The Runaway Groom (Completed)

By endorphinGirl

2.1M 53.3K 4.9K

Sophia Martinez is one of the most successful Fashion Designers and Businesswomen in the country. Her fashion... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
End Part 1
End Part 2
Epilogue

Chapter 36

41.8K 1K 155
By endorphinGirl

Nakalutang pa rin ang utak ni Sophia habang ipina-park ang sasakyan sa labas ng kanyang boutique. Mabuti na lang at ligtas siyang nakarating sa boutique kahit gulat pa rin siya sa balitang dumating sa kanya kanina. Ang balitang buntis siya ay nakayanig nang husto sa kanyang sistema.

Ang salitang masaya siya ay kulang pa para ilarawan ang nararamdaman niya. Napakasaya niya. Gusto niyang tumalon at humiyaw sa saya. Kung kailan isinuko na niya ang pangarap na magkaanak, saka naman ibinigay sa kanya ang magandang balita. Parang binigyan siya ng panibagong pag-asa para mabuhay.

Akmang bababa na siya ng kanyang sasakyan nang mamataan niya ang isang pamilyar na lalaki na nakasandal sa hood ng sasakyan at nakapark pa sa mismong harapan ng boutique niya. Pumintig nang malakas ang puso niya nang makilala ito. Si Conrado! Nakasuot ito ng salamin sa mata, polo shirt at pantalon habang nakapamulsa. Mukhang may inaabangan ito dahil panay ang tingin nito sa relo.

Mukhang siya ang inaabangan nito. Pumitig man nang malakas ang puso niya dahil sa excitement nang makita ito, hindi niya mapigilang magtaka. Anong ginagawa nito doon? Pinuntahan kaya siya nito para sa will and testament ni Lolo? Ayon sa kanyang kapatid, hindi nito buong makukuha ang hacienda kapag hindi sila nagsama.

O baka gusto nitong madaliin ang proseso ng annulment? Baka hindi na ito makapaghintay na mahiwalayan siya't sumama kay Angela sa France. Malamang ay iyon ang sadya nito sa kanya. Wala na siyang naiisip na ibang dahilan. Imposible namang namimiss siya nito kaya siya nito pinupuntahan.

Imbes na bumaba ng sasakyan ay nanatili siyang nakahawak sa kanyang manibela. Sakto namang tumunog ang kanyang cellphone. Nang makitang si Bambi ang tumatawag ay agad niya iyong sinagot. Nasa loob ngayon ng boutique si Bambi at tinatapos ang kanilang panibagong designs.

"Y-yes, Bambi?"

"Girl, nasaan ka?"

"O-outside. B-bakit? May problema ba?"

"Wala naman kaya lang may guwapong hunk sa labas ng boutique ang naghahanap sa 'yo. Ang sabi ko hindi ko alam kung anong oras ka babalik. Ayaw naman niyang umalis kaya naghintay siya sa labas."

Alam ko. Nakikita ko siya ngayon.
"What does he want?"

"Some important matters daw. I would love to keep him here to flirt a little but—"

"Bambi!" medyo pagalit na sabi niya.

"Woah! Sorry! Is there a hint of jealousy there?"

Hindi siya nakaimik. Napahiya siya sa biglang bugso ng damdamin.
"S-sorry...can you please tell him to leave?"

"I did! Ayaw umalis."

Nag-isip siya ng ibang dahilan.
"Okay, tell him I'm leaving. Pupunta kamo ako sa Japan at makikipagkita kay Darwin."

"Oh, you wicked girl! Tell me, who is that man at kailangan mo pang gamitin ang nanahimik na si Darwin? He must be someone close to your heart," may panunudyong tugon nito.


"Just do it, Bambi! Just tell him, please?"

"Are you really leaving?"

Iyon ang orihinal na plano niya. Makikipagkita siya kay Darwin para simulan ang business venture na inooffer nito sa kanya dati pero ngayong nalaman niyang magkakaanak siya'y biglang nagbago ang inog ng mundo niya.
Hindi na niya alam ang susunod niyang gagawin.


"Y-yeah," pagsusinungaling niya.

"Okay, sinabi mo, eh."


