SEDUCTRESS - Completed

By sweetest_enemy

69.7K 1.2K 87

"You want to seduced by her?" More

Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
WAKAS
ANNOUNCEMENT
BOOK 2

Kabanata 7

2.2K 42 0
By sweetest_enemy

LUNES ng umaga at nagmamadali akong sumakay ng bus papunta sa unibersidad. Tinanghali ako ng gising at mag aalas sais na ng magmulat ako ng mata kaya naman sa ngayon ay nagkukumahog ako.

Halos hindi ko pa tuluyang naayos ang sarili ko dahil may mga tatapusin pa akong gawain na kailangan kong maipasa kinabukasan. Magbibigay rin ako ng pagsusulit sa mga estudyante ko dahil simula na ng Midterm ng mga ito.

"I'm sorry I can't fetch you. Marami pa kong kailangang asikasuhin. I love you and take care." — Eros

Basa ko sa mensahe niyang ipinaabot sa akin.

Naiintindihan ko naman siya. Nitong mga nagdaang araw ay halos subsob na siya sa kanyang trabaho at sunod sunod na ang mga ginagawa niya lalo na sa unibersidad.

Kabi–kabilang meeting ang pinupuntahan nito tungkol sa kanyang mga proyekto at balak pang gawin sa pagpapalago ng kanilang negosyo bukod sa unibersidad.

Minsan ay namamangha ako sa kanyang kakayahan dahil hindi ko akalaing napagsasabay niya ang paghawak ng negosyo at pamamahala nitong unibersidad.

Maswerte ba ako dahil nakatagpo ako ng isang katulad niya? O sadyang ginusto lang ng diyos na mangyari na magkakilala kami.

Inihilig ko na lamang ang aking ulo. Katulad ng nakagawian ko ay pumikit ako at sandaling umidlip para kahit papaano ay makabawi ako sa antok nitong nagdaang araw.

"Magandang umaga ho Ma'am. Ah–tulungan ko na ho kayo." Napaangat ako ng tingin sa isang estudyante ng makarating ako sa hallway ng unibersidad.

"Salamat pero kaya ko naman." Sabi ko dito at inayos ang bitbit kong mga papeles.

"Sige na, Ma'am. Akin na po." Pagpupumilit niya pa at marahang kinuha ang mga gamit na dala dala ko.

Napakunot noo nalang ako dahil sa tinuran niya.

"Estudyante ba kita?" Pagtatanong ko sa kanya at naglakad. Ngumiti lang ito atsaka umiling sa akin.

"Hindi po!" Sagot niya. "Tapos na po akong mag aral." Dugtong nito.

"Anong ginagawa mo dito? Mabuti naman at pinapasok ka." Sa pagkakaalam ko ay mahigpit ang bantay ng unibersidad at estudyante't guro lang ang mga pinapapasok dito bukod sa mga iba pang opisyal.

"Kilala naman na po ako ng guard kaya madali akong makapasok. Dati na po akong mag aaral nais ko lang na bumisita ulit dito." Sagot nito habang patuloy lamang sa paglalakad.

"Ganon ba?" Naisiwalat ko nalang. "Sandali, ilang taon ka na ba?" Nagtataka kasi ako dahil ang bata pa ng itsura niya at halos kaedad lamang ito ng kapatid kong kambal.

"Bente tres ho!" Turan niya. "At gumraduate ako sa edad na bente." Dagdag niya.

"Huwag mo na nga akong i–po. Hindi naman pala kita estudyante at hindi ka naman estudyante dito."

Naisip kong sabihin dito dahil magkalapit lang naman ang edad namin at nagmumukha pa akong matanda kapag iginagalang ako. Maayos namang pakisamahan ang taong ito.

"Sige ba, Ma'am. Ako nga pala si Ram." Pagpapakilala niya. Ngiti nalang ang iginawad ko dito.

"Salamat sa pagbitbit." Tukoy ko ng makarating kami malapit sa opisina.

"Walang anuman, Ma'am." Tapos ngumiti pa siya. Nagpaalam na ako sa kanya at naglakad papunta sa loob ng opisina.

"Binibining Elisa!" Napahawak pa ako sa aking dibdib ng bumulaga sa akin si Ulap at nasa tabi nito si Klea na tahimik lamang.

"Ulap naman! Bakit ka ba nanggugulat dyan." Asik ko sa kanya at inilagay sa upuan ang dala ko.

"Hinahanap ka ni Mr. President at pumunta siya rito." Si Klea na ang nagsalita at napatayo pa ito. Syempre ay nagulat ako sa sinabi nito kaya hinaklit ko ang kanyang braso.

"Klea, pakihinaan naman ng boses mo. Nasa opisina tayo't maraming taong nakaaligid dito. Ayokong pagchismisan nila." Mahinang sabi ko sa kanya na ikinalingon niya sa paligid.

