My GF Is So Panget (Various F...

By PrinceofBanat

1.8M 11.2K 4.4K

Mukhang prinsepe ang lalake. Usap-usapang mangkukulam naman ang babae. Sa mundo kung saan namumuhay ang iba't... More

Prologue and Chapter 1: The Voice
Chapter 2: Beleaguered Prince
Chapter 3: Kiss From A Witch
Chapter 4: Weapon of Miss Destruction
Chapter 5: He Who Persists
Chapter 6: In Action
Chapter 7: To Live with a Witch
Chapter 8: Just Us
Chapter 9: Tell Me Where It Hurts
Chapter 10: Newly Found Wall
Chapter 11: Flash Drive
Chapter 12: The Attack of the Flirting Prince
Chapter 13: The Road
Chapter 14: First 143
Chapter 15: Unsuitable
Chapter 16: First Date with Flirt Mate
Chapter 17: Davember
Chapter 18: The Only Exception
Chapter 19: The Battle
Chapter 20: Broken Friendship
Chapter 21: The Best Joke In Town
Chapter 23: Beauty Over Ordinary
Chapter 24: Relationship Status
Chapter 25: Is There One or None?
Chapter 26: Wake Me Up When September Comes
Chapter 27: Fucking Monthsary
Chapter 28: Ube
Chapter 29: Annoying Call
Chapter 30: Freed from a Fib
Chapter 31: The Decision
Chapter 32: Worst Feeling Ever
Chapter 33: I Love You Versus I Love You Too
Chapter 34: Eclipse
Chapter 35: Fujiwara Effect
Chapter 36: Tears of Joy
Chapter 37: Ube Mooncake
Chapter 38: The Extra Part 1
Chapter 39: The Extra Part 2
Chapter 40: Rainbow
Chapter 41: Compunction of An Ex-Angel
Chapter 42: This Week Is Not Weak To Make Me Miss My Miss
Chapter 43: I Seriously Hate One Lizard
Chapter 44: No More Ube
Chapter 45: One More Lonely Girl
Chapter 46: Lost
Chapter 47: The Longest Word in the World
Chapter 48: Very Weary Christmas
Chapter 49: Silent Lover Here
Chapter 50: A Free Rapunzel
Chapter 51: Doomsday
Chapter 52: Crownless Princess
Chapter 53: Raise the White Flag
Chapter 54: Supernova
Chapter 55: Blood Tension
Chapter 56: Scars of the Stars
Chapter 57: No More Eclipse
Chapter 58: When Fate In Disguise Reveals Reality, It Sucks, Fucks, and Cracks
Chapter 60: Various Ways of Saying I Love You
Epilogue

Chapter 22: My World

31.4K 169 50
By PrinceofBanat

Chapter 22:

Dave

 "Girlfriend ko po -- JOKE lang!" Shit! Wrong move! Ba't ko nasabi 'yun? Kaharap pa si Maggie! Tang ina ka, Dave! Ang tanga mo!

Naglakad nang mabilis si Maggie papunta sa lamesa na na-occupy nila dito sa food court. Arggghhh...obvious naman na na-piss off siya sa ginawa ko. Eh, kasi naman, sina tita at kuya kanina, nakakapanglumo ang paningin. Tssh!

"Maggie, hoy! Nasaan na si Dave" tanong ni Chloe nang makalapit na ako sa kanila.

"Ey!" ang sabi ko.

"Haay, tara na! Bili na tayo ng food" ani Chloe.

Tumayo agad si Maggie at naghanap ng makakain. Ni hindi niya man lang ako tinanong kung anong kakainin ko, o hinintay man lang para sabay kaming pumili at bumilli. Pshh...obvious ba, Dave? Ang galing ng joke mo, eh!

Nagtaka na lang sina Chloe nang biglang umalis si Maggie na parang walang kasamang mga kaibigan. Hindi na lang din ako kumibo. Hinabol ko na lang siya.

"Huy! Anong kakainin mo?" ang tanong ko sa kanya habang tumitingin siya sa menu, pero hindi pa rin siya kumikibo. Hindi rin naman galit ang ekspresyon ng mukha niya -- parang wala lang. Tsk! Mas mahirap 'to. Hindi ko mabasa ang mukha niya. Mas mabuti pa 'yung halatang galit siya para alam ko ang gagawin ko. Hanep, Maggie! Galing mo din magpaespesyal, eh! Tsk. Kasalanan ko din naman kasi--haist!

