You & Me + Her (Complete)

By MatildaBratt

24.8K 863 30

"I know that loving him is the biggest sin in the world. He's yours. He will always be yours. But for now, ca... More

Hi!
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-Two
Twenty-Three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty

One

2.4K 59 0
By MatildaBratt


JUDD

I closed my eyes and felt the warm rays of the sun on my face. Naririnig ko ang malakas na paghampas ng dumadaloy na tubig sa malalaking bato sa ibaba. I just love the peacefulness of this place.

Humugot ako ng malalim na hininga. Pinakiramdaman ko ang maiinit na sinag ng araw sa aking mukha. Anong oras na ba?

Binuksan ko ang aking mga mata. Nakikita ko ang papalubog na araw. Magkahalong dilaw, pula at kahel ang kulay nito. Kahit ang kalangitan sa may bandang kanluran ay halos kasing kulay na rin ng araw.

You love sunsets. But apparently, not this sunset.

It's like the sun is bleeding with its yellowish-red blood spreading across the sky. It's like there's a war going on. It's like the sky is fighting for the sun not to hide and the sun fighting to escape. That's where the blood came from.

Ano bang pinagsasabi ko?

Palubog lang ang araw, Judd. Walang giyerang nangyayari.

Wala nga ba?

Tiningnan ko ang suot kong relos. Alam mo bang ang mukha mo ang nakikita ko sa relos na ito? This watch was your gift, remember? Kaya nga palagi ko itong suot. Sa tuwing nami-miss kita ay sinusulyapan ko ang relos ko. And there you were. With your beautiful smiling face.

How long has it been since I last saw you?

I shook my head to erase your face. Tiningnan ko ang oras. It's 4:50 in the afternoon.

Was it just three hours and forty-eight minutes ago? Hindi ako makapaniwala. It feels like forever.

Napansin ko ang dumi na nasa manggas ng suot ko. Tiningnan ko ito ng mabuti. What was it?

It was rust. Orange-red-brown rust.

Saan ko ba nakuha ito?

You just bought these white, long sleeves a week ago. You. Ikaw. Hindi ako. Because you said you love me. 

I folded the edge of the sleeves to control the damage. Habang ginagawa ko iyon ay napansin kong may kalawang din ang palad ng kanang kamay ko. Hindi ko napansin na kinakalawang na pala ang bahaging iyon ng tulay na inuupuan ko ngayon.

I adjusted myself and moved towards the right side of the railing. Gaano na ba katanda ang tulay na ito?

Simula pa noon ay nandito na ang tulay na ito. I can remember riding my bike here as a kid every summer. I can remember running through the bridge because I wanted to be strong and athletic enough to join the high school basketball team.

I was a nerd back then. Mahilig sa libro at computers. I was studious. I was always at the top of the class. Gusto kong maging cool katulad ng mga athletes sa school namin. Naiinggit ako sa kanila dahil lapitin sila ng mga babae.

Tumatabakbo papalayo ang mga babae kapag nakikita ako sa school. Ang iba ay pinagtatawanan pa ako.

But that was a long time ago. Kung hindi lang sa tulay na ito ay hindi ko na maaalala pa ang masasakit na alaalang 'yun.

That was a long time ago. I now have you. You and your love. Or so have I thought.

I looked down and instantly felt the coldness of the water below. Gaano nga ba kataas ang tulay na ito? Alam ko mataas. Hindi ko nga lang alam kung gaano kataas. 200 meters? Higit pa?

It's high enough for someone to set up a bungee jumping business a few years ago. Ngayon ay wala ng nag-bu-bunjee jumping sa tulay na ito. Siguro dahil kinakalawang na nga. Iniwan na ito ng mga tao. 

I stared at the water below. Sa gilid ng ilog ay may malalaking mga bato. Malakas ang agos ng tubig. Alam kong malamig ang tubig sa baba.

Muli kong tiningnan ang aking relos. This time ay hindi ko na nakita ang mukha mo. Pero nadismaya ako nang makita ang oras. 4:58. Walong minuto pa lang ba talaga ang lumipas? Bakit parang ang tagal na?

Muli akong humugot ng malalim na hininga. Should I go back now? Anong sasabihin ko sa mga tao? Anong sasabihin ko sa photographers na kukuha sana sa mga litrato natin?

Alam mo kaya kung nasaan ako ngayon? Iniisip mo rin kaya ako ngayon? 

Pero higit sa lahat, nasaan ka nga ba ngayon?

