The Man in My Dreams [COMPLE...

By riyanejoy

17.9K 623 433

Paano kung ang isang panaginip ay naging totoo? Kagaya nalang ni Regina na nagkaroon ng isang pambihirang pa... More

Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue
Author's Note

Chapter 3

589 17 26
By riyanejoy

Don't expect too much in this chapter. Sorry for the grammatical errors, misspelled words and typos. Thank you.

Regine's P.O.V.

"Alam mo ba yung feeling na yun?" Tanong ni Jaya pero ako? nakatingin lang ako sa kawalan habang hawak ang cellphone ko sa kanang kamay at sa kaliwang kamay naman ay ang mga pangalan ng kliyenteng dapat naming puntahan bukas.

Katabi ko naman si Jaya na nagkukuwento tungkol sa love life niya.

Isang linggo na din ang nakalipas magmula nang may nangyaring di masyadong maganda sa rooftop. Tatlong araw na din akong hindi pumupunta sa Viets dahil ayaw na ako papuntahin ng mga kuya ko.

"Then, he kissed me" napalingon ako kay Jaya na nagkukuwento sa tabi ko.

"Ha? Ano ulit yun?" tanong ko.

"Ha? Ano ulit yun? Nagsayang lang ako ng laway sa'yo. Kanina pa ako nagsasalita dito. Akala ko pa naman nakikinig ka. Bahala ka nga diyan" reklamo niya sa'kin at nagkunwaring nagtatampo.

"Drama mo naman. Madami kasi akong iniisip" sagot ko naman.

"Tulad ng? Ikaw ha. Hindi ka nagsasabi sa'kin! Kayo na ulit ni Ogie 'no?!" pang-aasar niya.

"Gaga ka kamo! Itikom mo nga 'yang bibig mo!" sabi ko at binatukan siya.

"Parang tanga 'to oh! Haler tayong dalawa lang dito" sabi niya at inirapan pa ako.

"Wag mo akong tinatanga-tanga diyan Maria Luisa at baka ihulog kita sa bangin" sabi ko sa kaniya.
Aasarin ko sana ulit siya nang biglang tumunog naman ang cellphone ko.

Incoming Call from Ogie...

Oh? Ano nanaman problema mo?

{Ay OA. Hindi pa nga ako nagsasalita inunahan mo nanaman ako! Bumaba ka diyan sa kuwarto mo dahil nandito ako sa labas ng bahay niyo}

Ano ginagawa mo diyan? Bakit hindi ka pumasok?

{Nakalock po ang gate ma'am}

Ay oo nga pala. Bakit ka pumunta dito?

{Alam mo, ang dami mong hanash! Buksan mo nalang kaya ang gate dahil napakajinit dito!}

Oo na. Teka lang.

{Bilisan mo!}

Sandaleeee! Siraulo ka.

Binaba ko ang tawag at tumakbo palabas ng bahay.

"Ang bagal! Nakakaloka. Ang jinit kaya here tapos tom jones na din aketchi" sabi niya at umirap pa sakin.

"Eh kung hindi kaya kita pagbuksan? Feeling guwapo" sabi ko at binuksan ang gate.

"Makafeeling guwapo parang hindi ka naman nainlove sakin dati" sabi niya at nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Lumayo ka nga sakin! Para kang bakla" sabi ko at tinulak siya ng mahina palayo saakin.

"Pakipot pa. Malakas pa din kasi epekto ko sa iyo kaya ganiyan ka e tsk" pang-aasar pa niya. Hindi ko nalang siya pinansin at pumasok na ako sa loob.

"Reg, sino yung--- Ogieeeee!" sigaw ni Jaya na kumakain na pala sa kusina. Yayakapin na sana siya ni Jaya nang pigilan ko naman ito.

"Kumakain ka diba? Kumain ka ng kumain doon. May pag-uusapan kami" seryosong sabi ko.