Nang makapili na si Maggie ay binuksan niya na ang wallet niya para magbayad. Nang makita ko iyon ay agad kong kinuha ang wallet ko para ako na ang magbayad ng pagkain niya.

"Ah, miss, eto 'yung bayad para sa pagkain niya" ang sabi ko.

"Ay, hindi, miss! Ako ang magbabayad" ani Maggie.

Hinablot ko ang pera niya para maipilit kong ako na ang magbayad. Kinuha naman ng cashier ang pera ko at sinuklian, ngunit bago pa ako masuklian ay nakuha na ni Maggie ang tray niya para bumalik sa kinauupuan namin. Nang makuha ko na ang sukli ko ay agad akong sumunod kay Maggie para kuhanin ang tray niya nang madala ko, pero hindi niya pa rin ako pinapansin. BAD TRIP! Napaka suplada! Nakakainis na! Pinabayaan ko na lang siya at naghanap na rin ako nang makakain.

Tahimik kaming kumaing dalawa ni Maggie. Siguro napansin din iyon ng grupo, pero hindi lang nila pinag-uukulan ng atensyon. Ang awkward--walang pansinan.

Nang matapos kaming kumain ay nagyaya si Chloe na mag-arcade.

Naisipan ko na rin na pansinin uli si Maggie, dahil sa totoo lang, ako naman talaga ang may kasalanan. "Maggie, tara laro muna tayo."

"Ah, Chloe. Dito na lang ako, mag-aaral na lang ako." Wow! Ako ang nagtanong, si Chloe ang sinagot.

"Sige, Chloe. Dito na lang din ako, kayo na lang muna ang maglaro" ang sabi ko.

"Sige, Chloe. Sasama na lang pala ako. Boring mag-aral" ang sabi naman ni Maggie. Nakikipag-asaran ba siya sa akin?

"My Gawwwd!!! Tigilan niyo akong dalawa! Kung LQ kayo--bahala kayong dalawa diyan! Danny, Don, let's go!" Nagpaalam na sila at iniwan kami.

Nang makaalis sila ay hindi pa rin kami agad nagkibuan ni Maggie. Pinakiramdaman ko muna kung saan siya pupunta, kung aalis ba siya o titigil dito para talaga mag-aral. Nang tumayo siya, agad din akong tumayo.

"Magsi-CR lang ako, Dave! H'wag kang OA!" Yes, kinibo niya na ako!

"Hindi na. Mahirap na, baka iwanan mo lang ako dito. Sasama ako!"

Inirapan niya lang ako. Ngayon ko lang yata siya nakitang ganito ka-bad mood. Teka! Baka meron siya ngayon kaya sobrang bad trip siya ngayon?

"Meron ka ba?" ang tanong ko. Inirapan niya lang uli ako at nagbuntong-hininga sa huli kong tanong

Haay, Dave! Kung anu-anong rason ang iniisip mo, eh, ikaw--oo, ikaw ang may kasalanan!

Nagsalita siya uli. "Dito ka lang. Bantayan mo 'yang mga gamit ko. Magsi-CR lang ako." Hindi nya nga dinala ang mga gamit niya, naisipan kong nagsasabi siya ng totoo, kaya umupo na lang uli ako para maghintay.

15 minutes na ang lumipas...

30 minutes...

45 minutes...

1 hour... Nag-ano ba si Maggie sa C.R.? Nag-jebs? O baka naman kung saan lang siya nagpunta. Paano 'tong bag niya? Dalhin ko na lang kaya para hanapin siya? Binitbit ko ang bag niya para hintayin siyang lumabas mula sa C.R. na malapit sa food court. 15 minutes na ang lumipas, walang Maggie ang lumabas. Nag-text ako sa kanya, pero hindi siya nag-reply. Tumawag din ako, hindi niya din sinasagot. Nagtanong rin ako kina Chloe, pero hindi rin sila nagre-reply o sumasagot. Nag-ikot-ikot ako para hanapin si Maggie, pero wala, hindi ko siya makita. Naisipan kong puntahan sina Don sa arcade, dahil baka dun din dumeretso si Maggie, pero nang mapadaan uli ako sa food court ay nakita ko siya, nakaupong mag-isa sa isang bench habang nagbabasa ng isang paperback novel. Hindi ko yata napansin na may dala siyang libro kanina. Lumapit ako sa kanya at tumabi.

