HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1)...

By Vis-beyan28

678K 11.2K 519

(RAW/UNEDITED) Ahlisha Zoxzhen Bustamantelo has a simple life. She studies at public school and she always en... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 31
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
Important Note
BOOK 2

Chapter 5

13.2K 197 3
By Vis-beyan28


A/N:
Enjoy reading and God bless. ♥♥

TRUTH HURTS

Ayna's POV

"Nasan na ba kasi si rondrick my loves?"-naiirita ng saad ko at inis na napakamot sa ulo ko.

May nag utos kasi sa kanyang teacher kanina eh hanggang ngayon, wala parin siya. Buti na lang hindi pa pumasok yung susunod naming lecturer.

d>>_<<b

"Kanina ka pa dyan AYNA! NARIRINDI NA AKO! Pag hindi talaga kita matansya, ipapalamon ko to sayong sapatos ko!!"-gigil na sigaw sa akin ni ahli.

d>>>_<<<b---> ahli.

Grabe naman makasigaw ang babaeng to. Kung itong sapatos kong pointed ang ipakain ko sa kanya. Tsk.

"Eh kase naman e...."-nagpapadyak akong naupo sa tabi niya at nagpangalumbaba. "Anong oras na hindi pa din bumabalik ang rondrick my loves ko. Na mi-miss ko na siya hehehe..."-nakanguso kong bulong at saka bigla na lang inagaw ang rebisco'ng kinakain niya.

d^_^b

Wahahaha! Ang sarap talaga ng rebisco na to! Rebisco ang sarap ng feeling ko!

"Na mi-miss mo mukha mo! Ni wala pa ngang sampung minutong wala siya, kung maka dada ka na diyan kala mo nambabae!"

dO_Ob

Wala pa bang sampong minutong umalis siya? Eh bakit parang ang tagal tagal na niya? Nambabae?

"Ano ba! Binili ko yan kaya huwag mong ubusin!"-bigla niyang inagaw ang rebisco.

"Teka nga, eh ano naman sayo kung wala pang sampong minutong umalis siya. Ikaw ba naghahanap?"

"Hindi."

"Ikaw ba ang makaka miss?"

"Hindi rin."

"Eh yun naman pala eh!"-hinampas ko yung desk ko dahilan para mapatingin sa amin yung ibang kaklase namin. "Huwag ka nang magsalita diyan."

"Eh ang ingay mo! Kung tumahimik ka na lang kaya diyan at hintayin mo ang letseng loves mo!"-magkasalubong ang kilay niyang inubos ang rebisco.

Ang damot! Hindi na lang binigay sa akin. Tsk.

"Grabe ka namang manglait! Ang sagwa mong inusal ang loves ah? Ang bitter mo! Kung aayusin mo lang kase sarili mo, baka may balak pang manligaw sayo! Dinaig mo pa kasi porma ng tomboy leche!"

d>>_<<b---> ako.

d>>>_<<<b---> ahli.

"Wala kang pake! Ako pa ba mag aadjust para lang may manligaw? Leche!"

"Guys. Huwag kayong maingay."-biglang suway sa amin ng mayor namin sa classroom.

dO_Ob

Nang matigil kami sa pagsasalita, ngayon ko lang na realize na ang tahi-tahimik ng buong klase at KAMI lang dalawa ni ahli na maingay.

Sorry naman.

Napayuko na lang kami ni ahli sa hiya at saka kami nagbulungan.

"Lalabas lang ako."-paalam ko at saka tumayo pero nagsalita na naman siya.

"Saan ka ba pupunta? Para kang kabute na hindi mapakale ano ba! Sarap mong ikulong sa inidoro!"

"PUPUNTAHAN KO KA FOREVER KO! HUWAG KANG KONTRABIDA!"

d>>_<<b

Inis na sigaw ko dahilan para mapalingon sa akin lahat ng kaklase namin. Tsk. Nakangiwi naman si ahli habang iiling iling pa ang loka loka. Tsk.

Napapahiyang lumabas ako ng classroom namin at saka linibot ang buong building upang hanapin si rondrick my loves.

Bwisit kasing ahli na yun. Hindi na lang tumahimik yun tuloy napahiya ako. Hayst. Mapapailing na lang ako habang tinatahak ang daan patungo sa first floor ng aming building. Nagbabakasakaling mahanap ang rondrick my loves ko.