"Love, 'wag ka nang magselos. Kaibigan naman natin 'yan e! Tsaka ikaw lang ang mahal ko" sabi pa ni Ogie. Bwisit talagaaaa.
"Kung ang ipinunta mo lang dito ay ganiyan puwede ka nang umuwi, ngayon din" sabi ko sa kaniya at inirapan siya.

"Hindi na nga e! Ano ba kasi yun?" tanong niya.

"Ikaw ang pumunta dito tapos ako ang tinatanong mo. Siraulo ka ba?" sagot ko sa kaniya.

"Ay oo nga pala. Teka, kain muna tayo. Gutom na ako super as in" sabi niya at hinila ako papunta sa kusina.

"Muling ibalik ang taaaamis ng pag-ibiiiig" kanta ni Jaya upang asarin nanaman ako.

"Gusto mong umuwi?" tanong ko.

"Charot. Si Regina kamo hindi mabiro. Seryosong seryoso te? Sineryoso ka ba?" pang-aasar niya. Gaga 'to ah. Humanda ka saking dimunyu ka.

"Sineryoso ako e. Ikaw ba? Ay bakit ka seseryosohin, wala naman palang kayo" pambawi ko. Ano ha. Payt me.

"Wala namang ganiyanan. Si Ogie seryoso oh siguro nag-away sila ng Lea Carmen niya" pang-aasar niya. Tinignan ko si Ogie na nakatulalang kumakain.

"Hayaan mo na muna. Yay, alam mo ba napaginipan ko nanaman siya" sabi ko at tumabi sa kaniya.
"Ha? Sino?" tanong niya.

"Yung lalaki nga. Yung sinasabi ko sayo na familiar sa'kin pero hindi ko makilala" sagot ko sa kaniya.

"Ah oo. Napaginipan mo ulit? Kalerki. Ano kayang meron diyan sa The Man in your Dreams mo na 'yan! Malay mo forever mo na pala 'yan diba!" sabi pa niya. Tinignan ko ulit si Ogie na nakatulala at tila ba malalim ang iniisip.

"Hoy!" sigaw ko sa tainga niya kaya napatayo siya sa gulat.

"Ha? Ano?" wala sa sariling tanong niya.

"Tulala ka kaya kanina pa. Ano bang nangyayari sayo? May problema ba kayo ng mga ate mo?" tanong ko. Umiling lang siya at tumawa ng bahagya.

"Alam ko 'yang mga ganiyan mo. Bakit ka tulala?" tanong ko ulit.

"Wala nga. Kumain ka nalang diyan. Daldal mo nanaman e" pagtataray niya.

"Wala kang pakeelam. Kumain ka ng kumain diyan" pagsusungit ko.

Napalingon kami kay Jaya nang bigla itong kumanta nang Muling Ibalik.

"Shut up!" sabay naming sigaw ni Ogie sa kaniya.

"Hala. Titigil na nga e. Galit na galit 'tong mag-ex na 'to" sabi pa niya.

Three years ago nang magkaroon kami ng relasyon ni Ogie. 22 ako at 25 naman siya.

Sobrang masaya naman kami noong kami pa. Suportado kami ng mga pamilya namin

Hindi ko din alam kung ano ang nangyari at naging magkaibigan nalang kami magmula noong bumalik sila galing ng Europe. Mula nang maghiwalay kami, hindi ko na muling binuksan ang puso ko sa iba.

Dalawang taon din bago ako makamove on sa lalaking yun. Pero ngayon, medyo ayos naman na kami.

Nagsimula akong nanaginip ng may kasamang lalaki magmula noong araw na maghiwalay kami. Matagal na ding hindi ko yun napapanaginipan at ngayon ko nalang ulit napanaginipan.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko sa lahat ng napanaginipan ko may kakaiba sa panaginip na yun. At may kakaiba sa lalaki na kasama ko sa panaginip na yun.

"Regine!" napabalik ako sa sarili ko nang biglang sumigaw si Jaya.
"Ha? Ano? Ano meron?" wala sa sariling tanong ko.

