Demigoddess - Daughter of Pos...

erinedipity tarafından

403K 13K 2.4K

Demigoddess Trilogy - 2/3 ♒ Mortals have pizza party, we have seaweed party. I'm a teenage demigod — too sass... Daha Fazla

Demigoddess - Daughter of Poseidon
i. the one with the violet locks
ii. arrow-ed
iii. easy peasy
iv. theory
v. level one
vi. hidden smile
vii. pandora's box
viii. temperature rising
x. riddles
xi. sea sick
xii. hades's favorite demigod
xiii. observations
xiv. birthday
xv. love at first shot
xvi. tried
xvii. like^100
xviii. one step ahead
xix. home
xx. small talks
epilogue

ix. friendship tragedies

13.9K 499 36
erinedipity tarafından

ix. friendship tragedies

Kakatapos lang ng klase ko sa P.E. at ‘yun na ang last subject ko sa araw na ‘to. Syempre kapag pagod saan pa ba pupunta kundi sa canteen ‘di ba? Anyway, bago pa ‘ko makapunta sa canteen eh binanatan ko muna ‘yung bully run sa corridor. Hindi ko naman siya binugbog o kahit ano, nag-summon lang ng unting tubig para madulas siya sa dinadaanan niya. ‘Di ko nga inaasahang may mga bully pa rin sa college eh. Hindi naman sa ako ‘yung pini-peste niya, pagod na pagod na kasi akong makita ‘yung mga nerds (‘yung alam niyo na helpless) sa sulok habang pinapahiya nung walang utak na ‘yon. Nabaliktad na nga ata ang earth. Kung sino pa ‘yung mga walang laman ang utak sila pa umaastang superior. Kaloka lang.

So ayon, tumungo na ‘ko sa canteen at hindi pa man ako nakakapasok dun eh natanaw ko na ang buong barkada nila Dani na nakaupo two tables away from the door. Syempre nandun ‘yung apat na demigods na sinubukan kong kaibiganin, si Neon, si Kite, si Night at si Dani mismo. Habang naglalakad ako papalapit sa kanila sumagi sa isip ko kung bakit hindi nila ako iniimbitahan sa table nila. Agad ko rin namang nasagot ‘yung tanong ko kasi syempre ‘di pa nila ako ganon kakilala atyaka hindi ata nagkakasundo mga schedules namin.

Nung nasa door frame na ‘ko eh bigla akong natigilan ng marinig kong ako pala ‘yung pinaguusapan nila. Syempre huminto ako saglit para pakiramdaman kung maganda ba ‘yung sinasabi nila tungkol sa’kin.

Kailan mo ba maisasama ‘yang kapatid mo pabalik sa ilalim ng dagat ha, Night?” Tanong ni Cherish sa kapatid ko. As usual may mga tarot card siya sa magkabilang kamay. Ni hindi nga niya tinignan si Night habang nagtatanong eh, basta naka-focus lang siya run sa mga cards niya. As if namang magsasalita ‘yung mga ‘yun at sasabihin sa kanya ang future niya. ‘Cherish, mag-asawa ka na lang ng mayaman kesa umasang may magpapaloko sa panghuhula mo sa hinaharap.’ – ‘Yung mga ganyan ba?

We’re working on it,” sagot naman ni Night. Ulol, working on it? Anong ginagawa niya nagpapakalasing dahil ayaw siyang balikan nung malansa niyang ex? Wow, nice idea brother! I’ll definitely go back with you, (P.S. SARCASM). Atyaka anong we? Sinong we? Sila ni Daddy? Oh come on.

Ibinaba na ni Cherish ‘yung mga tarot cards niya. “Bilis-bilisan mo lang kasi ‘pag ako lalong nainis, kakaliskisan ko ‘yang kapatid mo!” Pagbabanta naman nito.  Napa-irap na lamang ako.

Ano bang ginawa niya sa’yo?” Tanong naman ni Night sa kanya.