"Grabe ka naman! Sabi mo magsi-CR ka lang. Hindi ka pa nag-reply sa text ko o sumagot man lang sa tawag ko" ang sabi ko nang tabihan ko siya sa bench.

Hindi siya kumibo. Para akong nagsalita sa hangin.

"Hi, miss!"

"Uy!" Tinapik ko ang braso niya. Wala. Wala pa rin siyang reaksyon.

Naisipan ko na lang magbiro sa kanya. Baka sakaling mapatawa ko siya. Mabuti na lang at nagbasa-basa ako ng mga jokes kagabi bago ako matulog. Sigurado ako, matatawa siya.

"Maggie, may tanong ako. Uy, sagutin mo, ha! Kapag nasagot mo ng tama, ki-kiss kita! Uy!" Tinapik ko siya uli, saka ako nagpatuloy. "Ito, ha! Kung kulay pula si Jollibee, ano ba talaga siya, bubuyog o langgam?" Natawa ako bigla sa tanong ko! HAHAHA. Tang ina! Ako lang ang natawa, hindi siya tumawa kaya bigla akong napahiya.

"Ah, eto na lang. Maggie, kaano-ano ni Dora The Explorer si Internet Explorer? HAHAHA. Uyy, tatawa na 'yan! Hindi ka natawa? Nakakatawa naman 'yun, 'di ba?" Shit! Napapahiya na ako.

"Eto pa, Maggie! Ano ang hayop na sumasabog? Edi...pagoooooooong!!! HAHAHA" Yes, nakita ko 'yun. Ngumiti siya ng kaunti. Pinipigilan niya lang ang pagtawa.

"Isa pa. Anong hayop ang hindi tinatablan ng bala? Edi....pating! TING! TING!" Nag-act pa ako na animo'y umiiwas na matamaan ng bala! Hindi siya natawa. OK! Korni nga 'yung pating! Takte! Ang hirap mag-isip ng joke! Napakamot tuloy ako ng ulo bigla.

"Maggie, alam mo ba kung ano ang hayop na nagbi-brief? Edi...BIRD! HAHAHA" Napa-smile uli siya! Two points na ako, yes!

"Akin na 'yang bag ko" ang bigla niyang sinabi sa akin.

"Ayoko nga. Baka mag-walk out ka bigla."

"May kukuhanin lang ako."

"Kutsilyo? Hala, Maggie! Bad 'yan!"

"Last mo na 'yan! Ang korni mo! May mga joke na nakakatawa kahit korni, pero 'yung sa'yo, nakakabanas! Akin na ang bag ko!" Binigay ko sa kanya ang bag niya at kinuha niya ang I-Pod niya. Hmmm...alam ko na. Maglalagay siya ng earphones para hindi niya ako marinig. Ang taray niya ngayon, shit!

Nakaisip naman ako agad ng panibagong act. Kinuha ko ang notebook at ballpen ko at nagsulat ako dun ng "Kailan at saan grumaduate ang graduated cylinder? Ikwento nang buo ang history nito." Pinilas ko ang papel na sinulatan ko sa notebook ko at ipinabasa kay Maggie. Binasa niya naman pero tumingin lang siya sa akin ng hindi maganda bilang response.

Nag-smile lang ako. Nagpa-cute. Alam kong mapapangiti ko din siya. TADAAA! Hindi siya nag-smile, kundi itinuloy niya lang ang pagbasa ng libro.

Nagsulat uli ako sa papel ng "Nage-evaporate din ba ang evaporating dish?" Ipinabasa ko uli sa kanya at nang mabasa niya ay kumuha siya ng ballpen--red ballpen, sasaksakin niya ba ako? NGAAK!!! O-A!

Hinablot niya ang notebook ko at nagsulat siya. Nang matapos siyang magsulat ay ipinabasa niya agad ito sa akin.

