Numb is in

By asherinakenza

1.5M 23K 1K

Paano kung ang taong mahal na mahal mo ay iiwanan ka para sa isang bagay na hindi mo inaasahan? Ipaglalaban m... More

(PROLOGUE)
CHAPTER 1:
CHAPTER 2
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7: Summmmmmmerrrrrrr! :)
CHAPTER 8: TRUTH ?
CHAPTER 9: TRUTH (PART 2) [FLASHBACK]
CHAPTER 10: <3
CHAPTER 11: </3
CHAPTER 12: Crazy
CHAPTER 13: Iniipis mo yung puso ko (^_^V)
CHAPTER 14: Awkwardddddd!
CHAPTER 15: He Love's Me.
CHAPTER 16: I'll be watching you (Part 1)
CHAPTER 17: I'll be watching you. (Part 2)
CHAPTER 18: Virus/Stolen Kisses..
CHAPTER 19: Priceless
CHAPTER 20: Don't wanna lose you.
CHAPTER 21: A Special Friend?
CHAPTER 22: Playful friend.
CHAPTER 23: Not Again..
CHAPTER 24: Meet Cassiel..
CHAPTER 25: A date with my boss?
CHAPTER 26: You Make Me Perfect.
CHAPTER 27: He's Real..
CHAPTER 28: Closure..
CHAPTER 29: Date with my boyfriend/ EX boyfriend..
CHAPTER 30: Promise
CHAPTER 31: I wanna be with you.
CHAPTER 32: Bestfriends..
CHAPTER 33: Truth.Lies.Love
CHAPTER 34: The Wedding...
CHAPTER 35: Goodbye..
CHAPTER 36: Don't look back..
CHAPTER 37: The Victim
CHAPTER 39: I gotta find you.
CHAPTER 40: Pain and Tears
CHAPTER 41: Revelations.
CHAPTER 42: Hatred
FINALE : โ™ซ It will rain โ™ซ
EPILOGUE

CHAPTER 38: Bad Day..

22.7K 324 5
By asherinakenza

CHAPTER 38: Bad Day..

 

Dedicated sakanya kasi natuwa ako sakanya! :D HAHA .. Salamat sa suporta! :)

 

 

ALEXIS P.O.V

 

“Pero Sir! Wala naman po akong ginawang mali! Employee of the month pa ko Sir!” – sigaw ko.

“I’m sorry Alexis, pero kailangan naming magtanggal ng tauhan. Pwede ka ng umalis.” – sabi ni Sir.Mark.

“Pero—“

“Get out.” – matigas na sabi niya.

Wala na akong nagawa kundi umalis sa coffee shop. Naman! Bakit ngayon pa?! Tss.. Bat kaya nagtatanggalan ng empleyado eh ang yaman yaman ng company nila Matthew! Ahhh! Bat ko ba siya iniisip! Samantalang iniiwasan na nga niya ko! Siguro nagising na yon! Hindi niya ko mahal talaga. Joke. Psh, pero ano ba kasing problema.. Ang hirap manghula!

“Alex! Narinig ko yung nangyari! Bakit ka ba natanggal?” – nag aalalang sabi ni Diane.

“Hindi ko rin alam eh.. Pero sana makahanap agad ako ng trabaho.” – sabi ko.

“Nako Alex! Wag mong subukang bumalik sa club na pinagtatrabahuhan ni Akina!” – suway niya.

“Ano ka ba! Wala na kong balak bumalik dun,  at saka isa pa natubos ko na yung bahay namin, ang kailangan ko ngayon pera na pang gastos naming nila Dixie! Saka pang check up pa ni Mama, isa pa malapit na exam ni Dixie.. Haay, bat ganun.” – sabi ko

Nakakainis talaga ang malas malas ko.

“Sige na Diane.. Aalis na ko..” – paalam ko.

Mukhang naaawa pa sakin si Diane.. Tss.

Ang malas malas ko.

Nawalan ng trabaho.

Mama ko hindi ko makausap ng maayos.

Kapatid ko topakin.

Boyfriend ko ang hirap spellingin!

*bzzzzzzzzzt.bzzzzzzzzzzzt.*

Arggg! Sino naman kaya ‘tong tawag ng tawag.

TJ Calling...

