She is the One. (on hold)

By sexydreamer

38.6K 927 207

#SITO || A story when HE met HER. Is it true that best friends are the perfect kind of lovers? And could a gi... More

She is the One. 1 - 'Wow pare! Chicks oh!'
She is the One. 2 - 'Maghihiwalay din yan. Tiwala lang.'
She is the One. 3 - 'Date tayo.'
She is the One. 4 - Strike Three.
She is the One. 5 - 'Masaya akong kasama ka.'
She is the One. 6 - Past up to the Present.
She is the One. 8 - Definitely... best friends.
She is the One. 9 - Nagpapakatanga.

She is the One. 7 - Ang chicken.

2.5K 96 18
By sexydreamer

Thank you, Yanna. :> 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

7.

Sabay kaming napatingin ni Daniel sa babaeng nagsalita.

Nakatingin siya samin na mukhang naguguluhan.

Hindi ko siya kilala, but her face is familliar.

"Empress? Anong ginagawa mo dito?" sabi ni DJ.

Empress? Sinong Empress to?

"Ikaw, anong ginagawa mo.. dito?" sabay turo sakin, or rather samin nung babae.

Napatingin naman ako kay DJ. Yung pwesto pala namin, ganun padin. Nasa balikat niya padin yung mga kamay ko, at yung kanya eh nasa beywang ko.

Then I realiezed, his face was inches away from mine.

"shit." rinig kong bulong ni DJ sabay bitaw niya sakin. "Ah, ano kasi. Si Kath. Ano.."

"Hi, I'm Kath. Best friend ni DJ. And you are?" I offered her a hand shake.

Ako na yung nagsalita dahil feeling ko umatras yung dila netong lalakeng to. I don't even know why.

"Empress Schuck, his.. friend." tinaggap naman niya yung kamay ko at inalog.

Why does this seem awkward?

"Empress, si Kath. Best friend ko since highschool. At Kath, si Empress. Nililigawan ko." biglang pakilala ni Daniel.

Mukhang alam ko na kung bakit ako binigyan ni DJ ng necklace. Psh.

As we all know, si DJ, isang playboy, chickboy, what ever you call it. Basta he dates girls he doesn't even love or like. For short, gago. Since high school. 

And as a best friend, nagagalit ako kapag ginagawa niya yun. Bilang babae na din at isa sa balak niyang biktimahin dati. 

Oo, mahal ko si Daniel pero wala lang sakin kahit may nililigawan siya. Sanay na ko e. Sanay na masaktan, I guess?

But this time, medyo naiinis ako. Iba kasi yung dating sakin ng so called 'Empress' na to. Who ever she is. 

"Huy, Kath?" 

DJ was waving his hand in front of me.

"Ha? Bakit?" 

"Sabi ko, kung okay lang ba na samahan mo si Empress na bumili sa mall? May klase pa ko e."

"Ay, hindi hindi! Wag na, DJ. Ano ka ba. Nakakahiya naman kay Kath." 

"Hindi. I'm fine. Samahan na kita." at ngumiti ako.

This is fine. Para din makilala ko tong babaeng to. Minsan lang ako makipag kaibigan sa mga chix ni DJ e. You know, bitter.

"Talaga?" Empress.

"Uy thank you! Ikaw na bahala kay Empress ah? Bawi ako sayo sa susunod." sabay lumingon siya kay Empress. "Si Kath na bahala sayo ah? Wag kang mag-alala, mabait yan. So, ge? Text na lang kita. Ingat." sabay bumeso pa bago umalis.

Okay, sakin walang beso? >3< 

Haha. De joke.

"So, tara?" yaya ko sa kanya.

"Sige, tara."

At umalis na kami sa roof top na yun.

Hindi ko na niligpit yung kalat namin ni DJ dahil wala namang taong pumupunta dito bukod samin. Parang hang-out place namin tong mag best friend. Ewan ko na lang kung bakit napadpad tong si Empress dun.

Pumunta na kami sa mall at bumili na siya ng kailangan niya. Ako din, bumili na para isang punta na lang.

