My Knight in Shining Fangs [F...

By Thyriza

3.7M 100K 5.8K

[Fangs Series #1] Intimidating. Menacing. Perilous. Three best words that describe her own versi... More

Copyright
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Epilogue
NOTE!!
SPECIAL CHAPTER (1)

Chapter Twenty-Five

58.2K 1.6K 56
By Thyriza

Chapter 25

 

‘Theyn, mae-extend ata ang stay ko sa Colorado. Can you cancel all my appointments from the next 5 days?’

Nakatulala lang ako nang mabasa ko na gano’n ang text ni Kent. Another 5 days? Bakit mae-extend? Tsaka bakit hindi niya personal na sabihin?

Para nanaman akong maiiyak. Kagabi pa ako hintay nang hintay sa tawag niya pero hanggang sa ngayon wala pa and worst isang text pa ang natanggap ko. Nababaliw na ako kakaisip sakanya pero siya parang halos kulang na lang do’n na tumira! Hindi ba siya aware na masasagasaan ng 5 days na ‘yan ang monthsary namin? O talagang hindi niya naalalala? Hindi naman kami nagcecelabrate kapag monthsary namin, simpleng greetings lang taz bonding sa bahay niya—‘yan ang usually naming ginagawa. Kasi una pa lang hindi na ako nag-eexpect na magkaro’n ng monthly celebration kasi hindi na kami teenager.

Kinancel ko lahat ng appointments niya for the next 5 days. Sana pala bukas na ang uwi niya. Miss na miss ko na siya tapos malalaman kong—ah ewan!

Kung pwede lang na umalis ngayon dito sa opisina at umuwi gagawin ko. Pero hindi ko dapat ihalo ang personal na problema sa trabaho.

“What’s with the crumpled face?” puna ni Migo nang makababa akong office. Magla-lunch na sana ako sa cafeteria nang makasalubong ko siya.

“Stress lang.” walang gana kong sagot.

“Bukas na ang uwi ni Kent diba?”

“Nope,”

“Ha? Ngayon ba?”

“Hindi na siya uuwi,” malumay kong sabi

“Ano? Uy Theyn bakit ba parang wala kang buhay dyan?”

“Wala,” I heard him sigh.

“May problema kayo ni Kent? Nag-away kayo?” concern niyang tanong pero umiling naman ako. Hindi kami nag-away. Wala nga siyang ideya sa nararamdaman ko eh. He thought I was ok.

Napahinto ako nang makita kong jammed pack ang cafeteria at wala nang table and chairs na vacant.

“Wala pala akong gana. Babalik na lang ako sa taas.” Tumalikod ako. Naramdaman kong sinundan lang ako ng tingin ni Migo.

Kakahintay kong magbukas ang elevator kaya napagdesisyunan kong lumabas ng building. Sa labas na lang ata kakain.

Hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng building nang tawagin ako ni Migo.

“Bakit?”

“Sasamahan kita,” seryoso niyang sabi. Tumango lang ako sakanya.

Habang naglalakad sa sidewalk, hindi ko maiwasan isipin kung ano ang mga pinag-gagawa ni Kent at Ms. Aragon. Ganito pala kapag malayo ang mahal mo. Kahit alam mong tiwala ka sakanya na hindi siya magloloko, hindi pa rin maaalis sa isipan mo ang mga taong nakapaligid sakanya.

“Gusto mo bang pumunta sa Colorado?” napaangat ako nang tingin kay Migo dahil sa sinabi niya.

“Anong—“

“Kasama mo ako pero si Kent ang iniisip mo. Namimiss mo na siya ‘no?” hindi lang ako umimik sa sinabi ni Migo. Sure he can read between the lines. A woman would want a boyfriend who knows what you were thinking.

“Pina-extend niya stay niya sa Colorado.” Malungkot kong sabi sakanya.

“Alam ko. Kaya nga tinatanong kita kung gusto mong pumunta sa Colorado.” Kibit niyang sabi.

“Wala akong passport,” I saw him grinned.

“Nakakalimutan mo na atang madami akong koneksyon.” Tapos kumindat pa siya.