Bigla namang sumingit sa usapan si Hector na kanina eh punas ng punas ng lamesa. “Correction, ‘sa inyo’,” atyaka na ulit siya nag-spray ng disinfectant sa mesa.

Sinabihan niya kasi ako ‘tas si Mommy na useless,” paliwanag naman ni Cherish. Nope, not gonna feel guilty. Just saying the truth.

Agad namang nag-react ‘yung ibang demigods. Kesyo ang harsh ko raw tapos ‘di ko alam sinasabi ko (like seriously?), na dapat raw hindi na ‘ko nagsasalita kasi wala namang kahit anong magandang lumalabas sa bibig ko (yep I agree kasi imbes na maganda, totoo ang mga lumalabas sa bibig ko) and etcetera.  Lahat ng sinabi nila idinaan ko na lang sa irap.

At inistorbo niya rin ako sa paglilinis ko, kaloka!” Singit naman ni Hector.

Pati rin ako,” sabi naman ni Irene.

Tinawag niya rin akong bird-brain,” galing naman kay Dani habang umiiling-iling atyaka na ulit siya sumipsip dun sa chocolate milk niya.

Tahimik lang sina Kite, Neon at Night. Nakikinig lang sa mga reklamo nung mga babaeng demigods (plus Hector minus Herod because as usual, boy hilik). Nagkatinginan naman ‘yung tatlo atyaka unang nagsalita si Night at nagpaliwanag.

Hindi ko alam sa inyo pero sanay na ‘ko sa kapatid ko,” saad ni Night. True. “Stacy’s really weird. She can be harsh, rude or whatever you won’t like but she’s always true,” so so true. Gods, gumagaling na si Night sa pagi-explain. “I mean, I’m not saying that you and your Mom are really useless,” sabi naman niya kay Cherish na ready na sanang umapila sa sinabi ni Night. “I’m saying that Stacy says what she thinks is true. Wala siyang pakialam kung may masasaktan siyang iba, basta kapag may naisip siya at naramdaman niyang tama wala siyang preno,” pagpapatuloy pa nito. Nakatanga naman sa kanya lahat ng demigods sa mesa. Kahit nga si Herod na medyo pikit pa eh nakikinig na rin sa kanya. “There are just two things about Stacy I would like you to know,” woah, woah, woah. Hindi naman siguro sasabihin ni Night na mahilig ako sa mga seahorse ‘di ba? “She sees the goodness in people we thought are the worst and she somehow finds evil in the good ones. Kita niyo naman kung paano siya mainis sa mga Heroes ‘di ba?” O…kay? Hindi ko alam kung saan napulot ni Night ‘yung explanation niyang ‘yan pero na-realize kong tama rin naman siya. “The other thing is, she’s smart. She’s very, very smart but when it comes to love or other strong emotions? You can’t count on her. She can’t figure out not until you say it,” sabi ni Night. Pansin ko namang mas madalas siyang tumingin kay Kite habang sinasabi niya ‘yun at sobrang attentive naman ni Kite habang nakikinig sa kanya.

Nevertheless, totoo ‘yung sinabi ng kapatid ko. Give me Science, Math, English, History—anything! Anything but interpretation of emotions and other b-shits.

I don’t know Night but she really has to go,” sabi pa rin ni Cherish na para bang hindi narinig ‘yung mga sinabi ng kapatid ko.

Nag-agree naman sa kanya ‘yung iba pang mga demigods. Well except kina Kite at Neon.

We don’t like her, Night. We tried to be nice to her and all but she’s hopeless. Hindi naman namin kayang tanggapin na lang ng tanggapin kung ano mang sasabihin niya sa’min ‘no. Hindi kami robot, nasasaktan din kami,” paliwanag ni Cherish. Tumango-tango naman ‘yung iba pa.

Hindi ko na hinintay ‘yung sasabihin ng kapatid ko. O kung may sasabihin pa siya. Nakita ko kasing hindi na niya ‘ko ipagtatanggol. Wala na siyang magagawa pa para magbago ‘yung pagtingin sa’kin nila Cherish.

