This is only a short story. Very short. But this is a True story.
Naganap ito sa totoong buhay. Secret na kung kanino. :)
Ito ay tungkol sa pagmamahal, pagkakaibigan, at pamilya.
-------------------------------------------------------
San ko ba sisimulan? Hmm.. Teka ah....
Ahh.. Sige. Ganito kasi yan...
Isa akong ordinaryong babae. Simple lang, hindi kagandahan. May simpleng pamumuhay. Hindi mahirap, hindi rin naman mayaman, kumbaga sakto lang. Masayahin, palatawa, palabiro. Kaya halata agad pag may problema ko, tahimik lang ako pag ganun. Kaya alam na agad ng mga kaibigan ko pag meron.
Ako nga pala si Geraldin Feliciano. 13 years old at kasalukuyang nasa ikalawang taon ng high school, sa St. Francis Academy.
"Din! Gising na, tanghali na. Bumangon ka na dyan." Sigaw ni Mama.
"Ahhhhhh! \(+O+)/ *yawn* Opo, babangon na."
Si Mama ang alarm clock ko. Sya ang laging gumigising sakin sa umaga. Hindi kasi uso alarm clock samin e.
Pagkatapos maginat-inat at magmuni-muni, kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras. *6:05am*
Medyo tanghali na nga. 7:15 ang flag ceremony namin kaya bumangon na ko at naligo.
Ligo.....
Bihis....
Kain....
Ayos gamit, mukha, at buhok....
Ready na for school. 7:00 na. 5 minutes ang byahe papuntang school, hindi pa late. :)
Hinatid na ko ni Papa sa school...
Klase...
Klase...
*ting ting ting ting!!!*
Yeah. Break time na. Ang paborito kong subject, Recess. :D
Paglabas ko ng room, tinawag ako ni Rose. Friend ko from other section.
"Uy, Geraldin. Baka gusto mo sumali sa CYM (Campus Youth Ministry) ?"
"Ah.. Eh... Pag-iisipan ko. Hehe"
"Sige na.. Sumali ka na. Masaya dun, madaming activities. :)"
"Ahhh... Sige na nga."
"Okay! Attend ka ng meeting mamaya. Mga 12:30."
"Sige sige. :) Salamat."
CYM. Organization na may connection sa simbahan. Pwede na rin. Haha
Inaya ko sila Rhein, ang bestfriend ko, na sumali din. At dahil malakas ako sa kanya, ayun napasali ko. :D Para naman hindi lang ako mag-isa pupunta no. Nakakahiya naman. I'm a shy type kasi.
Klase...
Klase....
*ting ting ting ting!!!*
Yes! Lunch break. Excited na ko pumunta ng meeting, parang ang saya kasi nila.
Kasabay ko pumunta si Rhein at iba pa naming classmates sa room ng pilot section ng 3rd year.
Ang daming tao. Ang dami palang members. At dahil medyo late kami, nakatayo nalang kami sa likod dahil occupied na lahat ng seats.
Nilista lang yung pangalan namin at pumirma, member na! :D
Ganun lang kadali. Nagsimula na yung meeting...
"Okay! I am Mrs. Clemente, ang moderator ng Campus Youth Ministry o CYM. Lahat ba ng nandito nakalista na?" Sabi ng teacher sa harap.
"Opo." Sagot naman ng lahat.
"Okay. Magkakaroon tayo ng group activity this coming Sunday. So, hahatiin kayo sa 5 groups. Magpalista na kayo sa mga leaders, sila Maricar, Ella, Mark, Jonas at si..... Sino nga yung isa?"
"Si Paolo po!! Yieee!" sabi nung mga babae sa unahan.
Bakit kaya sila naghihiyawan? Ano ba meron dun sa Paolo na yun? Mukhang crush pa nung teacher kaya sila kinikilig. Gwapo kaya? :D (anoo daaaaw?)
Pagtayo nung Paolo. O.O Parang huminto ang oras...
Parang bumagal ang kilos ng mga tao sa paligid...
Natulala ako.
Ang gwapo nya... =''>
Natapos yung meeting...
Nag-uwian..
Pagdating ko sa bahay, naisip ko ulit si Paolo. Ang gwapo nya, yung mga ngiti nya nakakatunaw. Simula ngayon, crush ko na sya... :)
First time ko magka-crush. Ewan ko kung bakit. :D
Simula nung araw na yun, lagi ko nang sinusubaybayan si Paolo. Nalaman ko din na classmate pala sya ng pinsan ko na si Ate Maricar.
Tinanong ko kay pinsan yung full name ni Paolo...
"Ate, ano pangalan nung classmate mo na crush ni Ma'am Clemente?"
"Bakit? Crush mo no? Kapangit nun e. Haha Joke." Sabi naman ni pinsan.
"Hindi ah. May nagpapatanong lang. "
"Ahh.. Hehe Paolo Villaflor."