**

Tatlong klase pa ang inattendan ni DJ, at ako dalawa lang that afternoon. Sabay pa kaming natapos. Magkaiba kasi kami ng course.

"So ano? Kamusta bonding niyo?" nagulat ako nang biglang sumulpot si DJ sa tabi ko habang naglalakad ako sa may cafeteria.

"Para kang multo, basta basta ka na lang nagpapakita. Mygosh."

"Haha. Akala ko banat. Oh, eh kamusta nga bonding niyo?"

"Nino ba?" sabi ko sabay bumili ng rootbeer sa tindahan sa loob ng campus. "Ate, mug nga po. Isa lang."

"Ni Empress babes ko! Sino pa?" sabay kinuha niya wallet niya at bumili din. "Dalwahin niyo na po."

"Empress babes? Eyw. Hoy Daniel, tigil tigilan mo nga ako. Nakakabwisit ka. Ang landi mo." sabi ko sabay umupo sa isang lamesa, sa upuan actually.

"Oh bakit na naman? Anong ginawa ko?" tumabi siya sakin.

"Mabait si Empress. INOSENTE. Kaya please? Wag mo nang lokohin. Tantanan mo na." sabay labas ng libro ko sa isang subject.

"Ah. Yun lang pala eh. Hahaha. Hindi ako nagloloko this time Kath."

Napaharap naman ako sa kanya dahil nagenglish pa talaga. I raised an eyebrow.

"Ano? Bakit? Seryoso ako. May something sa kanya eh. Lakas ng impact sakin, Kath. Kinikilig ako. Hahahahaha!" sabay hagalpak ng tawa ng gago.

"Sira ulo ka talaga." at tinuloy ko pagbabasa.

"Haha! Pero eto, seryoso na talaga, as in, pramis. Gusto ko si Empress. Crush ko siya. Okay?! Iba eh. Iba talaga. Haha." sabi niya sabay inom ng rootbeer niya.

"Anong crush ka dyan. Psh, DJ. Tigilan mo nga ako. Tigilan mo na din si Empress."

Pagkasabi ko nun, tahimik lang siya. Weird.

Napaisip ako, what if eto na yung babaeng mamahalin ni DJ.

Well, hindi ko maitatanggi. May chance si Empress. Mabait, maganda, sexy at may sense of humor si Empress. Maybe DJ does like her.

Aish. Nakakaramdam ako ng konting inis. Tch.

Di ko na tuloy maintindihan tong binabasa ko.

"Crush ko si Empress, Kath." sabi ni DJ.

Napatingin ako sa kanya and gave him an 'and-so-what-I-don't-care' look.

Kailangan sabihin?! Psh.

"Huy."

Kinulbit niya ko pero di ko pinapansin.

"Kath."

"Huuy."

"Ria."

"Hoy."

"Nagseselos ka ba?"

Nagulat ako ng bigla niyang sinabi yun.

Ang random ng tanong niya.

"Wow ha. At bakit?" sinabi ko na lang, at nagtaray pa.

Ngumiti siya.

"Nagseselos ka eh."

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Haha! Kitang kita kapag nagseselos ka eh. Yang nguso mo humahaba. Nagmumukha ka tuloy donald duck. Hahaha!"

Ha?! Humaba ba?! Hindi naman ah?

"Hoy, grabe ka naman! Hindi ako ganun!"

"Haha! Ano ka? Kilala kita, Ria. Humahaba yang nguso mo kapag nagseselos ka. Hahaha! Sino ba kasi yun at lalayuan ko para sayo?" sabay umakbay siya sakin.

Nagulat ako sa ginawa at sinabi niya.

Hay. Nagseselos ba talaga ko? Kay Empress? Aiiiiiish.

Bwisit naman kasi DJ. Bakit ba di na lang ako ang mahalin mo? Kung sino-sino pang hinahanap mo eh.

Tinignan ko siya.

"Gusto mo talagang malaman kung kanino ako nag seselos?"

"Syempre, oo. Ayoko namang nababadtrip best friend ko eh. Diba?"

