I Love You Since 1892 Sequel...

By Sa2miii

311K 4K 947

This is not the official sequel. More

Author's note
Nilalaman
Panimula
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
Epilogo: Ang Kahilingan

KABANATA 6

7.8K 137 38
By Sa2miii

NAUNA nang sumampa si Juanito sa bangka. Inilahad niya pa ang kaniyang palad sa akin at inalalayan ako na sumakay sa bangka. Mag-aalas sais palang ngayon ng umaga kung kaya't hindi pa ganoon karami ang nasakay at nagtutungo sa bayan.

Siguradong mamimiss ko ang sumakay muli rito. Tahimik na ang lawa sa makabagong panahon at wala na ring masyadong tao sa parteng ito. Kung mayroon man ay mga tao na lamang na walang mapagtayuan ng kanilang sariling bahay. Marumi na rin ang lawa sapagkat patuloy ang pagtatapon ng basura ng mga tao rito.

Nabigla ako nang hawakan ni Juanito ang kamay ko. Nakangiti lang siya at kunwaring nagmamasid sa tubig, iniiwasan niyang tumingin sa akin. Maya-maya pa ay naramdaman kong nag iinit nanaman ang pisngi ko. Gosh! Namumula ako, nakakahiya!

Parehas kaming walang imik habang nakasakay sa bangka at magkahawak ang aming mga kamay.

Mga ilang saglit pa ay nakarating na kami sa bayan. Agad akong inalalayan ni Juanito pababa at sabay kaming nag lakad-lakad. Nakatutuwang pagmasdan ang mga tao rito ang sisigla nila habang nagpapalitan ng ngiti at pagbati sa isa't-isa. Napansin ko rin na maraming tindahan ang nakasara habang ang iba naman ay sira-sira na dahil sa nangyaring kaguluhan nang lumusob ang rebeldeng grupo.

Medyo kampante na ang ilan na lumabas dahil may mga guardia civil ang mga nakabantay upang mapanatili ang kapayapaan.

"Nais mo bang magtungo roon?" Turo ni Juanito sa tindahan ng mga pampaganda noon nila Aling Trinidad na ngayon ay iba na ang nag namamahala. Ganoon pa rin naman ang kanilang mga tinitinda.
Tumango ako habang nakangiti bilang sagot kay Juanito kaya't naglakad na kami patungo sa tindahan.

Nakasuot ako ng puting balabal na tinahi para sakin ni Donya Soledad habang si Juanito naman ay nakasuot ng sumbrerong gawa sa banig upang walang makakilala sa amin.

Agad naman siyang binati ng batang babaeng tagapagbantay ng tindahan. Siya pala ang anak ng may-ari ng mga palamuti at pampaganda.

"Kuya Juanito!" Bati ng bata sa kaniya na sa tingin ko ay nasa sampung taong gulang pa lamang. Napatingin ito sa akin at dali-daling bumulong kay Juanito na narinig ko parin naman.

"Siya po ba ang binibining ikinukwento niyo sa akin noon na nais niyong bigyan ng-----"

"Shhhh" agad na suway sa kaniya ni Juanito habang nakalapat ang kaniyang hintuturo sa kaniyang mga labi na naka 'shhhhh' o tahimik sign.

"A-ano bang pinaguusapan niyo?" pagtataka kong tanong.

"Huh?! ano--kasi po--ano wala lamang po iyon binibini." natatarantang sagot agad sa akin ng bata. May pagka weird din pala ang mga bata sa panahong ito. "Ano po bang nais niyong bilhin sa mga pampagandang ito."

"Ahh w-wala naman nais ko lamang tumingin tingin dito" sagot ko habang nakatingin sa mga pampaganda at mga ipit. Ayoko namang mag abala pa si Juanito sa pagbili ng mga gamit para sa akin. Tsaka marami rin namang ganito sa kwarto ni Carmelita.

Napatingala ako nang biglang isuot ni Juanito sa akin ang isang gold laurel wreath hair clip. Sobrang ganda nito!

"Bagay na bagay po sa binibini iyan, ginoo."

"Talaga? Kung ganon ay bibilhin ko ito para sa kaniya."

Nagulat ako sa sinabi ni Juanito. Nakasisigurado akong sobrang mahal ng halaga ng hair clip na 'yon.

"Huwag na. Ahh.. ang ibig kong sabihin ay ayos lamang sakin kahit hindi mo na ako bilhan ng mga bagay na iyan. Mayroon pa naman akong mga palamuti sa bahay." saad ko ngunit walang sinabi si Juanito. Ngumiti lang siya tsaka ipinabalot sa batang babae ang hair clip.

Hindi ko alam pero sobrang nakokonsensya ako. Ayokong masayang lamang ang lahat ng perang pinaghirapan ni Juanito. Inabot na sa kaniya ng bata ang ibinalot nito sabay tingin sa'kin.