Halos lahat yata ng mata ng tao roon ay nakatingin sa amin.

"Sa opisina ko nalang." Sabi ko sa dalawa. "Mauna na kayo." Tsaka ko sila iniwan upang magsulat sa log book. Late na naman ako kwarenta y cinco minutos.

Sa mabuting palad ay walang nagtanong sa akin at wala akong narinig na mga usap usapan kaya ikinahinga ko ng maluwag.

Dala ang mga gamit ko kanina ay agad agad akong dumeretso sa aking opisina kung saan nandun ang dalawa kong kaibigan.

"Elisa, wala ka manlang bang planong kwentuhan kami kung ano na ang mayroon sa inyo ni Mr. President? Ilang araw na ang nakakalipas at baka kayo na yata." Asik ni Ulap ng makapasok ako sa loob.

"Grabe, friend ikaw lang pala makakaakit kay Mr. President." Dugtong pa ni Klea na nakaupo sa upuan.


"Alam niyo, kayong dalawa kung ano ano ang nasa isip niyo." Napabuntong hininga nalang ako. "Hindi ko siya inakit. Siya naman 'tong nagpakita ng motibo sa akin." Sagot ko.

"So naakit lang ganon?" Ani Ulap.

"Lumabas na nga kayo. Maraming pa akong gagawin. Buti nalang kung tutulungan niyo ko." Pagtataboy ko dito na ikinasimangot nilang dalawa.

"Sungit! Tara na nga Ulap." Napailing nalang ako sa inasta nito.

Nang makalabas ang dalawa ay gumawa na ako ng sasagutan ng mga estudyante ko at isinabay ko na rin ang mga report na hindi ko pa natatapos. Medyo may kahirapan ito ngunit kakayanin naman.

"I'm on my way to your office." — Eros

Tila tumalon yata sa saya at kagalakan ang puso ko dahil sa mensahe niya. Parang naiihi ako sa tuwa. Napatingin pa ako sa salamin at sinuri kung ayos lang ba ang mukha ko. Kung may dumi ba doon o kung ano.

Isang matamis na ngiti na lamang ang sumilay sa aking labi. Iniwan ko muna sandali ang ginagawa ko at nanatiling nakatuon sa pinto ang aking atensyon. Halos sunod sunod ang pagkabog ng dibdib ko ng may pumihit doon.

Napaiwas pa ako ng paningin ng tuluyan na itong pumasok. Sa suot palang niyang suit ay gwapong gwapo na ako. Nakakaakit at nakakabighani. Parang gusto ko siyang yapusin ng yakap pero naisip kong wag nalang dahil nakakahiya.

"How are you?" Napapitlag pa ako ng hawakan niya ang likod ko at hinalikan ang noo ko.

Hindi ko alam ilang beses niya ng ginagawa iyon sa akin ngunit nagugulat pa rin ako dahil pakiramdam ko ay nakukuryente ako tuwing ginagawa niya iyon.

"Okay lang." Tipid kong sagot at tumingkayad upang titigan ito.

Nasanay naman na ako sa kanya ngunit minsan talaga ay hindi ko pa rin maiwasan ang mailang.

Hinila pa nito ang bangko at umupo sa harapan ko.

"Bakit ang gwapo mo ngayon..." Hindi iyon tanong dahil puri ko iyon sa kanya.

Totoo naman kasi. Ang gwapo niya sa ayos niyang 'yan. Alam ko naman na sa kanya na naman nakatuon ang atensiyon ng mga babae dyan.

"I know!" Tapos ngumisi pa ito ng nakakaloko na ikinainis ko ng bahagya.

"Diyos ko po Mr. President! Hindi ko alam na lumalaki pala ang tenga mo kapag pinupuri." Pagbibiro ko para ngumisi muli ito.

"I'm so glad na nagugwapuhan ka sa akin." Tapos ngumiti pa ito. "Or should I say matagal ka nang nagugwapuhan sa akin pero inililihim mo lang?" Dugtong niya na ikinaiwas tingin ko. "Am I right?" Hinuli niya pa ang mukha ko at hinawakan ang baba ko para magpantay kami ng tingin.

"E–ros 'wag na–mang ganyan." Napapikit nalang ako dahil natutunaw ako tuwing maglapit ang aming mukha. "Oo na! Gwapo ka naman talaga kaso—kaso ang hirap mong abutin." Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko.

"Now that I'm here, madali nalang. Look, kaharap mo na ko. Hold my hand then!" Tapos mas inilapit niya pa ang mukha niya sa akin na ikinangatog ng tuhod ko. "You expected so much kaya mo nasabi yon." Sabi niya pa.