“Kahit na. Ayaw ko siyang sundan do’n ‘no!” Tsaka ayaw kong isipin ni Kent na wala akong tiwala sa kanya ‘no!

“Talaga? Hindi mo ba siya namimiss?” mapang-asar niya pang sabi. Kung nasa mood lang siguro ako baka kanina ko pa kinurot si Migo.

“Ewan ko sa’yo!” pagalit ko pang sabi.

“Bahala ka. Maraming nangyayari sa limang araw na ‘yan.” He mockingly said. Napanguso lang ako. I’m tempted.

“Pero hindi niya gugustuhin na nando’n ako. Business niya ‘yon.” Malungkot kong sabi.

“Eh pupunta din akong Colorado eh. Samahan mo na lang ako.” I stared at him with disbelief.

“Wow ah. Kung maka-imbita ka parang magma-mall lang!” natatawa kong sabi sakanya.

“Sige na kasi Theyn. Tsaka sigurado ako miss na miss ka na din no’n ni Kekoy.”

“Kahit na nga gusto ko, wala naman akong passport!” ang kulit ng lahi ni Migo.

“Kung passport ang pinoproblem mo, pwes ngayon din ipapaayos ko kay Florence ang papeles. Kaya kong ipagawa ka ng passport at sa makalawa makukuha mo na.” pagmamalaki niya pang sabi.

“Legal ba naman ‘yan?”

“Syempre! Wala kang tiwala sa powers ko. Palibhasa na kay Kent na lahat ng tiwala mo,”

“Aba! Pa’nong napunta sa tiwala ang usapan?”

“Basta. Kapag napagawa ko ang passport mo wala kang choice kundi ang sumama sa akin, ok?” napatango na lang ako. Oo gusto ko din kasing makita si Kent. Pero natatakot ako sa magiging reaction niya kapag nakita niya ako do’n.

That day, hindi ako makapag-concentrate sa trabaho. Naiisip ko talaga siya at panay ang tingin ko sa cellphone. Bakit ba hindi siya tumatawag? Kinakabahan na tuloy ako.

Hapon na nang makita ko si Florence na lumabas sa elevator. May dala siyang brown envelop at nakasimangot.

“Hoy bakla!” bungad niya sa akin.

“Oh, bakit?”

“Pakiexplain nga kung bakit nagpapa-rush nang passport para sa’yo si Sir Migo?!” nakapameywang niya pang sabi.

“Eh—“

 “Bakit kayo pupunta ni Sir Migo sa Colorado? At kayong dalawa lang?!” sabi niya tapos humalukipkip.

“Hindi ko alam.” Sabi ko lang.

“Anong hindi mo alam?! Kasi ang alam ko, siya lang ang invited sa business trip na ‘yon sa Aragon Plantation. Bakit ka kasama?” natatawa ako sa reaction ni Florence.

“Bakit? Nagseselos ka ba?” hindi ko makapaniwalang sabi.

“H-hindi!” she scowled at me.

“Isasama ako do’n ni Migo kasi nando’n din si Kent.” Paliwanag ko sakanya.

“G-gano’n ba? Akala ko kasi may relasyon kayo.” Ako naman ang napaubo sa sinabi niya. Seriously?

“Hindi ko kayang lokohin si Kent para kay Migo. They’re bestfriends.”

“Mabuti naman. Kasi kayo talaga ni Sir Kent ng bagay.” Pag-aapruba niya.

“Eh sino bagay kay Migo?”

“Ako.” Walang kagatol-gatol niyang sabi. Natawa lang ako may naalala kasi ako sa sinabi ni Migo.

“Kailan ba uuwi si Kent?” tanong sa akin ni Migo nang pumunta siya dito sa 21st floor. Nadatnan niya akong gumagawa ng bagong report para pagdating ni Kent ay may mababasa siya.

“Bukas ang flight niya pabalik so nandito na siya sa next day. Bakit?” Migo insist on calling him by his nick name. naasiwa daw siyang tinatawag ko siyang sir.

