Extreme Beats Of Epiphany (EX...

By agirlwhocannotwrite

69.5K 1.6K 62

Heartbreak and failure... The moment she stepped back from the past that was supposed to be over. Before the... More

Extreme Beats of Epiphany
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Wakas
Special Chapter
Author's Note

Kabanata 24

1.8K 51 0
By agirlwhocannotwrite


Mommy

Minulat ko ang mata ko at kaagad nakita ang puting kisame. Nagtaka pa ako kung nasaan ako pero kaagad akong napabangon ng maalala ang nangyari.

"Caia, mahiga ka pa. Magpahinga ka," sabi ni mommy at pinahiga ulit ako.

Pinilit kong bumangon at kinapa ang sinapupunan.

"Mommy, ang-"

"Yes, Caia, okay ang baby mo. Don't worry. Kailangan mong magpahinga," sabi ni mommy at tumango-tango. Hindi ako nakakita ng kahit anong galit sa mga mata niya. Ang akala ko ay magagalit sila.

Tumingin ako sa paligid at nakitang nandoon si daddy at pinagmamasdan ako. Nahihiya ako dahil siguradong masama ang loob niya sa akin. Sila dapat ang unang nakaalam simula noong malaman kong buntis ako pero pinili ko pang ilihim sa kanila.

"Caia, kailan mo balak ipaalam sa amin ito?" malumanay na tanong ni mommy.

"I'm sorry, natatakot lang po ako. Baka kasi magalit kayo. Sabi niyo kasi kailangan kasal muna ako bago ako makipag-sex at mabuntis. Sorry po, mommy at daddy," sabi ko.

"Hindi mo kailangang matakot. Hindi naman namin kontrolado ang buhay mo. Hindi naman kayang diktahan ang bawat galaw na gagawin mo. Nasa tamang edad ka na at alam kong alam namin na alam mo na ang ginagawa mo," sabi ni mommy at hinaplos ang balikat ko.

"And who is the father?" tanong ni daddy at saka lumapit sa amin.

"Dad..." sabi ko at umiling.

"See, Amanda? Hindi niya alam," sabi ni daddy kay mommy na namumula ang mukha hanggang leeg.

"Calm down, Calix. Ang OA mo. Sa tingin mo ba magpapabuntis ang anak mo kung kani-kanino lang?" Kinurot ni mommy ang pisngi ni daddy. Pinanggigilan pa!

Hindi ko alam kung maiiyak ako o matatawa. And speaking of, 'yung tatay ng anak ko kailangan ko siyang puntahan. I need to see him para mapalagay na ako.

"Anak, magpahinga ka," sabi ni mommy at inalalayan akong tumayo. Hindi naman ako nakaswero o kung ano man. Nahimatay lang talaga ako dahil sa hilo at nerbyos na rin siguro dahil sa nangyari kay Harry.

"Kailangan kong puntahan si Harry, mommy. Nasaan sya?" sabi ko at naglakad na palabas kasunod si mommy.

"Dito, anak." Tinuro niya ang isang kwarto.

Pumasok kami sa isang private room. Nakita ko si Harry na nakahiga sa kama at may nakakabit na oxgen at dextrose sa kanya. May binabasa siya sa kaya hindi kami nabalingan.

"Ma, ang bilis-"

Natigilan siya nang makita ako imbis na ang mama niya.

"Caia," tawag niya at bumuga ng hangin. Tinabi niya ang binabasa at sinenyasan akong lumapit sa kanya.

Lumapit ako at sumampa sa kama niya. Niyakap ko siya at umiyak sa bisig niya.

"Please don't cry, my love," bulong niya sa akin at hinaplos ang buhok ko.

"I hate you. You're so unfair," mahinang sabi ko habang marahang hinahaplos ang dibdib niya kung nasaan ang puso niya.

"I'm sorry. Ayoko lang makulong ka sa akin. Gusto ko makahanap ka pa ng ibang mamahalin. I know that I can't be with you for so long. Bibigay ang katawan ko at maiiwan kita. I don't want you to be too dependent on me. Maraming nagkakagusto sa iyo, you can go on without me." Naramdaman ko ang labi niyang humalik sa ulo ko.

Umiling ako. "No, hindi ko iyon kaya."

"Tama na ang pag-iyak. Makakasama 'yan sa baby, sige ka." May pagbabanta sa boses niya.

Napatingin ako sa kanya, pinunasan niya ang luha ko. "You knew?" Kumunot ang noo ko.

Tumango sya at manipis na ngumiti. I am not so sure if he is happy that we are having a baby.

"How?"

"You dropped this on my office," sagot niya sabay pakita ng isang pregnancy test stick. So, siya pala ang nakapulot and probably....

"Sayo galing ang package?"

Ngumiti siya at tumango. "Nagustuhan mo ba? Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng mga oras na nalaman kong buntis ka. Ako mismo ang pumili ng mga damit na iyon. Pati yung rattle at baby bottles."

Imbis na tumahan ay lalo pa akong naiyak. Ibig sabihin wala siyang ibang mahal. Ibig sabihin ako lang....

"I love you Harry, so much. Please, don't leave me and our baby."

Pumasok ang isang nurse kasama ang isang doktor na may dalang syringe.

"Time for your medicine, Mr. Catahan," sabi ng doktor.

Lumayo na ako kay Harry at lumapit kay mommy. Nakatingin lang sa akin si Harry habang tinuturukan siya ng gamot. Nang matapos ang doktor ay lumapit ito sa amin.

