SWITCH

By kcxtreme

11.6K 476 62

Simple lang naman ang gusto ni Evans: mapasakanya ang babaeng gusto nito. Malay niya bang sa pagpindot ng swi... More

Author's Note
SWITCH #1
SWITCH #2
SWITCH #3
SWITCH #4
SWITCH #5
SWITCH #6
SWITCH #7
SWITCH #9
SWITCH #10
SWITCH #11
SWITCH #12
SWITCH #13
SWITCH #14
SWITCH #15

SWITCH #8

502 24 1
By kcxtreme

A/N: R16 'tong chapter na 'to, at medj kaderder~


BEWARE!

____________________________________________________


"So mare, ano na ba ang chika sa date mo?"

Pagkarating ko sa classroom ito agad ang bungad sa akin ni Mustafa. Malandi na nga siya, chismoso- este chismosa pa. Minsan napapa-isip ako kung bakla ba 'to sa real world.

"Ayos lang naman." sabi ko. "Nakasama ko si Zinni-este si Zach. Ok na nga sana, kung wala lang 'yung mokong."

"Ano ba 'yan, in details naman! Parang 'di ka naman nag-enjoy. Talo mo pa kaya 'yung nanalo sa lotto!"

Kinwento ko na nga lahat ng nangyari sa amin.

"Mare, tulad nga ng sabi ni Tita Girl, ikaw na! Nako, haba ng hair mo~ Kailangan nang magpagupi- bakit?"

Biglang sumakit tiyan ko at napahawak dito. "Wala. Nagpaparamdam lang tiyan ko."

"Baka najejebs ka. Nako, kung kailangan, ilabas mo 'yan. Mahirap na pag sumabog ang bulkan. Baka mabaon kami."

"Hindi, nawala na siya." Kaninang umaga pa nga 'to. Pagising ko nakaramdam ako ng sakit na parang may sumaksak ng kutsilyo sa akin, pero nawawala rin naman siya. "Kailangan lang idighay 'to."

Pero buong umaga naramdaman ko 'yung kakaibang sakit na 'yun. Pabalik-balik siya at hindi ako maka-concentrate sa klase. Buti na lang malapit na mag-lunch at hinihintay ko na lang tumunog ang bell.

"Eloise,"

Napatingin ako sa katabi kong si Jeanette "Bakit?"

Pasimpleng binigyan ako nito ng invitation. "Malapit na birthday ko. Punta ka."

Sasagot na ko ng bumisita na naman si kamatayan at tinodo-todo ang pagsasaksak sa akin. "K-kelan-ah! ulit 'y-yun?"

"Sa November 30."

"Ah si-aray!" Napahawak ako sa tiyan ko.

"Ok ka lang ba?"

"Oo. Si-sige. Nandun kami ni Mustaf-ah!"

"Mustafa?"

"Ah eh Marseille-ugh! Marseille pala."

Kung kailan tumunog ang bell tsaka nawala ang sakit ng tiyan ko. Nananadya talaga 'tong bituka ko na 'to. Pinauna ko na si Marseille at balak kong mag-clinic. Nang papunta na ko dun, narinig ko boses ni Zach.

"Eloise!" Napalingon ako at nakitang papalapit 'to sa akin. "San ka punta?"

"Sa clinic."

"Bakit? May sakit ka?"

"Hindi naman malala. Hihingi lang ako ng gamot."

"Sabay na tayo at dun din daan ko."

Habang papunta dun, napagkwentuhan namin 'yung 'double' date namin. Ngayon ko lang din naisip na mula ng bumaliktad ang mundo, mas madalas kong nakakausap si Zach. Pag kay Zinnia talaga kasi tig-iisang minuto lang. Ang lapit niya na nga sa akin, madalang pa kami mag-usap.


Haay~ love life talaga.


"...at para niyang kinabayo 'yung bumper car- " Biglang napahinto kasama ko. "Naaamoy mo ba 'yun?"

Ngayon ko lang din napansin 'to. Mabaho siya, na parang nabubulok na isda. "Parang malansa 'yung amoy."