Oh my gods. I can’t believe I tried to befriend those people. Siguro nga kahit hindi ko sila kausapin may masasabi at masasabi pa rin silang masama tungkol sa’kin. Hindi ko naman itatanggi ‘yung mga sinabi nila kasi totoo naman lahat ‘yun pero ‘yung sinabi nilang ayaw nila sa’kin? Ayaw nila sa’kin kasi ganito ako? Kasi totoo ako? Wow, that I can’t let go. Kung gusto nila ng fake na kaibigan eh ‘di fine. Hindi ko kailangang i-sugarcoat ‘yung sarili ko para lang magustuhan nila. Sa kanila na friendship nila.

On the second thought, ako pa rin ‘yung kawawa. Kasi kailangan ko ng isa para hindi ako mapaalis dito. Kahit isa lang! I mean, fine meron akong Kite and friends na kami pero hindi ko alam. Feeling ko pang-decoration lang si Kite para lang may masabi akong hindi ako nagiisa. Para bang hindi ko feel na friends kami? Siguro may effect din ‘yung nangyari kanina. ‘Yung hindi siya nagsalita para ipagtanggol ako.

Whatever. I should stop over thinking. Meron pa rin naman siguro akong mahahanap na gugustuhin akong maging kaibigan. Susubukan ko na lang bukas sa classroom namin.

Pumunta akong botanical garden sa likuran ng school namin. Usually mga Biology students ang nagaalaga rito pero ngayong wala sila dito muna ako uupo. Sandali naman akong nainis sa sarili ko kasi hindi ako nakabili ng pagkain sa canteen bago pa ‘ko pumunta rito. Kung bakit kasi nagpadala ako sa inis ko. Anyway, hindi ako nalulungkot o kahit ano. Frustrated lang kasi hanggang ngayon wala pa rin akong kaibigang ipre-present kay Daddy.

Okay ka lang?” Agad naman akong napatingin sa gilid ko at nakita ko run si Eros na nakaupo at nakatingin sa’kin. Nagtaka naman ako kasi parang mas malungkot pa siya kesa sa’kin. Tumango na lang ako sa kanya. “’Wag kang mag-alala. Hindi mo kailangan ng mga ganong klaseng kaibigan,” sabi pa nito sa’kin.

Pero kailangan ko ng kaibigan na gugustuhing magstay ako rito para hindi ako kaladkarin ni Daddy pabalik sa ilalim ng dagat,” wika ko naman atyaka nagpakawala ng isang malakas na buntong hininga.

Makakahanap ka rin but not those people,” sabi niya sa’kin. Nagkibit balikat na lamang ako. “By the way there is something I have to tell—

STACY!” Agad naman akong napatayo ng makita ko si Eris (Goddess of Discord) na palapit sa’kin. Dali-dali ko siyang niyakap as soon as makarating siya sa harapan ko.

Ang tagal mong nawala!” Sabi ko sa kanya habang nakangiti ng malawak. Nginitian naman niya ‘ko pabalik.

Weird ba kung sasabihin kong best friend ko ang goddess na dahilan ng pinakamalaking battle sa kasaysayan ng Ancient Greece? Yep, I’m talking about the Trojan War. Naintindihan ko kung bakit niya ginawa ‘yung ginawa niya noon na naging dahilan para mag-start ‘yung war. Hindi siya inimbitahan sa isang kasal at sobrang nakakasakit ng damdamin ‘yun. Kahit naman siguro hindi kayo bati nung ikakasal pero magkakilala kayo’t kahit papano eh naging magkaibigan, dapat lang na imbitahan ka pa rin. Anyway, ayon nga best friend ko siya. Ewan ko pero we somehow get along? Nung nasa dagat pa ‘ko binibisita niya ‘ko lagi tapos nagkwekwento siya tungkol sa mga nagagawa niyang gulo ganon. Syempre ako naman tuwang-tuwa at hangang-hanga sa kanya. Never kong kwinistyon ang mga ginagawa niya. Goddess of Discord or Conflict siya kaya natural lang na gawin niya ‘yung mga bagay na ‘yun. Tyaka kung wala siya, hindi tatatag ang iba’t ibang mga relationships ng mga tao. Anong klaseng relasyon kaya ‘yung wala man lang kaproble-problema ‘di ba?