"Mataas na dosage ng gamot ang itinurok sa kanya ngayon. Ang maaaring maging side effect nito ay ang makatulog siya minutes after ibigay ang gamot. O kaya naman ay ang pagsusuka at pagkahilo. Kaya wag kayong magtataka kung mangyari man sa kanya iyon ngayon. That's normal. I'll go now," sabi ng doktor at lumabas na kasama ang nurse.

Nilapitan ko ulit si Harry na ngayon ay mapupungay na ang mata.

"Rest for now, Harry," sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

"You should, too." Pumikit siya.

"Kagigising ko lang kaya." Bahagya akong natawa.

"Caia, can you do me a favor?" Dinilat niya ulit ang mga mata.

"Yes."

"Please call my secretary, na kay mommy ang phone ko. Sabihin mo na dalhin lahat dito sa ospital ang mga papeles na kailangan kong pirmahan at basahin." Humikab siya.

"Magtatrabaho ka pa? Dapat ay nagpapahinga ka." Ngumuso ako. Wala bang day-off ang trabaho niya.

"I'm still the mayor, remember? Hindi pwedeng maparalisa ang bayan dahil lang may sakit ako. Kaya nga nila ako binoto kasi they want change. I'll give the changes they want as long as I can," sabi niya at pinilit pang ngumiti kahit inaantok na ang buong sistema.

"Ipaubaya mo na lang kaya Loren 'yan. Kailangan mong magpagaling. Please, resign already. Maiintindihan ka naman siguro ng mga tao. Ang puso, hindi natin alam kung kailan ka ulit aatakihin. Ayoko na ulit makita kang parang wala ng buhay. Natakot ako nang sobra kanina." Niyakap ko siya.

Umiling sya. "Thank for your concern and I'm so sorry if I scared you so much. I will do that kapag hindi ko na talaga kaya, but for now, kailan kong ipagpatuloy ito. Please do my favor, okay? I'm gonna sleep now," sabi niya at pumikit na.

"Okay." Bumuntonghininga ako.

Umalis muna si mommy para puntahan si daddy at ako naman at hinintay si tita Empress. Dumating si tita na may dalang isang bag at isang plastic na may pagkain.

"Caia, what are you doing here? Hindi ba dapat ay nagpapahinga ka?" tanong nya at ibinaba ang dala.

"Okay na po ako. Um, Tita, binigyan na po ng gamot si Harry kaya siya nakatulog," sabi ko.

"Ganoon ba? Buti ay nagpaturok siya ng gamot ngayon." Nagtaas siya ng kilay.

"Ano pong ibig niyong sabihin, tita?" tanong ko.

Umupo si tita sa may sofa kay umupo na rin ako. "This past week, he refused to drink his medicines. Ayaw na niyang uminom ng gamot. Ang sabi niya hindi rin naman daw tumatalab, nag-aaksaya lang daw kami ng pera," sabi ni Tita at tumulo na ang luha.

"Alam mo Caia, wala akong pakialam kung maubos lahat ng pera namin madugtungan lang ang buhay ng anak ko. Kahit maging pulubi kami, kahit mabaon kami sa utang. Nag-iisa lang siya, he was my miracle baby. Kasabay ng paglabas niya ay pagtanggal ng matres ko."

Napaiyak na rin ako habang nagkukwento si tita.

"Nang ipanganak ko siya, nalaman ko na maaari niyang mamana ang sakit ng pamilya ng daddy niya. Natakot ako Caia, lalo na noong unang naatake sya. He was just a little boy back then.
And now it's happening again..."

"... Ayaw rin niyang magpa-opera, ayaw niya, Caia. Please help me to convince him, please, Caia. Alam kong hindi ka dapat naii-stress ngayon dahil buntis ka. But please, nakikiusap ako, bilang isang ina. Do your best to convince him. Natatakot akong mawala siya," sabi ni tita at mas lalo pang umiyak.

You are so selfish, Harry. Hindi lang ikaw ang nahihirapan, kung nakikita mo lang ngayon ang iyong mommy.

"'Wag kang mag-alala, Tita. Gagawin ko lahat para makumbinsi siya. Hindi dapat siya maging makasarili. Ano na lang ang mangyayari sa atin kapag sumuko siya? Isa pa ayoko lumaki ang anak namin na hindi man lang nasisilayan ang kanyang papa. I will do my best po. Promise," sabi ko kay tita.

Nagliwanag ang mukha nya at ngumiti. "Maraming salamat, Caia," sabi niya at niyakap ako. "I'm sorry din kung nagalit ako sa iyo noon."

"It's okay tita, I understand po." Tumango ako. Nadala lang siya ng emosyon niya at lalo ko pang naintindihan iyon ngayon. Magiging mommy na rin ako, and mommy will do everything for their babies.

"Ang sabi ko 'wag mo na akong tawaging tita, hindi ba?"

"Pasensya na po. Hindi ko po-"

"Now that you are carrying my apo. You should call me mommy," sabi nya at nginitian ako.

"Mommy," sabi ko. Tumango siya.

"'Wag kayong mag-alala, Mommy. Pagkagising ni Harry, sesermunan ko talaga 'yan ng bongang-bonga," sabi ko at tumawa. Tumawa rin si tita este mommy pala.

Continue Reading

You'll Also Like

277K 15.2K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
827K 38.8K 29
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
837K 28.1K 38
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
376K 26.6K 232
Rosabella Nataline swore to keep off dating when she got her heart broken two years ago. She kept herself protected and bound by a rule she establish...