UNTIL TOGETHER Part 2 ( COMPL...

By TheRealMinieMendz

193K 4.9K 441

Sa kabila ng isip batang katangian ni Yuka ay minahal siya, tinanggap, at inalagaan ni William. Pagkatapos ng... More

UNTIL TOGETHER
1
2
3
4
5
6
7
8
10

9

14.4K 413 23
By TheRealMinieMendz

🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆

NAGISING SI YUKA na tumingin sa paligid. Tahimik at wala si William sa tabi niya. Bumangon siya kahit nanlalata. Napahikab siya at nakasimangot na bumangon habang bitbit si Lily at 'yung barbie.

"Lalala.." masayang tumalon-talon siya palabas ng kwarto, pero napahinto ng may maalala. Napatakip siya ng bibig at napatingin sa tiyan, "Ay! Oo nga pala, mayroon baby sa tummy ko. Hihihi.." humawak siya sa tiyan, "Pero wala naman. Hmm, baka tulog pa siya kaya dapat 'wag akong malikot."

Tumango-tango siya na humakbang ng paisa-isa. Nasa hagdan na siya ng makita niya si William na paakyat at nakita siya.

"O, gising ka na pala. Gigisingin talaga kita dahil malapit nang lumitaw ang fire works."

"Bakit iwan mo ako?" nakasimangot niyang sabi rito. Malapit na niyang isipin na baliw si William dahil pinagtatawanan siya tuwing sisimangot siya.

"Sandali lang naman, ito naman."

Lumapit ito at hinawakan siya sa baywang..

"Karga! Ayaw ko lakad." aniya habang nagtatalon at humawak sa balikat nito.

"Okay, okay. 'Wag kang talon ng talon at baka malaglag si baby."

"Ay! Oo nga pala. Sorry, baby." aniya at humawak sa tiyan niya.

"Very good." sabi ni William at binuhat siya.

"Anong gawin natin labas? Paputok tayo gaya ibang bata?"

Umiling si William, "Hindi, bawal ka makalanghap ng usok. May mag-o-operate no'n sa malayo kaya sa langit mo lang masasaksihan ang fire works."

"Hindi pwede? Kahit loses lang?"

"Hindi. Kung noon pwede, ngayon bawal, maliwanag?"

"Bakit kasi bawal?"

Napahinga ng malalim si William at binaba siya. Hinarap siya nito at tinignan mabuti.

"Kapag nakalanghap ng usok si baby ay maaari kayo magkaroon ng komplikasyon."

"Komplikasyon?" napaisip si Yuka kung ano 'yon.

"Basta bawal. Kapag bawal 'wag nang makulit."

"Bakit noon pwede? Daya!" nagdadabog niyang sabi.

"Kasi nga may baby ka na."

Lalo siyang sumimangot, "Bakit kasi ako may baby?"

Natutuwa naman si William sa patutunguhan ng usapan nila.

"E, kasi binuntis kita."

Napakuno't ang noo ni Yuka, "Bakit mo ako binuntis?"

Natawa na si William at humawak sa pader na nasa likod ni Yuka.

"Para may anak tayo."

"Paano nangyari magkakaanak tayo? Hindi ko alam bakit magkakaanak tayo?"

Ngumisi si William habang titig sa mga mata ni Yuka na puno ng kuryosidad.

"Gusto mo bang malaman?" tumango ito kaya lalo siyang ngumisi, "naalala mo ang nangyayari sa kama natin kapag hubad tayo?"

Napaisip ito at biglang namula ang mukha.

"G-ganoon 'yon?"

Tumango siya kaya hindi mapinta ang expression nito na kinatawa niya.

"Kaya alam mo na kapag gusto ko nang baby sa 'yo. Gagawa tayo ng marami para marami kang kalaro."

"Ah! Katulad ni Pogi na maraming baby. Ganoon din ako?"

Pinitik niya ito sa noo kaya napaaray ito at napasimangot.

