Once A Love Story - #Wattys20...

By MicxRanjo

78.3K 2.7K 697

Can a moment of love last forever? Hindi kailanman kasalanan ang magmahal. Sabik si Erina De Dios na mahalin... More

Once A Love Story
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Wattys2018 Shortlist!
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
We got it! WATTYS2018 WINNER!
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Good news to share
Chapter Thirty-Eight

Chapter Thirty-Nine

4.8K 114 60
By MicxRanjo

THERE were no words his mouth wanted to utter. His arms wrapped around on Erina's small body compared to his. How her body must have suffered for years when he thought she deserved the worst punishment in the world. No. Her sanity must have wavered then, too, must have given up but held on because of the tiny life clinging into her. And while he was living his life with people he cared and cared for him, she had no one, not one to even call.

Humigpit lalo ang mga yakap ni Caleb kay Erina, nais ibuhos ang lahat ng hinanakit, pagsisisi at galit para sa sarili. He did not deserve her, not before, and not right now. Napahagulgol siya. Nagkatunog ang kanyang pagluha. Batid niya na kahit sa kasalukuyang ito, wala siyang karapatang hawakan ito, hindi ang mapanghusga niyang sarili at makasariling pagmamahal. Kinamuhian niya ito't niyurakan gayong minahal lamang siya nito.

Lumuwang ang kanyang pagkakayapos kay Erina. Dumikit ang kanyang puwitan sa sementadong sahig, habang sumandig ang mga siko sa mga tuhod at sumakop ang mga palad sa kanyang mukha. Sa mga palad niya ibinuhos ang pag-iyak, ang pagkapahiya sa sarili. Sa lahat-lahat ng kanyang mga ginawa sa babaeng minahal, kalabisan nang manghingi pa siya ng kapatawaran.

"God, please punish me." Mariin niyang kahilingan.

"L-Leb?" Erina's hand touched him. Gustong gusto niya uli itong hawakan, yakapin, damhin. Ngunit kalabisan na, labis-labis nang kawalanghiyaan. She did not deserve someone like him. A goddamn prick.

"Parusahan mo ako, Erina, please?" Ni hindi niya magawang iangat ang paningin upang tingnan ito.

"Why? Sa tingin mo ikaw lang ang masasaktan kapag ginawa kong gumanti sa ginawa mong pananakit sa akin? Alam mo kung ano ang nararamdaman ko, ikaw higit kaninuman ang nakakaalam kung ano ang totoo sa damdamin ko. Hurting you will mean hurting myself even more. Kasi iisa lang tayo, Leb, mula noon hanggang ngayon, kahit sa ilang mga taong lumipas, nanatili tayong iisa sa puso't damdamin. So, don't tell me to hurt you because all I wanted to do is to end all these pain."

"E-Erina." Walang bahid ng pag-aakusa o galit sa mga mata nito. At lalo lamang siya nakadama ng galit para sa sarili.

"Don't, Leb." Umiling si Erina. "Huwag mong kamuhian ang sarili mo. It's over." Pumatong ang mga palad nito sa kanyang mga balikat. Mariing tumitig ang mga mata sa kanya. "Let it be over. Tapusin na natin ang mga sakit. We've wasted too many years of our lives hurting. This may be the only chance we have left to be truly happy. Mahal pa rin kita, noon at ngayon, hanggang sa huli kong hininga. I want to be happy now, Caleb." Erina's eyes glistened against the reflection of the crystal lights at the ceiling.

Erina's tears tugged the strongest emotion he was trying to bury in his heart. Love. No matter what was done, no matter what was happening, and no matter what will come, his love for her remained faithful, not perfect but still a whole. "Can I still love you, Erina? Natatakot akong baka muli lang kitang masaktan-"

Mabilis na yumapos ang mga braso ni Erina sa kanyang batok, idinikit ang mainit nitong katawan sa kanya. "Love me. That's all I want. That's all I need. Love me, Caleb because I also love you so!"

ERINA wanted to make sure that Caleb forgives himself before he could truly love her freely. Katulad niya noon, nagawa lamang niyang mahalin ang sarili matapos niyang mapatawad ang sarili, at naging madali na ang pagtanggap sa kanyang nakaraan. Sisiguruhin niyang magiging madali rin para kay Caleb dahil naroon siya upang tulungan ito.

Isang linggo na ang lumipas magmula nang maka-engkuwentro niya ang hindi nakilalang ama na si Guillermo, ngunit nanatili lamang si Caleb sa study room nito sa hacienda Guerrier at ayaw paistorbo. He didn't want to see her, but she insisted. He was punishing himself, but she interfered.