"Kanina ko pa naamoy pero ngayon lalong bumaho. Parang amoy du..."

Tumindi nga ang amoy kaya napahawak ako sa ilong ko. "Tupang inets ang baho! Ang lansa! May bukas ata na kanal at dun tinapon 'yung panis nilang paksiw!"

"Uhh...Eloise,"

Nakita ko 'tong namumula at hindi makatingin sa akin. "Bakit?"

"Ahem...'yung likod mo. May ano..."

"May ano?" Tumingin ako sa likod ko. "Anong me-" Sa palda ko may parang mantsa. Nagtaka ako at wala naman akong naupuan na madumi. Hinawakan ko 'to at nanlaki mata ko.


Basa siya...


Pula siya...


At amoy...


"I-ito. Hiramin mo muna jacket ko." sabi ni Zach.

Ilang minuto kong tinitigan kamay ko hanggang sa narealize ko na tama ang hinihinala ko...


Na dugo 'to.


"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!! DUGO! MAY DUGO!"

"E-Eloise-"

"NAGDUDUGO AKO! TUPANG INETS ALMORANAS BA 'TO?!"

"Te-teka-"

"MAMAMATAY NA KO! MAUUBUSAN AKO NG DUGO AT MAGIGING TUYO AKO! ANG MALAS NAMAN NG KAMATAYAN KO-" Umepal na naman ang tiyan ko at napaluhod ako sa sahig.

"Eloise! Ok ka lang?!"

"Mare ikaw ba 'yan?" Biglang sumulpot si Marseille. "Dinig na dinig ka sa canteen- OMG anyare sa'yo?!" Dali-daling lumuhod siya sa tabi ko at kinuha kamay ko. "What has happened my dear half-sister? At dugo ba 'tong nasa kamay mo?!"

"Ang...ang sakit..."

"Anong masakit? Just tell me and I'll make the pain go away."

"Mustafa, patawarin mo ko sa mga kasalanan ko sa'yo at mukhang ito na katapusan ko. Kahit ba ang tanga-tanga mo, ikaw ang tangang tao na hinding-hindi ko makakalimutan dahil sa mga katangahan niya."

"Ano bang nangyayari sa'yo at nagpapaalam ka na?!" May binulong si Zach sa kanya at nanlaki mata niya. "Teka, ibig sabihin ba..." Napatingin siya sa hawak niyang kamay kong may dugo. "YUUUUUUUUUUUUCK EEEEEWWWW!" Binitawan niya 'to at pinahid sa pader.

"Tupang inets Mustafa! Nakikita mo na ngang namamatay ako dito ikakalat mo pa dugo ko!"

"Ang OA mo mare! Hindi ka namamatay! May dalaw ka! Mens! Period!"


Tama ba narinig ko?


"May...period ako?"

"Uhh gusto mong dalin natin siya sa clinic?" tanong ni Zach sa isa.

"Ay hindi na papa Zach. Ang kailangan dyan sa asylum. Ako ng bahala dito at malapit naman ang CR." Tinulungan niya kong tumayo at hinila ako papuntang CR bago sinarado ang pinto. "Nakakahiya ka talaga mare! Pinagtitinginan ka ng mga tao! At nagpatagos ka pa harapan kay Zach! At amoy kang sardinas!"

Medyo naglo-load pa ang utak ko nun bago ma-process ang lahat ng nangyayari. "May...may...period...a-ako?"


Period?


PERIOD?


TULDOK?!


AS IN RED FALLS OF DOOM?!


Bigla akong nanlamig, at sa punto na 'to malapit na kong masiraan ng ulo. "I-Imposible! Pano nangyari 'to?! Hindi ako nagkakaroon! Lalaki ako! Lalaki!"

"Ayan na naman tayo. O sige! Tutal lalaki ka ng lalaki dyan, magpatuli ka na sa abularyo!"

"Hindi 'to normal! Kaabnormalan 'to!"

"At sa tingin mo normal din ang pagbabalat nila ng ari na parang mais lang?"