"Binibining Carmelita ako nga po pala si Gracia. Masaya po akong makilala ka" inilahad naman nito sa akin ang kaniyang mga palad. "Masaya rin akong makilala ka" ngiti ko at tinanggap ang kaniyang mga kamay na nasa harapan ko.

Napakaraming nangyari ngayong araw bukod sa pamimili ng palamuti sa tindahan nila Gracia.

Nakaupo kami ngayon dito sa ilalim ng puno ng mangga kung saan nag simula ang lahat. Mag aalas-sinko na ng hapon at inaabangan namin ang paglubog ng araw.

Kami lamang dalawa ang tao dito. Napakalungkot at matamlay na ng hacienda ng mga Alfonso. Wala na ring mga guardia civil na nag babantay dito kung kaya't mas madali na kaming nakapasok ni Juanito. Hindi na pagmamay-ari ng Alfonso ang hacienda sapagkat inangkin na ito ng gobyerno.

Habang tahimik akong nakatanaw sa kalangitan na nag-aagaw dilim na ay naramdaman ko ang biglang pag pulupot ng mga kamay ni Juanito sa aking bewang.

Naguunahan na naman sa pagtibok ng aking puso. Ipinagdarasal ko na lamang na sana ay hindi niya marinig iyon.

"Maraming salamat sa lahat mahal ko." bulong niya sa tenga ko habang  nakayakap parin sa'kin. "Batid kong napakaraming bagay ang isinakripsyo mo upang mapanatili akong buhay." patuloy pa niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

Pero hindi lang naman ako ang nag  sakripisyo, maraming buhay din ang nawala.

"Kaya naman ipinapangako kong mabubuhay ako ng matagal katulad ng iyong kahilingan noong una tayong magkita." naramdaman ko namang may mga luhang pumatak sa balikat ko.

"At sa mga oras na lisanin mo na ako,  mahal ko. Hindi man kita makita at mahawakang muli, palagi mong aalalahanin na ikaw pa rin ang nag mamayari ng aking puso." saad ulit ni Juanito dahilan upang hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha.

"Tuluyan mo man akong iwan at bumalik na sa panahon kung saan ka talagang tunay na nabibilang ay hindi ako magtatanim ng sama ng loob sa iyo sapagkat naiintindihan kong kailanman ay hindi tayo maaaring mag kasama. Sapat na sa akin na makilala ka at umibig sa iyo kahit pa napaka imposibleng magkasama tayong tumanda." Bumitaw siya sa pag kakayakap sa akin at hinawakan ang aking mga pisngi. Tinanggal niya ang ilan sa mga hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ko.

"Binibini, nawa ay hayaan mo akong pagmasdan ang iyong maamong mukha nang sa gayon wala ka man na sa aking mga tabi, masaya ko namang aalalahin ang iyong nakahahalinang ganda." Mapait siyang tumingin sa'kin at hinaplos ang labi ko gamit ang kaniyang hinlalaki.

"Maging ang mga ngiti, tawa at matatamis mong labi na nag papabaliw sa aking mga puso. Ipinagdarasal ko mahal ko na sana'y mamasdan ko pa iyon bago pa man mahimlay ang aking katawan."

Mas lalong bumuhos ang aking mga luha. Mahigit isang daang taon ang pagitan namin. Nakalulungkot mang isipin ngunit alam ko namang kailan pa ma'y hindi mangyayari ang kaniyang sinasabi.

Imposible man ngunit pareho pa rin kaming umaasa.

"H-huwag ka ring mabahala ginoo, ipinapangako ko ring ikaw lamang ang iibigin ko kailanpaman." saad ko habang patuloy pa rin ang pagpatak ng aking mga luha.

Corny na kung corny pero ganoon siguro talaga kapag umiibig? Hindi mo inaakalang masasabi mo ang mga bagay na hindi mo kayang sabihin noon.

"Ikaw ang una't huling pag ibig ko. Nakatitiyak akong hindi na muli akong iibig sa iba sa oras na mawalay na ako ng tuluyan sa iyo."

Sa pagkakataong ito magmukha man akong makasarili para sa aking pamilya ngunit may bahagi sa akin na hinihiling na sana ay manatili na lamang ako sa lugar na ito, sa panahong ito.

Maya-maya pa ay inilapat ni Juanito ang kaniyang labi sa akin. Tulad ng dati ay nag simula na namang mag unahan ang pagtibok ang puso ko.

Mga ilang sandali pa ay kumawala na siya at kinurot ang ilong ko habang  hawak ang aking kamay. Sabay na naming pinanuod ang paglubog ng araw habang kwinekwentuhan ko siya ng mga paborito kong pelikula.


NAKA-SAKAY na kami ngayon sa kalesa pabalik sa Hacienda Montecarlos. Sobrang nakakapagod ang araw na ito. Pinili ko na lamang munang pumikit at ihilig ang aking ulo kay Juanito.

Maya-maya pa ay naramdaman kong may kamay na bumuhat sa aking ulo at ipinatong iyon sa kaniyang balikat. Hindi na ako nag abalang dumilat pa sapagkat kilala ko naman kung sino iyon.

