The San Carlos Deal

By LAPandora

189K 3.3K 78

Ang akala ni Karla ay iyon na ang pinakamasayang gabi sa buhay niya. Binigay niya ang virginity niya kay Rafa... More

COPYRIGHT
Prologue
I. San Carlos' Hope
II. Holy Cow!
III. Fight and Freudian Slip
IV. Santong dasalan
V. Santong paspasan
VI. Lambanog
VII. His and her side
VIII. City Life
IX. Byaheng..
X. ELBI: Simple pero maganda
XI. Gusto mo ng kape?
XII. HOT and COLD
XIII. Anak ng Kamatis!
XV. Katangahan
XVI. Halaga
XVII. Ang Plano....
XVIII. The Right Thing
Epilogue

XIV. Palpak

6.2K 140 11
By LAPandora

“SHIT! URGHH!”Nasambit na lang ni Karla. Kanina pa siya paikot-ikot sa sala ng unit na inuupahan niya habang kagat-kagat ang dulo ng kuko, nag-iisip kung makikinig ba sya sa parte niya na nagsusumigaw na pumunta na siya kina Artemis.

Kanina pa siya hindi mapakali! Simula ng sabihin ni Artemis na nasa San Carlos ang ex ni Rafael ay para na syang sinisilihan sa puwet. Hindi nya alam kung bakit pero bawat segundong lumilipas na hindi niya nakikita si Rafael, pakiramdam niya, pagsisisihan niya!

Peste! Ayaw niya na magpakaipokrita! Pakiramdam niya talaga maaagaw ito sa kanya ng kung sino mang huklubang ex nito!

‘KARLA! FOCUS.ON.THE.DAMN.DEAL!’punung-puno ng awtoridad na sigaw ng rasyonal na parte ng utak nya.

‘HUHU’pagrereklamo naman ng puso niya.

Napanguso na lang tuloy siya sa frustration!

Ay, mababaliw na talaga siya!

Pilit nyang kinalma ang sarili sa pamamagitan ng paghinga ng malalim.

‘Okay, okay, stop panicking Karla’Sinikap niyang makapag-isip ng matino kahit na panay na ang ungot ng puso niya na sumugod na kina Rafael.

Okay. Una sa lahat, uhm-uhm..

Una sa lahat..

Shit! Wala siyang maisip!  

Napasabunot na lang si Karla sa sarili niya bago tumayo at dumiretso sa bag na kinalalagyan ng ilang mga baon na damit niya. Ano bang pwedeng maisuot? Iyong simple lang pero sexy naman ang dating?

Iyon kasi ang tipo ni Rafael.

Oo na, pupunta na siya sa bahay ng mga ito! Pero siyempre, sisiguraduhin niya namang may makabuluhan siyang magagawa sa pagpunta niya.

Tulad ng akitin si Rafael. Ha!

Napangiti na lamang si Karla habang isinusuot ang puting blouse na napili niya. Sisiguraduhin niyang manginginig si Rafael sa alindog niya. At sa paanong paraan niya pa nga ba magagawa iyon kundi sa pamamagitan ng paglalaro sa kahinaan nito bilang isang lalaki?

Mas lalong nag-igting ang ngisi ni Karla habang isinusuot niya ang maong short shorts niya. Patay si Rafael mamaya! Sisilawin niya ito ng legs niya hanggang sa manghina ito!

“Hahahahaha!”mistulang kontrabida sa teleseryeng tawa niya habang nagsisimula ng mag-apply ng manipis na make-up.

“Ah, Manong, alam nyo po ba kung saan banda yung bahay nina Mang Berting at ni R-Rafael?”tanong ni Karla sa nadaanan niyang matandang lalaking may dala-dalang panabong na manok.

“Ah kina Berting? Aba’y paroon!”tinuro nito ang lupang natataniman ng madami-dami ding puno.

“Ayun, nahaharangan lang ng mga puno yung bahay nila, ne”dagdag pa nito.

“Ah ok po. Salamat!”tumango lamang ang matanda at nagpatuloy na sa paglalakad habang si Karla ay halos pagpawisan na ng malapot dahil sa kaba. Umusal pa ito ng maikling panalangin habang ipinaparada na ang kotse sa harapan ng bahay nina Rafael.