"Ay ewan! Makaalis na nga. Babush" paalam ni Jaya at nilayasan kami.

"Baliw ba yung kaibigan mo?" tanong ni Ogie.

"Kaibigan mo din yun. Siraulo ka. Punta nga tayo ng Viets" anyaya ko sa kaniya.

"Okay. Maligo ka na dahil naaamoy na kita. Ako na bahala maghugas ng mga pinagkainan natin" sabi naman niya. Tumango nalang ako at tumakbo paakyat ng kuwarto ko upang maligo. Nilock ko ang pinto dahil baka biglang pumasok ang mokong na yun.

Papasok na sana ako ng banyo nang biglang tumunog naman ang cellphone ko.

Five message received from Mr. Piolo Rivera

From: Mr. Piolo Rivera

Goodmorning :)

From: Mr. Piolo Rivera

How are you?

From: Mr. Piolo Rivera

I miss you. Its been three days na hindi kita nakikita. Miss na miss na kita.

From: Mr. Piolo Rivera

Puwede ba kitang makita mamaya? Sige na.

From: Mr. Piolo Rivera

I love you.

Laro pala gusto mo ha? Edi pagbigyan. Walang problema.

To: Mr. Piolo Rivera

Hello. Namimiss na din kita. Sige I'll see you later. Sa office nalang namin.

Tatawa-tawa akong tumungo sa banyo at naligo. Akala mo kayo lang ang may plano? Kami din.

Flashback..

"Ogie, puwede ba kita kausapin?" tanong ko kay Ogie na nagliligpit na ng mga gamit niya.

"Ha? Tungkol saan?" tanong niya.
"Um-oo ka nalang" sagot ko at naupo sa harap niya.

"Tungkol saan ba kasi pag-uusapan natin?" tanong niya at naupo sa tabi ko.

"Yung.. Tungkol kay Piolo" sagot ko at tumingin sa kaniya.

"Oh? Ano meron sa baklang yun?" tanong niya.

"Gago ka. Diba kanina sabi mo itigil ko kung ano man yung nararamdaman ko kay Piolo. Bakit? I mean, diba ang sabi mo sa'kin masaya ka kung makakahanap na ako ng taong mamahalin ko kasi tatlong taon naman na simula nung maghiwalay tayo" sabi ko sa kaniya.

"Oo. Gusto kitang makahanap na ng taong mamahalin mo at mamahalin ka. Pero, 'wag si Piolo" sagot naman niya.

"Bakit nga?" tanong ko.

"Eh.. Kasi.."

"Ano?" tanong ko.

"Uhm.."

"Tangina. Sabihin mo na!" sigaw ko.

"Nakikipaglaro lang siya! Sila! Sila ng pamilya niya! Ginagamit ka lang nila para mapapayag nila tayo na bilihin nila ang Viets. Isang pitik lang puwedeng mawala ang pinaghirapan ng mga magulang natin. At ayaw nating mangyari yun. Regine, please"

"H-hindi ko maintindihan, Ogie. Ano naman kung magmahalan kami? K-kung mahal ko siya? Bakit naman mawawala ang kompanya sa atin kung mamahalin ko siya?"

"Regine, kapag nakuha niya ang loob mo hinding-hindi ka na niya papakawalan! Papakasalan ka niya! At kapag nagpakasal kayo syempre magiging magkasama na kayo sa Viets. At lahat ng impormasyon tungkol sa kompanya na 'to malalaman nila. Puwede nilang makuha ang Viets nang walang nakakaalam!"

"Kung nakikipaglaro siya, edi makikipaglaro din ako. As easy as that, Herminio" sabi ko at kinindatan siya. Tumayo ako at lumabas ng opisina niya.

End of flashback..

"Regine, tapos ka na ba?" nagmadali akong lumabas ng kuwarto nang magsalita si Ogie.

"Ahh sorry natagalan. Halika na" sabi ko at hinila siya pababa.

"Ako na ang magdadrive" presinta ko. Tumango naman siya at lumabas na kami.