Ahh... Paolo Villaflor pala. Cool. :D
Excited lagi ako pumasok sa school kasi makikita ko si Paolo.
Nasabi ko din kay Rhein na crush ko si Paolo. At nalaman na din ng iba dahil sa kadaldalan nitong mokong na to. :|
Sa sobrang paghanga ko kay Paolo. Hiningi ko ulit sa pinsan ko yung number nya. Haha Tapang... Pero syempre hindi ko sinabi na may gusto ako dun. :D Tinext ko si Ate Maricar.
--------------------------------------------------------------------
To: Ate Icar
Uy! Number nga ni Paolo. May nagpapahingi.
--------------------------------------------------------------------
From: Ate Icar
Aroo... Sige, Business Card ko nalang. :)
Nung nareceive ko yung number. Nagdalawang isip pa ko kung itetext ko. Nakakahiya kasi. :D Pero di nagtagal, tinext ko din. haha
-----------------------------------------------------------
To: Paolo Villaflor
Hello. :)
Ang tagal magreply...
-______-
Biglang nagvibrate CP ko. Dali-dali kong tiningnan..
Ayt. GM lang pala. :\
Hintay ulit...
*bzzzzzzzzzzzzzzz*
May nagtext ulit. Sana naman sya na to. Nang tingan ko, sya nga! :D
Tuwa naman si ako. May kasama pang kilig ng konti. :)
Simula nun, lagi na kaming nagkakatext. Pero kadalasan ako unang nagtetext. Sipag kasi magtext nun e.
Adi ayun... Sa likod ng notebook ko, puno ng pangalan nya.
Lahat ata ng gamit ko, may pangalan na nya.
*Ang pangalan nya parang basura, nakikita ko kahit saan.*
*Ang pangalan nya parang drugs, nakaka-adik!*
Isang araw... Nakatambay kami sa pinto ng room. Nanonood ng mga varsity na nagpapractice ng Volleyball.
Usap usap...
Chika chika....
Nang may naispatan nanaman ang akong beautiful eyes...
"Uy Rhein. Gwapo oh? Ano kaya pangalan nun? Haha" sabi ko kay Rhein na katabi ko lang.
"Alin ba dyan? :D"
"Ayun oh. Yung naka-jersey number 27." sabay turo ko naman.
"Ahh... Si Raymond Cruz."
"Ahh.. Ang gwapo nya no? Haha"
"Asuss.. Lahat naman sayo gwapo e. May Paolo ka na e. Haha"
"Bakit, crush lang naman.. Haha"
Raymond Cruz at Paolo Villaflor. Akalain mo, minsan na nga lang magkacrush dalawa pa. Haha
Hayaan na, minsan lang e. Pagbigyan nyo na ko. :D
Isang araw. Gumala kami ng mag friends ko. Pumunta kami sa bahay nila Rhein. Medyo madami din kami. Kain kain... Kwentuhan.... Asaran... Ganyan lang ginagawa namin, hindi na nagkasawaan sa mga kwento.
Nag-aya si Rhein na mag-laro kami. Truth or Consequence.
Pumayag kaming lahat... Ikot ikot ang bote... Kung ano-ano pinaggagawa nila. Ang saya lang.
Hanggang sa ako ang tinapatan ng bote. Pinapili ako kung truth or consequence. Pinili ko truth. Kasi pag consequence, baka kung ano ipagawa sakin nung mga to.
Tinanong nila ko kung sino ang mas matimbang kay Paolo at Raymond.
Kung makapagtanong tong mga to ah. Akala mo naman kami na. :D Isip..... Isip....... Sabi ko si Paolo. Okay, tapos na.
Ikot....
Ikot....
Ako ulit! Ano ba naman yan.. Sakin nanaman tumapat yung bote. At dahil truth na pinili ko kanina, pinag-consequence naman nila ko. Pinakuha nila sakin number ni Paolo, pero sorry sila kasi meron na. :D
Pero hindi pa dun natapos. Dahil meron na kong number ni Paolo, iba nalang pinagawa nila sakin. Pinakuha nalang nila sakin number ni Raymond. Nag-isip isip ako, kukunin lang pala e. Madali na yun. :D Kaya pumayag ako.
Tinext ko yung pinsan ni Raymond na friend ko din naman pero hindi kami masyadong close. Hiningi ko yung number at binigay naman nya.
Yiee! May number na ko ng dalawa kong crush. :)))
Tinext ko si Mond. Mond nalang, nakakatamad magtype e. :D Agad naman sya nagreply ng "hu u" Todo reply naman ako. :D
Nung una masungit... Pero di nagtagal bumait na din sya. Pansamantala kong nakalimutan si Paolo. Arooo... Parang kami ah. Hahaha
Sa kasamaang palad, may nililigawan pala si Mond... Ahhhh... :|
Pero okay lang yun, katext ko parin naman sya lagi. Haha Saka hindi naman ako nag-aassume na magustuhan nya o nino man. Dahil hindi naman ako kagandahan. :D
Pero nagulat nalang ako isang araw. Katext ko si Mond... Bigla nalang sya nagtext ng...
