Ms. Officer on Duty

By Artasia_Aquila

115K 4.4K 612

Isang dalagang Police Officer si Alexis Ryzzy Valdemor . Siya ay nakapagtapos ng pag-aaral sa Philippine Nati... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Announcement

Chapter 38

1.4K 33 3
By Artasia_Aquila

Chapter 38: Behind the Mask

Naipadala ko na kay Travis ang mga larawan na kinuha ko, para maidentify niya kung anong grupo ba galing ang mga nakasagupa namin. Nakahanda na rin sina Aliah at Storm, nakasuot na rin ang mga ito ng komportableng mga damit.

“Kailangan na nating umalis.”

“Saan tayo dadaan sa bintana o sa pinto?” saad ni Storm.

“Sa bintana.” matipid kong saad at nauna ng bumaba.

Madali lang naman kaming nakababa, dahil may kababaan lang naman ang aming tinalunan. Nag-umpisa na kaming libutin ang buong school. Nakakapagtaka lang na wala ni isang studyante ang nakita namin sa mga room.

Tanging sa gymnasium ng school na lang kami hindi nagagawi. Ang gymnasium nga pala ay katapat ang building of engineering.  Napakatahimik ng buong school, at may pailan-ilan pa kaming nakitang mga lalaking nakamaskara na may mga dalang matataas na calibre ng baril.

Napagpasiyahan din namin na sundan ang mga ito, tama nga ang hinala namin ng pumasok ito sa gymnasium. Umakyat ako sa isa sa mga puno malapit sa bintana ng gymnasium.

Nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ang mga studyante na nasa loob nito at may mga nakatutok sa kanilang baril. Nang makababa ako ay wala na sila Aliah at Storm kung saan ko sila iniwan.

Aish! Nasaan na ba yung dalawa?

Inilibot ko ang aking tingin at nagulat akong makita silang dalawa sa tapat ng malaking pinto ng gymnasium. Mabilis akong tumakbo ng makita ko silang bumwelo para sipain ang pinto ng gymnasium.

Mga pasaway talaga!

Hindi ko na sila napigilan pa at ang marahas na pagbukas ng pintuan. Tumambad naman sa amin ang mga studyante at mga ilang mga guro na nakagapos. Naalarma rin ang mga lalaking may taban na mga baril, agad nilang itinutok sa aming tatlo ang kanilang mga baril.

Hindi naman kami natinag at nakipagtutukan rin ng baril. Sa tingin ko ay lampas sa labindalawa ang mga kalaban namin at may hawak na mataas ng calibre ng baril. Nagkatinginan kaming tatlo at sabay-sabay bumaril. Gumulong naman kami para maiwasan ang mga balang pinapaulan ng kabilang panig.

Nakakatama kami, ngunit masasabi kong hindi sa fatal area. Nahihirapan kaming bumaril lalo na't madaming civilian sa loob. Napangiti na lang kami ng unti-unting tumumba ang ilan sa mga kalaban. Alam Kong hindi namin kagagawan ang pagtumba ng mga ito, kundi sa isang bihasa sa long range na pagbaril.

Sniper.

Lumabas na kami at nagpaulan ng bala. Unti-unti na ring nauubos ang mga kalaban, nakita ko rin na kumilos ang ibang mga mag-aaral para tulungan ang mga nakagapos. Napansin ko rin na may ilang natamaan, mabilis akong kumilos para mapatamaan ang iba pang mga kalaban.

Agad naman kaming lumapit ng masigurado naming wala na ang mga kalaban. Agad hinanap ng mata ko sila Caleb at iba pang mga taong napalapit na sa akin.

Nakita ko naman sila Alexander at Rio, palapit ito sa amin at bakas sa mga mukha nila ang pagkabigla. Hindi ko naman makita sa paligid miski ang anino nila Caleb at Tyronne pati na rin si Red.

“Sino ka ba talaga?” tanong na binungad sa akin ni Alexander.

“Alexis Ryzzy Valdemor, Police Senior Inspector.”

Napailing na lang si Alexander at dahan-dahang akong tinalikuran. Parang dinurog ang puso ko sa naging reaction ng isa sa mga naging kaibigan ko dito sa school.

“All this time niloloko niyo lang pala kami.” malakas na saad naman ni Rio at dinuro kaming tatlo.

Nagulat naman ako ng akmang lalapit si Storm dito, ngunit agad siyang dinuro ng binata. Mahahalata naman sa mata ni Storm na nasasaktan siya.

“Nandito kami para tulungan kayo, Rio.” pagpapaliwanag ni Storm. Ngayon ko lang nakita ang soft side ni Storm, at hindi ko inaasahan sa ganitong pagkakataon pa.

“So, all this time nagpapanggap ka na masaya ka kapag kasama mo ako? Trabaho lang ba ang lahat?” labis ang galit sa mga mata ni Rio. Nakita ko pa ang unti-unting pagluha nito.

Kung wala lang sana kami sa ganitong sitwasyon ay kikiligin ako para kay Storm dahil may tao na nagkakagusto sa kaniya. Pero dahil nasa mission kami, hindi namin pwede unahin ang personal na nararamdaman namin.

Bumalik na muli ang pagiging cold ni Storm. “Kinailangan lang kitang lapitan para makakuha ng impormasyon.” napalunok pa ito ng ilang beses kaya mahahalata mo na nagsisinungaling siya.