Nagkakilala kami ni rondrick noong grade 10 palang kami. Kaklase ko siya. Sa totoo lang, unang kita ko pa lang sa kanya noon alam kong siya na.

Korni ko ba?

Wala eh, nahulog na agad ako sa kanya. Love at first sight ika nga. Hanggang sa isang araw, lumapit siya sa akin at pinagtapat na may gusto din siya sa akin. At sa mga oras na yun, kasama ko ang siraulong ahli kaya naman sinabi ni ahli na may gusto din ako kay rondrick.

Sa una, nahiya ako dahil sa paglaglag ng babaeng yun na may gusto ako kay rondrick pero habang tumatagal, habang nagkakakilanlan kami linigawan niya ako.

And then boom! Isang araw na lang boyfriend ko na siya. At hindi ko yun pagsisisihan dahil mahal ko siya--

"Ouch!"

"A-aray!"-malakas na daing ko ng bigla na lang akong mapaupo dahil sa lakas ng pagkakabunggo ko.

"What the hell! Tanga ka ba?"-mataray na singhal sa akin nung babaeng nakabangga sa akin.

Itsura pa lang niya alam ko ng maldita ang babaeng to. Ang taray tapos ang sama pa ng tingin sa akin!

Grabe naman maka tanga to eh hindi ko naman sinasadya! Ako nga itong nasaktan eh!

Nang pumasok sa isip ko yun saka ko lang naramdaman ang pwet ko!

ANG SAKIT! Huhuhu....

"A-aray ko. Ang sakit na nga pagsasalitaan mo pa ako ng tanga?! Palit kaya tayo ng pwesto te."-nakangiwi kong sambit saka napahawak sa pwet ko.

"What?"-mataray na namang singhal niya sa akin at nameywang pa sa harapan ko. "Kung hindi ka kase tatanga-tanga diyan eh di sana hindi ka masasaktan! Bulag ka ba at hindi tumitingin sa dinadaanan?"

"Grabe ka naman magsalita. Eh kung bulag ako, ano ka pa! Ikaw rin naman ang hindi tumitingin sa dinadaanan ah! Kung sana nakita mo ako, umiwas ka na kahit na hindi ako nakatingin sa daan. Eh di sana hindi ka puputak ng ganyan."-magkasalubong ang kilay kong sambit dahilan para mapasinghal siya na para bang hindi inaasahan ang pagsumbat ko.

Tsk. Anong akala niya sa akin, talunan? Kung mataray siya, masungit naman ako. Kaya kong makipag sabayan. Kala niya.

>>_<<---> siya.

"Anong sabi mo? Aba at tumayo ka!"-hindi na niya ako hinintay kumilos dahil bigla na lang niyang hinila ang braso ko kaya napatayo ako.

Ang sakit padin pwet ko. Bwisit na babaeng to! Isusumbong kita kay rondrick my loves.

Huhuhu...nasaan na ba kasi yun. T_T

"Huwag na huwag kang sumusumbat sa akin dahil hindi mo ako kilala!"-duro niya at akmang sasampalin ako ng biglang may kamay na pumigil sa kanya.

O_O---> ako

OoO---> siya.

"Renzo..."-gulat na sambit nung babae sa pangalan nung lalakeng nasa harapan ko.

"That's enough."-nakangiting saad naman niya saka sumulyap sa akin.

O_o

o_O

O_O

OoO

Oh my gooooooshhhhh!!!! Lord salamat po!!!! My hero!!!! Ang gwapooo!

Ano pong nagawa kong kabutihan para ibigay niyo sa akin ang ganitong kagwapong lalake?

♥_♥!!!

Kaninong sperm ba nanggaling ang lalakeng to? Juicekopoh! Ang gwapoh! Napaka ayos ang kulay itim niyang buhok na animo'y palaging sinusuklay at kailanman ay hindi pa nagagalaw sa sobrang ayos. Tapos napakalalim ngunit nakaka akit ang kanyang mata. Ang tangos ng ilong, ang pula at nipis ng labi! Ang tangkad at saka mestizong-mestizo!

Ang yummy tignan! Pero mas masarap padin rebisco ko! Hehehe..