Tupang inets! May menstruation ako! Juice colored hindi ko alam ang gagawin ko! Hindi ko na nga matanggap na may boobs ako, na nawala na si junior, tapos magkakaroon pa ko nito?!


Kumirot na naman tiyan ko at namalipit sa sahig. "Ansakit..."

"Natural meron ka kaya sasakit 'yang puson mo."

"Puson?" Nanlaki mata ko. "Ibig sabihin ba nito pwede rin akong magkaanak?!"

"Kung magpapatira ka!" May binili siya sa tissue vendo at inabot sa akin. "Ilagay mo na 'yan at baka gumawa ka pa ng baha dito."

Dahan-dahan ko 'tong kinuha, binuksan, at tinitigan 'to.

"Ano mare? Papanoorin mo na lang ba 'yang napkin lumipad sa panty mo? Use the force ba ang peg?"


Hindi ko alam kung ano gagawin dito...


Pero mabango siya.


"Hoy, ano ba hinihintay mo? Wag mong sabihin pati rin ako maglalagay niyan!"

Hindi na lang ako nagsalita at pumasok sa cubicle. Napaupo at tinitigan 'to ng ilang minuto.

Kahit kailan hindi ko inisip na kakailanganin ko 'to. Nakahawak lang ako nito ng pinagtripan ni Mustafa ang pinto ng faculty room. Pinahawak niya kasi sa akin habang dinidikitan niya ng mga napkin 'to.

Bigla na naman sumakit puson ko at napilitan na ko ilagay 'to. Kakaiba ang pakiramdam niya, pero malambot siya sa feeling, na para bang naka-diaper ako.

Tumayo na ko at ipa-flush na sana ang toilet nang muntik na kong himatayin sa nakita ko.


TUPANG INETS! MAY DUGO! MAY DUGO-


Ay, akin lang pala 'yun.


False Alarm.


Pinikit ko mga mata ko at nagdasal ng Ama Namin bago finlush 'to at dali-daling lumabas.

"Tapos ka na? Nakapag-meditate ka na at tinanggap ang natural na nangyayari sa'yo?" tanong ni Marseille habang naghuhugas ng kamay.

"Ayaw ko na...gusto ko nang bumalik...buntot ko..."

"Oo nga. Balik na tayo at 'di pa ko kumakain. Hiramin mo muna jacket ko para pangtapi." Pinangtapi ko nga 'to at dahan-dahan lumabas sa CR.

"Mare, relax ka lang. Para kang penguin maglakad."

"Tupang inets, Marseille. Nagko-concentrate ako dito." Kinakabahan ako at baka matagusan ako kaya binabalansi ko sarili ko.

Hindi ko alam kung paano natitiis 'to ng mga babae pero saludo na ko sa kanila. Sa tuli isang tama ka lang tapos na, pero dito sa mens every month mararamdaman mo 'tong grabeng sakit. At least alam ko na isa sa rason kung bakit mabilis silang mairita.

Pagdating namin sa canteen, sumalubong sa amin si Zach at tinanong "Ok ka na Eloise?"

"Oo. Pasensya na pala sa nangyari kanina." Kung bumalik na ang mundo sa normal, mabura rin sana ang mga kahihiyang alaalang ginawa ko.

"Ok lang 'yun. Accidents happen. Nga pala, binilan kita ng food." May kinuha siya sa plastic na dala niya. "Matagal-tagal na rin ako 'di nakakakain nito, at sakto, pampadagdag daw ng dugo 'to."

Inabutan kami ng Betamax at nagpasalamat sa kanya. Nang kinakain na namin 'to, sabi ko "Ang tagal ko na rin 'di nakatikim nito. San pala gawa 'to?"

"Ano ka ba mare, basic elementary" sabi ni Marseille habang ngumunguya "Sa dugo duh~"

Ang huli naalala ko ang lasa ng Betamax bago nawalan ng malay.


FYI may phobia ako sa dugo.


Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 76.3K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
20.9M 512K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]