Alam mo naman ako, naghahanap ng ‘the next big thing’ after nung Trojan War,” paliwanag naman niyo sa’kin. “Sumaglit lang ako para kamustahin ka. Nakita kong winawalanghiya ka na nung ibang mga demigods eh,” komento pa nito sabay ngisi.

Bago pa nila ako mawalanghiya, nawalanghiya ko na sila,” sabi ko naman sa kanya atyaka ginantihan ‘yung ngisi niya ng signature smile ko.

Ang tamis-tamis talaga ng ngiti mong ‘yan, Stace!” Bulalas nito sa’kin sabay tawa atyaka na siya nawala sa paningin ko.

Ganito kami ni Eris. Walang basagan ng trip. Walang iniintindi. Hindi nagpapaalam sa isa’t isa. Kung kalian ko siya gustong tawaging Goddess Eris, ako na raw ang bahala. Hindi kami masyadong naguusap ng matagal kasi umiiral kaagad ‘yung pagiging Goddess of Discord niya. Kapag minsan nagaaway rin kami pero understood na ‘yun since magkaibigan kami.

Nagpalipas pa ‘ko ng ilang oras sa garden. Napansin ko ring umalis na si Eros nung dumating ‘yung best friend ko so hinintay ko rin siya ng unti pero wala naman na. So here we go again, alone but not so lonely.

* * * * * * * * *

7:00 p.m.

Nagbus na lang ako pauwi. Pasalamat na lang ako kasi nagpaturo ako kay Kite dati. So ayon, nakauwi naman ako ng ligtas salamat sa mga diyos. Pagkarating ko eh naghahanda na sila ng pagkain. Syempre wise ako kaya kumain na ‘ko sa labas bago pa ‘ko umuwi. Ayoko kasing makisalo sa kanila at sigurado naman akong ayaw rin nilang makisalo sa’kin so the feeling is mutual.

Pumunta na agad ako sa kwarto ko at nagbihis na ng pantulog. Nagbabasa ako ng libro sa Lit nung may kumatok sa pinto ko. Pinagbuksan ko naman agad ‘yun at nakita ko si Kite.

Kumain ka na?” Tanong nito sa’kin.

Iniwan ko na lang na bukas ‘yung pinto atyaka bumalik sa pagbabasa sa study table ko.

Yep,” hindi ko naman nakalimutang sumagot sa kanya.

Okay ka lang ba?” Tanong ulit nito sa’kin.

Isinara ko na lang ‘yung libro since hindi naman ako makakapag-concentrate habang nandito si Kite at nagtatanong ng kung ano-ano sa’kin.

Humarap ako sa kanya.

Honestly? No,” sagot ko sa kanya. Nagkasalubong naman ‘yung dalawa niyang kilay. “Narinig ko kayo kanina sa canteen. Nice speech by the way,” sarkastiko kong pagkakasabi sa kanya. “Sa sobrang tahimik mo na-touch ako,” pagpapatuloy ko pa sabay irap sa kanya.

Umupo siya sa dulo ng kama ko na malapit naman sa kinauupuan ko ngayon.

I’m sorry. Hindi ko lang talaga alam kung anong dapat kong sabihin. Atyaka pagpasensyahan mo muna sina Cherish. Hinihimay pa nila ‘yang ugali mo kaya ganon sila sa’yo,” paliwanag nito sa’kin. Convincing ‘yung expression ng mukha niya atyaka ‘yung tono ng pananalita niya pero sigurado ako sa nalalaman ko.

Okay lang. Kung ayaw nila sa’kin then fine!” Bulalas ko.