"Hindi ah." Kaagad na sabi ko. "Bakit palagi kang galit? Palagi kang nakasimangot? Tsaka palaging seryoso 'yang mukha mo. Napakamisteryoso mo kaya naman iniiwasan ka ng tao." Hayag ko.

"First thing is, I don't like people to interact with especially some flirty girls right there." Seryosong sabi niya.

"Eh bakit ako? Sabi mo ayaw mo ng babae. Bakit ang bait mo sa akin tsaka hindi ka galit? Bakit iba ang turing mo sa akin kesa sa iba?" Naguguluhan na tanong ko.

"Silly, because you are special, baby." Pinindot naman niya ang pisngi ko.

Hindi naman ako nakaramdam ng sakit doon dahil natutuwa ang puso ko sa sinabi niya.

"You obviously captured me since the day I saw you kaya 'wag ka nang magtaka kung bakit iba ang trato ko sa kanila at trato ko sayo." Teka! Yung–yung puso ko. Parang lalabas na. Nag iinit na ang magkabilang pisngi ko.

Gusto kong magtago para hindi niya makita ang reaksyon ko, ang pamumula ng pisngi ko.

"Don't hide yourself 'cause you are beautiful." Iniangat niya pa ang mukha ko.

"Hindi ko alam kung maniniwala pa ako sayo." Syempre biro lang 'yun. Nahihiya talaga ako dahil sa papuri niya sa akin.

"I'm serious!" Giit niya pa kaya tiningnan ko ito. "Look at me!" Utos niya at inangat muli ang mukha ko.

Wala na! Nagkarambolan na 'yung mga paro paro sa loob ng tyan ko.

Pasimple ako sa kanyang tumitig ay kitang kita angmga mapupungay at tila nakikiusap nitong mga mata.

Naniniwala na talaga ako na iba ang trato na sa ibang tao kumpara sa akin. Palagi kasi itong seryoso at masungit pagdating sa iba pero sa akin ay parang anghel na bumaba sa lupa.

"Oo na! Naniniwala na ako. Di manlang mabiro e." Putol ko sa dapat sanang sasabihin niya. Ngumiti lang ito sa akin gamit ang matamis na ngiti.

"So sabi mo gusto mo rin ako? Anong nagustuhan mo sa akin?" Tanong niya na halos ikalaglag ko mula sa kinauupuan ko. Hindi ko alam napupunta kami sa ganitong usapan.

Nakatitig lang ako ng ilang minuto sa kanya upang tingnan ang reaksyon niya.

Ganoon pa rin, hindi naman nakangiti, hindi naman nakasimangot.

Napabuntong hininga nalang ako at kumuha ng lakas ng loob upang magsalita.

"Lapit ka ng kaunti tapos pikit mo ang mga mata mo." Sabi ko sa kanya na agad niya namang sinunod. Hindi naman mapigilan ang aking pagngiti ng makita ko ang ilong at labi nito.

Diyos ko po, bakit ganito kagwapo ang binigay niyo sakin?

Umiling nalang ako at humingang malalim tsaka itinapat ang kamay ko kung nasaan ang dibdib nito. "Ito! Itong nasa loob nito, iyon ang nagustuhan ko." Tukoy ko sa puso niya na ikinamulat niya ng mata.

Kaagad na nagsalubong ang mga mata namin at bigla nalang nanlumanay ang kanyang mga mata. Nagtatanong ang mga ito na tumititig sa akin.

"Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang pagkagusto ko sayo. Basta na–nagising nalang ako kinabukasan na komportable na ako kapag kasama. Minsan, minsan nakakailang pero sinusubukan ko naman." Sabi ko sa seryosong tinig. "Handa mo ba akong panindigan kapag tuluyan na kong mahulog sayo?" Tanong ko pa.

Kinuha niya ang mga kamay ko at pinagsiklop gamit ang kanya. "Yes! How 'bout you? Kaya mo rin ba?" Panghahamon pa niya sa akin na kaagad kong ikinatango.

"Syempre pero unang beses ko pa lang 'to." Hindi ko pa rin napigilan talaga ang mag alangan pero alam ko namang magiging maayos rin 'to at masasanay rin ako.

"I'll do everything to make you happy." Tapos ikinulong pa niya ako sa kanyang mga bisig na nagustuhan ko na para bang ayoko ng umalis pa.

"Salamat." Ngiti ko. "Pero tigil tigilan mo na ang pagsalita ng ingles dahil naririndi na ako, Eros." Kunwari'y masungit na sabi ko.

"I'm sorry! Okay, okay! Susubukan ko." Sagot pa niya na mas lalong ikinangiti ko ng todo.

Ilang sandali pa ay tumayo ito at nagtanggal ng damit. Tanging kulay puting long sleeve nalang ang natira ngunit katulad kanina ay gwapo pa rin. Hindi naman nabawasan ang kagwapuhan.

