Never to Fall In love with a...

By suri14808

41.4K 1.4K 109

(formely MY PRINCE CHARMING IS A GANGSTER?!) She is Marié Shanelle Fortalejo. She is a perfect example of bra... More

Prologue
CHAPTER 1 - THE CLICHé LATE COMER
CHAPTER 2 - THE RIVALRY
CHAPTER 3 - EAST KNIGHTS
CHAPTER 4 - SHE'S NOT AFRAID, OKAY!!!
CHAPTER 5 - START OF INTRAMS
CHAPTER 6 - BOOOOGSH!
CHAPTER 7 - AT THE CLINIC
CHAPTER 8 - COMFORTER
CHAPTER 9 - HIS IDOL
CHAPTER 10 - MAIN BLDG.
CHAPTER 11 - XANDDIE
Chapter 12 - DO I STILL HAVE A CHOICE?
CHAPTER 13 - THEY'RE WHAT?!!
CHAPTER 14 - THE BITCHY MUSE
CHAPTER 15 - THE PAGEANT (Part I)
CHAPTER 16 - THE PAGEANT (Part II)
CHAPTER 17 - THE PAGEANT (Part III)
CHAPTER 19 - THE GAME
CHAPTER 20 - GINGERBREAD HOUSE
CHAPTER 21 - Group Date
CHAPTER 22 - SHE'S KIND OF DISAPPOINTED OR HURT?
CHAPTER 23 - THE PAST
CHAPTER 24 - Dé javu?
Chapter 25 - YOU STILL HAVE....
CHAPTER 26 - HIS SIDE
CHAPTER 27 - KNOWING THE WHOLE GANG (PART I)

CHAPTER 18 - NOT SO SCARY GANGSTERS

1.4K 39 2
By suri14808


Chapter 18


LENARD JIMENEZ


Naglalakad kame sa school ground papunta sa gym. Dun na lang namen hihintayin si Kaizer na badtrip na naman panigurado. Kaya nga hindi ko na siya sinundan sa back stage nung nag-walk out siya baka saken niya pa maibuntong ang init ng ulo niya.


Ilang araw na rin nameng pinaghandaan ang game na to. Ang mortal na kalaban nameng West Wolves kasi ang makakaharap namen ngayon.


"I didn't expect this one. Si master sasali sa ganung event this be the day!" manghang sabi ni Jace.


"Yeah, me too. Akala ko nga nagbibiro lang si Lenard," si Zach naman yan.


"Pero bilib din talaga ako sa taste ni Master, wala akong masabi sa partner niya. Ang ganda!" napapailing naman na sabi ulit ni Jace. Siya talaga ang pinakamaingay samen kaya pagpasensyahan niyo na.


"You bet, that was one hell of a sexy babe, pare!" pagsang-ayon ni Rayner, nakalagay ang braso niya sa likod ng ulo habang naglalakad.


"Lagi ka namang bilib sa kanya," si Zach kay Jace. Panigurado magsisimula na naman ang dalawang to.


"Aaw...nagseselos ba ang baby Zacharias ko?" naka-pout na lumapit si Jace kay Zach at kumapit sa braso nito. Sabi na eh ito na ang simula nila.


"Huh?! H-hindi no! Asa! Bitaw nga!" pero hindi siya inintindi ni Jace.


"And not just a pretty face. Isang dean's lister si Shanelle Fortalejo," biglang dagdag ni Allen.


Dahil dun napatigil silang tatlo: si Rayner sa paglalakad at sila Jace at Zach sa pag-aasaran. Sabay-sabay silang humarap kay Allen at nagsalita.


"Kilala mo siya?!" Allen nodded lazily.


"Yeah, I'm the Students Org, Vice President. Paanong hindi ko siya makikilala? Dumadaan muna saken lahat ng ipo-post sa bulletin and her name is always present on the Dean's List."