Just give them time. Eventually they’ll come to like you,” pahayag nito. Inirapan ko na lang ulit siya. Naramdaman ko namang hinawakan niya ‘yung mga kamay ko. “Stacy, I’m your friend. I don’t want you to feel so alone,” sabi pa nito sa’kin. ‘Di ko masabi kung bakit ang lungkot-lungkot ng mga mata niya eh hindi naman siya ‘yung nasabihan nung mga bagay na natanggap ko mula run sa mga demigods sa labas. “The truth is I like you,” saad nito pero nakatingin siya sa kamay niyang nakahawak naman sa mga kamay ko. “I like you so much and if I can only affect those people who think you’re a pain in the ass? I’ll do it. But unfortunately I don’t have that kind of power so please, give them more time,” pakiusap pa nito sa’kin. Ramdam ko ‘yung sobrang emosyon niya pero hindi ko maintindihan kung anong klase. Sabi nga ni Night, mahina ako sa emotions (except dun sa feelings ni Hector kay Herod kasi sobrang vocal naman niya pagdating dun).

You like me?” Tanong ko sa kanya. Kita mo nga naman, sa dinami-dami ng sinabi niya ‘yun lang nag-stay sa utak ko. I don’t know. Wala naman na kasing makakapagpabago sa isip kong ayaw sa’kin nila Cherish so why still dwell on that, right?

Bigla namang binitawan ni Kite ‘yung kamay ko. Nakita kong pinagpawisan siya (although naka-number three ‘yung electric fan) tapos para siyang natataranta at hindi na ulit makatingin sa’kin ng diretso. Para rin siyang nangangapa ng isasagot niya sa’kin sa utak niya.

A-As a friend?” Patanong niyang sagot.

Napa-kibit balikat na lang ako atyaka pinaalis na siya kasi may binabasa pa ‘ko.

* * * * * * * * *

meanwhile

Sinadya mo ‘yun, ano?” Pagkompronta ni Eros kay Eris sabay higit sa braso nito.

Talagang sinadya ni Eros na timing-an ito para tanungin sa nangyari kanina. Sasabihin na sana ni Eros kay Stacy ang plano pero misteryosong dumating si Eris. Hindi naniniwala si Eros na coincidence lang ang nangyari at wala ‘yung kinalaman sa ibubunyag niya.

Relax lover boy," ang tanging sinabi sa kanya ng nakangiting Goddess of Discord na si Eris sabay tapik sa pisngi niya. “Wala kang sasabihin kay Stacy,” seryosong pagkakasabi nito sa kanya.

Kailangan niyang malaman!” Pagpupumilit naman ni Eros sabay tanggal ng kamay ni Eris sa mukha niya na parang iritang-irita sa rito.

Yes but not from you,” kalmadong pagkakasabi ng goddess. “She’s Stacy Dane. She’s super intelligent and she’s supposed to find out things,” pahayag pa nito. “Kung meron mang magsasabi sa kanya ng kung ano mang gusto mong ipaalam, ang sarili niya ‘yun,” dagdag pa niya.

Don’t play games with me, Eris!” Pagbabanta naman ng god sa kanya.

Oh please,” sambit ni Eris atyaka siya inirapan. “And what will you do? Strike me with your arrow and make me fall in love with you?” Natawa naman si Eris na para bang ‘yun ang pinaka-pathetic na ideya sa buong Olympus. “If Stacy finds out everything it’s gonna break her ego and you don’t want that. I don’t want that,” dagdag emphasis pa ng dyosa. “She’s gonna discover all of it all by herself, and if I have to create chaos to make that happen, I’ll do it,” wika ni Eris atyaka na naglaho sa paningin ng kapwa niya deity.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

81.2K 3.3K 33
When Percy received a call informing that her brother went missing after participating in a camp, she told herself that she'll do everything to find...
56.6K 2.4K 39
Immure Academy, a school where badass teens belong. A place more like a detention center where detainee's was force whether to change, repent or not...
596K 15.3K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
7.2K 578 10
Suddenly, from all the green around, Something has disappeared unnoticeably; Her presence creeping closer to marble floor, In total silence from an...