Naglakad ito palabas ng opisina ko na ikinakunot noo ko. "Aalis ka na?" Tanong ko sa kanya bago ito tuluyan makalabas. Lumingon lang ito tsaka kumindat sa akin.

"Ang lakas na yata ng sapak ni Mr. President." Sa isip isip ko.

Kibit balikat nalang ako at napahilamos ng mukha habang hinihintay muli siyang pumasok dito. Hindi ko alam kung babalik pa siya o di na.

"Close your eyes, mi amour." Rinig kong sabi niya mula sa labas na ikinapagtaka ko.

"Bakit?" Inosenteng tanong ko.

"Just close your eyes and think of me." Hay, ang hangin niya 'din.

"Sige!" Sagot ko.

Gamit ang dalawang kamay ko ay iyon ang itinakip ko sa aking mata. Narinig ko pa ang pagpihit ng seradula ng pinto. Parang gusto kong tanggalin ang nakatakip sa mata ko at tingnan kung ano iyon.

Bumibilis na naman ang pintig ng puso ko at di ko maipaliwanag kung bakit.

Mas lalo 'pang tumindig ang aking balahibo ng dumapo ang mainit nitong hininga sa aking tenga. Hindi ko na hinintay pa ang hudyat niya at binuksan na ang mga mata ko.

Sumalubong naman sa akin ang pulang na rosas pati mga tsokolate na sa tingin ko ay mamahalin. Hindi rin nakalampas sa paningin ko ang mga pagkaing dala niya.

Nag angat tingin ako sa kanya at matamis na ngiti lamang ang nakaukit sa mga labi nito. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman sa ngayon. Para akong naluluha na natutuwa sa nasasaksihan ko ngayon.

"Alam kong hindi ka pa kumakain. So I buy you some food to eat." Sabi niya at muling tumabi sa akin.

"Eros hindi mo naman kailangan gawin 'to." Sabi ko naman sa kanya habang tinitingnan ang mga dala nito. "Ayokong magsayang ka ng pera dahil lang sa mga ganito." Dagdag ko pa.

"Pero gusto ko namang gawin." Giit niya at lumapit pa sa akin. "And beside, gusto kong mahulog ka sa akin sa paraang alam ko." Seryosong sabi niya habang nakatitig sa akin.

Nananaginip na naman ba ako? Hindi kasi pumapasok sa utak ko ang sinasabi niya. Tsaka u–unang beses palang itong nangyari sa akin na bigyan ako ng ganito.

"Kahit naman hindi ko gawin ito ay mahuhulog pa rin ako sayo." Nahihiya pa ako sa lagay na 'yan pero itinago ko nalang ang hiya na nararamdaman ko.

"Dahil gwapo ako?" Tanong nito.

"Hindi 'no!" Sungit ko sa kanya. "Ngayon, sinasabi mo sakin na gusto kita dahil gwapo ka?" Sabi ko sa kanya.

"I don't know!" Nagkibit balikat nalang ito. "Maybe!" Tapos ngumisi pa ito ng nakakaloko.

"Nakakainis.." Sabi sabi ko pa.

Sinabayan ako nitong kumain ng pagkain dala niya at halos dalawang oras pa ang nilagi namin sa loob ng opisina. Nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano at minsan ay tumitingin tingin rin siya sa ginagawa ko.

Ilang sandali rin ay nakaidlip ito. Siguro sa pagod at sa dami niyang ginagawa sa buhay. Itiniklop ko nalang ang laptop na ginagamit ko at nilapitan ito.

Grabe, lord! Ang gwapo gwapo niya talaga. Paano ba ito nagkagusto sa akin atsaka—atsaka maraming babaeng mas maganda pa sa akin at mas mayaman.

Maniniwala na ba ako na hindi lahat ng lalaki ay ang gusto lang mga magaganda't seksi.

Napahilamos nalang ako at bahagyang lumayo sa kanya.

KINAHAPUNAN ay nagpaalam na kami sa isa't isa dahil papasok pa ako sa klase ko habang siya naman ay may meeting na pupuntahan.

Pagpasok ko palang ng silid ay nagsibatian ang mga estudyante sa akin. Katulad ng nakagawian ko ay itinuro ko sa kanila ang nasa libro. Masaya naman ako desidido at nakikinig ang mga ito.

Ganoon rin ang ginawa ko sa mga sumunod ko pang klase.

Mag aalas singko na ng matapos ako. Tumuloy ako sa opisina ko at kinuha ang mga iilang gamit bago pumunta kay Daeus pati ang bigay nitong bulaklak atsaka tsokolate.

Naabutan ko pa itong nakaupo sa kanyang upuan habang nakakunot ang noong nakatitig sa kanyang laptop.