"So gusto mo talaga?"

"Oo nga."

"As in gusto mo?"

"Ang kulit oh. Oo sabi."

"Kay.."

"Kanino?!"

"Kay Margarette! Tignan mo oh! Buti pa sya tahimik na nakapagbabasa dun at nakakapagaral! Manahimik ka na nga dyan para makapagbasa na din ako ng ayos at para hindi na ko magselos sa kanya!" sabay turo ko dun sa babae sa kabilang table na nagbabasa.

Tch. Ang tanga ko talaga. Halatang palusot e.

Pero ayos lang. Manhid naman tong best friend ko eh.

As in manhid.

Sa nararamdaman ko, oo. Pero sa iba hindi. Putek, ang labo!

"Tss. Ikaw babae ka, puro ka kalokohan."

"Nagsalita ang hindi."

"Oo na. Sige, mag-aral ka na dyan. Bahala ka. Puntahan ko muna si Empress. Kita na lang tayo mamaya."

"Langya, si Empress na naman. Tsh." bulong ko.

"Anong sabi mo?"

"Wala! Sige na, umalis ka na. Nagaaral pa ko."

"Grabe ka naman mangtaboy. Kala mo di ako mahal eh. Ouch. Hahaha! Sige na. Ingat kang chicken ka."

Natigilan ako sa sinabi niya.

Una, dun sa chicken. Favorite ko yun eh.

At pangalwa, dun sa 'kala mo di ako mahal eh.'

Langya ka talagang Padilla ka. Ang manhid mo! Aish.

Tinuloy ko na lang ang pagbabasa ko habang nagmemerienda.

Maya-maya lang, umuwi na din ako.

Commute lang ako dahil ayokong gamitin yung kotse ko. Wala lang. Marunong naman akong magdrive, pero ayoko eh.

Pagpasok ko ng bahay, nandito pala sina mama't papa.

"O ma, pa? Nandito pala kayo? Hindi pa end of the month ah?" sabay bumeso ako sa kanila.

"Bumisita lang kami. Malapit lang kasi yung pinuntahan namin dito sa bahay." Ma.

"Ah, ok po."

"Ano ka ba naman, Ria? Kaya ka nga namin binili ng sariling sasakyan para hindi ka na nakikipagsiksikan sa mga MRT, LRT, Jeep, FX, Tricycle at kung ano ano pa!" Pa.

Jusko tong si papa. Ang daming nasabi.

"Eh Pa, sabi ko naman sayo. I don't need a car. Ang mahal-mahal ng gasolina eh. Mas ayos pa kung magbyabyahe ako para tipid."

"Kaya nga kami nagtratrabaho ng mama mo para kumita ng pera at para hindi ka nagtitiis. A-" Pa.

"Pa. Hayaan niyo na po ako. I'll use that car when I need it. Don't worry. Sige, akyat na po ako."

"Pero, Ria.." Pa.

"Hayaan mo na siya. Pagod siguro galing sa school." rinig kong sabi ni Mama.

Tuluyan na kong umakyat at pumasok sa kwarto ko.

Tinanggal ko yung bag ko at inilagay sa kama. Pati bracelet, earings at yung necklace na bigay ni DJ tinanggal ko na.

Humiga ako sa kama ko at niyakap yung teddy bear na bigay sakin ni DJ nung first time kaming nagkasama. Nung nililigawan niya pa ko nung fourth year pa kami. Nung nainis pa ko dahil hindi ko makuha tong teddy bear na to sa machine sa Timezone.

Hay.. 

"DJ, bakit ba hindi na lang ako yung mahalin mo, ha? Gago ka din eh. May bago ka na naman. But this time, talagang gusto mo na yung babae mo. Pagnagkataon na siya na talaga yung babaeng mamahalin mo, hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako handang masaktan ng ganun, DJ. Kaya pwede bang wag muna? Please?" sabi ko habang yakap yung teddy bear na inalagaan ko ng apat ng taon.

Di ko namalayang may tumulong luha na pala sa mga mata ko.