Mayamaya ay pinatay na niya ang cellphone at hinintay na lumabas si Bambi ng boutique. Hindi nagtagal at lumabas ang kaibigan niya't kinausap si Conrado. Kitang-kita niya ang pag-igting ng mga bagang ng lalaki. Naikuyom pa nito ang mga palad tanda nang matinding galit. Kahit si Bambi ay tila natakot sa reaksyon ng lalaki.

Panatag naman siyang hindi kayang manakit ni Conrado kahit galit ito. May sinasabi ito kay Bambi at tila maamong tupa naman ang kaibigan niya't tumatango lang. Mabuti na lang at kahit nagpipigil si Conrado sa harapan ni Bambi ay maayos nitong tinanggap ang sinabi ng kaibigan niya't umalis na sa harapan ng boutique niya.

Ngunit bago ito tuluyang pumasok ng sasakyan nito't inilibot muna nito ang mga mata sa paligid na tila ba tinitiyak na wala nga siya doon. Mabuti na lamang at tinted ang salamin ng kanyang kotse kaya hindi siya makikita nito. Nang makaalis ito nang tuluyan ay saka pa lamang siya nakahinga nang maluwag.

Binuhay niya ulit ang makina at pinaandar ang sasakyan. Biglang ayaw na muna niyang bumalik sa trabaho. Gusto niyang umuwi ng kanyang bahay at mag-isip. Nawala ang sigla niya kanina nang makita si Conrado. Bumalik na naman ang sakit ng damdamin niya. Ang biglang paglitaw nito ay talagang nagdulot na naman sa kanya ng isipin. Bigla na namang tumunog ang cellphone niya't tumawag sa kanya si Sidney.



"Yes, hello?"


"What is wrong with you?" tila pagalit na sita ni Sidney.


Tumaas ang kilay niya sa tono ng boses nito.

"What?"


"Bakit ganoon ang sagot mo kay Lorraine kahapon? Dont you know how much effort she take just to tell you her heartbreak?"

Napamaang siya. Bakit parang siya pa ang may kasalanan? Siya itong pinaglihiman ng bestfriend niya at pinaglaruan pa ng magaling ang kawawang kapatid niya!


"And so? She made her own heartbreak, not me!" pasinghal na sagot niya.


"Oo nga pero nagsisisi na siya. She really love your brother!"


"What are you trying to say, Sid?" Medyo napipikon na siya.


"Forgive her, Sophia! She's your bestfriend!"

"Forgiveness is earned not dictated, Sid!"


"When did you become this vindictive, Sophia? You used to be so kind hearted and sympathetic!"

Hindi na niya itinuloy ang tawag at pinatay agad ang kanyang cellphone. Nairita siya nang tuluyan. Wala siya sa mood na makipag-argumento sa kahit na sino dahil magulo ang isipan niya.
Minabuti na lamang niyang i-focus ang atensyon sa daan habang nagmamaneho.

Gusto na niyang makauwi at pagplanohan ang mangyayari sa buhay niya lalo pa't magkakaanak na siya. Nang makarating siya sa gate ng kanyang mansyon ay nakita na naman niyang nakaparada sa labas ang sasakyan ni Conrado! Nasapo niya ang ulo. Paano nito natunton ang bahay niya?

Don't be silly, Sophia. Your life is an open book, you're famous, remember?. Malamang nakapagtanong-tanong 'yan!

At paano ito nakapasok sa mansyon samantalang strikto ang mga securities niya? Malamang ay sinabi nitong asawa niya ito. Napabuntong hininga siya. Hindi siya tatantanan nito hangga't hindi nito nakukuha ang gusto sa kanya kaya kailangan niya itong pagtaguan. Iniliko niya ang sasakyan at hindi itinuloy ang pag-uwi ng bahay.

Habang nasa daan ay nag-isip siya. Gusto niyang ikonsidera ang pagpunta ng Japan ngunit alam niyang masusundan siya ni Conrado doon. Kailangan niyang magtago sa isang lugar na hinidi siya mabilis matutunton ni Conrado. Naisipan niyang pumunta sa isa sa mga condominium buildings na pag-aari ng pamilya niya.

Nang makarating sa condominium building ay agad siyang bumaba. Pagkarating niya sa concierge ay agad siyang nginitian ng mga staff. Kilala siya ng mga ito. Gumanti din siya ng ngiti. Matagaltagal na rin nang huling makapunta siya sa building na 'yon. Isa ang building sa pinakaunang naipatayo ng pamilya niya.