“Wala naman. May ipapabili sana kasi ako para sa secretarya ko.” Napaangat naman ako ng tingin dahil sa sinabi niya.

“Si Florence?” takang tanong ko.

“H-ha? Ah wala. Sinabi ko ba ‘yon? Ikaw talaga.” Tapos napahawak siya sa batok niya.

“Anong nginingiti-ngiti mo dyan?” nakapameywang na sabi ni Florence.

“Wala. Hahaha” ayaw ko naman na unahan si Migo. Malay ko ba sa dalawang ‘to. Ang alam ko lang crush ni Florence si Migo.

“Tara na nga at mag-undertime ka. Pupunta tayong DFA para maasikaso ang passport mo.”

-=-

Pumunta kaming Department of Foreign Affairs at nang banggitin namin ang pangalan ni Migo, agad kaming pinapunta sa isang opisina. Akala ko pipila pa kami.

Nagpakita lang ako ng 3 valid ID’s at NSO birth certificate. Pinicturan ako saka pinapirma sakanilang tablet. Bukas daw ang process ng passport ko  at sa susunod na araw pwed ko na siyang makuha. Normally 15 days kapag rush ang passport at 45 days kapag normal fee. Pero itong akin, super duper rush daw.

“Gusto mo bang gumala pa, Theyn?” tanong ni Florence sa akin nang makalabas kaming DFA.

“Ha? Naku umuwi ka na. Babalik pa akong office kasi naiwan ko ang phone ko at ilang gamit ko.” Sabi ko sakanya.

“Oh sige, mag-taxi ka na lang tapos ako magje-jeep. Ok lang ba?” tumango naman ako sakanya.

Pinauna ko siyang makasakay kasi madalang ang jeep sa kinatatayuan namin. Pumara naman ako nang taxi saka nagpahatid sa opisina. Medyo may kalayuan ang DFA office sa pinagtatrabauhan ko kaya halos inabot na ako nang dilim. Grabe naman, 6:30 pa lang tapos ang dilim na. Sabagay, ber months na kasi.

Konti na lang ang tao sa loob ng building at karamihan ay ‘yung mga pang night shift na.

I head up to the 21st floor. Nginitian ko lang ang janitress na naglilinis sa lobby nitong opisina ni Sir.

Kinuha ko lang ‘yung bag ko and cellphone. Nakasakay na akong elevator nang maisipan kong i-check ang phone ko.

Nagulat pa ako na makitang may 31 missed calls galing kay Kent at apat na message.

‘Are you busy? Why aren’t you answering my call?’

‘Hey, it’s my 15th call. Answer the phone, Theyn. I told you not to work hard.’

‘Theyn Torres ginagalit mo na ako.’

‘Ano ba Theyn!!’

Uh oh! Galit na siya.

I pressed the return call. Siya na naman ang hindi sumasagot. Napabuntong hininga na lang ako. Itotodo ko na lang ang volumn ng ringtone ko para rinig na rinig ko kung tumatawag na siya.

Palabas na akong building nang makita kong may nakatayo sa gilid ng bushes at nakapamulsa. It took me seconds bago ko narecognize kung sino ang lalaking ‘yon. I don’t know if he’s beaming or serious. Basta ang alam ko, nahihiya ako sa mga tingin niya. Hindi maganda ang huli naming pagkikita at hindi ko naisip na kausapin siya tungkol do’n.

“Theyn,” para akong pinangilabutan nang banggitin niya pangalan ko. Galit ba siya sa akin?

“Ivo,” nilapitan ko siya. There’s no reason para hindi siya i-acknowlegde.

“Kumusta ka na? It’s been months.” Nakakaawa ang mga ngiti niya. Parang masaya na ewan. I’m aware of his sudden declaration of his feelings no’ng nasa Batanes kami pero ayaw ko ‘yung seryosohin. Pero ngayong nasa harapan ko na siya, parang gusto kong paniwalaan na guni-guni ko lang ‘yung pagtapat niya.

“O-ok lang ako.” Why am I even stuttering.

“I know. Kayo na ni Kent, diba?” napababa lang ako nang tingin sakanya.