Humaplos ang kanyang kamay sa mukha nitong ilang araw ng hindi naaahitan. Kumiliti sa kanyang palad ang magaspang nitong bigote't balbas. Wala rin sa ayos ang buhok nitong dati ay palagiang nakasuklay. Disheveled and rugged, iyon ang itsura nito ngayon.

"Do you even brush your teeth?" Nagkunwari siyang lalanghapin ang bibig nito ngunit mabilis nitong iniatras ang mukha, at agad tinakpan ng palad ang bibig.

"I-I'm sorry. S-saglit lang." Mabilis itong tumayo't pumasok sa banyo na nasa may swimming pool. She smiled at his reaction.



ALVARO looked at the portraits hanging on the wall and picture frames sitting on the shelves in Katerina's living room. Larawan iyon ng kakambal nitong si Enrique at pamilya nito, ilang litrato ni Erina noong kabataan nito, at ang ilan ay kay Katerina na nasa dingding, kuha noong dalaga pa ito, sa alaalang sariwa na muli sa kanyang isipan.

Simple ang bahay na tinitirhan nito ngunit kaaya-aya sa paningin ang disenyo't kagamitan na nasa paligid. Walang nahagip ang kanyang mga mata sa kanyang hinahanap. At sa bawat segundong pumapatak sa pagkakatayo niya sa iisang lugar kung saan ay malapit lamang sa sinadya, papasikip din ang kanyang dibdib sa sa nararamdaman.

Bumalik si Katerina na may dalang dalawang tasa ng umuusok na tsaa. Inilapag nito ang mga iyon sa center round glass table.

"Black tea, okay lang?" Ngumiti si Katerina.

Napatango siya, tumingin sa mga white porcelain teacups.

"Have a sit, Alvaro." Umupo ito sa mahabang sofa.

Sumunod siya, naupo sa mahaba ring sofa na katapat nito, nakapagitan ang mesa sa kanilang kinauupuan.

Alvaro couldn't help but stare at the woman who used to be his everything. How time changed her appearance, but she remained the same to him. Her habit of holding the cup with two hands when she drinks, how the corner of her left lips raises when she feels nervous, and the way her fingers brush the hair on her right side and put it behind her ears.

Her long eyelashes fluttered at him, waiting for him to talk. Her lips pursed, stopping herself from saying anymore. She blinked, to cut the ball of tears that were forming in her eyes.

"K-Katerina..." Saan ba siya mag-uumpisa? Paano siya magsisimula?

"Y-You..." her voice cracked. She swallowed, and he watched her throat move. "You did not change at all." Komento nito't ngumiti, kasabay nang pag-agos ng mga luha sa mga pisngi.

Muling namuo ang luha sa kanyang mga mata at malaya ring dumaloy sa kanyang mukha.

"How long has it been?" she whispered, almost to herself.

"Twenty-nine years?" He answered after clearing his throat.

"And we're finally here. Hindi ko akalaing muli tayong magkakaharap ng ganito, Alvie."

Ilang segundong tumigil ang kanyang paghinga sa narinig. Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa kanyang labi, kasunod ng munting kurot sa puso, ngunit hindi maikakailang nakaramdam din siya ng kaunting kasiyahan. "Alvie," he repeated. He took a deep breath then asked, "Are you still...not married?"

Muling dumikit ang labi ng tasa sa labi ni Katerina, ngunit hindi ito humigop sa tsaa, nanatili lamang nakadikit sa labi nito, habang ang mga mata ay sa mesa nakatitig.

"W-why?" he continued.

She decided to take a sip then put the cup down on the table. Tumayo ito't hinarap ang lumang litrato nitong nakasabit sa dingding. "Dahil hindi na muling tumibok ang puso ko. Hindi ko naramdaman sa iba ang kaparehong damdaming naramdaman ko sa iyo. But I don't regret it, Alvie." Muli itong humarap sa kanya, "Hindi ko pinagsisihan na minahal kita. Iyong mga panahong pinagsaluhan natin, kahit gaano man kaikli, o kababaw, ang mga alaalang iyon ang katibayan na minsan sa buhay ko, ay nagmahal ako?

"Bakit...hindi mo sinabi sa akin?" Tumiim ang kanyang kalooban. Sa loob ng napakaraming taon, ang katanungang iyon na ilang daang beses niyang tinanong sa isip ay sa wakas nasambit din ng mga labi.

"Dahil...naduwag ako. Natakot sa sarili kong kapintasan. Because the me before was a firm believer that a lady must remain untouched until the night of her wedding. Na ikaw lang dapat ang una, at tanging lalaking makagagalaw sa akin. I was stupid enough to believe that you would not want me anymore. And I thought, leaving you was the best decision I have ever made in my life. I just wanted you to be happy." Tears flooded on her face.

"Sa tingin mo, masaya ako?"