“Hi!”Tumiklop agad ang kompiyansa ni Karla sa sarili habang pinagmamasdan ang babaeng nasa harap niya. Eto na ba yung ex ni Rafael

Isang simple ngunit napakagandang babae ang nagbukas ng pintuan para sa kanya. Para itong may lahing Indian! Morena, matangos ang ilong at malalantik ang mga mata. At ni katiting na make-up ay wala ito. Nakasimpleng t-shirt at pants lang ito.

‘Shit. Buti na lang hindi siya nakashorts!’Pampalubag loob ni Karla sa sarili. Pilit niyang magpakaconfident at sinuklian ang ngiti nito.

“Hi!”ganting bati niya dito.

“Ate Karla?!”narinig niyang tawag ni Artemis mula sa loob ng bahay kasunod ng pagkalansing ng mga kubyertos.

“Ate Hannah, si Ate Karla yan. Bisita dito sa San Carlos”pagpapakilala pa nito habang papalapit sa kanila.

“Oh, hi! Halika, kain tayo. Madami kaming inihandang pagkain”magiliw na anyaya naman ni Hannah sa kanya.

“Pasok ka! Buti nakapunta ka, Ate Karla..”natutuwang pahayag ni Artemis habang iginigiya na siya papasok sa loob ng bahay.

“Nay, Tay, Tiyo! Si Ate Karla pala inimbita ko”pagbibigay alam pa nito sa lahat.

‘SHIT. HINDI NA LANG DAPAT AKO TUMULOY’Iyon na lang ang nasabi ni Karla nang mapagmasdan ang reaksyon ng mga nasa hapag nang dumating siya. Sina Mang Ernesto, Aling Antonia at Rafael ay ni hindi man lang siya nilingon at bahagyang nakayuko habang sina Mang Berting at Aling Elay ay magalang na tumango at napakatipid ng ngiti sa mga labi. Ramdam na ramdam niya talaga na hindi bukas ang mga ito para tanggapin siya.

“Ah-ah..pero baka saglit lang din naman ako”atubiling sagot niya kay Artemis.

“Ang mahalaga nakapunta ka!”positibong komento pa din ni Artemis na halatang wala pang alam sa mga nangyayari. Ni hindi man lang nito napansin ang biglang pagbigat ng atmosphere.

“Ah..hehe..magandang araw po! Happy Birthday Apollo!”pilit nyang nilangkapan ng sigla ang boses habang bumebeso kay nakababatang kapatid ni Rafael.

“Salamat Ate Karla!”wika naman nito habang nilalantakan na ang isang slice ng cake na alam ni Karla na mahal ang presyo at galing pa ng Maynila. Pihadong si Hannah ang may dala nito dahil nuncang bumili ng ganon kagarbong pagkain si Rafael.

“You’re welcome! May gift ako sa’yo”excited na inabot niya ang isang kahon na may lamang laruang robot kay Apollo.

Namilog ang mga mata ng bata at agad na lumipat ang buong atensiyon sa laruang nakita.

“Woooooow! Thank you po!”

“Dyan ka na lang maupo sa tabi ni Kuya”ani Artemis na agad na ikinaalerto ng buong katawan niya.

“Okay.”naramdaman niya pa ang biglang pag-ayos ni Rafael ng upo sa may gilid niya.

“Uhm, Karla, from what province ka talaga galing?”pagbubukas ni Hannah ng usapan nang magpatuloy na ang lahat sa pagkain.

“Sa Manila lang ako. Parehong laking city ang parents ko”maikling sagot niya habang bahagyang nakayuko. Hindi nya kasi makayang tingnan ang expression ng mga mukha ng mga nakatatanda sa hapag. Tuloy ay ibinaling niya na lang ang pagkailang na nararamdaman sa kinakain nyang inihaw na tilapia.

“Ah..you mean hindi relatives ang sadya mo sa pagbisita dito sa San Carlos?”takang tanong pa nito. Hindi malaman ni Karla kung sasagutin niya ba ang tanong nito dahil siguradong grabeng awkwardness na ang idudulot non sa kanila!

Doon na tumikhim si Rafael at nagbukas ng panibagong usapin.

“Ituloy mo na yung kwento mo, ‘nah. Anong pakiramdam na malapit ka na maging doktora?”tanong pa nito sa malumanay na tono. Malumanay na tono!

Grabe! Is he flirting with her?!

“Gah! Ang sagwa..”bulong ni Karla sa sarili.