"Ano ka aso? Ang sinasabi ko lang ay gusto ko ng maraming anak sa 'yo, hindi 'yung isang panganak mo ay marami ang lalabas."

Napahagikhik ito tila natatawa sa reaksyon niya.

"Laki butas ilong mo hihihi.."

Kiniliti naman niya ito kaya tawang-tawa ito. Hindi niya mapigilang mas sumaya kapag nakikita ang mga ngiti at tawa ni Yuka. Nakakagaang ng loob na para bang wala siyang maiisip na problema kapag titignan lamang niya ito.

Inaya na niya ito pababa at nagulat ito ng magpaputok ng confetti sila Yaya Pen na kinatuwa naman ni Yuka.

"Yehey! May party! Gusto ko din paputok ganyan." lalapit na sana ito kela Yaya Pen ng agad niyang pigilan ito.

"Honey, hayaan mo na sa kanila 'yon. May ipapakita ako sa 'yo."

"Huh? Ano 'yon?"

"Ito.."

Tinuro ni William ang kalangitan kaya napatingin doon si Yuka. Mas lumiwanag ang buong paligid ng umilaw ang kalangitan dahil sa makukulay na fire works na ngayon ay nakikita nila. May gumuhit din na salita sa kalangitan na kulay pulang fire works.

"I love you, Yuka and Baby." bulong ni William kaya napangiti si Yuka at humarap kay William.

"Mahal din kita, William." sabay yakap sa kanya.

Napangiti si William at tumingala sa kalangitan. Pinapangako niya na aalagaan niya pareho---si Yuka at baby nila. Alam niyang malaking pasubok ang lahat sa kanya, pero hindi niya susukuan at mas kakayanin lahat basta kasama lamang niya si Yuka.

Hinalikan niya si Yuka sa ulo at tumugon sa yakap nito na sinuklian niya ng mahigpit na yakap.

"Hihihi.."

HINDI MAPIGILAN NI Yuka na mapahagikhik dahil sa paghalik ni William sa tiyan niya. Minamasahe at pinag-e-exercise ni William si Yuka para mas maginhawa itong manganak kapag kabuwanan na nito. Nagbabasa siya tungkol sa mga pagbubuntis, kaya sinisimulan na niya ang tamang step sa pagbubuntis ni Yuka.

"Lumalaki na ang tummy mo. Dapat siguro ay magpalit ka na ng isusuot para makahinga si baby natin." aniya at hinaplos ang tiyan ni Yuka tatlong buwan na. Hindi niya akalain na napakabilis ng panahon, parang kailan lang ay sine-celebrate pa nila ang pagdating ng baby sa tiyan ni Yuka.

"Busog ako, e."

"Hindi ka busog. Si baby 'yan, kaya ingatan mo rin ang tiyan mo dahil baka masaktan siya."

Tinulungan niya itong bumangon at naupo ito sa hita niya kaya inalalayan niya ito. Humawak ito sa leeg niya at tinignan siya.

"Laro tayo."

"Hindi na pwede. Pwede kang maglaro ng mga doll mo, pero bawal 'yung mga tumatakbo."

Mula kasi na mag-tatlong buwan ang tiyan nito ay hindi na niya hinayaang magtatakbo. Bantay na bantay niya talaga ito dahil wala naman siyang ibang gagawin kundi iyon.

"Daya mo! Sabi mo laro tayo at gawa mo ako star city, e!"

Umiyak ito habang nagdadabog sa pagkakaupo sa kanya.

"Sorry, Honey. Next time na lang, ha?"

Sumimangot ito at umalis sa pagkakaupo sa kanya kaya napahinga siya ng malalim ng umalis ito ng kama.

"Yuka, saan ka pupunta?!"

Tumayo siya dahil lalabas ito ng kwarto. Hindi ito nagsalita kaya napahilot siya sa sentido at sinundan ito. Nakita niya na pumasok ito sa isang kwarto kaya napahinga siya ng malalim na sinundan ito. Kaso pagpihit niya ng pinto ay hindi niya mabuksan.