Rondrick my loves, pag hindi ka pa talaga bumalik, dito na lang ako kay kuya...jowk..hehehehe.

"Ang gwapo niyo kuya...hehehe..."-wala sa sarili kong sambit kaya naman tinaasan ako ng kilay nung malditang katabi niya.

Pake ko sayo. Panira ka ng moment.

"I know."-mayabang namang sagot ni kuya at mas lalong lumapad ang ngiti.

Enebe yen. Kenekeleg eke. Hehehe...

"Umalis ka na nga!"-taboy sa akin nung babae.

O_O

Panira talaga ng moment. Kita ng naguusap kami nakikisingit pa!

"Shooo.."-sabi pa niya!

O_O

"A-ano ba!"-kinunotan ko siya ng noo dahil bigla bigla na lang nanunulak!

"Stop it! Lumayas ka na dito!"-pumagitna sa amin si gwapong kuya kaya naman naamoy ko pabango niya.

♥_♥

Sheyt! Ang bango mga te! Tignan mo nga naman at binigyan ako ni lord ng pagkakataon na makakita ng mas gwapo pa kay james reid!

I love you lord!

"Pero renzo...."

"Umalis ka na."-muling tugon ni papa renzo. Hehehe. Gwapo pa ng pangalan! Lalakeng lalake!

Bago umalis yung babae, imirapan pa ako! Talaga naman oo. Di papatalo!

"Ah....thank you..hehehe..."-nahihiya ko pang sabi dahilan para humarap siya sa akin. Nanatili ang kanyang ngiti sa labi habang nakapamulsa ang dalawang kamay niya.

"Hindi ako tumatanggap ng 'sorry' eh."-bigla niyang sabi kaya nagtaka ako.

Bakit naman kaya?

"Ha? Ganun, eh anong..."-unti unting humihina ang boses ko hanggang sa matigilan ako sa pagsasalita ng mapansin kong sumulyap siya sa buong katawan ko!

Anong problema nito! Bakit ganyan makatingin?

"Anong ginagawa mo?"-taka kong tanong ng dahandahan siyang lumalapit sa akin!

O_O

"Pwede ng halik ang kapalit."-bulong niya pa pero dinig ko sabay tango tango pa.

Baliw na ata to?

"Ano?"

"Yeah, that would be great."-ngisi niyang sabi kaya nanlaki ang mata ko!

Wala na. Nawala na ang paghanga ko sa MANYAK na ito! Halik daw? Baliw!

"Eh kung itong sapatos ko ipahalik ko sayo?!"-inis kong bulalas at napaatras!

Gwapo nga pero manyak naman! Halik daw kapalit? Upakan ko kaya?

Natawa siyasa sinabi ko. "Pakipot ka pa. Sinabi mo pa ngang gwapo ako eh. Don't worry sweetheart, I'm sure you'll gonna love it."

"Anong sabi mo? Hindi ibig sabihin na sinabihan na kitang gwapo eh gusto ko nang magpahalik sayo. Manyak ka!"-inisna sigaw ko sa kanya.

Lalo siyang natawa kaya mas lalo akong nainis. Nakakatawa ba yun? Bwisit na nilalang na to!

Lord binabawi ko na ang sinabi ko. Bawiin mo na siya sa akin lord. Ayaw ko na po siya. Namamalikmata po ata ako kanina. Ibalik niyo na po siya sa pinanggalinga niya.

Rondrick my loves, please help meeeeee!!!

"Manyak? Who says that?"-kumunot ang noo niya at saka mabilis na nakalapit sa akin dahilan para mapasinghap ako sa gulat.

"Waaaaaa! Biatawan mo ako! Layuan mo ako! Manyak! Manyak! Manyak!"-pinaghahampas ko siya.

"Ouch! H-hey! Stop it---awww ouch!!"-daing niya habang sinasalag ang mga hampas ko pero kahit ganun patuloy padin ako sa paghampas sa kanya.

"Ayaw mong lumayo?"-nangingitngit ko siyang sinamaan ng tingin at tumigil sa pagpalo sa kanya.

Subukan mong ngumiti, makakatikim ka sa akin----at ngumiti ang kumag!

"Pakipot ka pa-----fvk!"-malutong na mura niya ng hinead bat ko siya!

