THE WEDDING DRESS

By tornbetweennolovers

16.3K 996 232

When Abba learned that Heins, the man she dreamed of marrying, is in fact getting married (but not to her) sh... More

PROLOGUE Today, it all ends. . .
Main Cast
1. The worst news ever. . .
3. It started with a bang!
4. I just fell in love. . .
5. Abara Kadabra! Heinz Ketchup
6. My Guardian Angel
7. Friends
8. 7,701 reasons to hate him, but I won't.
9. Free Chance & Perseverance
10. All I want for Christmas..
11. All I want for Christmas.. Part 2
12. The Wedding Dress
13. Of New Year's Resolutions and Jeffy
14. Abba goes berserk
15. Split Personality
16. Awkward
17. Promenade
18. Promenade Part 2. I want you to know
19. Promenade Part 3. The Confession
20. Promenade Part 4. It ends here
21.
22.
23.
24.
25.

2. Crazy heart, why are you like this?

761 71 18
By tornbetweennolovers

Pag brokenhearted ka walang baduy na kanta.

"Akala ko ikaw ay akin!

Totoo sa aking paningin!

Ngunit ng ikaw ay yakapin..

Naglalaho sa dilim!"

Yung hairbrush na pinansusuklay ko kanina ginawa kong microphone habang nakatayo sa ibabaw ng center table sa salas at nagwawala.

"Ah wag to! di masyadong bagay!" Tumungga ulit ako ng alak at nagisip ng mas bagay na kanta. Ano nga ba 'yong narinig ko sa radyo nung minsan? Ah alam ko na.

"Pangarap ka nalang ba o magiging katotohanan pa

Bakit may mahal ka ng iba?!"

Mapuputukan na yata ako ng litid sa pagbirit buti nalang sound-proofed ang condo na'to. Go lang ako.

"Ngunit di bale na kahit mahal mo sya!!

Mahal naman kita!!!"

"Aaaahhhh! Hu hu hu! Waahh! Awooooohhh!! Gusto ko ng mamatay! Lord! kunin mo na'ko.. Now na!!" Sumisigaw na ako na parang baliw.

Wasak na puso + puyat w/ alak = nabaliw na puso. Parang mas bagay sa akin 'to ah.

"Batid naman ng puso kong may'ron ka ng iba

Heto ako't naghihintay parin sa'yo sinta!"

"Uhhh hu hu.. eto na ba yon? Heins.. Heins!! Eto na ba ang ending?! Bakit?!... huu huu bakit??!!!.." Kanta ulit.

"Sadya kayang walang isang katulad mo o bakit nga ba

BALIW NA PUSO'Y BAKIT GANITOOOOO?!!!"

[Torn's Note: hence, the title ahaha meet the new jukebox princess Abba PRanING]

* * *

I stay out too late

Got nothing in my brain

That's what people say, mmm-mmm

That's what people say, mmm-mmm

I go on too many dates

But I can't make 'em stay

At least that's what people say, mmm-mmm

That's what people say, mmm-mmm

But I keep cruising

Can't stop, won't stop moving

It's like I got this music

In my mind

Saying, It's gonna be alright!

Kanina pa ako kapa ng kapa sa kama ng sa wakas nakuha ko rin ang cellphone ko na kanina pa yata nagriring.

"Hay Taylor ang ingay mo..." I am so groggy that the loud ringing of my phone fails to keep me awake.

Sino naman kaya to..tiningnan ko ang caller ID, haist! si Maria Christina lang pala ang bff kong malapit na ding ikasal. What's with people these days andameng nagpapakasal? Hay, tumatanda na talaga ako.

"Hello." Medyo naiiritang sagot ko, antok na antok pa talaga ako napagod ako sa concert kagabi.

"Sounds like you already know. Are you alright? Natulog kaba? Boses bangag ka." Sunod sunod nyang tanong.

I know friends are essential in life but sometimes they can be so annoying. I mean, waking you up just to deliver a bad news! And in the morning! Oh hell.

"I was sleeping just a moment ago and you-"

"At this hour?! Anong oras ka na ba natulog?" Tapos hindi kapa patatapusin magsalita nakakasura talaga.

"I dunno." I glance at Dora and she says it's 7 o'clock. "Ngayon lang siguro kasi umaga na ko nakatulog at ginising mo pa ako bruha ka!"

"Huh?? FYI, TV Patrol na! Baliw-baliwan kana naman nuh' sabi ko na nga ba. If I had known it earlier I should've joined you. You really okay? So di ka pumasok sa work, obviously." But no matter how annoying your friends can get, you'd still want to be with them because of this -the genuine concern.

"I'm on depression leave, you know." Pagmamayabang ko.

"Hanep depression talaga? Haist' please..go on with your life..it's not the end of the world.. you can live without him.. move on.. and blah blah blah.. to to toot.. wee wee weew..

Inilayo ko saglit ang telepono sa aking tenga. Sawang sawa na kasi ako sa move on move on na yan. Alam ko yan na naman ang sasabihin nya. Ganun ba kadali yun?!

Nang maramdaman kong tapos na ang litanya nya inilapit ko na ulet ang phone ko at sinagot sya.