"Why not, Alvaro? Clarissa was a perfect match for you. Maganda. Mabait. Malinis-"

"So, sa tingin mo masaya ako? Do I have to owe you my happiness now? Huh?" he cut her off.

"You should be. You should be." Sa nanlalaki nitong mga mata habang matiim na nakatitig sa kanya.

"You did not trust me. Hindi ako, at hindi ang pagmamahal ko sa iyo."

"I did. Sa sarili ko ako walang tiwala. I could not trust myself enough to be happy with you when I knew perfectly that I wasn't good enough for you."

"Ako ang dapat na nagdesisyon niyan at hindi ikaw, Katerina."

"Tapos na. Nakaraan na. Why come here, Alvaro?"

Binawi muna niya ang sarili sa nag-uumapaw na emosyon sa dibdib. "Because after all these years, nothing was over between us, Katerina." Suminghot siya, pinahid ang luha sa pisngi. "At hanggang sa huli, pagkatapos ng mga nangyari, pinatotohanan lamang ng panahon na narito ka pa rin, na ikaw pa rin, na sana tayo pa rin."

Umiling si Katerina, nakisayaw ang pagpatak ng mga luha sa kanyang paggalaw. "Stop." Sa nanghihina niyang tinig.

"I want us, Katerina, but we can never be, not in this lifetime, not anymore. God! I just want to hold you. Just once more." Nag-igting ang kanyang damdamin. She was there, so close and yet he couldn't touch.

Katerina gave up on her reasons. She ran to him, arms embraced him. Her face buried to his neck; she smelled his familiar scent. "Alvie." She sobbed.

"You should have trusted me." Kusang yumakap ang kanyang mga braso sa hindi niya makakalimutang init ng katawan ng dating kasintahan.

"Patawarin mo ako. Patawarin mo ako. Patawarin mo ako." As if words were not enough to convey her feelings.

Regrets and desires - both they had and must let go. At pareho nilang alam iyon, kaya naman lalo pang humigpit ang kanilang mga yakap, takot na bumitaw, takot na matapos ang sandaling iyon.

Their eyes were closed, reminiscing the sweet memories in their minds, the laughter, the love, the happiness. Tears once again freely rolled down on their cheeks, hearts sensing the moment where they had to let go, for the final time.

Sabay na lumuwag ang kanilang mga braso sa pagkakayakap. Unti-unting lumayo ang kanilang mga katawan sa isa't isa. Their eyes looked at each other, and how they read exactly what were in their minds.

"Sa susunod, pagkatiwalaan mo ako." Siya ang unang umimik.

"Sa susunod, ako ang unang lalapit sa 'yo." Sa garalgal na tinig ni Katerina.

"Sa susunod, maghihintay ako." Humaplos ang kanyang hinlalaki sa labi nito.

"Sa susunod, ikaw pa rin ang aking mamahalin."

"Mahal pa rin kita, Katerina."

"Mahal din kita, Alvaro."

With their hearts deprived of what they really want, their lips found each other and gave in to bid the last goodbye. The kiss was light, slightly touching, tasting while their hearts were bursting in painful emotions.

"And last one thing," Katerina said before Alvaro left for Philippines. "Huwag mong kamuhian si Clarissa. Minahal ka lang niya, katulad ng pagmamahal ko sa iyo. I asked her to take my place since I couldn't stay beside you. She deserves it, Alvie, I owed her."



DALAWANG linggong hindi umuwi si Alvaro. Dalawang linggo ring nakaabang sa may pintuan si Clarissa sa paghihintay sa kanya. The moment that Alvaro stepped into the house, Clarissa ran to him, tears already flooding her eyes.

"Alvaro! Oh, Alv! Bumalik ka, bumalik ka!" Mahigpit itong yumakap sa kanya, ramdam niya ang matinding takot, at pangamba sa panginginig ng katawan nito.

Ilang segundo siyang nanatili sa pagkakatayo, hindi kumilos at gumanti sa mga yakap ng asawa.

"Si Katerina, ibinilin ka niya sa akin. She told me to love you as much as I want. She told me to make you love me. She wanted me to take care of you, Alv. Itinulak ka niya sa akin at dahil matagal na rin akong may gusto sa iyo, tinanggap ko. She brought us together. She made me promise not to tell you what I knew. Patawarin mo ako. Patawarin mo ako, Alv. Patawad kung naglihim at naging sakim ako. Natakot lang akong mawala ka sa akin. Alam kong sinamantala ko ang kabaitan mo pero, pamilya na tayo, may mga anak. Please stay, stay with me, with us, Alv. Kahit iyon na lang ay magiging masaya na ako. Please?"