>>_<<!!

Aww...ang sakit ng ulo ko!

"Come back here!"

Hindi ko siya pinansin! Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo habang sapo sapo ang noo ko.

Lord bakit po ang malas malas ko ngayon? Huhuhu....

Ahli's POV

Pagkauwing-pagkauwi ko sa bahay dumeretso agad ako sa aking kwarto at nagpalit ng damit. Hindi ko padin mapigilan ang sarili kong matawa habang inaalala ang nangyari sa noo ni ayna.

Bwahahaha! Dahil sa kalandian, nagkaroon ng bukol ang noo!

Nung hinanap niya si rondrick kanina ay may nangyari daw sa kanya. Ewan ko, hindi naman nagkwento. Yan kasi napapala. Dahil sa pagkamiss niya sa kanyang syota, yan tuloy na engkanto este nagkabukol. Hahaha!

Napag isipan ko munang manood sa sala, tutal wala si mama, malaya akong makakanood ngayon.

"Ate!"

"Ay bakla!"-gulat kong bulalas at saka napatingin sa gilid.

"Bakla mo mukha mo!"-masungit na singhal sa akin ni hans at saka naupo sa upuan kung saan nakaharap sa tv. Nanonood pala ang loko!

Bat hindi ko yun napansin? Nasabihan ko pang bakla. Tsk. Tsk.

"Ano ba't hapong-hapon, nagsu-sungit ka na naman."-saad ko at naupo sa tabi niya. Pinatong ko ang dalawa kong paa sa maliit na lamesa sa harapan namin.

"Hindi ako nagsu-sungit."-tanggi niya at saka tinutok ang atensyon sa tv. Nanood na naman ng geographic channel.  Kita mo to, nag aaral padin kahit nandito na sa bahay. Nakauwi na ngat lahat yang mga science-science pa din ang pinapanood.

Kung ikukumpara kami ng kapatid kong to, malaki ang pinagkaiba namin. Matalino yan pero ako tinatamad lang. Masungit siya masayahin ako. Palaging babad sa pag aaral. Mahilig magbasa ng mga libro lalo na sa science. Palaging nakasalamin dahil medyo may kalabuhan ang mata. Moreno, matangkad, tahimik kaya loner yan sa paaralan.

Pero kahit ganun, maraming babae ang nagkakagusto sa kapatid kong to. Gwapo eh. Anong magagawa namin eh nasa lahi na namin yan. Lol.

"Ano ba, palitan mo nga yan. Balak mo ba akong idamay sa pagiging nerd mo?"-biro ko at linipat sa ibang channel.

"Kumpara sayo na nakikipag basag ulo. Kebabaeng tao."

"Ano sabi mo?"

"Totoo naman. Hayst. Ate naman, alam mo namang mapapagalitan ka kay mama kapag ginagawa mo yan diba?"

"Eh ano naman?"

"Wala kang ideya no?"

"Deretsuhin mo na kasi yun. Ipupukpok ko tong remote sayo eh."-aambahan ko sana siya kaso nakatayo na ang lintik.

"Pinatawag si mama sa school dahil sa kalokohan mo. Yari ka."-pananakot niya kaya naman mabilis pa sa alas kwatro akong napatayo.

"Ano?"

Bwiiiseeeeet! Sabi na nga ba at tatawagan siya ni sir monteveldejo! Bwiset! Akala ko pa naman, nakalusot na ako!

"Bakit---"

"Ahli!"-bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang galit na boses ni mama sa labas!

Tangina! Dumating na siya, paano ako makakalusot niyan?

Napalunok ako ng bumungad sa akin si mama na nakasimangot at ang sama ng tingin sa akin.

"M-ma.....a-ano kasi----"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa malakas na sampal na ginawad niya sa aking pisngi!

Hindi ko aakalaing magagawa niya sa akin ang bagay na yun. Masakit man sa mukha, hindi na ako nakapag react agad. Para akong natulala sa bilis ng pangyayari.

"Ano na namang katangahan ang pumasok sa kokote mo at pumasok ka sa away ha?!"-nanggagalaiting panimula niya at saka ako dinuro. "Hanggang kailan ka magiging basagulera! Hindi mo ba nakikita? Pinapahiya mo ako sa ibang tao dahil sa ugali mong yan! Babae ka pero yan ang ginagawa mo? Mahiya ka naman! Hindi ka na nga nag aaral ng mabuti, pinapasakit mo pa ang ulo ko!"