Napangiti nalang ako at linapitan ito. Mukhang hindi niya yata napansin ang presensya ko.

"Ano bang ginagawa mo at bakit nakakunot 'yang noo mo?" Tanong ko sa kanya at umupo sa upuan na nasa harapan nito. Nag aangat tingin ito sa akin at biglang umamo ang mukha niya.

"God, I don't know what to do with that." Pagkatapos ay padabog niyang isinara ang laptop na ikinalaki ng mata ko. Alam kong nagtitimpi na ito ng kanyang galit.

"Ba–bakit?" Hindi ko naman maiwasan ang hindi magtanong.

"I'm just frustrated for that fucking party of my lolo." Ginulo naman nito ang kanyang buhok na animo'y tila naiinis talaga.

"E–ros alam mo, walang maitutulong 'yang galit mo." Sabi ko pa dito. "Ano ba 'yun? Pwede naman ata kitang tulungan." Giit ko.

"I'm sorry!" Paumanhin niya pa at bumuntong hininga. "I can handle that." Tumayo naman ito at pumunta sa pwesto ko. "I just can't control myself." Pagpapaliwanag niya.

"Kaya magmula ngayon, kumalma ka muna tsaka huwag basta basta magagalit." Sambit ko dito kahit na wala akong nakuhang sagot sa kanya.

Seryoso lang itong nakatitig sa akin na hindi ko naman mapigilan ang aking pagngiti.

"Ang ganda mo..." Puna niya sa akin na ikinapula yata ng pisngi ko. Napakatuwid niya naman kapag nagsasalita.

"Pinagloloko mo ba ko?" Kunwari'y naiinis na sabi ko pero sa loob loob ay ko ay kinikilig ako ng todo.

Galing mismo sa kanya na maganda raw ako. Ilang beses na niyang sinabi iyon sa akin pero bakit ganoon pa rin ang epekto?


"I like your eyes!" Sabi nalang niya na ikinanguso ko.

"Eh ang itim ko naman." Dugtong ko na ikinakunot noo niya.

"Nope! That's what we called morena baby. And it really really suit you well." Ngumiti pa siya na mas lalong ikinagwapo sa paningin ko.

Jusko, gusto ko ng magpakain sa lupa sa mga sinasabi niya. Parang hindi ko yata kinakaya.

Sabay kaming bumaba papunta sa sasakyan nito. Naging tahimik na naman ang biyahe ngunit para yatang gustong lumabas nitong puso ko dahil magkahawak ang aming mga kamay.

Parang hindi matigil sa pagtibok at ang bilis. Pabilis ng pabilis. Ito ang unang beses ko na maramdaman na hawakan ng kamay ng ganito.

"Can we go out for a date?" Basag niya sa katahimikan naming dalawa na ikinahinto ko ng bahagya.

"Ha?" Nabingi yata ako.

Natawa naman ito at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. "Let's date!" Ulit niya.

Hindi ko tuloy napigilan ang mapakagat labi. "Sa—saan?" Nauutal ko 'pang tanong.

"Anywhere! San mo gusto?" Pagtatanong niya.

"Ako talaga ang masusunod?" Inosenteng tanong ko na ikinatango niya lang.

"Uhuh! Hm, restaurant? Or do you want to go to the mall?" Sabi na nga ba.

Ang hilig nito sa mga ganyan. Habang ako naman ay tamang tiangge at mga bukid lang ang pinupuntahan.

"Kahit saan nalang. Tsaka hindi naman ako sanay sa mga mamahaling kainan na 'yan." Sabi ko pa at tumingin sa labas.

Napailing nalang ito at hindi na kumibo pa. Nagpatuloy na lamang siya sa pagmamaneho hanggang sa marating namin ang aming pupuntahan.

"Eros kakasabi ko lang na hindi ako sanay sa mga ganitong uri ng kainan." Gusto kong magmaktol sa kanya. Gusto kong umuwi nalang ngunit wala naman na akong magagawa dahil nandito na rin kami.

"Let's go, mi amour! Mag eenjoy ka rito." Bulong niya tsaka pinagsiklop muli ang aming mga kamay.

Tahimik akong naglakad kasabay nito at halos lahat ng tao ay napapatingin sa gawinamin. Hindi naman karamihan ang tao ngunit may mga mangilan ngilan ang napapasulyap sa akin lalo na yung mga babae. Siguro naaakit sila sa lalaking kasama ko.

Sino ba naman kasing hindi, e ang gwapo gwapo nito.

"God, baby! Kung pwede ko lang dukutin yung mga mata ng mga lalaking tumititig sayo." Ramdam ko ang pagkagigil niya sabay higpit ng hawak sa kamay ko.

Napakunot noo nalang ako at napayuko.