"Binibini gumising ka na riyan. Narito na tayo sa inyong tahanan." narinig kong malumanay na saad ni Juanito. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako.

Inalalayan ako ni Juanito nang makababa na siya sa kalesa. Nang makababa kami ay agad naming binuksan ang malaking pintuan ng bahay ngunit laking pagtataka ko nang makitang sobrang dilim at tahimik sa loob ng tahanan.

Anong nangyayari? Nasaan na silang lahat? Hindi kaya may mga rebelde o kaaway na kumuha sa pamilya ko. Sandali kong inilibot ang mga mata ko, medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil nasa maayos parin namang kalagayan ang mga gamit.

Napansin siguro ni Juanito na kinakabahan ako kanina kaya  hinawakan niya ang kamay ko para mapakalma ako.

Agad niya akong nginitian, kasabay ng kaniyang matatamis na ngiti ay ang unti-unting pagliwanag ng aming tahanan. Napansin kong may mga kurtinang nakasampay sa loob katulad ng mga nakikita ko sa teatro. Maya-maya pa ay lumabas mula doon si Eduardo.

"Noong araw, ay mayroong prinsesang naninirahan sa mahiwagang kaharian ng Andalasia na nangangarap na matagpuan ang prinsipeng bibihag sa kaniyang puso."

Lumabas si Theresita sa likod ng makakapal na kurtina. Naka ayos siya habang suot niya ang kulay pula kong  baro't saya, halatang maluwag iyon sa kaniya pero hindi maitatanggi na  napakaganda niya pa ring tingnan.

"Ngunit lingid sa kaalaman ng dalaga. Hindi ang prinsipeng nagmula sa kaniyang mundo ang nakatakda para sa kaniya."

Lumabas na ngayon si Angelito habang nakasuot ng barong tagalog na sa tingin ko ay mula kay Juanito dahil medyo malaki ito sa kaniya.

Nakagugulat. Hindi ko inaasahang may naghihintay palang palabas dito sa loob ng aming tahanan.

Patuloy sa pagbigkas ng kwento si Eduardo. Bagay na bagay sa kaniya ang maging narrator. Hindi ko inaasahang marunong at magaling pala siya sa pagbasa. Sa panahong ito karamihan lang sa nakapagbasa ay ang mga taong may pinag-aralan at nabibilang sa alta sociedad.

Nakisama rin sa pag arte sina ate Maria at ang hindi ko inaaasahan ay maging ang aking amang si Don Alejandro. Nakatutunaw ang sobrang nagliliyab na kaligayahan ang puso ko sa mga oras na 'to. Sana lang ay hindi na ito muling masira pa tulad noon.

"AT sa huli, ang kanilang pag iibigan ang nagpatutunay na magkaiba man ang dalawang tao ng mundong pinagmulan handa ang pusong magmahal at sumugal anuman ang kapalit nito." pagtatapos ni Eduardo at saka isa-isa silang nagpunta sa harapan at yumuko bilang pasasalamat. Hindi naman ako ngayon matigil sa pagngiti at pagpalakpak.

"Ang galing!" proud ko pang sabi habang pumapalakpak.

Nagpasalamat ako sa kanila dahil sa napakagandang palabas. Napatingin naman si Eduardo sa'kin. "Mas nararapat mong pasalamatan si Juanito, siya ang nakaisip ng sorpresang ito para sa iyo."

Napalingon naman ako kay Juanito na ngayon ay nakatingin sa'kin habang nakangiti. Nagulat naman ako nang mag thumbs up siya na para bang tinatanong ako kung maayos ba ang kinalabasan ng palabas. Ngumiti naman ako pabalik tsaka nag thumbs up bilang sagot.

"Hindi ta'yo nakapag diwang noong  kaarawan mo kaya naisip ko na supresahin ka bilang regalo." saad ni Juanito tsaka napakamot sa kaniyang ulo na parang nahihiya.

Namalayan ko na lang ang sarili ko na niyakap siya nang mahigpit at ganoon din ang ginawa niya. "Salamat" saad ko. Agad naman akong napakalas sa pagkakayakap sa kaniya nang marinig ang malakas na ehem Don Alejandro.

Nakatingin ito sa amin habang binibigyan kami ng what-are-you-doing-look ngunit kalauna'y ngumiti rin siya. Kung alam niya lang na ilang beses na kaming nag kiss ni Juanito siguradong mawiwindang siya.

*****

ILYS1892: 19TH CENTURY

Nasa cover ng chapter na ito yung itsura ng gold laurel wreath na binigay ni Juanito kay Carmela (picture sa taas)

Continue Reading

You'll Also Like

7.1K 483 16
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
117K 1.8K 40
OK, guys sorry that if I have to do this again, that one story I wrote 2 days ago was wack for me, but I'm sure, I mean 100% that this story will be...
4.5M 165K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
10.2K 1.5K 42
true love is just around the bend but lovers find it hard to get one...