"M-ma tama na po..."-singit ni hans ng hindi na makatiis.

Alam kong nag aalala siya sa akin pero wala siyang ibang magawa dahil kapag sumingit siya baka siya pa ang mapagalitan. Ayokong mangyari yun.

"Pumunta ka muna sa kwarto mo hans. Isama mo si emman."-patungkol niya sa bunso naming kapatid.

Wala namang nagawa si hans kundi sundin angutos ni mama. Nanatili akong nakayuko habang iniinda ang sakit. Hindi sa kanyang sampal ngunit sa mga masasakit na sinabi niya.

Akala ko sanay na ako, akala ko kapag narinig ko ang mga bagay na yan, wala na sa akin. Pero bakit apektadong-apektado padin ako?

"Bakit hindi ka gumaya sa kapatid mo? Nag aaral ng mabuti dahil alam niya ang hirap ng buhay natin, samantalang ikaw wala ng ibang ginawa kundi ang magsimula ng gulo!"-lalo akong napalunok sa sigaw niya.

"Pinapalamon kita at pinapa aral pero yan ang igaganti mo sa akin? Wala ka nang ibang ginawa kundi pasakitin ang ulo ko! Manang mana ka sa tatay mo!"

Halos mapintig ang tenga ko ng marinig ko si papa. Makakaya ko pa eh. Lahat ng masasakit niyang sinabi makakaya ko pa pero ang idamay si papa, hinding hindi ko yun makakaya.

Kunot noo akong nag angat ng tingin at sinalubong ang kanyang galit na mata.

"Parehong-pareho kayo ng ama mo na walang ibang ginawa kundi--"

"Bakit mo dinadamay si papa dito? Sabihin mo na lahat sa akin ang mga masasakit na salita pero huwag na huwag mong idadamay si papa dito dahil nananahimik na siya."-maalumanay kong sumbat ngunit may halong galit ang aking tinig.

Parang sasabog ang galit ko kapag hindi ko pa mapigilan.

"At sumusumbat ka na? Yan ba ang natutunan mo ha? Pwes, ipapaalala ko lang sayo na patay na ang tatay mo!"

"Bakit ba ganyan magsalita! Asawa mo rin siya. Bakit ka ba ganyan ha? Simula ng namatay si papa, iba na ang trato mo sa akin na para bang hindi mo ako anak. Na para bang wala lang ako sa pamilyan ito. Ma, anak niyo din ako..."-pahina ng pahina ang boses ko dahil gumagaralgal na ang aking tinig.

Parang anumang oras tutulo na ang luha ko. Ngayon ko lang nasumbatan ng ganito si mama. Ngayon ko lang nasabi sa kanya ang mga nais kong sabihin.

"Hindi kita anak!"-muling sigaw niya at padabog na iniwan ako.

Parang lalong napintig ang tenga ko sa aking narinig. Sa lahat ng masasakit na bagay na sinabi niya, ito ang pinakamasakit para sa akin.

Ang sabihin sa akin ng ganyan sa mismong sarili kong ina. Hindi ko matanggap.

Tuluyan ng kumawala ang mga luha sa aking mata na kanina ko pa pinipigilan. Natatawa ako habang lumuluha. Kahit na magmukha na akong baliw. Paulit ulit sa isip ko ang mga sinabi niya.

Sarili kong ina, nagawa niyang sabihin sa akin yun. Ano ba talaga ako sa kanya?

Totoo bang hindi ko siya ina?

_________________________________________

TO BE COUNTINUED




Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
219K 5.8K 59
Every people have a hidden secret.. She's Clarity,the innocent lady and 'THE MYSTERIOUS PRINCESS' .
742 53 19
"Nawala man ang mga ito mananatili pa rin sa puso at isip niya ang lahat ng sakripisyo ng lahi nito para sa ikakaayos ng mundo ng mga mortal sa mga s...
165K 7.6K 72
Kieffer, a senior high school student, specifically in STEM strand, is madly in love with his schoolmate Dhenver, also a STEM student but from anothe...