang beanie na paborito ni Agatha upang maitago ang natitira sa nalagas niyang buhok. Ubod na siya ng putla at kahit na anong gawing pagtago ay nahahalata na ang labis niyang panghihina.

Hindi na niya nagagawa pang tumayo o kumilos gaya ng dati kaya kaakibat na niya sa araw-araw ang isang wheelchair.

“Magkikita na kami ni Agatha sa wakas. Pre sa tingin mo magugustuhan parin ako ni Agatha?” Nakangising tanong ni Cooper kay Javi na nasa likuran lamang niya at gaya niya’y sakay din ito sa isang wheelchair.

“Panget ka magmula pa noon pero nagustuhan ka parin niya—“ Natigil sa pagsasalita si Javi nang tuluyang bumuhos ang luhang kanina niya pa pinipigilan. Hindi na niya maitago pa ang lungkot kaya lumabas na lamang siya ng kwarto kaya naiwan sa loob si Cooper at ang kaibigang si Luigi na nagsilbing matalik niyang kaibigan at tagapag-alaga sa loob ng nakalipas na mga taon.

“Anong nangyari dun?” Tanong ni Cooper.

“Ang panget mo kasi.” Biro na lamang ni Luigi kahit na maging siya ay naiiyak narin.

“Tangina niyo. Pag si Agatha nagising, isusumbong ko talaga kayo.” Biro na lamang nito kahit na halos wala na siyang lakas pang magsalita.

Tatlong taon na ang nakakalipas at hanggang ngayon ay brain-dead parin si Agatha. Magtatatlong-taon na siyang hindi nagigising pero sa kabila nito ay naniniwala si Cooper na babalikan siya ng dalaga.

“Naalala ko pa noon, binugbog mo ako kasi dumamoves ako kay Agatha sa party. Ilang araw din akong hindi makatayo nun.” Tumatawang sambit ni Luigi.

“Pasensya na, mukha ka kasing punching bag.” Sabi pa ni Cooper habang tumatawa.

“Anong klaseng babae ba si Agatha at baliw na baliw ka sa kanya?” Tanong pa ni Luigi.

Napangiti si Cooper nang muling rumehistro sa isipan ang tumatawa at napakasayang mukha ni Agatha noong mga panahong magkasama sila. “Sana magising na siya para makapagpaalam ako sa kanya. Ayokong magising siya na wala na ako kasi baka isipin niyang iniwan ko na naman siya.” Tila wala sa sariling sambit ni Cooper hanggang sa unti-unti nang pumatak ang luha mula sa mga mata niya.

“Pero pre hindi ba’t doctor narin ang nagsabi? Imposible ng magising si Agatha.” Nag-aalinlangan man, kinailangan itong sabihin ni Luigi sa kaibigan.

“Edi ayos. Magkakasama na ulit kami at wala na ulit makakapaghiwalay sa amin.” Pagmamalaki ni Cooper na mistulang tuwang-tuwa sa naisip bagay na tuluyang dahilan ng pagbigay ng luha ni Luigi.

“Bwisit, magmumukha lang tayong bakla kung mag-iiyakan tayo.” Giit ni Cooper.

“Pre naman, si Dilly, yun ang mukhang bakla eh.” Giit pa ni Luigi habang nagpupunas ng luha.

“Excuse me! Inggit lang kayo sa boyfriend ko!” Umalingawgaw ang mataray na sigaw ng isang babae kaya napalingon sila sa pinto at nakita si Shane habang inaalalayan ang bulag na si Dilly.

“Dilly!” Bati ni Cooper sa kaibigan ngunit hindi ito ngumiti bagay na kakaiba para sa kanila.

“Cooper kailangan kitang makausap.” Walang emosyong sambit ni Dilly na tila ba naiiyak na.

“Teka ba’t pati ikaw nag-eemote din?” Nakangiwing sambit ni Cooper.

“Cooper ikaw ba talaga ang magiging eye donor ko?” Tanong ni Dilly na tila ba hindi mapakali.

“Sinabi ba sayo ni Shane? Sayang so-sorpresahin sana kita." Biro pa ni Cooper pero laking gulat nilang lahat nang bigla na lamang umiyak si Dilly.

"Cooper pwede bang mabuhay ka nalang? Okay lang sa aking maging bulag ako habangbuhay. Hindi ka dapat mamatay." Umiiyak na sambit ni Dilly kaya walang nagawa si Cooper kundi ngumiti na lamang sa kaibigan.

Ilang sandali pa ay nagsimulang umagos ang dugo mula sa ilong ni Cooper hanggang sa nagsimulang manginig ang mga paa niyang palatandaan na sinusumpong na naman siya.

"Cooper okay ka lang?" Natatarantang sambit ni luigi at ng iba pa nitong kasamahan.

Napapikit na lamang si Cooper at napakagat sa labi dahil nagsisimula na naman siyang mamilipit sa sakit.

"Tumawag kayo ng Doktor!" Tuluyang napasigaw si Luigi.

-------

Nakahiga man sa kama habang namimilipit sa sakit at halos wala ng lakas, sinikap ni Cooper na idilat ang mga mata niya nang maramdamang may kamay na humahaplos sa pisngi niya. Pakiramdam ni Cooper kilala niya kung kaninong haplos ito.

Malabo na ang paningin niya kaya paulit-ulit niyang kinurap-kurap ang mga mata. Napasinghap ito nang tuluyang makita ang dalagang nakaupo sa gilid ng kama niya. 

"Agatha?" Mahinang sambit ni Cooper at agad na napangiti nang mapagtanto niya kung sino ito.