"Oww~" sabay-sabay na tumango yung tatlo, nakanganga pa. Tapos, ay nagpatuloy ulit sila sa paglalakad.


"But the way Kaizer looked at those punks, his beating them alive in his mind. Ipagdasal nila na hindi sila minukhaan ni Kaizer. Pag nagkataon, makakapag-practice na naman ako," si Rayner habang pinapatunog ang kamao niya.


"Kawawa naman," kailan ba masasanay si Zach sa gulo? Pambihira talaga.


"Okay nga yun Baby Zacharias. Ang tagal na kaya nateng tahimik. Gusto ko ng mag-ingay. Teka, speakig of tahimik, parang ang tahimik yata ni Itachi," inakbayan pa ni Jace si Zach.


Pero tinanggal din agad ni Zach yung kamay niya. "Sabi ng wag mo akong tatawaging ganyan! Pag may nakarinig sayo patay ka saken!" inambaan niya ng suntok si Jace. Pero alam naman namen na hanggang ambaan lang yang mga yan.


"At kailan ba nag-ingay si Itachi?" tapos ay binilisan na ni Zach ang lakad. "Magulat ka kung mag-ingay yan," habol pa niya.


Napahinto naman si Jace at narinig ko na lang na sumigaw ito ng, "Oo nga no!"


Then, I heard Zach, on my side, "Slow talaga ni Jace."


"Hoy!! Baby Zacharias narinig ko yung sinabi mo. Anong akala mo saken?!" humabol ito ng hakbang kay Zach.


"Dun ka nga!! Isa pang tawag mo saken ng ganyan makakatikim ka na talaga saken."


"Wow~ takot ako," nag-kunyaring natatakot si Jace. "Edi, baby na lang."


"Ganun ha?!" pinulupot ni Zach ang braso niya sa leeg ni Jace. Head lock.


"Aack! Pag ako nakawala dito...ikaw ang lakot sakken!!"


"Kung makakawala...ka p-AW!" nakuha pang batukan ni Jace si Zach kaya mas lalo itong napikon at gumanti sa kanya.


"Aray! Bakit ang sakit nung akin?"


"Tungaw! Mas masakit kaya yung saken!"


Nagpatuloy silang dalawa. Diba ganyan naman ang magka-kaibigan. Aminin mo, ganyan din kayo. At dahil dun, nasagi nila yung tao sa unahan. Si Itachi, ang mysterious guy sa grupo.


Blank stare. (>,>) (>,>) (_-)


"Ah..sorry, Tachi," hindi nito sinagot si Zach...after 3 seconds ay humarap ulit si Itachi sa unahan at nagpatuloy sa paglalakad.


"Muntikan na tayo dun," bulong ni Jace.


"Oo nga," sagot ni Zach, umayos sila at nanahimik.


"Pero ang mahiwagang tanong ay kung bakit naisipan ni Master na sumali sa Mr. and Ms. Intrams?" sa wakas nagka-sense din ang mga tanong ni Jace.


"Bakit nga kaya?" si Rayner, na nakataas pa rin ang braso. Hindi ba siya nangangalay? Ganyan lagi siyang maglakad kaya para sa mga girls dito sa campus siya daw ang pinaka-cool samen.


"Only him can answer that," si Allen.


"Siya nga lang ba? O may isa pang nakakaalam dyan?" kahit na indirect statement yun, alam ko na ako ang pinatatamaan ni Rayner.


Nakangisi akong umiling, "Sorry to disappoint you, Rayn. Tradition na ng school na to every Intrams ang ganung competition. At kung sino ang team captain ng basketball team ay automatic na magiging representative escort..."


"And he agree?" Rayner, in his challenging tone, "na kung gugustuhin naman niya ay maari siyang tumanggi. Knowing him he will not concerned himself into this."


"Yan ang hindi ko na alam."


"It's not a big deal, anyway," putol samen ni Allen. "Yun ang gusto niya we just have to support him."