"HU U?" Puchaaa! Akala niya siguro mapipikon ako sa ganito. Nagsulat ako sa ilalim ng sinulatan niya ng "Hi, I'm Dave! I'm your boyfriend!" Ipinabasa ko ito sa kanya at nang mabasa niya na ang reply ko, nagsulat siya agad ng reply niya. Nagulat ako sa reply niya, talagang idinugsong niya pa ito sa reply ko. Isang salita, apat na letra, all-caps pa, na naging dahilan para mapahiya ako.

Ano ang idinugtong niya sa "Hi, I'm Dave. I'm your boyfriend"? -- isang malaking J-O-K-E!

Naalala ko na naman ang maling nasabi ko kanina. Nang mabasa ko ito ay bigla akong natahimik--pakiramdam ko ang sama-sama ko.

Nakatitig sa akin si Maggie--dismayadong paningin. Hindi ako makangiti para magpa-cute sa kanya, at hindi rin ako makapagsalita.

Maggie

Kanina pa akong inaamo ni Dave -- hindi -- nilalambing niya ako, mas masarap sabihin 'to, at least kahit paano gumagaan ang loob ko. Gusto ko siyang pahirapan, pero ang totoo, ako ang nahihirapan. Kanina ko pa gustong tawanan ang mga jokes niya. Ang kokorni pero hindi ko alam kung bakit bentang-benta sa akin. Marahil tama nga ang sinasabi nila na kapag gusto mo daw ang isang tao, lahat ng biro, kahit panis na, bibilhin mo talaga!

Gustong-gusto ko siya. Mali. Mahal ko na talaga siya. Ayoko. Ayokong bumigay agad. Pinabigat niya ang loob ko kanina. Dapat makaganti ako sa kanya. Pero, Daddy Lordie, ang hirap po! Ganito kagwapo ba naman ang haharap sa'yo, hindi ka agad bibigay? Ngumiti o sumimangot, mukha pa ring anghel! Nakakainis ka Dave! Hindi ako tatawa. Hindi. Sumimangot ka Maggie, itodo mo pa!

Habang nakatitig ako ng masama kay Dave ay inulit-ulit ko sa utak ko ang sinabi niya kaninang "Girlfriend ko po--JOKE lang! Girlfriend ko po--JOKE lang! Girlfriend ko po--JOKE lang!"

Pucha talaga--ang sakit! Bakit kasi ganun? Nang maalala ko ang sakit, agad kong ibinalik ang atensyon ko sa librong binabasa ko, pero this time -- hindi ko na maintindihan ang binabasa ko -- dahil damang-dama ko 'yung kahihiyan, 'yung feeling na hindi ako kayang ipagmalaki ng boyfriend ko, 'yung feeling na wala akong mukha, lahat ng 'yun ay damang-dama ko.

Nararamdaman ko ang init sa mga mata ko, at ang pisngi ko, biglang parang may kuryenteng dumaan; tapos 'yung dibdib ko, ang bigat-bigat, parang walang hangin ang pumapasok sa lungs ko, at nang bigla ay nagsalita si Dave...

"Sorry..." mahina niyang sinabi.

Dave, lintik ka! Iyan lang ang hinihintay ko kanina pa! Mag-sorry ka lang! Iyan lang, iyan lang ang kailangan kong marinig para makahinga na ako nang maluwag, pero hindi ko pa rin napigilan, bumagsak ang luha ko sa kaliwang mata ko na agad kong pinunasan para hindi niya makita.

"Sorry na, Maggie. Kasalanan ko. Hindi tama 'yung nasabi ko kanina."

Gusto ko na siyang harapin at patawarin, pero alam kong hindi pa dapat. Kailangan niya pang mag-explain, at kailangan kong maramdaman ang sincerity niya.

"Sorry..kasi nakita mo naman kanina kung paano nila tayo tignan, nina tita at kuya, ang sama! Sorry kung ganun 'yung relatives ko. Sorry sa nasabi ko kanina --"

Hinarap ko siya bigla at pinaghahampas ko nang paulit-ulit ang braso niya hanggang sa sumakit 'yung kamay ko. Hindi ko na rin namalayan na umiiyak na pala ako at pasinghot-singhot pa na parang sinisipon habang hinahampas siya, pagkatapos ay tumalikod uli ako sa kanya. Hinubad ko na ang earphones ko na sa totoo lang ay naka-mute, kaya patuloy ko pa ring naririnig ang mga sinasabi niya, saka ko pinunasan ang mga luha ko. Sinarhan ko na rin ang librong binabasa ko at ipinasok sa bag ko. Kumuha ako ng tissue para punasan ang luha sa ilong ko. Kinuha ko rin ang phone ko at naghanap ng games na malalaro para ma-divert 'yung atensyon ko mula sa pag-iyak.