-----------------------------------------------
From: Raymond Cruz
143...
O.o Nagulat ako.. Tinext ko sya, baka kako na-wrong send lang. Pero hindi daw..
Huh? Ano naman kaya nakain nito? Baka lasing lang? Hindi rin...
Totoo daw yun sabi nya. Pero hindi ako naniwala.
----------------------------------------------------------
To: Raymond Cruz
Di ba nililigawan mo si Bianca?
-----------------------------------------------------------
From: Raymond Cruz
Hindi na. Matagal na. Ikaw na ngayon ang mahal ko. :)
Simula nun, naging sweet sakin si Raymond. Pero hindi parin ako naniwala sa kanya, baka mamaya nanloloko lang to.
Pero nung tumagal... Naniwala na ko. Kasi sobrang sweet na nya. Kaya parang nahuhulog na din ako sa kanya.
Niligawan nya ko.. After a month, sinagot ko sya. Lagi nya ko hinahatid pag uwian. Tapos nung first monthsary namin, bingyan nya ko ng necklace.
Valentines day. Binigyan nya ko ng boquet. Nasurprise ako. Hindi ko inaasahan yun. Akala ko isang simpleng flower lang ang ibibigay nya. Nakakahiya nga e, Ang dami pang nakatingin nung binigay nya.
Pero may isang problema. Hindi ko alam kung paano ko iuuwi yung flower. Hindi kasi alam ng parents ko. Isip isip... Napagpasyahan ko na sabihin na. Siguro eto na yung time para ipagtapat sa kanila. Sana lang matanggap nila. -__-
Pag-uwi ko sa bahay, hinatid ako ni Rhein. Nagpasama ako sa kanya, hindi ko kasi alam ang gagawin.
Ayun, nasabi ko na. Nung una akala ko okay lang. Pero hindi... Ilang araw akong hindi kinakausap ng parents ko.
Grabe. Mukha akong kawawa. Ang hirap pala ng ganito, yung feeling na parang galit sayo lahat ng tao. Parang wala kang kakampi.
Hindi nagtagal, hindi na rin siguro sila nakatiis, kinausap na nila ko. Balik sa dati. Masaya na ulit. :)
Ngunit, subalit, datapwat, hindi rin nagtagal sa kabilang banda, binreak ako ni Raymond. Ang sakit. T_T First love ko sya, kaya para akong sinukluban ng langit at lupa.
Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. At ang masaklap pa, napakaganda ng reason nya kung bakit nya ko binreak. Kasi DAW, bumalik ang feelings nya kay Bianca. Abaaaa, ano yun parang kalapati lang? Bumabalik kahit saan mo pakawalan? tsss. -____-
Simula non, hindi ko na sya pinapansin. Lagi ko sila nakikita ni Bianca na magkasama. Lagi ko nakikita mga pictures nila sa facebook. Aray. ;(
Hanggang isang araw, nabalitaan ko na nagbreak sila. Kasi daw tinutime sya ni Bianca. Ito naman ay ayon lang sa mga friends ko na mga tsismosa.
Pero dahil sa sakit na ginawa nya sa sakin, tama lang sa kanya yun. Pero may konting awa din naman sa puso ko.
Pero hindi ko na pinansin yon. Lumipas ang panahon.....
*fast forward*
Fourth year high school na ko ngayon. At hanggang ngayon crush ko padin si Paolo. Siguro naman naaalala nyo pa sya? Ang super gwapo ko pading crush. ^^
At si Raymond? ............ Naaalala ko padin syempre. Hindi ko sya makakalimutan dahil minsan din naman syang naging parte ng buhay ko. Naks! ;) Pero aaminin ko, gwapo padin sya. :D :P
Masaya na ulit ako ngayon. Lalo na't madalas kong makatext si Paolo ngayon. ^-^
Sa naranasan ko, may natutunan ko. Sabi nga nila, "Learn from your experiences".
NBSP ako ngayon. No Boyfriend Since Past. XD oha! :P Simula nung kay Raymond, hindi na ulit ako nagboyfriend. Kahit na, may mangilan-ngilan naman na nanliligaw.
Sa ngayon, malaya at masaya akong namumuhay. Hanggang crush lang muna. Hinihintay ko si Mr. Right, at alam ko na darating sya sa takdang panahon. :)
____________________________________________
'yun lamang po! Sana nagustuhan nyo. :)
VOTE COMMENT SHARE
Sana ay natutuhan din kayo sa naging experience ng ating bida. :)
Thankyou for reading! :*
--Princes :]