Pinahid ko yun at tinignan ako cellphone ko. May nagtext.

Pagtingin ko, siya pala.

From: DJ

Huy, punta ko senyow?

To: DJ

Bahala ka.

Reply ko sabay pumikit na ko.

Maya-maya lang, may narinig akong nagdoorbell.

Ugh. Tinatamad pa kong tumayo eh.

Hindi ba iniwan kong bukas yung pinto?

*ding dong*

Ano ba, nakakatamad pa eh.

*ding dong*

"Walang malasakit sa kapwa kung sino man tong taong to. Kitang pagod na yung tao galing sa eskwelahan mangungulit pa. Langya." sabi ko sa sarili ko habang bumababa ng hagdan.

Nagulat ako ng pagtingin ko sa sofa, sina mama't papa katabi si DJ at nagkwekwentuhan.

*ding dong*

"Huy Kath. Di mo sinasabi, nandito pala sina Tita." DJ.

Tinignan ko nalang siya.

*ding dong*

"Oh Ria, ikaw pala. Ikaw na magbukas ng pinto." Ma.

Aba't sino pa tong isang makulit na epal to? Ang kulit mag doorbell ah? Nabano lang?

Pagbukas ko ng pinto..

Nawala yung pagod ko.

Yung seryoso kong mukha, napaltan ng saya.

Lalo na nung biglang ngumiti siya.

"Kuya Quen!!!!!"

Sigaw ko sabay tumalon ako sa kanya at sinalo niya ko kaya niyakap ko siya ng mahigpit.

O diba? Pang movie lang. Haha!

Grabe, sobrang namiss ko to!

"Aray ko, baby! Ang biga't mo padin!"

"Ehh! Bwisit ka. Pupunta ka dito para lang mangasar!" sabay bumaba na ko.

"Ria, sino ba ya- o Enrique! Ikaw pala. Kelan ka pa bumalik?" Ma.

"Uy iho, kamusta na?" Pa.

"Kahapon lang po. Okay naman po ako. Haha. Kayo po? Dito na po kayo magste-stay ulit?" Kuya Quen.

"Hindi naman. Binibisita lang namin si Ria eh. Alam mo naman yan." Pa.

"Pa, ano ba."

"Hahaha! Alam ko po talaga. Baby girl padin to eh." sabay tawa nila.

"Manahimik ka, Kuya! Baka libing ang icelebrate mo at hindi welcome back party." and I gave him a death glare.

"Aba, Ria." Ma.

Shit. Nga pala, nandito sina mama. Bawal violent actions and words.

Damn.

"Hahaha! Grabe ka naman, Baby."

"EHEM. Mauna na po kaya ako no? Tutal may bagong super powers din naman ako na invisibility." biglang umimik si DJ.

"Hahaha!" Tumawa sina mama't papa.

Oo nga pala. Nandito pa tong ungas na to.

Napatingin sakin si Kuya Quen na parang nagtatanong.

"Ay nga pala. Kuya Quen, best friend ko. Si Ungas- este DJ. Oh DJ, pinsan ko. Si Kuya Quen."

Sabay nag-shake hands sila habang natatawa si Kuya Quen.

"Hahaha. Ikaw bata ka, grabe ka talaga magsalita no?" sabi niya sakin.

"Nice to meet you po Kuya Quen." sabi ni DJ.

"Likewise, pare. Pero kahit Quen na lang, or Enrique."

"Ah, osige."

"Dinner na tayo, mga bagets? Enrique at Daniel, dito na kayo mag-dinner." Ma.

"Sure po tita./Sige po." sagot nung dalawa.

At dahil round table yung lamesa namin, paikot kami. Malamang.

Katabi ko si DJ at Kuya Quen. So meaning pinaggigitnaan nila ko.

Kumuha ako ng kanin at nilagay yun sa pinggan ko.

Pagtingin ko sa ulam, wow! Chicken! *u*

Kukuhanin ko na sana yung thigh part nang biglang..

"Ria, chicken oh."

Sabay na sabi ni Kuya Quen at DJ. Sabay pa nilang tinusok yung fork nila sa manok. Sabay nagkatinginan pa.