"Uy, Maggie, sorry na! Kausapin mo na ako. Nag-sorry na nga ako, eh. Ano pa bang dapat kong gawin para kausapin mo na ako?"

"Isigaw mo sa buong mundo na ako ang girlfriend mo!" Oh, 'di ba? Ang arte ko lang.

"Huh? Ang O.A naman nun!"

"Kita mo na! H'wag mo akong kausapin hanggang hindi mo ginagawa 'yun!"

"ABA!" Tumaas 'yung boses at balikat niya at siya na ngayon ang galit. Nagulat ako sa kanya, at bigla niyang itinuloy ang sasabihin niya nang may kalakasan ang boses. "Kung ayaw mo akong kausapin, edi ----" Nag-pause siya at biglang bumaba ang kanyang balikat na nangangahulugan ng pagkalma niya at ituloy ang "---- please -- gustuhin mo na! Kausapin mo na ako!"

Shit! Leche ka, Dave! Akala ko talaga, sisigawan niya ako ng "Kunga ayaw mo akong kausapin, edi wag!" at saka siya magwo-walk outmali pala. "Kung ayaw mo akong kausapin, edi, please, gustuhin mo" ang sabi niya. Ang kyoooottt!!! Kainis!

Bigla akong natawa at dahil nga biglang nawala 'yung sobra kong pagkainis sa kanya, hinampas ko siya uli sa braso niya.

"Aray...tama na! Quota ka na sa panghahampas! Eee...tumawa ka na, edi bati na tayo?!"

"TSEH!" Tumalikod ako sa kanya.

"Sige na, Maggie, bati na tayooo" he sounds like a kid, leche! Hinarap ko siya uli. Ang cute niya talaga, kaya hindi ko na napigilan ang ngumiti! Pinisil ko ang ilong niya.

"Aaaahhh" lang ang rekasyon niya at nag-smile siya uli kaya lalo pa tuloy akong napangiti.

"Oo na! Basta, h'wag mo nang uulitin, ha!" ang bilin ko sa kanya.

"Promise!" Tinaas niya pa ang kanang kamay niya as a sign of pledge. "Para maniwala ka, sasabihin ko sa buong mundo, ngayon na mismo, na ikaw ang girlfriend ko."

"Huh? Teka! Joke lang 'yung kanina. Nakakahiya."

"Hindi, sige na, sasabihin ko sa buong mundo--ehem!" Umubo-ubo pa siya para mag-modulate ng boses saka nagpatuloy sa harap ko "Hey, Ako si David Angeles de los Santos, ipinapaalam ko sa buong mundo na si Maria Grace Isidro Evangelista ay girlfriend ko" ang mahina niyang sinabi sa akin.

Nag-practice pa talaga, ha. Pshh. Naghintay lang ako kung gagawin niya nga ba talaga. Ngumiti lang siya at hindi na nagsalita. Sus! Wala pala, eh! Hanggang salita lang.

"Sabi na, eh, hindi mo kaya. Nahihiya ka talaga, 'no? OK lang. I understand" ang sabi ko.

"Anong hindi kaya?"

Hindi ako sumagot.

"Nagawa ko na, ah? Nasabi ko na sa buong mundo na ikaw ang girlfriend ko."

"Huh? Sa akin mo lang sinabi, 'di ba?"

"Oo, sa'yo ko lang sinabi kasi ikaw ang buong mundo ko!"

...bigla na lang akong napatigil sa paghinga sa sinabi niya...

"aylabyu!" ang dagdag niya. Shit! Parang wala lang nangyare.

"alabyutoo!" ang bulong ko.

"Ano?"

"Anla, ang bingi, eh! Aylabyutoo nga!" Nahihirapan talaga akong huminga. Pinipigilan ko ang kilig na nararamdaman ko.

"Eee..." tinusok-tusok niya ako sa tagiliran ko. Bwisit, alam na alam niya talaga ang kiliti ko.