"Good afternoon, Maam Sophia," bati ng isa sa mga staff sa kanya.

"Good morning too. Uhm, do you still have an available unit?"

"As of this moment, Maam, we only have one new unit. The previous unit of Ms. Emilia del Sol."

Kumunot ang noo niya. "She left? Is she coming back?"

"Not anymore, Maam. She surrendered all her keys and took all her things."

Nagtaka siya. Saan pupunta si Emily? Anyway, bakit ba siya interesado? Wala siyang pakialam sa buhay ng kahit sinong related kay Conrado.

"Can you give me her unit though?" sa halip ay sagot niya sa staff.

"Sure, Maam."

"Make sure she's not coming back, and if she does, tell her to find another condo," paninigurado niya.


"Noted, Maam."

"And please don't tell anyone, even my relatives, that I am here."

Napatingin sa kanya nang diretso ang staff. "Sure, Maam. Makakaasa po kayo."

"I don't need to sign any contract, right?"

Umiling ito. "No, Maam. Relatives of the owner are exception to the lease contract. Our manager will come here to escort you, Maam."

"No need. Just give me the key and I'll find it myself. I'll just call the concierge hotline if I have queries," naiinip na sabi niya.

Mabilis namang tumalima ang staff at ibinigay sa kanya ang card key. Nagmamadaling sumakay siya ng elevator. Nang makalabas ng elevator ay agad niyang hinanap ang condo unit ni Emily. Agad niyang ini-swipe ang card at pumasok sa loob. Napakalinis ng buong unit. Wala na ngang nakatira doon.

Nagtungo siya sa isang couch at pasalampak na umupo doon. Ilang minuto siyang nakatulala lamang at hindi kumikilos. Nasapo niya ang tiyan, hindi pa rin siya makapaniwalang may buhay na pumipintig sa loob! Tumulo ang luha niya. Panay ang pasalamat niya sa Diyos at hindi siya pinabayaan nito. Worth it ang lahat ng sakit na dinanas niya kay Conrado dahil nagbunga naman lahat ng iyon.

Gusto niya sanang ipagsigawan sa mundo ang pagdating ng anak niya. Kung puwedeng magdaos siya ng isang malaking selebrasyon ay gagawin niya dahil sa sobrang thankful niya sa pagdating nito sa buhay niya. Pero paano? Hindi niya alam kung matatanggap iyon ni Conrado, baka nga kasuklaman pa nito ang anak niya.

Ilang minuto pa siyang nakatunganga lamang doon habang hinihimas ang kanyang tiyan. Nalulungkot siya't hindi magkakaroon ng isang buong pamilya ang anak niya kapag naisilang. Sisiguraduhin naman niyang busog sa pagmamahal at pag-aaruga ang anak niya kahit wala itong kikilalaning ama.

Mayamaya ay nakaramdam siya ng pananakit ng puson. Agad naman iyong nawala. Kumunot ang noo niya. Hanggang ngayon ay hindi maipaliwanag ni Grace kung nawala nga ba ng tuluyan ang tumor niya dahil sa pagdating ng bata sa tiyan niya. Marami daw na tests ang kailangang gawin bago ito mag-conclude. Isa lang ang sinigurado nito, buntis nga siya.

Tumayo siya at nagtungo sa banyo. Inayos niya sarili at may pupuntahan ulit siya. Kailangan niyang mamili ng mga kagamitan dahil doon siya sa unit na iyon magtatago hanggang sa manganak siya. Kailangan niyang ikubli ang pagbubuntis niya sa mata ng publiko at mga mata ni Conrado. Nang umubo siya bowl upang sana'y umihi ay nanigas siya nang makita ang dugo sa kanyang panloob. Bigla siyang nilukob ng takot.

My baby!

Continue Reading

You'll Also Like

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
19.1K 776 49
Si Avery Taylor ay isang Television Reporter na labis na hinahangad ang taon-taong parangal. Ngayong taon, nahanap na nila ang sagot sa parangal at r...
182K 3.3K 31
We live in our own different world. Every story has a lesson to tell. When you were at the age of sixteen, what kind of life did you have? If you're...
296K 5K 45
She, Marionette Cosias, because she was poor, had to do everything to live. He, Seymour Montecillo, born to a rich family leaping forward in the wor...