Ano ba. Kawawa yung manok oh! Mga tao to.

"Ako na. Kinakawawa niyo yung chicken eh." sabi ko sabay ako yung kumuha nung chicken.

Napansin kong napaiwas ng tingin si DJ kay kuya, at pati din si Kuya. Napatingin naman ako kay mama na nakangiting nakatingin kay papa sabay tumingin sakin.

Anong meron? Ang weird.

Bahala sila, basta ako kakain na ko.

Habang kumakain, ayun. Nagkwekwentuhan sila.

"So Enrique, kahapon ka pa umuwi?" Ma.

"Ah opo." Kuya Quen.

"Ah bro, saan ka ba galing?" DJ. wow, close sila? Kelan pa.

"US. Dun kasi kami naka tira ng fiance ko." Kuya Quen.

"Wow, big time." DJ.

Teka.. FIANCE?!

"Haha. At plano na naming magpakasal next month." Kuya Quen.

"Woah. Congrats bro." tapos nakipag shake hands pa si DJ kay Kuya.

"Wow. How lovely! Congrats, iho." Ma/Pa.

Ang gaganda ng reactions nila. Samantalang ako..

"ANO?! KASAL?!"

"Oo bakit? Selos ka, baby?" sabay pinisil niya pa pisngi ko.

"Bakit, Ria? Anong meron at grabe ka magreact?" DJ.

"Tss. Wala. Nabigla lang ako." 

Bakit ba ko OA? Ano naman ngayon kung ikasal na si Kuya Quen diba? Wala naman akong karapatan pigilan siya. Tsh.

Tinuloy ko na lang yung pagkain ko at nagkwentuhan na ulit sila.

"Enrique, ano nga ulit pangalan ng fiance mo?" Ma.

"Coleen Garcia po." nakangiting sagot ni Kuya.

"Ah, and she lives in the US?" Ma.

"Yup. She's a fashion designer there. She's 1/4 American. At plano naming dito sa Pinas magpakasal since both of our families really lives here."

Ah so ganun pala. Okay.

Hindi na ko nakinig sa kanila at nagfocus na lang sa pagkain.

Pagkakain, nasa sofa kaming tatlo ni Kuya at DJ, habang sina mama't papa, nasa kitchen. Nanonood ng TV tong dalawa kong kasama.

"Kuha lang akong tubig." sabi ko tsaka tumayo.

Papasok na sana ko ng kitchen ng marinig ko yung pangalan ko sa paguusap nina mama't papa.

"Eto namang si Ria, medyo childish padin. Buti pa si Enrique, ikakasal na." Ma.

"Eh ano namang gusto mong iparating, ma? Na magpakasal na din si Ria? Hindi naman yata ako papayag. Keh bata-bata pa nyang anak mo eh." Pa.

"Hindi naman yun ang ibig kong sabihin, pa. Ang sinasabi ko, tignan mo si Enrique, may plano na sa buhay kahit last year palang siya grumaduate. At eto, he's going to be married soon. While etong si Ria, gragraduate na this year pero wala padin akong naririnig na plano niya after graduation. Kung saan ba siya magtratrabaho or kung anong balak gawin. Ni boyfriend, hindi pa nagkakaroon yan. She's so childish, Ben!"

"Ano ka ba naman, Charmaine? Give her some time! Only child lang yung anak natin kaya ganyan."

"Ugh. Kasi naman. Pakiramdam ko walang pagmamahal sa mundo tong batang to. Dati nga akala ko si Daniel na eh. Ang hinihintay kong son-in-law. Naku, best friend lang pala."

"Eh anong gusto mong gawin ng anak natin? Lumandi? Come on, Charmaine."

"Tss. Alright." 

Hindi ko na kinaya mga narinig ko. May tumulo na palang mga luha sa mga mata ko.

Umatras na ko para umalis sa may pinto ng kitchen. Nang biglang may nabangga ako sa likod ko at na-out of balance.

Nasalo ako ni DJ, buti na lang hindi kami tumumba.