Hinampas ko siya sa mukha nang mahina lang at gumanti siya ng pangingiliti sa akin. Kinikiliti niya na naman ako sa may bewang ko. Ang problema, bigla kong napansin si lola habang nakatayo sa harap namin ni Dave habang kami'y naghaharutan. Ang sama ng tingin niya kaya pinatigil ko si Dave sa pangigiliti sa akin.

"Dave, tama na! Nakakahiya, oh" ang sabi ko, at ibunulong ko kay Dave ang "may matandang nakatingin sa atin. Baka isipin ang lalandi natin."

"Hi po!"  nag-wave pa si Dave kay lola. Hinampas ko siya uli dahil dun.

"Girlfriend ko po" ang sabi niya sa matandang nakatingin habang tinuturo niya ako. "Hindi po ako nagjo-joke!" ang dagdag niya pa. Nag-walk ang matanda. Wala na. Wala na akong masabe. Basta naka-smile na lang ako. Bakit ba siya ang boyfriend ko?

Dave

Naging mabilis lang ang tampuhan nami ni Maggie. Pagkatapos naming magbati, wala na kaming ginawa kundi magkulitan, magharutan, kumain, at magpa-picture.

Kakaiba 'yung sayang nararamdaman ko ngayon, hindi lang dahil nagkabati kami agad, kundi dahil na rin sa pakiramdam na kapag kasama ko si Maggie, parang wala lang--hindi ko ma-explain. Ewan! Aware ako na niligawan ko lang siya para alamin ang totoo kung kinukulam niya lang ba talaga ako, at higit sa lahat, para pagselosin si Lani, but this time, hindi ko alam kung bakit siya ba ang girlfriend ko. Bakit ba siya ang girlfriend ko?

Maggie

Nag-text na naman sa akin si Allan ng tungkol sa mga nangyari sa school kanina. Sabi niya ipi-PM niya daw sa akin ang mga assignments at topics sa bawat subect namin mamaya sa Facebook. Haay, thankful talaga ako sa kanya. Actually, hindi naman kami nag-uusap ni Allan sa school, eh. Ngayon lang talaga kami nagkakausap, sa text pa. Nang makapag-reply na ako ng pasasalamat kay Allan ay bigla kong nakita ang date ngayong araw --  today is November 23 -- 24 bukas, natural, so it means -- napatingin na lang ako kay Dave at ngumiti. 

Dave

Nang mag-text na sa amin sina Don-Don na bumalik na raw silang tatlo sa food court ay agad namin silang pinuntahan. Naabutan namin silang nagsa-snacks.

"Guys, ano? 5pm na, uwi na tayo" ani Daniel.

"Teka, bati na ba kayo?" ang tanong ni Chloe.

Tumango lang kaming dalawa. I get it. Kaya hindi nila kami pinapansin sa text ay para mabigyan kaming dalawa ni Maggie ng sariling oras para sa isa't-isa.

Nang matapos nang mag-snacks sina Chloe ay nag-ayos na rin kami ng mga gamit namin para makauwi na.

"Guys, nag-text uli si Allan. Ipi-PM niya na lang daw sa akin mamaya sa Facebook ang mga assignments natin" ani Maggie.

"Haay, Maggie. Day 1 pa lang ng suspension natin. Can't we just enjoy the first few days of it? Puro ka aral, hindi ka naman magiging Valedictorian niyan kasi wala ka sa Pope section" ang sabi ni Don-Don. Lintik talaga 'tong lalakeng 'to sa kaprangkahan, oh!

"Don" ang mapagbanta kong sabi sa kanya.

Nag-shrug lang siya.

"Um, Maggie, don't mind that asshole. Sige, i-PM mo din ako, ha" ang sabi ni Chloe.

"Siyempre naman, Chlow. Ah, Don, FYI, hindi ako nag-aaral para maging Valedictorian o maging honor student. Nag-aaral ako kasi I enjoy it, kung hindi mo na e-enjoy ang pag-aaral, h'wag mo akong itulad sa'yo" ang sagot ni Maggie.

"Hep -- " alam kong sasagot pa si Don-Don kay Maggie kaya pinutol ko siya agad. "Tama na Don! Ikaw naman, Maggie, h'wag mo nang patulan ang ungas na 'yan. Tara na, uwi na tayo."

Nag-commute lang kami pauwi. Hindi ko na naihatid si Maggie sa kanila dahil late na rin.