My fingers want to squeeze your nose. My hands want to touch your face, stroke your lips and kiss you.

Pero wala ka dito ngayon para gawin ko ang mga iyon kaya't ikinuyom ko lang ang aking palad. A tight fist. Gusto kong manuntok. Gusto kong magwala.

Ang sakit ng ginawa mo sa akin. You have humiliated me like no one else did.

Bakit mo ginawa sa akin ito? How could you reject me?

"Judd?"

Napalingon ako nang may narinig akong nagsalita. Alam kong hindi ikaw iyon dahil lalaki ang boses na narinig ko.

Habang nakatingin ako sa matandang lalaki ay napansin kong may mga taong nakatayo sa kalsada na nakatingin sa akin. My eyes moved from him to them.

There were around six other people standing at the other side of the bridge. May dalawang sasakyan naman ang nakahinto sa kalsada.

"Okay ka lang ba, iho?" Muling tanong ng matandang lalaki.

Tinitigan ko ito. Pamilyar siya para sa akin. Hindi ba't ito ang kapitan ng baranggay? Sa likuran nito ay nakahinto ang isang kulay pulang multicab na may nakalagay na BRGY Mobile Patrol.

"Hindi mo ba ako naalala? Ako si Kapitan Lastimosa. Kaibigan ako ng mga magulang mo."

Kaya pala pamilyar ang mukha nito. Kaibigan pala nito ang yumao kong mga magulang.

"Kumusta po kayo, Kap?" Ang tangi kong naitanong. Pinilit kong maging masaya ang aking boses.

"Ang tagal na kitang hindi nakita, Judd. Huli tayong nagkita ay noon pang binibenta mo ang sakahan ninyo." Sabi ni Kapitan habang papalapit sa akin.

Yeah, I remember. That was almost five years ago.

"Hanggang ngayon ay nanghihinayang pa rin ako sa naging desisyon mo."

Ang pagbenta ko ba ng sakahan ang tinutukoy nito?

Well, I had to. The farm had nothing but painful memories. At isa pa, wala akong alam sa pagsasaka. I now live in the city. My company is thriving. Alam ko na kung nasaan man ang mga magulang ko ngayon ay masaya sila sa naging desisyon ko.

"Ano pong atin, Kap?" Hindi ako naniniwala na nandito ito para makipagkuwentuhan tungkol sa sakahang matagal ko nang ibenta.

Something caught my eyes as I was talking. Napatingin ako sa isang babaeng naroroon. Is she pointing her cellphone at me?

"Gusto ko lang masiguro na okay ka, Judd."

Tama ba ang narinig ko? Napa-concern niya naman yata.

"Bakit naman po ako hindi magiging okay?" Nagtataka pa rin ako kung bakit nakatutok sa akin ang cellphone ng babaeng nakatingin sa aking direksyon.

"Alam kong masakit ang nangyari sa'yo pero hindi iyon sapat na dahilan para tapusin mo ang iyong buhay. Bata ka pa, Judd. Guwapo, mayaman. Marami pa ang babaeng magkakagusto sa'yo."

Ano bang pinagsasabi nito?

"Hindi ko po kayo maintindihan." Natatawa ako sa sinasabi nito pero ang totoo ay nalilito talaga ako.

"Hindi natin pag-aari ang buhay natin, Judd. Ang Diyos ang nagbigay kaya't ang Diyos lang din ang may karapatang bumawi."

Now I'm really confused.

"Ano po bang pinagsasabi ninyo, Kap?"

"Nakikiusap ako sa'yo, iho. Huwag mong sayangin ang buhay mo."

Sayangin ang...? 

Tama ba ang narinig ko?

I adjusted myself to turn around. Nagulat ako nang biglang sumigaw si kapitan at ang mga naroroon.

"Judd! Huwag kang tumalon!"



***Please don't forget to vote and comment! Thank you! :)

Continue Reading

You'll Also Like

9.7K 750 37
Few years had passed since the last time we met and I wouldn't ever forget the man I have been with for five days but stuck in my head months and yea...
2.2M 41.4K 64
Two different people with two different world, fall so deeply in love with each other, but only to find out in the end that they can't be together...
601K 10.5K 38
"I fell in love with you the first time I saw you. Kahit na suplado ka, self-centered, selfish, and conceited. I thought deep down inside you, mabait...
2.5M 25.4K 49
ang hirap pigilang mahalin ang isang taong matagal mo ng mahal.. epal na utak.. takot na puso..