"Yuka, open the door! Kausapin mo ako kung nagtatampo ka. Promise, next time ay gagawin ko na ang mini amusement park mo."

Hindi ito sumagot kaya napahinga siya ng malalim at bumalik sa kwarto nila. Mamaya na lang niya kakatukin ito, baka mamaya ay wala na ang tampo nito sa kanya.

Nahiga siya sa kama at inunan ang isang braso bago hinawakan ang libro tungkol sa cycle ng pagbubuntis. Malapit na niyang matapos kaya tinuloy-tuloy na niya.

Hindi alam ni William na lumabas sa guest room si Yuka. Nagtatampo ito kay William dahil ayaw nito tuparin ang promise nito.

Bumaba siya at walang nakakita sa kanya kaya lumabas siya ng bahay. Gusto niyang magpunta sa playground. Tinakasan niya ang guard at napangiti na siya na tumakbo patungong playground kung saan siya dinala ni William.

"Yehey! Duyan!"

Agad na tinakbo niya ang duyan at nagduyan siya doon.. May mga bata na nandoon din kaya lalo siyang natuwa.

"Ate, pambata lang 'yan, bakit ka sumasakay?"

Napahinto siya sa pag-ugoy sa duyan ng may humintong mga bata sa harap niya.

"Pwede ako dito. Dito ako duyan noon, e."

Nagkatinginan ang mga bata at nagtawanan.

"Bakit isip bata ka magsalita, Ate? Laki-laki muna, e."

"Baba! Ako d'yan."

Pinapaalis ng batang babae si Yuka sa duyan pero ayaw umalis ni Yuka.

"Ayaw ko! Ano ba!"

Naitulak niya ang bata kasi pinapaalis siya nito. Napaupo naman ang bata at napaiyak.

"Julie, anong nangyayari d'yan?"

May dumating agad na babae at nakita ang kapatid nito na umiiyak habang nakaupo sa lupa.

"Tinulak niya ako, Ate. Pinapaalis ko lang siya dahil ako sa duyan, e."

Tumaray naman ang mukha ng babae at hinarap si Yuka.

"Sino ka ba at nanunulak ka? Saka pati bata pinapatulan mo? Umalis ka nga d'yan."

Hinatak ng babae si Yuka kaya lalong kumapit si Yuka sa duyan.

"Bitaw!"

"Ayaw ko! Dito ako, e!" iling na sabi ni Yuka.

"Aba! Abnormal ka pala, e! Alis! D'yan ang kapatid ko!"

Hinatak ng malakas ng babae si Yuka kaya napaalis ito sa duyan. Sinabunutan pa nito si Yuka kaya napaiyak ito.

"Uli-uli na saktan mo ang kapatid ko, ako ang makakatapat mo! Hindi mo ba alam teritoryo namin ang lugar na ito?"

"Sakit na po.."

Ngumisi ang babae, "Gusto mo ba 'yung mas masakit pa?"

Mas diniinan ng babae ang sabunot kay Yuka at sinampal ito sa mukha kaya lalong napahagulgol si Yuka.

"Harlyn, anong mayroon?"

Dumating ang barkada ni Harlyn at napangisi sa ginagawang pambubully nito sa babae.

"Hetong babaeng ito, itulak ba naman ang kapatid ko, edi lintek lang ang walang ganti. Ano? Nagmamaganda ka? Gusto mong sirain ko 'yang mukha mo, ha?" sinampal muli nito si Yuka at inalog-alog ang ulo sa pamamagitan ng sabunot.

"T-tama na po... Sakit na ulo ko.."

Hindi na makayanan ni Yuka ang pagmamaltrato ng babae.