"Huy! Ikaw, Kath ha. Nakakailang salo na ba ko sayo ngayong araw? Nakakarami ka na- teka, umiiyak ka ba?"

"Hindi." sabay punas ng luha.

"Weh?"

"Hindi sabi!" 

"Ok, ok. Sorry na. Bakit ba?"

Napatingin na lang ako sa kanya. Then all of a sudden, I brokedown. 

Niyakap niya ko para icomfort. "Shh. Kung ano man yan, wag mo nang isipin. Haha." 

Medyo gumaan ang loob ko sa sinabi ni DJ. Pano ba naman, ako ang laging nagsasabi nun sa ibang tao.

After a few moments, tinanggal ko na yung mukha ko sa dibdib ni DJ. Hindi na ko makahinga eh. At saka feeling ko ayos na ko.

Tumingin ako sa kanya.

"Ayos ka na?"

"Oo. Thank you." 

"Teka, di ka pa yata ayos eh!" sabay niyakap na naman niya ko at ibinaon yung mukha ko sa dibdib niya.

"Ahh! DJ, ano ba! Hindi ako maka hinga!"

"Hoy sumosobra ka, Kath! Kanina hug, ngayon naman mouth to mouth hinihingi mo?! - ARAY!"

Gagong to kahit kelan. Mouth to mouth ba daw. Binatukan ko nga.

"Gago ka! Ang dumi ng utak mo!"

"Haha! Joke lang. Pero ayos ka na ba talaga? O isang hug pa?" 

Napangiti na lang ako sa kakulitan nitong best friend ko. Kaya pumayag na ko sa hug niya at niyakap ko siya.

"ehem." 

*CLICK*

Nagulat ako ng may biglang umubo malapit samin at may narinig akong sounds ng camera.

Pagtingin ko, silang tatlo nakatingin samin.

At so mama, ayun, pinicturan pa kami!

Agad kaming napa-bitaw ni DJ.

"Sigurado kayong mag-best friend lang kayo ha? Bro, baka iba na yan. Kung ganun, iingatan mo yung pinsan ko. Kundi sakin ka malalagot." natatawang sabi ni Kuya Quen.

"Hahaha! Oo nga naman." tumatawa din si papa habang pina-pat yung balikat ni Kuya Quen.

At si mama naman, nakangiting nakatingin samin.

"Ha? Hindi yan. Best friend ko lang tong chicken na to!" sabay akbay ni DJ sakin.

"Sayang naman kung ganon. Alam mo Daniel, bagay kayo ng anak ko." Ma.

Uggh. Ma naman! Kahit boto pa kayo samin, hindi din maaari. Best friend lang turing sakin ni DJ. 

"Yeah. I totally agree. Bagay kayo. Lakas ng chemistry oh!" sabi ni Kuya Quen. 

"Hindi nga sabi eh." sabay tinanggal ko yung pagkakaakbay sakin ni DJ.

"Asus. Tong si Kathryn eh, tinatago pa. Halatang kinikilig naman." Kuya.

"Hoy hindi ah!" depensa ko.

"Haha! Patingin nga." sabay iniharap ako ni DJ sa kanya. "Hahaha! Totoo ba to, Kath? Kinikilig ka nga! Ayan oh, kinakagat mo pa labi mo."

"Makati kasi!"

"Hahahaha! Inlab ka sakin no?" 

"Aish. Ulol! Asa ka pa. Bahala nga kayo dyan!" sabay tumakbo na ko paakyat sa kwarto ko at nilock yung pinto.

Aish! Nakakainis. Bakit ba kasi ganito ako? Yung tipong may signs kapag nagseselos o kinikilig? Nakakainis talaga!

 ------------------------------------------------------------------------------------------------------------

YIIII. Haha! naiinlab na ko sa story ko. XD Naisip ko na kasi future updates. ^U^ kamusta naman daw si Empress? Hahaha! Sorry, siya yung naisip kong ipartner kay DJ eh. Para naman maiba. Hahaha! Hope you enjoyed this update! :D

Continue Reading