 

Problema naman nito? -_- , ayoko ng kausap.. Kaya pinatay ko na yung cellphone ko.

Wala akong mapuntahan.. Feeling ko wala akong kwenta.. Kaya yung mga tao sa paligid ko pinagtatabuyan ako palayo..  Dinala ako ng mga paa ko sa park, umupo ako sa swing at pumikit.. Kailan ba matatapos ang kamalasan ko sa buhay?

Sigh.

“Mukhang malalim ang iniisip mo Ate!!” – napamulat ako ng marinig kong may nagsalita.

Nakatayo ang isang babae na naka pang P.E uniform ng Oecil University kung saan ako dati nag high school. Ngumiti siya at umupo sa katabi ng swing na inuupuan ko.

“Ikaw si Alexis diba?” – nakangiti parin siya.

Tinignan ko lang siya.

“Alam mo ganyan din ang Kuya ko ngayon. Palagi ko siyang naririnig magbuntong hininga.. Hindi ko alam yung dahilan, kaya ayon gumawa ako ng Mission!! Kailangang malaman ko ang problema ng Kuya ko!” – sabi niya habang ngiting ngiti.

Tumingin ulit siya sakin.

O_O – Ako.

Bigla niya kong niyakap!

“Hi...hi..hindi ako makahinga!!” – pinilit kong sabihin yan kahit hirap na hirap na ko makahinga.

Bumitiw siya sa pagkakayakap sakin.

^_^V – siya.

“Sorry Ate Alex!!” – sigaw niya.

“O-okay lang.” – sabi ko, ang weird niya.

“Ako nga pala si Myx!” – masiglang sabi niya.

“Myx?” – tanong ko.

Tumango tango siya. Umayos siya ng upo sa swing.

“I’m Matthew’s sister!” – sabi niya.

Napatingin ako sakanya.

“Gulat ka noh?!!^______^” – nakangiting sabi niya.

“Grabe, akala ko sa picture ka lang maganda! Pero hindi! Mas maganda ka pala sa personal!” – sabi niya.

“Ha?..” – ako.

“Hindi mo ba ako tatanungin pano kita nakilala?!” – tanong niya.

“Bakit? Ah, pano?” – nalilito ako.

“Diba nga! May mission ako!, Ayon nga, nung umuwi si Kuya galing Italy lagi na siyang nakasimangot.. Tapos dati dati lagi kaming naglalaro nun ng batuhan ng unan! Ngayon pag binabato ko siya ng unan hindi na niya ko pinapansin, nagkukulong siya sa kwarto niya.. Tapos palagi siyang may kausap na mga malalaking tao na mukhang secret agent! Tapos—“ – pinutol ko yung sasabihin niya.

“Nasan ang Kuya mo?” – tanong ko.

“Nasa bahay, pero ewan ko lang din! Kasi pag umaalis siya palaging umaga na uuwi, tapos—“

*SIGH*

Ang daldal niya.

“Tapos nakita kita sa laptop niya... Ang dami mong picture dun, tapos may picture ka pa dun na nakasuot ng uniform ng Oecil, magkaklase kayo ni Kuya nung highschool?” – tanong niya.

“Schoolmate lang kami.” – sagot ko.

“Ah, hindi nasabi ni Ate Denisse yun. Pero nung pinakita ko sakanya yung picture sabi niya ikaw daw si Alexis Punzalan! Ang babaeng nagpabago sa kuya ko! Girlfriend ka ba niya?” – masiglang tanong niya.

Tumango ako.

“Break na ba kayo?” – biglang lumungkot yung itsura niya.

“Hmm.. Myx right?”

Tumango siya.

“Sister ka naman niya kaya sasabihin ko sayo.. Hmm, hindi ko kasi maintindihan yung Kuya mo. Bago siya umalis ng Pinas okay naman kami eh.. Masaya kami pareho.. Pero pagbalik niya hindi ko alam kung anong naging problema.” – sabi ko.

“Gusto mo bang makausap si Kuya?!!” – masiglang sabi niya.

Tumango ako. Gusto ko na rin kasing maayos yung tampuhan namin ni Matthew. Siguro may problema lang siya.

Hinila ako ni Myx papasok sa kotse niya.

“Kuya Gab! Sa bahay!” – sigaw niya sa driver nila.