"Good afternoon, Ma'am, Sir! Here's our book menu." Iniabot naman sa amin ang listahan ng mga pagkain. Napaangat tingin pa ako dito dahil ang tagal niya bago ibigay sa akin ito.

"You may go! We will call you." Masungit nitong saad sa lalaking nasa harapan namin.

"Okay sir!" Sagot nalang nito at umalis na.

"He likes you and I don't like it!" Masungit niya 'ring sabi sa akin dahilan kaya hindi ako nakapagsalita.

Titig na titig lamang ito sa hawak niya at seryosong pumipili kung ano ang kakainin namin.

"Wala naman akong ginawa?" Inosenteng sabi ko dito. "Tsaka iniaabot lang sa aking 'yung listahan, gusto na agad?'' Dagdag ko kaya sinulyapan ako nito ng seryosong titig.

"Lalaki ako at alam ko 'yun.'' Masungit pa rin nitong sagot na ikinanguso ko nalang.

Hanggang sa makapili na ito ng pagkain ay tahimik lamang kami. Hindi na muli bumalik pa ang lalaking iyon at matandang babae na ang pumunta sa amin upang kunin ang order na pagkain.

"Eros! Eros—okay ka lang ba? Bakit ang tahimik mo?" Hindi ko mapigilan ang hindi siya tanungin. Hindi ako sanay.

"I don't like it when someone likes you." Seryosong sabi nito sa akin na ikinalunok ko.

"Wala namang iba ah." Giit ko. Napapikit nalang ito at napabuga ng hininga.

"Promise me!" Sabi nito na ikinatango ko naman.

"Oo na. Nakakunot na naman 'yang noo mo." Sabi ko sa kanya.

Maya maya pa ay ngumiti na ito tsaka hinawakan ang kamay ko. Pinakatitigan pa ako nito ng husto na animo'y tumatagos sa akin bawat titig niya.

"Woman, I don't know why are you doing this to me." Para itong nagtitimpi ng kung ano at pinakahigpitan ang pagkakahawak sa akin.

"Ha?" Nagtatakang tanong ko.

"Hindi ko alam." Tapos umiling siya. "Iba! Iba sa pakiramdam lalo na—lalo na kapag hawak ko ang kamay mo tapos kasama kita." Dere–deretsong sabi niya.

Jusko, Mr. President. Huwag mo naman akong pinapakilig ng ganyan at baka mamaya ay lumabas na ang puso ko sa sobrang ginagawa mo.

"So, are you feeling the same?" Pagtatanong niya at hinila ang kamay ko papunta sa bandang dibdib nito. Napakagat tuloy ako ng labi at napasulyap sa paligid.

"Halata naman." Nahihiyang sagot ko dito. Ramdam ko na ang pamumula muli ng pisngi ko. "Hindi ako makapaniwala." Dagdag ko.

"What do you mean by that?" Pagtatanong niya pa.

"Itong ngayon! Parang panaginip pa rin, magandang panaginip." Ngumiti naman ako sa kanya.

"Sorry, but you are not dreaming baby. It was real." Tudyo niya pa at niyugyog pa ang kamay ko. "I like you–I mean, I'm falling for you!" Korni man pakinggan ngunit hindi ko napigilan ang kiligin sa nga linyang sinasabi nito.

"Tanggap mo ko?" Pagtatanong ko pa.

"I do, baby! I do! Paulit ulit nalang ba tayo?" Sabi pa nito.

"Eh–kasi, nakakagulat lang. Nakakagulat dahil isang tulad mo pa ang nagkagusto sa akin." Parang gusto kong magtago sa ilalim ng lamesa.

"Because you deserve that! You deserve to be loved!" Kung nandito lang ata ang mga kaibigan ko ay nagtatatalon at nagsisisigaw na iyon sa kilig.

Ilang sandali rin ay dumating na ang pagkain at inihain na sa harap naming dalawa.

Nahihiya pa akong kunin ang dalawang stick dahil hindi ko alam kung paano gamitin iyon. Tanging kutsara't tinidor nalang ang ginamit ko at hinayaan ang mga pang mayaman na gamit sa pagkain.

Sobrang dami ng inorder nitong pagkain at halos lahat yata ay masasarap.

Sabay kaming kumain na dalawa at ninamnam ang pagkain nasa harap namin. Tataba yata ako kapag ganito ang kakainin ko araw araw.

Muntik pa akong maduwal dahil naibahan ako sa lasang ng isang putaheng nandoon. Hindi ko alam kung ano iyon basta hindi pamilyar sa akin.

"What happened? Ayaw mo ba?" Nag–aalalang tanong sa akin ni Daeus. Tipid lamang akong ngumiti upang hindi ito masyadong mag alala.

"Okay lang ako." Sabi ko sa kanya na ikinatango niya lamang. Nahihiya tuloy ako dahil para akong ignorante sa pagkaing kinain ko.