"Bakit sinabi ko bang hindi ko kayang mabuhay ng wala sya? Kaya ko naman eh AYOKO lang! Saka isang araw palang ang lumilipas 'move on' agad, saan ako pupunta??!" Naghe-hysterical na ako. Hindi kasi nila naiintindihan e. Kasalanan ko bang sya lang ang gusto ng tanga kong puso at sirang utak?

E nun ngang hindi sya nagpakita di pa ako nakakamove on dun' tapos ngayon ikakasal na sya..."waaaahhhh" hindi ko na napigilan ang pag-iyak grabe lang ansaket.

"Magiging ama na sya.. at hindi ako ang ina! Paano na yung half dozen na magiging anak namin?! Paano?! Antagal kung pinagisipan ang ipapangalan sa kanila! Paano na ang lahat!! Paano!! Ahhh huuh huu! Awuuuhhh!"

"Eh sino bang nagsabi sa'yong mangarap ka ng ganyan? My God! I think you need professional help, and by that I mean myself. Wait for me pupuntahan kita wag kang tatalon sa building! Papunta na'ko." Medyo nagpapanic na yung boses nya ang OA lang wala naman akong suicidal tendencies. Wala pa.

"Ang cheap ha! kung magpapakamatay ako hindi ako tatalon sa building noh mahe-headline pa ako tapos baka interviewhin ka sabihin mo pa na brokenhearted ako e di lalo ng ka-cheapan!" Dahil sa sinabi nya napatigil ako sa pagiyak. Ang cheap kasi e. Hindi naman ako ganun kabaliw. Maglalason nalang ako nuh kesa tumalon sa building sayang naman ang ganda ko magkakalasug-lasug lang.

"Kaya nga sasamahan kita eh." Grabe lang hindi nya nagets.

"Hindi nga ako magpapakamatay! Gusto kong mag-isa. Moment ko 'to wag ka munang umeksena okay?" Napabuntong hininga nalang si Tin sa kabilang linya.

"I just want to make sure na nasa katinuan ka pa, kunsabagay 'normal' mo yan. Sige sige basta wag kang magsu-suicide kung ayaw mong magtrending. In a most degrading way."

Naiintindihan ko na kung bakit takot na takot syang magpakamatay ako, naalala ko yung sinabi ko sa kanya noon nung lasing kami: "Pag hindi kami nagkatuluyan ni Heins magpapakamatay ako at mumultuhin ko sya." To which she replied "Basta wag mo akong idadamay kahit friendships tayo multo ka pa rin."

"I assure you every single cell in my body is perfectly sane, okay?" Paninigurado ko para matigil na sya.

She finally hang up after I guaranteed my sanity. It's hard for me to process that she really believes that I would take my own life. Am I that crazy??

Then biglang napaisip ako. Agad akong bumangon at tumakbo sa may salamin, kung may makakakita sa akin malamang iisiping may sira na nga ako.

Bukod sa nagmukha akong zombie ng dahil sa puyat at pagkalasing, sinuman e sasabihing may sayad na nga ako dahil sa hitsurahin ko. Hindi mahitsurahan.

My outfit?

Tinalo ko pa ang Salbakota dahil suot ko ang basketball uniform ni Heins na pinalagay nya sa bag ko noon at hindi ko na isinauli syempre #AlamMoNa.

My face?

Mukha akong galising pusa dahil may nakadrawing na whiskers sa magkabilang pisngi ko gamit ang lipstick na kumalat na, this is to commemorate the first time he kissed me 14 years ago. Papunta kami sa beach noon tapos sa byahe nakatulog ako at binaboy na pala nya ang mukha ko nang di ko namamalayan, nagulat nalang ako pagdating namin sa resort pinagtitinginan ako akala ko naman ang ganda ko lang nagpacute pa naman ako sa mga boys doon.. ang climax ng story, dahil naguilty sya tinanggal nya rin ang red marks after nun he kissed me.. both cheeks! Sulit lang pero sana yung lips ko nalang yung binaboy nya.

Unti-unti nagflashback lahat ng pinaggagawa ko kagabi, hindi lang pala ako nag concert pati monologue kinareer ko din!

Grabe lang kahit yata si Sisa mahihiyang panoorin ito.

"Ketchup.. huu huu... hindi na matutupad ang pangarap nating mabuo ang pamilya na'to.. Ang Daddy mo nagtaksil! Magkakaroon kana ng kapatid. Kapatid sa labas!"

Sumagot si Ketchup. "Hindi naman po nagtaksil si Daddy, Mommy. Kasi po hindi naman po naging 'kayo'."

Sinakal ko si Ketchup. "Ako ang ina mo kaya sa akin ka lang maniniwala! Naiintindihan mo ba ha? ha?!"

"Aaahhh ayay ko po Mommy tama na po ahhh."

"Oh my God! I'm sorry baby, hindi sinasadya ni Mommy ang kulit mo kasi eh." Niyakap ko si Ketchup at inalo ito. "Tahan na baby ko hindi na uulitin ni Mommy."

Si Ketchup ang teddy bear na bigay ni Heins nung Valentine's Day na wala akong boyfriend kaya ni-pressure ko sya na bigyan ako ng gift.

Napailing-iling nalang ako at inuntog ang ulo ko sa salamin.

"Ouch!" Masakit pala.

*laters* :)

[Torn's Note: Pls vote if you like the story :]

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...