"Tama! Magpapagawa ako mamaya ng banner sa kanto para kay Master kaya uuwi ako ng maaga ngayon, mag-e-edit ako ng pictures niya. Ah! Matawagan si Manong, padadaanin ko siya ng mall, pabibili tayo ng mega phone," proud na suggestion ni Jace habang nagda-dial sa phone niya.


Emotionless kameng tumingin sa direksyon niya. Seryoso ang usapan bakit kailangan niyang haluan ng kalokohan?


"What? May nasabi ba akong mali?" naramdaman niya ang mga titig namen, huminto siya sa pagpindot ng screen sa phone niya.


"Nagtanong ka pa talaga?!" patol sa kanya ni Zach.


"Ikaw, Zacharias kanina ka pa ha! Ano bang sinasabi mo?!"


"Hindi mo talaga mage-gets dahil slow ka!!"


"Hindi ako slow! Sabihin mo na kasi!!" hinawakan ni Jace sa kwelyo si Zach. Hinawakan rin naman siya nito. At dahil hindi sila nakatingin sa nilalakaran nila, may nabangga ulit sila.


Huminto ulit yung nabangga nila. 3 seconds bago ito lumingon sa kanila. Pero this time, hindi lang blank stare ang natanggap nilang dalawa...


BOINK! BOINK!


"That's it," malumanay na sabi ni Itachi pagkatapos niyang batukan yung dalawa. Then, bumalik na ulit siya sa paglalakad.


"Para kasi kayong mga bata. Hindi na lang kayo manahimik," lecture ni Allen. "Asaran kayo ng asaran pareho naman kayong pikon."


Humiwalay sila sa isa't isa habang himas-himas ang mga ulo na paniguradong nagkaroon ng bukol. Nag-ayos ng kwelyo at pinagpagan din nila ang mga damit nila.



"NANDITO NA SILAAAA!!!! ANG EAST KNIGHTSS~!!! KYAAAH~!!!"



"Sh!T" natawa ako sa narinig kong binulong ni Kyle. Nagulat siya sa babaeng sumigaw, umagaw ito sa attention ng iba pang tao dito sa quadrangle.


Sa isang iglap, nagkagulo ang lahat. Kung hindi lang anak-mayaman ang mga ito ay malamang na nagkaroon na ng stampede. Buti at kahit papaano may finesse sila. Hindi na kame maka-usad dahil napapaligiran kame ng mga predator. Nakakatakot kapag ganito na sila karami. Naghuhugis-puso ang mga mata nila habang nakatingin samen. Magkahawak ang dalawang kamay, para silang nagdadasal pero pangalan namen ang paulit-ulit nilang binabanggit.


"ANG GWAPO MO TALAGA RAYNEER!!"


"Sweet," he winked at her. Tumili ang mga ito at naghimatayan pa.


"Can I have your number?"


"ANO?!! Baliw ka ba? Bakit ko naman ibibigay sayo ang number ko? Edi, hindi na ako na-contact ng mga magulang ko. Paano na ang allowance ko nun!! Nakabili ka ng make-up pero sim card can't afford. Ano ba yan?!!" nagulat yung babae sa litanya ni Jace. Nakakahiya siya. Sinisira niya ang image ng grupo.


"Lenny, kilala mo ba ang babaeng yan?" tanong saken ng slow na si Jace nang makalapit ako sa kanila at inakbayan ko yung babae. Hindi ko siya sinagot imbes binalingan ko yung babae.


"Nagjo-joke lang siya..." ano bang pangalan nito?


"I know his type, pa-hard to get boys," tsaka siya humarap saken. "It's Carly, nakalimutan mo na ba?" naka-pout na sabi ni..Carly? Familiar nga siya. "At ikaw nagtatampo ako sayo, hindi mo na ako binalikan sa bar last night."


Oh yeah, siya (yata) yung kasayaw ko sa bar nung isang gabi. "Ah kasi I just had an emergency. And how can I forget that beautiful name?" nginitian ko ito. Tipid itong ngumiti, she even rolled her eyes.