Nagpatuloy muli ito sa pagkain at pasulyap sulyap pa ito bago sumubo. Tila ayaw nitong paawat sa pagtingin sa akin.

Siguro ay binabantayan ako at baka mamaya ay katulad na naman kanina.

Napatigil pa ito sandali ng tumunog ang telepono niya at may tumawag roon. Nagpaalam muna ito bago tumayo kaya naiwan akong mag-isa.

Parang gusto kong himatayin sa kilig. Kanina pa ako todo pigil ng nararamdaman kong kakaiba. Basta, kaunting bagay lang na ginagawa niya ay pakiramdam ko, napakahalaga na sa akin. Syempre, ito 'yung unang beses na maramdaman ko—tapos isang Daeus Levaughn pa ang gagawa sa akin 'nun.

Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi magalak sa mga susunod na mangyayari sa amin. Wala akong ideya sa mga darating pang mga araw.

"What are you thinking?"

Napapikit ako sa sobrang gulat ng may mainit na hininga ang dumampi sa bandang tenga ko.

"Nawala lang ako sandali tulala ka na dyan. Did you missed me that much?" Kung pwede lang siyang pitikin sa noo ginawa ko na.

"Wala!" Sabi ko nalang na ikinakunot noo niya. "Naisip ko lang 'yung mga susunod nating araw." Napatingin naman ako sa pinggan na nasa harap ko at pinaglaruan ang lagay non.

"Tapos?" Seryosong sabi nito habang nakakatitig sa akin.

"Wala naman." Dugtong ko pa. "Yun lang naisip ko."

"So are you willing to collect more happy memories with me?" Pagtatanong niya. Nahihiya naman akong tumango.

"Sino ba namang aayaw." Sabi ko. Nagkibit balikat nalang ito at tinapos ang kanyang pagkain.


GABI na ng makaalis kami sa lugar na iyon at nagpasama pa ito sa kalapit nitong mall. Tamad akong sumunod sa kanya. Sa totoo lang ay gusto ko ng umuwi't magpahinga. Parang pipikit na ang mga mata ko.

"Are you tired baby?" Malambing na tanong nito sa akin na ikinaangat tingin ko sa kanya.

Umiling lamang ako dito. "Kaya pa naman." Sagot ko.

Tumuloy pa rin kami sa loob at halos mamahaling mga damit ang nakikita ko.

"I want you to meet my Lolo, mi amour!" Pagkuway sabi niya ng pumasok kami sa isang bilihan ng mga branded na damit. "And tomorrow's night was his 80th birthday party. Gusto kong nandon ka." Sabi niya na ikinapagtaka ko.

"Ba–bakit?" Pagtatanong ko pa sa kanya.

"Hm, I just want to take you there and meet my lolo. Beside, you met my lola already and I'm really sure—she want to see you." Sabi pa nito.

"Ano 'pang ginagawa natin dito?" Halos hindi talaga ako mawalan walan ng itatanong sa kanya.

"Shopping! We will get whatever you want." Aniya na ikinailing ko.

"Daeus, ayoko ng ganito okay." Seryoso na talaga ako.

Kaya ko 'pang tanggapin ang mga bulaklak at tsokolateng ibinibigay niya sa akin at ang pagiging mabuting niyang tao. Pero kapag ganito na yata ang usapan ay parang hindi na yata maganda.

"Gusto ko ng umuwi." Sabi ko sa kanya na ikinapagtaka rin nito.

"Hey, bibili lang tayo ng susuotin mo bukas tsa–tsaka 'yung iba mong gusto." Pilit na ginigiit nito ngunit gusto ko na umuwi nalang.

"Isa lang ang gusto ko, Daeus. Please! Uuwi na ko." Sabi ko dito. "Ayokong gawin mo sa akin ang bagay na 'to." Dagdag ko pa.

"Hey, that's not what you think." Nagpumilit pa ito sa akin. "Sandali lang nga." Sambit nito.

Napapikit ako at hinarap ito. "Daeus, naiinis ako alam mo ba 'yon?" Pilit ko pa 'ring pinapakalma ang sarili ko. "Parang nagmumukha akong naghihikaos dito. Sige sabihin na natin, mayaman ka, nasa iyo na ang lahat, kaya mong bilhin pero hindi naman ibig sabihin na lahat gagawin mo lalo na sa akin."

Gusto kong pagalitan ang sarili ko. Ayoko lang na magmukha na parang ginagamit ko lang siya o kaya naman ay humihithit lang ng salapi sa kanya kaya ko siya tinanggap.

Kung pupwede sana ay ayokong tumanggap ng kung anong bagay mula sa kanya. Gusto ko sa akin lahat. Gusto ko pinaghirapan ko mismo.