Nang makauwi ako ay hinanap ko agad si mommy. Nadatnan ko siya sa Lanai habang nakikipag-usap sa mga  kasambahay, at nang papalapit na ako ay may narinig ako. Narinig kong ako ang pinag-uusapan nila, kaya nagdahan-dahan akong lumapit at nagtago sa may malaking halaman para mag-eavesdrop.

"Oo nga po, ma'am. Ibang-iba si sir Dave ngayon. Naabutan ko pa nga po siyang nagsasayaw, eh."

"Lisa, talent na talaga ni Dave ang pagsasayaw" ang sabi ni mommy.

"Ma'am, hindi po, ibig kong sabihin, sayaw na pakembot-kembot, 'yung masaya po, 'yung parang in love, 'yung kagaya kay Dao Ming Xi sa Meteor Garden...eee..'di ba, manang Els, napanuod mo ba 'yon?"

"Lisa, h'wag mo ngang idinadamay si manang Elsa sa kaartehan mo!" ang sabi ni mama.

"Kita niyo pati, ma'am, palagi na lang humahalik at yumayakap sa inyo si Dave. Ganyan siya kapag masaya, 'di ba?!" ani yaya Elsa.

"Alam ko, manang Elsa. Halata ko din 'yan, matagal na. Ganyan 'yang si Dave kapag masaya, masyadong clingy. Hindi ko nga lang ma-timing-an para makakwentuhan. Ang tinatanong ko sa inyo, kung may kakaiba ba siyang kinikilos? Kasi 'yang mga kinuwento niyo, alam ko na 'yan. Ganyan si Dave kapag masaya."

"Eh, ma'am, hindi ka rin namin maintidihan. Ano po bang kakaiba ang ibig niyong sabihin? Iyon po bang parang baliw? O parang may sinisikreto? O parang kinukulam? O parang may sakit? Ano po ba?"

"Iyon, Lisa! Natumbok mo!"

"Ang ano po?"

"May nakausap kasi akong magulang ng school mate ni Dave."

PATAY! ALAM NA NI MOMMY NA SUSPENDED AKO?

"Sabi niya, ang anak ko daw may girlfriend na mangkukulam, from Siquijor daw."

"Hala, ma'am! Marami talaga dung mga mambabarang. Hala! Sa amin nga din sa Negros, marami rin, eh." ani Lisa.

"Kaya nga tinatanong ko sa inyo, may mga weird things ba kayong napapansin kay Dave lately? Kasi ako, wala."

"Ako, ma'am, basta 'yung sinabi ko po kanina, 'yun lang po ang napansin ko" sabi ni Lisa habang si yaya Elsa naman ay nag-shrug na lang at hindi na kumibo.

Akala ko, tungkol sa suspension namin ang nalaman ni mommy, hindi pala. Ang problema, alam niya na ang tungkol kay Maggie. Hindi pa ako handang ipakilala sa kanya si Maggie. Naalala ko tuloy ang tingin kanina nina tita at kuya kay Maggie.

Nang akmang aalis na ako ay bigla kong narinig ang kasunod na sinabi ni mommy.

"Actually, nakita ko na 'yung girl sa Facebook. Hindi maganda" ani mommy.

Nagulat ako sa sinabi ni mommy kaya nagmadali akong umalis papunta sa kwarto ko.

Itutuloy...

Anong meron bukas, November 24?

At ano na ang mangyayari sa love team nina Dave at Maggie ngayong alam na ito ni mommy? Kontrabida ba si mommy o supportive character? haha XDD

Acknowledgment: some of the jokes used in this chapter are extracted form twitter hashtag #RejectedUPCATEssayQuestions that's why it's already WALEY! HAHAHAHA XDD HAPPY READING. THANK YOU! 

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
649K 1.5K 101
Mga storyang watty na kinatuwaan ko... >..< note: all stories posted here were already COMPLETED!
173K 523 5
Ang magkakaibigang si Sly Patrick Buenavista at Monique Reyes ay nagkaroon ng mga karelasyon ngunit hanggang kailan itatago ng bawat isa ang kaibutur...
68K 1.9K 59
*Tagalog and English Georgina Sapphire Earnhart. A lady in her name, but a boyish girl in heart. A Gangster Queen of Black Tetta gang, one of the mos...