“Ha?”magkapanabay na tanong sa kanya ng lahat.

“Ah wala! Wala, wala”sunud-sunod na iling niya kahit kumukulo na talaga ang dugo niya. Nakakadiri ito! Parang gusto niya tuloy itong sapukin lalo na nang maalala niyang iyong-iyon ang tono ng pananalita nito noong isang araw habang—HEP!

Pinigil ni Karla ang pagdaloy ng mga isipin niya ng mga sandaling iyon. Ayaw niya na munang maramdaman ulit ang pagkapahiya sa sarili. Ayaw niya munang maalala ang katangahan niya lalo pa’t nasa tabi niya lang si Rafael.

Huminga siya ng malalim at ipinagkrus ang kanyang mga hita. Sinusubukan niyang makinig at makisali sa usapan nang makarinig siya ng isang mahina ngunit marahas na paghugot ng hininga mula sa kanyang tabi.

At nang lingunin niya si Rafael ay muntik na syang mapapitlag sa init ng titig na iniwan nito sa kanya bago muling bumaling kay Hannah at nagpanggap na para bang wala lang ang lahat.

Nakagat na lang ni Karla ang labi para pigilan ang pagkawala ng isang satisfied na ngiti mula sa mga ito.

“Ikaw talaga Raf! Akala ko sarcastic ka dun”nakangiting saad pa ni Hannah na talaga namang pinatagal pa ang titig kay Rafael na agad namang ikinainit ng ulo ni Karla.

Parang gusto nyang sabunutan ito bigla kahit wala naman itong ginagawa sa kanya!

“Hindi ah. Okay lang naman sakin na mas pinili mo pangarap mo eh. Alam ko namang iyon talaga ang gusto mo bata ka pa lang”nilangkapan pa nito ng tonong nanghihinayang ang pagsasabi niyon.

THE NERVE!

Siya naman ngayon ang nanghihinayang kung bakit hindi pa ito nasapul ng high heels niya nung isang araw!

Muli, huminga si Karla ng malalim para kalmahin ang sarili atsaka hinawi ang kanyang buhok padako sa kaliwang bahagi.

At hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Rafael. Kahit na mukhang tuon na tuon ang atensyon niya sa dating kasintahan ay aware na aware pa rin ito sa bawat movement na ginagawa ni Karla sa tabi niya.

Nakanguso na naman ito at salubong ang kilay habang pinagdidiskitahang tusuk-tusukin ang tilapiang nasa pinggan nito.

Parang gusto niya na naman tuloy itong halikan..

‘ULUL KA! TIGILAN MO NGA YAN!’sikmat niya sa sarili sa isiping iyon. Bagama’t napakawalang-puso ng ginawa niya kay Karla ay kailangan niya ng panindigan iyon.

Napabuntong-hininga na lang ulit siya at muling nakisali sa usapan.

Buong oras na nasa hapag sila ay halos si Hannah lang ang nagpatakbo ng mga usapan. May bacteria o germs joke pa itong nalalaman na ikinaingos na lang ni Karla.

Paano ba naman, e silang dalawa lang naman ni Rafael ang nagkaintindihan doon!

“Baliw kasi ‘tong si Raf! Naniniwala ba naman na basta hindi pa umaabot ng five seconds na nahulog yung pagkain sa lapag, safe pa kainin! E the moment nga po na magland yun sa ground, puputaktihin na yun ng microorganisms!”sabi pa ni Hannah na tawa ng tawa sa kinukwento nito tungkol sa nangyari sa picnic date daw nila ni Rafael noong college.

“E sayang naman kasi talaga yung pagkain! Pinaghirapan mo kaya yon”natatawang sagot din ni Rafael.

“Kow! Kayo talagang dalawa, wala na kayong pinagbago!”sabad naman ni Mang Enesto na halatang itinutukso ang dalawa sa isa’t-isa.

“Alam mo ba, Karla, matagal ng bumibisita si Hannah dito sa San Carlos. Kolehiyo pa lang sila”dagdag pa ni Aling Elay.

“Ah talaga po”walang ganang tugon ni Karla. Umaantak na kaagad ang puso niya sa isiping mas mahaba at matibay na ang pinagsamahan ni Hannah at Rafael at hindi imposibleng magkabalikan ang mga ito.