"Baka naman binobola mo lang ako."


"Never been like that, babe."


"ALLEN!! Pa-sign ng shirt!"


"Ah okay, saan?"


"Ito!" tinuro ng sexy-ing chic ang suot niya mismong damit. Kumunot naman yung noo ng tropa kong si Allen. Ang swerte na nga niya palibhasa ay Boy Next Door ng grupo.


"Pwede sa ano--"


"KAME RIN!!!" sabay na nagsigawan yung mga katabi ng sexy-ing chic. Binigay na nito yung pentel kay Allen.


"--likod ko na lang pirmahan," tumalikod yung babae na medyo disappointed.


"Zach, sagutin mo naman yung mga pm ko sayo."


"HINDI! AKO ANG SASAGUTIN NIYA!!"


"AND WHO TOLD YOU THAT, B!TCH?!!"


"AKO!!"


"NO, IT'S MY MESSAGE THAT HE'S GOING TO ANSWER!!"


Napa-face palm si Zach. Hindi niya ma-replayan ang mga message sa kanya dahil laging chine-check ni Tita ang phone niya. Kawawang bata. Bine-baby pa kasi yan ni Tita. Only child eh.


"Kyle, minsan turuan mo naman ako sa Finance," isang nerdy chic ang lumapit kay Kyle. Maganda siya kahit na may salamin sa mata.


"I'm not you professor, aight?" as usual. Mataray talaga yang si Kyle pero pansin ko lang na parang mas lalo siyang tumaray nitong mga nakalipas na araw. At parang wala yata siyang dalang libro nitong mga nakaraan. Hm? Nasaan kaya yun?


Ang mga babae dito sa Bradfort ay nahahati sa walong fan base. Tig-iisa kameng walo. Nasanay na rin kame. Ganyan din kasi ang atensyon na nakukuha namen kahit nung nasa Amerika pa kame.


"Ahm...Err...Itachi, pwede....bang magpa....picture sayo?" napatingin ako sa pwesto ni Itachi. Nagkukumpulan din sila sa kanya habang naglalakad. Ang kaso nga lang, medyo nakalayo sila. Binibigyan nila si Itachi ng sapat na daanan dahil hindi naman ito huminto sa paglalakad para bigyan sila ng pansin. Isang babae ang umabante palapit sa kanya. Nakayuko ito habang nagsasalita. Tumigil si Itachi sa paglalakad. Tumingin siya sa babaeng nakayuko. Pagkatapos ay... (_ _') bumalik na ulit sa paglalakad. Namilog at naluha ang mga mata ng admirers niya. Naging bato sila at...nabasag. Tsk! Tsk! Bakit kaya hindi sila nawawalan ng pag-asa na balang araw ay papansinin din sila nito? Dahil ba sa gwapo siya at mysteryoso. Hindi na sila nadala.



KRIIIIIINNNGGGG!!!!



Pinagpapasalamat ko ang pag-ring ng bell, hudyat na ang lahat ay kailangan ng pumunta sa Gym para sa GAME 1. Tumahinik kasi sila. But not for long....


"AAAAAAAAAHHH!!!"


"WE WILL SUPPOOORT YOU, EAST KNIGHTSS!!!"


"WAAAAAAAAAAAHHH!!!"


Napatakip kame ng tenga. Nakakatuwa dahil marami kameng supporters pero nakaka-inis dahil nakakabingi ang mga boses nila. Mas lalo nila kameng kinuyog. Wala kameng madaanan. Pero si Itachi ang layo niya na!!


"ITACHI!!" sigaw ko sa kanya.


Lumingon siya samen. As if on cue, nag-atrasan ang mga babaeng nakapalibot samen. Nahawi sila at nagbigay ng daan. Si Itachi, ito ang kaya niyang gawin. Kakaiba talaga siya!



