>>> He Is Mine My Gay Best Friend <<<
"naghintay sayo ng ganoon katagal....
ang buong akala'y akin lang ang iyong mundo..."
Five long years had passed...
Hindi niya ako binalikan sa Pilipinas nung umalis siya. I've waited so long pero di siya bumalik kaya nagpasyahan kong puntahan siya.
Kung alam ko... kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa amin edi sana hinintay ko na lang siyang bumalik...
Hindi ko dapat pinangunahan, natuto dapat akong mag-intay.
Dapat...
Dapat...
Kung sana nakapaghintay pa ako ng matagal edi sana bakla pa rin siya, o kung lalaki man siya, siya parin sana ang best friend ko...
Wala sanang malisya... Wala sanang pagmamahal... na higit pa sa dapat...
Edi sana hindi ako nasasaktan ngayon......
Masaya sana akong nakikita siya na ikakasal...
At sana ngayon masaya akong andito sa simbahan watching him and his fiancée getting married.
"Dear beloved, we are gathered here today in the sight of God, and in the face of this company, to join together this Man and Woman in Holy Matrimony...... if any man can show just cause why they may not lawfully be joined together, speak now or else hereafter hold your peace." Rinig kong sabi ng Pari sa harapan.
Humakbang ako papuntang gitna.
~Will they listen? Will they hear me? ~
Nandito ako ngayon sa kabilang dulo ng aisle nakatingin kay MJ, lumuluha.
Naglakad ako ng dahan-dahan hanggang nasa kalagitnaan na ako ng aisle... lahat sila nakatingin sakin.... Yung iba gusto akong pigilan at yung iba tingin nila nababaliw na ako....
"Hija... please don't do this." Bulong sakin ni Tita Veronica habang ang kamay naman niya ay nakahawak sa braso ko para pigilan ako...
Pero ang mga mata ko.... Kay MJ lang nakatuon, nakatitig lang kami sa isa't-isa... Inalis ko yung kamay ni Tita sa braso ko at humakbang pang muli...
~Bakit ganoon? Bakit nila ako pinipigilan? Di ba ako naman ang mahal? Sinabi niya iyon... paulit-ulit... paulit-ulit... ~
Binuksan ko ang bibig ko, ngunit walang salitang lumabas...
Muli akong humakbang nang isa desidido akong makalapit sa kanya, ngunit ang tahimik niyang pag-iling ang nagpahinto sa akin, sa buong mundo ko.
"Mahal kita MJ..." Ngunit tanging ako lamang ang nakarinig nun...
Mahal ka namin ng anak natin...
Pinagmasdan ko siya sa huling pagkakataon.
Buo na ang desiyon niya, hindi ako... hinding-hindi ako ang pipiliin niya at sobrang sakit nun.
Kinabisado ang bawat bahagi ng mukha niya ang mga mata niya, kilay, ilong, at mga labing laging binibigkas kung gaano ako kamahal...
~Na mula ngayon ay magiging pag-aari na ng iba. ~
Halos abot kamay ko lang siya... konti na lang...
So near yet, so far...
Marahan akong tumalikod...
At nagpasyang umalis na... ramdam ko ang mga titig ng mga taong nakapaligid naglakad ako ng mabilis papalabas habang pinipigilan kong wag mapaluha...
"Ikaw lang ang mahal ko, tandaan mo yan." Hindi ko alam kung bakit pumasok sa isip ko yung sinabi ni MJ bago ulit siya bumalik dito sa New York. Ako nga lang ang mahal niya pero bakit... Bakit siya ang pakakasalan niya? Bakit ba hindi niya magawang ipaliwanang sakin ang lahat? Baka sakali... Baka sakaling maintindihan ko... Para sana hindi ganito kasakit...
Pagkalabas na pagkalabas ko ng simbahan sumandal ako sa isang pader... sa gilid at mariing pumikit, ayokong tumulo ang mga luha ko, pagod na ako.
Nasa ganoong posisyon lang ako, pinakinggan ko lahat ng ituloy nila ang kasal... pinakinggan ko kung paano sila magsabi ng 'I do', pinakinggan ko kung paano sila magpalitan ng wedding vows.... Pinakinggan ko hanggang sa sabihin ng pari na---
"I pronounce you Husband and Wife." Rinig ko ang mga hiyawan at palakpakan ng mga tao sa loob...
Masaya... Nakikiisa sa kanila.
Bigla akong naging uneasy, na para bang kanina pa may tumitingin sa akin... ramdam ko kung gaano kalalim ang tingin niya kahit nakapikit ako para bang gusto niya akong magmulat para tignan siya...
Nilabanan kong wag magmulat ng mata at wag siyang tingnan kung sino man siya...
Ayokong makita niya ang paghihirap ko pero sutil ang mga mata ko nabigo ako, unti-unti kong minulat ang mga mata ko...
Hanggang sa isang pares na mga mata ang sumalubong sa aking harapan.
Paul...
Written by:
Crazybhabiemhine
Origibal by:
Ninetwentytwo