"Harlyn, parang kilala ko 'yan. Parang 'yan ata ang anak nung may-ari ng pinakamalaking mansion d'yan sa private subdivision." sabi ng kaibigan ni Harlyn na si Judit.

"Wala akong pakialam kung sino ang babaeng ito. Tutal, wala tayong mapagtripan, edi siya na lang. Sisinto-sinto naman ito."

"Mukhang mamahalin ang alahas sa katawan niya at sapatos, ha?"

Lumapit ang chubby na babae na napag-interesan ang alahas sa katawan ni Yuka.

"Ate, gusto ko 'yung manika niya." sabi ng kapatid na babae ni Harlyn.

"Ah, heto?" turo kay Lily.

Agad na umiling si Yuka at niyakap ng mahigpit si Lily.

"Akin na.."

"Ayaw ko.. Akin 'to!"

"Aba! Talagang nagtatapang-tapangan ka pa, ha?"

Pilit na kinukuha ng babae ang manika pero ayaw ibigay ni Yuka. Muling sinampal ng babae si Yuka kaya naagaw niya ang manika.

"Akin 'yan! Huhuhu! Sumbong ko kayo!"

Nagtawanan sila Harlyn at sinapok ni Harlyn ang ulo ni Yuka kaya lalo itong napaiyak sa sakit.

"Magsumbong ka wala namang maniniwala sa katulad mong abnormal! Hahaha! Amin na ang alahas at sapatos mo."

Hinaklit ni Harlyn ang kwintas niya at binigay doon sa chubby. Hinatak paupo ni Harlyn si Yuka sa pamamagitan ng pagsabunot kaya ang kawawang si Yuka ay umaaray na sa sakit na natatamo sa mga babae.

"Harlyn, anong ginagawa niyo?"

Dumating si Julio na tanod sa baranggay kaya nagtakbuhan sila Harlyn bago pa maabutan ni Julio. Naiwan naman si Yuka na umiiyak habang nararamdaman ang sakit ng anit at mukha.

"Ayos ka lang, hija?"

"Saktan nila ako at kuha nila si Lily at sapatos ko."

"'Wag kang mag-alala, hindi ka na nila masasaktan. Halika, dadalhin kita sa clinic."

Umiling si Yuka, "Ayaw ko. Uwi na ako."

"Oo, iuuwi din kita, pero sama ka muna sa akin. Kukunin din natin sa kanila ang gamit mo."

Napahikbi si Yuka at napatayo ng alalayan siya ng lalake. Napangisi naman si Julio at humawak sa baywang ng babae. Kanina pa niya nakita ito sa duyan at gandang-ganda at nagnanasa siya sa kakinisan at kaputian nito. Magandang dalaga pa kaya nang makakuha ng tyempo ay nilapitan na niya. Kaso buntis pa ata.

"Masakit ba ang braso mo, Hija?"

Pasimpleng humawak ang lalake sa braso ni Yuka at hinaplos. Inakay niya ito sa baranggay dahil wala namang tao ngayon doon dahil holiday. Kaya saktong-sakto maaari niyang gawin ang gusto niya sa babae ng walang makakakita.

"Uwi na po ako.."

"Oo, uuwi ka rin. Pero tignan muna natin ang mga pasa mo."

Pumasok sila sa isang opisina. Agad na niyakap ng tanod si Yuka mula sa likod at hinalikan sa leeg. Agad na nagpumiglas si Yuka at umiyak dahil sa ginagawa ng lalake.

"Tumigil ka kung ayaw mong patayin kita."

Nanginig si Yuka sa takot lalo na nang maglabas ng balisong ang lalake. Ngumisi ito at agad na humawak sa dibdib ni Yuka.

"'Wag kang maingay kung ayaw mong isaksak ko ito sa 'yo."

Pero bago pa magawa ng lalake ang binabalak niya ay agad na bumukas ng marahas ang pinto at niluwa no'n si William na lalong nagdilim ang mukha ng makita ang lalake na pinagsasamantalahan si Yuka.