***



SHANELLE FORTALEJO


"Ang kapal talaga ng mukha. Nahiya na sa kanya yung aspalto!! Grabe!" I muttered furiously. "Siya na nga tong binibigyan ng pabor, siya pa tong galit! Argh!," sinipa ko yung gulong ng car na malapit saken. "Aw!" hinipo ko ang paa kong nasaktan. Nakalimutan kong naka-flats na nga lang pala ako.


"Kung ginamit mo yang common sense mo, edi sana hindi ka nasaktan. Mga babae..." lumingon ako sa likod. Humanda saken kung sinoman to, siya ang mapagbubuntungan ko ng inis!


"At pakiela...." GOD! Sino to? Tirik na tirik ang haring araw pero nagawa niya pang magsuot ng black leather jacket. Naka-shades at naka-cap. White plain shirt at fitted jeans. Ang haba ng legs niya! At hindi ko siya kilala kaya hindi dapat ako humanga sa kanya.


I proudly lifted up my chin to him. "And what is it to you?"


"What is it to me?" he just reversed what I said. Duh!


I raised a brow. "Ako lang naman ang may-ari niyan," tinuro niya yung gulong na sinipa ko.


"And so? E, ano kung ikaw ang may-ari ng gulong na yan?" I crossed my arms.


The man gave a sigh while massaging the bridge of his nose. "Miss, patabi na lang. Wala akong time sa mga slow."


(O__O)?


"Hanudaw?" I mouthed to myself. Slow? Sinong slow? Ako ba yung sinasabihan niya ng slow? Ako?! HOW DARE HE?!!!


PEEEEEEEP!!!


"AY PALAKA!!" napatalon ako sa gulat.


"Sinabi ng tumabi," nakadungaw siya sa bintana ng kotse niya. Umirap muna ako sa kanya bago ako tumabi sa daan. Agad niyang pinaharurot ang sasakyan.


"MASAGASAAN KA SANA!!"


"Paano siya masasagasaan Shaneng, he's riding his own car," nagkatinginan kame ng katabi kong bigla na lang sumusulpot.


"Para kang kabute."


"Oh! A beautiful mushroom for that matter," she smiled after saying that matter of factly.


"K," naglakad ako papunta sa kotse ko. Dinala ko ang sarili kong mini cooper dahil maaga nga kameng pumasok kanina.


"Wait, wait, wait!" pinigilan niya ang pagsara ng car door. "Why did you fight ba? Oh yeah, you always fight but I mean, this ones for real. And you better say sorry to each other because hindi pa tapo-"


"ARRRRGH!!! SHUT UP!! I DON'T EFFIN' CARE!!!" sinabunutan ko ang sarili ko. Naiinis na ako!! Hate my best friend!! Hate those East Knights!! Hate them all!! Hate this school event!! HATE THAT MAN!!


"Sigurado ka bang okay lang yung ginawa naten? Baka mas lalong mamatay yun."


"Hindi! Organic fertilizer naman yung binuhos ko dun sa aloe vera."


"Oo nga mas madaling tutubo yun. Haha! Bilisan na naten baka hindi naten maabutan yung game!"


Isang pamilyar na grupo ng tatlong natatarantang kababaihan ang dumaan. Ang Aloe Vera Girls! At dahil sa sinabi nila looks like hindi na naman ako matutuloy sa pag-uwi. Ang game. Si Dylan, my loves. !!o(>m<)o!!


"So uuwi ka talaga?" Cheska crossed her arms.


"Last na to..Last na to..Last na to.." paulit-ulit kong sabi habang inuuntog ang ulo ko sa manibela ng sasakyan.


Sabay na ulit kameng pumunta ni Cheska sa GYM para manood ng Game 1. Dylan ko!!!



-----

A/n: COMMENT. VOTE. BE A FAN!!! I would love to have new friends here! (^O^)/

suri14808 x


Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.5K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
1.6M 71.8K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
1.1M 83.8K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...