“O-Oo.” Tumingin ako sakanya at sinalubong ko ang mga titig niya. His expression was happy but his eyes says otherwise. He’s hurt. O assume ko nanaman ‘yon.

“Lucky man.” Pagpalatak niya tapos tumawa nang mahina. “Masaya ka ba?” tanong niya pa. I was caught off guard by his question.

“Oo naman. Bakit hindi?”

“Wala naman.” Tapos  tumawa nanaman siya. “Nagbabakasakali lang na hindi ka masaya sakanya para ako naman ang magpasaya sa’yo.” Then he laugh again—real hard. Ayaw ko naman siyang kontrahin sa sinabi niya kasi baka masaktan ko nanaman. Haay naku, Ivo. Bakit kasi ako pa.

“H’wag mo sa akin ituon ang saya na gusto mong ibahagi, Ivo. Alam kong makakahanap ka din ng babaeng mapapasaya mo at mapapasaya ka din. Pero hindi ako ‘yon Ivo, eh.”

“Hindi ko kayang maghanap ng iba, Theyn. Kahit anong pilit ko hindi ko kaya. Gano’n kami eh. alam ‘yan ni Kent. Ikaw ang napili kong mahalin.”

“Pero hindi ko rin kayang suklian ang pagmamahal mo, Ivo. Si Kent ang mahal ko.” Kita kong napatiimbagang siya. “At hindi mo pwedeng ipilit ang isang bagay na wala ka namang mapapala. Hindi mo kayang diktahan ang nararamdaman ko. So Please lang, Ivo. Set your heart free. Gwapo ka—infact, sobrang gwapo ka. Kaya mas nababagay sa’yo ‘yung deserve mo. Hindi ‘gaya ko na simpleng babae lang.”

“Kahit ilang beses mo sa aking ipilit na maghanap ng iba., hindi ko magagawa ‘yon. Sa’yo na rin nanggaling na hindi ko kayang diktahan ang nararamdaman mo. Kaya hindi mo rin madidiktahan ang puso ko kung sino ang mamahalin ko. Kasi ikaw lang ang gusto ko!” I was speechless. Inaamin ko naaantig ako sa mga sinasabi niya. Sino ba’ng hindi? Sino ba ang hindi nangarap na sana may isang perfect man na magconfess sa harap mo at ‘yung tipong head over heal pa sa’yo.

“Ivo,”

“Theyn, I’m not asking anymore for you to love me back. All I want is for you to let me show how much I love you. How much I wanted to be there with you even though I know someone’s have your heart. You don’t know how much it hurts me knowing that Kent is the one who can make you smile, make you laugh, wipe your tears and make you feel loved. Minsan tinatanong ko rin sa sarili ko kung bakit ikaw pa? Because honestly speaking, there’s nothing special in you. You’re not that pretty and you’re not that rich either. But as I see you, for me you’re the most beautiful person in the world and richest woman alive for your smile makes you look like a million dollor babe.” I was mentally drooling by his words. My ghaaaad! That was the most beautiful words I have heard.

Nakatulala lang ako sakanya at parang ayaw kong kumurap kasi baka mamaya hangin lang pala kausap ko.

“Ivo,”

“Bakit, Theyn? Nagbago na ba isip mo at ako na ang mahal mo at hindi si Kent?” nakangisi niyang sabi. Kainis na lalaking ‘to.

“Hindi ah!”

“Ouch! Deretsa talaga. Wala kang puso.” Then he laugh wholeheartedly.

“Ikaw ang walang puso. Masokista ka.” Natatawa ko na ring sabi.

Continue Reading

You'll Also Like

212K 7.6K 97
Sabi nga nila, marriage will always be far different from dating. Sa dating, puro kilig lang. Sa dating, puro cheesy lines. Sa dating, puro keme. Sa...
74.8K 2.3K 67
TRAVIS ZADEN CORDOVA ( VCS#1 ) Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If you don't want the contract to be void; ...
14.9M 481K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you.at she has *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na k...
5.9M 101K 55
When Miss Genius Gone Mad Book 2 Copyright 2015 All Rights Reserved