"Siya 'yon, Kuya!" sabi ng bata na nakakita kay Julio na inaakay si Yuka na umiiyak. Napagtanungan ito ni William dahil hinahanap niya si Yuka ng malamang umalis ito ng bahay.

"Hayop ka!"

Agad na sinugod ni William ang lalake at inilayo si Yuka. Sinuntok niya ang lalake kaya napadausdos ito at tumama sa lamesa. Hindi pa tapos doon si William at pinagsisipa niya ito sa sobrang galit.

"'Wag ka na away. Please..."

Niyakap ni Yuka si William para pigilan ito. Napatigil naman si William at napapikit.

"Ser! Anong nangyari rito?"

Dumilat si William at tinuro ang lalake.

"Ipakulong niyo ang hayop na 'yan. Handa akong magbayad kahit magkano, mapakulong lang ng habang buhay 'yan."

Sobrang gigil na si William dahil kung nahuli siya ay baka ano na ang nagawa nito kay Yuka. Nasisiraan na siya ng ulo dahil kahit anong gawin niyang pagprotekta kay Yuka ay palagi itong napapahamak.

"Masusunod, Ser."

Inalis na ng mga security guard ang tanod at naiwan sila Yuka at William. Hinarap ni William si Yuka at humawak siya sa mga braso nito habang sinusuri ang katawan nito.

"Sabihin mo kung saan ka sinaktan ng lalake?"

"Takot niya ako patay daw ako. Tapos kiss niya ko dito. Takot ako."

Yumakap sa kanya ito kaya sinuklian niya at napatingala siya para pigilan ang luha.

"Bakit kasi umalis ka ng bahay? Hindi ba sinabi ko na 'wag na 'wag kang lalabas?" hinawakan niya ito sa balikat at tinignan, "Dahil sa katigasan ng ulo mo napahamak ka tuloy! Kung hindi ako dumating ay baka ano na naman mangyari sa 'yo! Palagi mo na lang pinapahamak ang sarili mo! Sarili mo lang iniintindi mo? Paano naman kaming nag-aalala sa 'yo parati?"

Hindi niya mapigilang pagalitan ito dahil sa katigasan ng ulo ay napahamak na naman ito.

Umiyak naman ito ng malakas kaya nabitawan niya ito. Tumalikod siya at napahawak sa baywang para pakalmahin ang sarili.

"Ayaw ko galit ka sa akin. Hindi na ako layas ulit. Huhuhu.." yumakap ito sa likod niya kaya huminahon siya, "S-Sorry po.. Huhuhu.. Ayaw ko na labas bahay. Saktan ako mga bata at babae. Kuha pa nila si Lily at kwintas ko.."

Inalis niya ang pagkakayakap nito at hinarap niya ito. Agad na tinignan niya ito ng mabuti at nakita niya na magulo ang buhok at namumula ang pisngi nito.

"Sino ang may gawa sa 'yo nito?"

Bumigat na naman ang hininga niya sa galit. Galit na galit siya dahil sa nalaman.

"Hindi ko kilala. Huhuhu.. Wala na si Lily. Kuha nila Lily ko. Kunin mo Lily ko.."

Agad na inalo niya ito, "Tahan na.. Kukunin natin si Lily. Humanda sila sa akin."

Niyakap niya ito at para bang sasabog na ang dibdib niya sa sobrang pag-alala at galit sa mga taong patuloy na pinagsasamantalahan ang kakulangan ni Yuka. Sobrang sakit sa dibdib tuwing makikita niyang nasasaktan ito ng ibang tao.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

103K 2.7K 28
GXG
15.2K 60 49
Enjoy
1.4M 32.4K 29
Luke and Aviona - A romance that blosssomed in a society where a governor cannot love the daughter of a prostitute. R18 Adult content
16.7K 32 6
This is a work of fiction. Not suitable for young readers below 18. Read at your own risk and please do not report🔞