"What are you talking about?" Napaseryoso naman ito.

"Eros naman.." Napapadyak nalang ako sa aking paa. "Hindi mo 'to kailangang gawin sa akin." Paulit ulit nalang na sinasabi ko ang katagang iyon. "Oo, nanliligaw ka pero hanggang 'dun lang. Ayoko ng ganito." Sabi ko.

"But I want it too. Wala namang masama 'di ba?" Napaseryoso na ito kaya napabuntong hininga ako. "Baby, let me do this!"

"Uuwi na ko." Pinal na sabi ko sa kadahilanan ay ayokong makipagbangayan sa kanya dahil baka lumala pa ang maliit na bagay na pinagtatalunan namin.

Kasalanan ko! Oo, inaamin ko. Ako ang nagsimula, pero ang sa akin lang ay ayokong gawin niya iyon at mas lalong ayokong sanayin siya hindi porket may nararamdaman kami para sa isa't isa.

Pareho kaming napatigil pagpasok namin sa sasakyan. Tahimik kami at wala ni isa sa amin ang balak na magsalita. Alam kong nakatitig ito sa akin ngayon.

"Daeus, hindi ko gusto ang mga ginagawa mo sakin." Sambit ko habang nakatitig lamang sa isang lugar. "Ayokong may mga binibili kang mga gamit o kaya namang mga bagay para sakin. Masaya naman ako sa mga simpleng ginagawa mo at wala na akong gusto 'pang hingin." Dagdag ko pa. "Kundi ikaw..."

Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ang pagyuko ng ulo nito. Para itong nabigo sa isang bagay.

"Daeus, naiintindihan mo ba ko?" Tanong ko pa dito tsaka ito hinarap.

"SHIT!" Napapalo nalang ito sa manibela ng sasakyan na ikinagulat ko.

Napasabunot pa ito sa kanyang buhok na tila ba'y hindi alam ang kanyang gagawin.

"I want to do it because I don't want you to leave me. I wanted to gave everything! I wanted to do anything—baby!" Seryosong sabi niya sa akin. "Ayoko ng maiwan—muli." Nautal pa ito na ikinakunot ng noo ko.

A–ano bang ibig niyang sabihin?

"She Left—She Left Because I Didn't Gave Her What She Wanted. Ang Sakit Maiwan! Ang Sakit Masaktan!"

Halos sumigaw na ito ngunit mabuti nalang at kaagad niya namang napigilan ang kanyang sarili.

"And I don't want to happen it again. I can't lose the girl I want. So, please—hayaan mo na kong gawin ang lahat ng makakaya kong ibigay sayo. Please, let me do this—baby!" Halos magmakaawa ito sa akin habang hawak ang magkabilang kamay ko.

Sandali akong hindi nakaimik habang kagat kagat lamang ang aking mga labi.

Napabuntong hininga lamang ako at hinarap ito. Pinilit kong kinalma ang sarili ko at kinausap ito.

"Pasensya na!" Paumanhin ko dito. "Hindi ko napigilan ang sarili ko kaninang hindi mainis sayo." Sabi ko sa kanya sa marahang tinig.

Hindi ko naman alam na may nakaraan pala ito. Nahiya tuloy ako sa kanya.

"Pero hindi naman ako katulad ng babae na tinutukoy mo at hindi ko kailangan ng mga materyal na bagay galing sayo." Naramdaman ko pa ang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay.

"There's nothing wrong with that." Giit niya pa ngunit umiling lamang ako. "Though, I want to make you happy! So please...."

"Pero nagawa mo na. Nagagawa mo akong pasiyahin kahit maliliit na bagay. Daeus, ang gusto ko lang–ang gusto ko kasama ka. Yun ang makapagpapasaya sa akin."

Hindi sa nagiging maarte ako kundi dahil iyon ang natutunan ko kina Inang na hindi naman kailangan ng mga bagay upang makapagpasaya sa amin.

Nabusog lang kami sa pag aaruga at pagmamahal ng mga magulang kaya siguro mababa lang ang kaligayahan namin.

Continue Reading

You'll Also Like

767K 15.9K 49
"Where am I?!" Pinipilit niyang makatakas sa pagkatali niya pero hindi niya iyon magawa. May nakatakip din sa mga mata niya kaya wala siyang makita...
421K 9.6K 25
Possessive Diaries #4 Date Started : April 6, 2016 Date Ended : May 24, 2016
70.3K 1.5K 39
WARNING SPG ⚠️⚠️⚠️ Read at your own risk. SYNOPSIS: Zen lost his wife in a horrific accident three years ago. Pakiramdam niya ay tumigil sa pag-ikot...
13.2K 878 21
(Wild Nights Series #2) Left without a choice, Jinky prefers to stay away to let the two people who love each other. She was carrying the pain left i...