"Nagtext nga pala sa'kin si Piolo kanina" sabi ko at pinaandar ang sasakyan.

"Diba ang sabi ko--" pinutol ko ang sasabihin niya dahil alam kong magagalit lang siya.

"Nakikipaglaro ako sa kaniya. Itutuloy ko yung plano ko" sabi ko at tumingin sa kaniya.

"O-ok. Eyes on the road" itinuon ko na ang pansin ko sa pagmamaneho at nang makarating kami sa Viets nakita ko ang sasakyan ni Piolo. Let the game begin.

"Ogie, andito si Piolo. Ayun yung sasakyan niya. Mauna ka na sa loob. Ayusin niyo ha" sabi ko at naunang bumaba ng sasakyan.

Naglakad ako patungo sa sasakyan niya at kinatok ito.

"Hello. Kanina ka pa ba dito?" tanong ko.

"Kakarating ko lang. I missed you" ulol.

"Tara na sa loob" malambing na ani ko. Para sa Viets wuhoo.

"Sige. Sandali lang" sabi niya. May kinuha siya mula sa likuran at bumaba ng sasakyan niya. Nagulat ako nang ibigay niya sa'kin ang bulaklak at ang chocolate na hawak niya.

"S-salamat" tangina Regine ano na? Yung plano gaga!

"Ay oo nga pala. Tara pasok na tayo" tumango siya at inakbayan ako. Tangina naman.

"Good morning madam!" bati ni Olivia. Nginitian ko lang ito at pumasok na sa elevator.

"Reg, gusto mo doon ka matulog sa'kin mamaya?" tanong niya. Ay gago 'to ah.

"Madami akong gagawin e" malambing kunwaring sagot ko.
Binigyan ko si Olivia nang ayaw-ko-na-dito look. Tumawa lang siya ng bahagya at umiling.

"Nandito na po tayo" sabi ng attendant. Nginitian ko ito at agad lumabas ng elevator.

One message received from Ogie

From: Ogie

Ok na.

"Ay. Mauna ka na sa opisina ko ha? May dadaanan lang ako sandali. Sandaling sandali lang talaga promise" sabi ko. Ngumiti siya at tumango. Nang makapasok na siya ng opisina ko ay agad akong nagtungo sa kuwarto kung nasaan sila Kuya.

"Walang hiya. Gusto niyo chocolates? Ayan" binigay ko sa kanila ang chocolates na binigay sa'kin ni Piolo at naupo sa tabi ni Ogie.

"Y-yung mga papeles Regine! Takbo!" sigaw ni Kuya Gary. Shit.
Tinanggal ko ang heels ko at tumakbo papunta ng opisina namin.

"H-hello Reg. Saan ka galing?" tanong niya. Ayos ah. Parang walang ginagawa.

"Diyan lang" sagot ko. Pasimple akong nagtungo kung nasaan yung mga papeles na pinapakeelaman niya kanina. Mabuti naman at hindi niya nakita.

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. Lalapit sana siya sakin nang biglang tumunog naman ang cellphone niya.

Hindi makukuha ng pamilya niyo ang kompanyang pinaghirapan ng pamilya namin. Never. Hindi kami papayag.

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.8K 52
Braelyn vargas ang pilyang babaeng trouble maker na naglayas mula sa kanyang tahanan..adik na adik siya sa nobelang trending na usapin sa social medi...
120K 2.6K 56
You must listen to this song Don't listen and pretend you haven't If you hear my heart Can't you come back to me? - Don't Listen In Secret - SEVE...
5.5K 556 19
[COMPLETE] Ang kwento ni Ci-L at Jenna. Mahilig kaba sa BASKETBALL? O isa ka rin sa humahanga sa BASKETBALL PLAYER? Ang kwentong ito ay pareho sa dal...
320K 5.3K 200
Hugot ng pusong nasaktan. Written By: BLOCK_FLOWER011 Date: June 6, 2018 End: July 4, 2018