Nakauniform din ng Oecil University yung driver niya.

“Tss, oo na. Wag ka ng maingay.” – sagot niya.

Nagdrive na yung Gab na tinawag niya.

“Ang gwapo niya noh Ate Alex?” – bulong niya.

Nginitian ko lang siya.

“School mate ko siya Ate, 4th year na yan!” – bulong niya.

“Crush mo siya noh?” – bulong ko.

HAHA! Namula siya. Halata kasi bumubulong bulong pa siya.

“Anong year mo na ba?” – tanong ko sakanya.

“2nd year!!” – sabi niya

------     

Pagdating namin sa bahay nila. Hinila nanaman niya ko papasok sa loob.

“Tara Ate!” – sabi niya.

“Yaya! Si Kuya?” – nakangiting sabi niya.

“Nasa taas, kararating lang din niya.” – sagot nung yaya niya.

“Okay! Halika Ate! Bibigay ko sayo yung spare key ng kwarto ni Kuya! Gawan niyo ko ng pamangkin ha!”

O_O

Pasaway na bata ‘to.

Pumunta siya sa kitchen at kinuha yung spare key.

“Eto na! Siguro naman kapag ikaw ang pumasok sa kwarto ni Kuya hindi siya magagalit!”

Hinila niya ko sa taas at binigay sakin yung susi, pagkatapos tinuro niya sakin yung kwarto ni Matthew..

“Go Ate! Galingan mo!” – sabi niya saka pumasok sa isang kwarto, kwarto niya siguro yun.

------   

5 minutes na kong nakatayo dito sa tapat ng kwarto ni Matthew.. Tinitignan ko padin yung susi, papasok ba ko? Pano kung ayaw niya pa kong kausap? Tss, pero teka diba dapat ako yung galit kasi siya ‘tong biglang umiwas? :3 palagi nalang ba ganito, haaayss..

Dahan dahan kong binuksan yung pinto.

Pagbukas ko agad agad akong pumasok at nilock ulit yung pinto. Blue yung kwarto niya, wow lang kasi kagaya ng condo niya kumpleto rin sa mga appliances.

Nakita ko siya, nakadapa sa kama niya at natutulog.. Mukhang pagod na pagod siya.. Umupo ako sa couch tinitigan ko lang siya.. Maya maya dahan dahan siyang gumalaw.. Napatingin siya sa kinauupuan ko.

Pumikit ulit siya at sinabunutan yung sarili niya.

“Tss,kanina sa panaginip, ngayon pati ba naman sa pag gising ko ikaw makikita ko, nag iilusyon nanaman ako.” – bulong niya pero rinig na rinig ko.

Adik ba siya? Hindi panaginip ‘to, at mas lalong hindi ilusyon.

Minulat niya ulit yung mata niya.

Napatayo siya.

“Pano ka nakapasok dito?” – natatarantang tanong niya.

Pinakita ko sakanya yung spare key.

“Ha? Pano ka nagkaron niyan?” – tanong niya.

“Kay Myx.” – sagot ko.

Napakunot siya ng noo, siguro nagtataka siya kung pano ko nakilala si Myx. Pero hindi ako pumunta dito para pagkwentuhan kung pano kami nagkakilala.

Tumayo siya sa kama niya at umupo sa tabi ko. Inihiga niya yung ulo niya sa sandalan ng couch.

“Sorry.” – bulong niya.

“Matthew, hindi mo naman ako iiwan gaya ng ginawa ng pinsan mo diba?” – sabi ko.

Umayos siya ng upo at tumingin sakin.

Umiling siya.

“Hindi.” – sabi niya.

“Kung ganun, bakit mo ko iniiwasan?” – tanong ko.

“Sorry, natatakot lang ako na masaktan ka. Pero—“

“Pero? Alam mo ayokong makarinig ng pero.. Ayokong marinig na mahal kita PERO.. pero ano?” – naiinis na sabi ko, totoo naman. Nung naghiwalay kami ni Tj ganun din, mahal niya ko pero hindi na tama? Fvck. Kung gagawin din sakin ni Matthew yun mas doble yung sakit na mararamdaman ko.

“Alex, hindi kita iiwan.. Makinig ka muna.” – sabi niya.

Tumahimik ako.