"Nakikita mo ako?" Nanlaki ang mga mata ni Agatha. Dali-dali niyang nilibot ang paningin sa pag-asang hindi nakatingin sa kanya ang binata ngunit sadyang nakapako lamang sa mga mata ng binata sa mukha niya.

"Nagising ka. Bumalik ka." Nagsimulang umagos ang luha mula sa mga mata ni Cooper dahil sa tuwa. Gustohin niya mang hagkan ang dalaga ay hindi niya magawa dahil sa labis na panghihina kaya hinawakan na lamang niya ang kamay nito.

"Cooper listen to me, hindi mo pa ako dapat makita. Mabubuhay ka pa." Nakangiting sambit ni Agatha at muling hinaplos ang pisngi ng binata. 

"Anong ibig mong--" Hindi na natapos pa ni Cooper ang susunod na sasabihin nang mapagtanto nitong hindi siya nag-iisa sa kamang hinihigaan. Nilingon niya kung sino ito at labis siyang nagulat nang makitang katabi niya mismo si Agatha na walang malay at nasa coma parin.

Naguguluhan si Cooper. Hindi niya maintindihan kung bakit dalawang Agatha ang nakikita niya; Ang isa ay katabi lamang niya at natutulog na para bang walang kabuhay-buhay at ang isa naman ay nakangiti sa kanya at gising na gising na.

"Anong nangyayari?" Mahinang sambit ni Cooper kahit na wala na halos boses na lumalabas sa bibig niya.

"Hindi ka pa pwedeng mamatay. Kailangan mong mabuhay." Muling sambit ni Agatha kaya agad umiling-iling si Cooper at pinagmasdan ang kamay ni Agatha na nakahawak parin sa kanya.

Lalong nagtaka si Cooper nang makita ang tatlong guhit ng krus na nasa pulso ng dalaga. Hindi niya naalalang nagpalagay ng ganito ang dalaga.

"Agatha handa na ako." Giit ni Cooper at muling ngumiti.

"Sigurado ka ba?" Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ni Agatha.

"Ayoko ng magkahiwalay ulit tayo. Matagal na akong handa." Muling sambit ni Cooper kaya napapikit na lamang si Agatha at tumango-tango.

Bahagyang napatingin si Cooper sa mga kaibigan at napangisi, "Peace out betlogs." Mahina niyang sambit bilang pamamaalam dito.

Sa huling pagkakaton ay muling nagtitigan ang dalawa at muling nagpalitan ng matamis na ngiti.

----

"Teka? Sino ang kinakausap ni Cooper?" Kunot noong sambit ni Reema nang mapansing mistulang nagsasalita si Cooper ng mag-isa habang nakahiga sa mismong kama kung saan nakaratay si Agatha.

"May toyo yan mula pa noon. Hindi pa ba kayo sanay?" Biro na lamang ni Javi habang kinukusot ang mga mata niya.

"Alam niyo ba? Sabi nila ang mga taong hinang-hina na at malapit ng mawala, nakikita daw nila ang mga kaluluwang malapit sa kanila kasi ito na daw ang nagiging sundo nila patungo sa kabilang buhay." Walang kaemo-emosyong sambit ng bulag na si Dilly na pilit paring pinipigilan ang sariling maluha ulit.

Nagkatinginan sila. Ang lahat ay bigla na lamang kinilabutan sa narinig mula kay Dilly.

"Pwede rin namang nagha-hallucinate lang si Cooper diba?" Giit ni Reema na mukhang natatakot na.

"Pwede ring nakikita niya si Agatha kasi sabi nila pag ang tao comatosed na, gumagala narin daw ang kaluluwa niya." Sabi pa ni Shane.

Ilang sandali rin silang nagpalitan ng kuro-kuro at mga opinyon. Ang iba ay pilit na nag-iiba ng usapan dahil sa kilabot. Habang nagk-kwentuhan ay nagtaka si Luigi nang mapansing mistulang hindi na gumagalaw si Cooper.

Dahan-dahan niyang nilapitan ang binata at laking gulat niya dahil hindi na ito dumidilat pa kahit na ilang beses niya itong sinubukang gisingin.

- - - - - -

Umiyak. Walang ibang ginawa ang mga magulang nila Cooper at Agatha at pati narin ang mga kaibigan nito habang pinapanood ang doktor na sinusubukang buhayin si Cooper kundi umiyak.

Sa kabila ng pagpapahiwatig ni Cooper ng pamamaalam ay hindi parin nila maiwasang masaktan sa mga nangyayari.

"Cooper Alvarez. Time of Death, 9:30 PM" Nanlulumong sambit ng doktor habang pinagmamasdan ang makinang nagmo-monitor sa tibok ng puso ng binata.

Umiiyak man at nagdadalamhati dahil sa tuluyang pagkawala ni Cooper, Agad na napatingin ang nars na si Leo sa mga magulang ni Agatha.

Napahawak sa kamay ng isa't-isa ang mag-asawa at magkasabay na tumango-tango na tila ba buo na ang desisyon para sa anak.

Alam ng magkakaibigang sina Reema kung ano ang susunod na mangyayari kaya nagyakapan na lamang silang lahat.

Dahan-dahang lumapit si Kuya Leo sa makinang tanging bumubuhay kay Agatha. Napahawak na lamang siya sa bibig niya nang tuluyang kumawala ang hikbing kanina niya pa pinipigilan.

Napapikit siya at pinindot na lamang ang buton na siyang nagsisilbing pampatay sa makina.

"Agatha Grace Tanya, Time of Death : 9:32 PM"

                              T H E    E N D.

                            To God be the Glory!

       Ps, tweet me ur reactions by using #StayAwakeAgatha

               Ps, PLEASE DO POST COMMENT LOLS.

                 THANK YOU FOR READING <3

Continue Reading

You'll Also Like

370M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
523K 14.1K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...