At kitang-kita naman sa mga mata ng nakakatanda na botong-boto ang mga ito kay Hannah para kay Rafael. Aba at mistula nga syang alien sa sobrang pagka-out-of-place niya sa kasiyahan ng mga ito. Mabuti na lang at naisip pa ni Aling Elay na tanungin siya.

“Oo. Tapos naman ng Biology si Hannah at Cum Laude pa! Ngayon naman ay magiging doctor na! Talaga namang nakapakahusay na dalaga!”halatang proud na proud na saad pa ni Aling Antonia.

Pilit na ngumiti na lamang si Karla doon.

“Wow”yun lang ang nasabi niya at yumuko na para magkunwaring busy sa pagkain. Ayaw na niyang humaba pa ang mga ganong usapan dahil pakiramdam niya ay nasa hapag din siya ng hapag kainan ngunit ang kanyang Dad at si Kaye naman ang kanyang kausap.

Kahit ayaw niya ay nagsisimula na namang sumingaw ang insecurities niya dahil sa nalaman. Maganda, matalino, mabait..ilan pa yun sa mga sumunod na papuri nina Mang Ernesto at Aling Elay kay Hannah.

Bigla ay parang nawalan na ng gana kumain si Karla at ang gusto na lamang niya ay mapag-isa. Wala na siya tamang timpla para magpanggap pa para sa lahat ng kaharap niya. Tutal ay hindi rin naman talaga siya welcome sa mga ito, ang mabuti pa siguro ay umalis na siya kahit pa nagrerebelde ang puso niya dahil maiiwan na naman na magkasama si Rafael at Hannah.

At teka? Bakit nya nga ba iniisip na maaagaw nito si Rafael sa kanya e hindi naman sa kanya ang lalaki. Ni wala nga siyang pinanghahawakan dito. At malabo namang lumalim pa ang relasyon nilang dalawa. Huminga siya ng malalim habang inaamin sa sarili na oo, mas nababagay nga ang dalawa sa isa’t-isa. Isa lang naman syang one-night stand kaya hindi na dapat siya nagpunta at nagpapansin pa doon.

Nagkunwari syang may binabasa sa kanyang cellphone na importante at tumayo na para gumawa ng dahilan.

“U-uhm..pasensiya na po pero kailangan ko na umalis”pinagtunog niya pang nagmamadali ang sarili para mas kapani-paniwala ang acting niya.

Pagkatapos niyon ay nagpaalam na siya sa mga ito at nagsimulang tunguhin ang direksyon papunta sa kotse niya. Palpak. Palpak na naman siya para sa orihinal na plano niya sa pagpunta doon.

Pero ano ba namang bago doon?

Hustong pagkabukas niya ng pinto ng kotse niya ay may humigit sa braso niya at natagpuan na lamang niya ang sariling kaharap si Rafael.

“Okay ka lang ba?” Punung-puno ng concern ang mukha at tinig nito habang itinatanong iyon.

Hindi iyon natagalan ni Karla kaya agad itong nag-iwas ng tingin at nagmamadaling sumagot.

“Oo….at panalo ka na”kumunot ang noo ni Rafael dahil hindi nito nakuha ang huling sinabi ni Karla.

“Anong panalo?”tanong nito.

Nagpakawala muna ng malalim na buntong-hininga si Karla bago iminuwestra pataas ang dalawang kamay na para bang sumusuko.

“Ayoko na!”dinugtungan pa niya ng pagak na tawa ang pahayag.

“Ayoko na as in, sumusuko na ko! Wala na kong balak hawakan at tapusin pa ang deal na ito, bahala na kayo magtuos ni Donald basta I’m done with..w-with this shit!”tuluy-tuloy na sabi niya at pagkatapos ay mabilis na sumakay na sa kotse at nagmaneho palayo.

-

Ipagpatawad ang sabaw na update I'll edit this kapag nasa tamang mood na ako at may time na ako. Grabe, ang hirap kapag matagal nawalay sa piling ng mga akda mo :3 Mangangapa at mangangapa ka talaga ulit. Magulo po ba ? Sorry. Huhu..Simula na ng hell MONTHS namin. Iyak sa dami ng gagawin T.T

Continue Reading

You'll Also Like

2.7K 159 34
"I'm lucky to have a big heart where you can live inside forever. I'm very happy because you're mine. You're the big heart of mine Serenity." - Zing
1.1M 35.7K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
2.1M 96.9K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
30.6K 901 13
Beware of grammatical error