“Mahal kita. Alam mo naman yun diba.. Pero may mga bagay kasi na hindi mo pa nalalaman..” – sabi niya.

“Ano yun?!” – tanong ko.

“Hindi ko pa pwedeng sabihin sayo.. Kasi inaayos ko pa..” – sabi niya.

“Bakit kailangang ayusin mo muna bago ko malaman?” – sabi ko.

“Please Alex?” – pakiusap niya, mukhang ayaw niya pang sabihin sakin.

Tumahimik nalang ulit ako.

“Hindi ko kasi alam kung pagkatapos mo malaman lahat, kaya mo pa kong balikan. Pero kahit anong desisyon mo tatanggapin ko..” – sabi niya.

“Matthew naman..”

“Alam ko kasing hindi sapat ang isang sorry para sa kasalanan  na yon.” – sabi niya.

Tinitigan ko lang siya sa mata, hindi ko siya mabasa. Bakit ganun? Pero pakiramdam ko sobrang sakit nung mga sinasabi niya.. Niyakap ko lang siya.. Matagal din kami sa ganung pwesto..

“Matthew!!” – sigaw ko.

“Shhh.. hindi mo kailangang sumigaw.” – sabi niya.

“O-okay, hmm.. Alam mo bang tinanggal ako sa coffee shop..” – sabi ko.

Bigla siyang napatayo.

“Ano?!! Sh*t sinabi ko ng wag kang gagalawin!” – sabi niya.

“Matthew, naghihirap na ba company niyo? Kung yun ang dahilan para hindi kita tanggapin, mali ka, kasi kahit mahirap na kayo tatanggapin pa din kita!” – sabi ko.

Napatingin siya sakin.. Laaa, mali yata! Oo nga hindi naman sila maghihirap eh! Dami dami nilang business! Pwera nalang kung namatay din yung papa niya tapos tinangay din yung pera nila. -_-  naalala ko nanaman si Daddy.

“Ayy.. Sorry..” – sabi ko.

“Hindi..Okay lang.” – sabi niya.

“Ahh, Matthew.. May tubig ka ba dito? Nauuhaw kasi ako eh!” – sabi ko.

“Bababa ako, kukuha kita.” – sabi niya.

Bumaba siya.

Ang linis ng kwarto niya.

Ang bango.

Hmmmm.

:D

Pero.. 

May nakita akong nakakalat sa kama niya. Pumunta ako dun at umupo sabay kinuha yung envelope.

Ano kaya ‘to.

La.. bakit ko ba pinapakialaman yung gamit niya?

Pero.. parang may nagtutulak sakin na buksan ‘to..

Hindi ko alam kung magagalit ako..

Pinaghihinalaan niya ba ko para pasundan ng ganito?

Yung envelope, nakalagay dun lahat ng pictures namin ni Tj.. Bago lang yung mga yun, eto yung araw na nasa Italy pa siya..

Bumaba ako dala dala yung pictures..

“Ate!!” – nakasalubong ko pa si Myx, pero hindi ko siya pinansin, nagdire-diretso ako sa kitchen nila.

“Bakit bumaba ka?Eto na yung tubig.” – sabi ni Matthew.

Ibinato ko sakanya yung mga pictures.

“Akala ko ba mahal mo ko?!” – sigaw ko.

“Hindi mo ba alam yung salitang TIWALA?! Kaya ba habang nasa Italy ka pinasusundan mo ko?!! Ghad Matthew hindi ko akalain na ganyan pala ang tingin mo sakin!”

“Alexis sandali lang!!” – sigaw niya.

..to be continued..

 

-------     

 

AN:

 

Sorry. Tagal ng UD. :( Busy kasi eh.. Sorry..

 Si MYX >>> yung nasa gilid!

_ASH.

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 76.7K 35
Warren experienced his most unforgettable frustration in the hands of his first love, Lena. The unbearable pain pushed him to change himself to becom...
224K 3K 14
Bea Esguerra was known for a being the "campus beauty queen" during their college days. Sa kabila noon ay magkakaroon siya ng lihim na relasyon sa is...
14.3K 373 28
"I love to hear lies when i already know the truth" - Sierra Lexine Carter Ragucci
1.1M 27.8K 30
Air Alcantara, the most famous rockstar in today's generation. He has this voice to die for and the killer skills with his guitar. But he's not just...