Clarissa was hysterical. Sa pagpikit ng kanyang mga mata, bumalik sa kanyang isipan ang sinabi ni Katerina. Pinigil niya ang mga luha sa pagbalong. Huminga siya ng malalim. Umangat ang kanyang mga kamay at dahan-dahang yumapos sa asawa. Humaplos ang isa sa buhok nito, nang-aalo, ipinadama ang kasiguraduhan na mananatili siya kung nasaan siya ngayon.

Tumingala si Clarissa, larawan sa mukha ang pagtataka, "Alv?"

"Salamat sa pagmamahal. Salamat sa pagbibigay mo sa atin ng mga anak. Salamat sa lahat ng pag-aaruga at pagiging mabuting asawa at ina." Matiim niya itong pinakatitigan.

"A-Alv..."

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. "We will be together, till death do us part."

Nanlaki ang mga mata nito, muling nagkasunod-sunod ang pagpatak ng mga luha at muling yumakap ng mahigpit sa kanya. "Oh, Alv. Thank you, thank you! I love you so much!"

Pingil niya ang damdaming nais magwala sa kalooban. Pinakalma ang sarili. Tinanggap ang sitwasyon. Hindi madali, ang totoo ay sobrang hirap ngunit, ito na ang kanyang kapalaran, nilang lahat, ang resulta ng mga desisyong pinili nila noon.

AS Alvaro was looking through his books in his study, he heard a knock on the door. Tumingin siya sa gawi ng pintuan. "Pasok."

Marahang bumukas ang pinto at bumungad si Caleb mula roon. "Dad?"

"O, Caleb, maupo ka." Ngumiti siya't sinalubong ang panganay na anak. "Kumusta? Si Erina, nagkaayos na ba kayo?"

"Oho, nagkausap na ho kami. Kayo ho, kumusta? You were gone for how long, two weeks?" sagot ni Caleb habang umuupo sa mahabang sofa.

"Oo. But here I am, back for good. Hindi na uli ako aalis ng walang paalam." He wanted his smile to be genuine but the reaction he noticed in his son's face said otherwise.

"H-how is she? Ms. Katerina?"

Hindi man lang naramdamang magtaka, mag-alangan, o magulat ni Alvaro sa tinanong ng anak, dahil higit kaninuman, ito lamang ang nakaka-alam kung ano ang kanyang tunay na nararamdaman.

"We had closure. Tapos na. Natapos na rin." Sa halip na lumuwag ang kalooban, nag-igting ang kanyang damdamin. Iniiwas niya ang mga mata sa anak. Tumayo siya't tinungo ang bote ng alak na nasa ibabaw ng kanyang mesa.

"I'm sorry. Erina and I were sorry for you both." Caleb uttered.

Mabilis niyang hinarap and anak. "No." Sabay iling. "Hindi mo dapat ihingi ng patawad ang pagmamahalan ninyo ni Erina. Wala kayong kasalanan. Wala kayong dapat intindihin kundi ang inyong pagmamahalan. We..." Umatras siya ng ilang hakbang mula rito at isinandig ang likuran sa gilid ng mesa. "Katerina and I made our choice. Mas pinili naming bumitaw at pakawalan ang isa't isa, at huli na upang ibalik pa ang nakaraan. Marami na ang masasaktan."

"D-Dad."

"Pero sana maintindihan mo na hindi ko kailanman maiwawala sa aking puso ang babaeng tangi kong minahal. Mahal ko ang inyong ina dahil nanggaling kayo sa kanya, pero si Katerina, mahal ko siya dahil...siya ang bumuo sa akin, at sana, sa kabilang buhay o susunod na buhay, magkaroon ng katuparan ang hindi namin nagawang tapusin.

Hindi umimik si Caleb. Nakatingin lamang ito sa kanya.

"I'm sorry son for being a bad example to you."

"No, Dad. Nagpapasalamat akong kayo ang aking ama. At salamat sa desisyon ninyong manatili sa tabi ni mommy."

"I'm sorry." Umiling siya, kinuha ang basong nasa mesa na may lamang alak at tinungga iyon.

"Iiwan ko na kayo, Dad."

Hindi siya umimik. Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto. He drank another shot of the alcohol and retired for the night.

A/N:

I have a bad habit when I am nearing the end of the stories I write - I hate to let go. But still, i have to.

Thank you so much for waiting, reading, voting, commenting and supporting. Please buy this book when it gets published. Charot, as if e, hahaha. Pero serious, bili kayo pag may extra money kayo, lol.

So, anong masasabi ninyo sa mga desisyong ginawa nila? It hurts to say but most first loves don't come true. And some loves stay forever kahit hindi hindi kayo ang nagkatuluyan.

Sige, antok na ako. Enjoy the read- err, I mean, be ready to cry!

Luv,

MicxRanjo

Continue Reading

You'll Also Like

7.5M 208K 45
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.1M 60.5K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
96.6K 4.7K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...