Tumalikod na ito at nilapitan ang mga lalaking nakalaban namin kanina, inimbestigahan kung may makukuha siyang impormasyon. Nalungkot naman ako ng makita kong mapaluhod na lang si Rio habang lumuluha.

“Rio, I need you to cooperate. Nasaan si Caleb?”

Tinabig niya lang ang kamay ko na nakahawak sa kaniyang balikat. Napangisi lang ito at napailing.

“Hindi ko alam kung nasaan ang demonyong iyon!” bakas sa pananalita nito ang galit.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lang ang galit ni Rio para sa kaibigan niya. Hindi ko alam kung saan siya humuhugot ng galit.

“Anong ibig mong sabihin, Rio?”

Bago pa man siya makapagsalita ay nakarinig kami ng sunod-sunod na putok ng baril. Nanlaki naman ang mata ko ng natumba si Rio at may dugong lumabas sa bibig nito.

“Rio, gumising ka. Dadalhin ka namin sa hospital. Tulungan niyo kami.” nanginginig ang mga kamay ko habang tinatapik ang pisngi ni Rio.

Lumapit naman sa amin si Storm na tulala habang may mga luhang tumulo sa kaniyang mata. Hinaplos niya ang mukha ni Rio na ngayon nahihirapan na sa paghinga.

“Mahal kita, Rio. Lumaban ka, dadalhin ka namin sa hospital.”

Patuloy naman ang pagtulo ng luha nilang dalawa. Bago pa, ipikit ni Rio ang kaniyang mata isang ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi.

“Rio!”

Dumating naman si Alexander at agad pinasan ang kaibigan. Nagmamadali namin tinungo ang pintuan ng gymnasium.

“Sinong nagsabing pwede kayong umalis.”

Napatigil naman kaming lahat ng tumambad sa amin ang sandamukal na mga lalaking nakaitim na may dalang mga baril. Napakunot na lang ang aking noo ng mahawi sila sa gitna at iluwa ang taong matagal ko ng inaasahan na isa sa mga taong nasa likod nito.

“Red.” puno ng gulat si Alexander na makita ang kaniyang kapatid.

“It's nice to see you again, Alexander.” gumuhit ang malademonyong ngiti sa labi nito.

“Hindi ikaw ang kaibigan namin! Nasaan si Red?” 

“Oh! Nakaka believe ka naman, Alexander. Ikaw lang atang nakahalatang hindi ako ang kaibigan mo. Huwag ka mag-alala nagpapahinga lang ang kapatid ko.”

“Anong ginawa mo sa kaniya, Nasser?”

“Pinatulog ko muna masyado kasing pakialamero.”

Naalarma naman kami sa kalagayan ngayon ni Rio, madami ng dugo ang nawawala sa kaniya dapat na siyang madala sa hospital. Nakita ko ang pagtiim bagang ni Alexander. Sigurado akong sa aming lahat siya ang pinaka nag-aalala sa kalagayan ng kaniyang kaibigan.

“Padaanin mo ako, Nasser. Kailangan ko siyang dalhin sa hospital.”

“Hayaan mo na 'yang mamatay. Mamamatay din naman kayong lahat dito.” nagsindi pa ito ng kaniyang sigarilyo.

Nagulat naman kami ng magpaputok ng baril si Storm patungo sa gawi nitong kapatid ni Red. Humalakhak lang ito at itinaas ang damit kaya tumambad sa amin ang suot nitong bulletproof vest.

“Padaanin niyo kami!” puno na ng galit ang tinig ni Storm.

“Subukan niyong lumabas dito sa pintuan kung kaya niyo.” halata sa tono ng pananalita nito ang pang-aasar.

“Nasser!” umalingawngaw ang tinig ng isang lalaking may suot din na maskara ngunit naiiba ang postura nito sa mga lalaking may dala ng mataas na calibre ng baril.

Napatitig ako sa lalaking ito, parang pamilyar siya. Agad naman nagbigay galang sa kaniya ang lalaking may pulang buhok at iba pa nilang tauhan.

Sino ka?

“Kunin niyo ang sugatan at dalhin sa hospital.”

“Pero boss!” pag-angal pa nito.

“Sundin mo ang sinabi ko.” muling umalingawngaw ang boses nito sa loob ng gymnasium.

“Kuhanin niyo na yung nabaril at dalhin sa hospital.” utos ni Nasser sa kaniyang mga tauhan.

Hindi na rin kami tumanggi pa at hinayaan na lang namin na dalhin si Rio. Wala rin naman kaming magagawa kung magmamatigas pa kami.

Bakit sa tingin ko hindi siya masamang tao.

Nagulat ako ng ibaling nito sa akin ang kaniyang tingin. Tinitigan ako nito ng matagal at ganoon din ako sa kaniya. Napaluha na lang ako ng makilala ko ang lalaking nasa likod ng maskara.
















Itutuloy...
---------

Wala akong masabi hahaha. Malapit na matapos ang librong ito at sana magustuhan niyo ang ending. Balak ko rin maglagay ng special chapters kapag sinipag ako. Hahaha

Don't forget to vote, comment and share.

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
62.5K 1.9K 55
Aral..trabaho..bahay. Doon lang umiikot ang buhay ni Riana, the school nerd. Paano nga ba niya ihahandle ang isang Carl Anton na pinakaguwapong lalak...
538K 1K 5
Love is a sacred feeling. It is a combination of trust and faith for all creatures. But what if the one you love betrays you? Amara Dale is the best...