Stay awake, Agatha (PUBLISHED...

By Serialsleeper

35.1M 1.2M 570K

Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the... More

Stay awake, Agatha.
Epigraph
1 : Her name is Agatha
2 : That idiot named Cooper
3 : New kid on the ward
4 : Of breakdowns and Ice cream
5 : Menace
6 : That awkward moment
7 : The challenge.
8 : The real Cooper Alvarez
9 : Pushing Daisies?
10 : Stimulants
11 : The Boyfriend Commandments
12 : Stay close and don't let go
13 : It's too late
14 : The Stranger
15 : Long time no see
16 : Stay Away Agatha
17 : The truth about us
18 : The last chance
19 : The real jerks
20 : Because she stayed awake
21 : The Fool's move
22 : Back to square one
23 : Don't forget
24 : To-get-her
25 : Yet another star-crossed couple
26 : Nothing
28 : Struck by Truth
29 : Three words she just cant say
30 : Nothing's well in farewell
31 : The road to you
Epilogue.
Author's Note
The Lost Chapter
BOOK RELEASE AND BOOK SIGNING EVENT ON DAVAO CITY!

27 : As long as

689K 29.3K 8.9K
By Serialsleeper

27.

As long as

Third Person's POV


Napahikab si Agatha nang makitang magha-hatinggabi na. Buong araw silang namasyal ni Cooper kaya hindi na niya mapigilan pa ang pagod at antok kaya matapos magdasal ay naghanda na siya para matulog.

Hihiga na sana siya sa kama niya nang bigla na lamang pumasok ng kwarto niya si Cooper at dali-dali itong humiga ng patagilid sa kama niya.

"Matutulog ka na?" Nakangiting sambit ni Cooper habang nakapatong ang ulo sa sariling kamay.

"Uh? Yes?" Sarcastic na sambit ni Agatha habang pabirong tinataasan ng kilay ang binata.

"Halika matulog na tayo." Sabi pa ni Cooper at tinapik ng bahagya ang mahabang unan ni Agatha kaya napalitan ang ngiti sa mukha ni Agatha ng pagtataka.

"Tayo? Hoy lumabas ka na nga." Kunot-noong sambit ni Agatha pero umiling lamang si Cooper at humagikgik.

"Di pwede. Simula ngayon, iisa nalang ang kwarto natin. May mabait kasing gumagamit ngayon sa kwarto ko." Pangangatwiran nito habang may pilyong ngiti sa mukha niya kaya lalong naguluhan si Agatha at lumabas na lamang upang magtungo sa kwarto ni Cooper.

Hindi nga nagsisinungaling ang binata dahil agad na tumambad kay Agatha ang isang lalaking nakaratay sa kama nang makapasok sa kwarto nito.

"He's on coma. Nobody knows who he is pero mabuti nalang at shino-shoulder ng mayor ang hospital expenses niya." Paliwanag ni Cooper na sinundan pala ang dalaga.

"Anong nangyari sa kanya? Wala ba siyang ID o wallet man lang?" Nanlulumong sambit ni Agatha habang pinagmamasdan ang nakakaawang lagay ng lalaking tadtad ng sugat ang mukha at mga braso habang marami namang nakakabit na tubo sa bibig nito.

"Relo lang daw ang nakitang pagkakakilanlan sa kanya pero wala parin silang nahanap na lead. Wala narin ang wallet niya kaya sa tingin ng mga pulis na nagdala dito sa kanya, naholdap siya." Sabi pa ni Cooper kaya napabuntong-hininga na lamang si Agatha at tumango-tango. Wala siyang magawa kundi bumalik na lamang sa sariling kwarto si Agatha nang biglang may sumagi sa isipan niya.

"Teka, walang gumagamit sa kwarto nila Reema at Javi, dun ka nalang kaya?" Tanong ni Agatha na hihiga na sana kaya agad napangiwi si Cooper na mas nauna nang humiga sa kama.

"Andami mo talagang alam. Tulog na sabi tayo." Giit ni Cooper at agad na hinila si Agatha upang mahiga sa braso niya.

*****

1 Month Later

Napabangon si Agatha mula sa pagkakahiga. Nahihilo man at inaantok pa ay agad siyang napalingon sa sofa kung saan parating naroroon si Cooper sa tuwing hinihintay siya nitong magising ngunit laking dismaya niya nang makitang wala ito dito.

Sa isang iglap muling bumalik sa isipan ni Agatha ang sakit na naramdaman nang iwan siya ni Cooper ilang buwan na ang nakakaraan.

"Cooper..." Mahinang sambit ni Agatha habang pinipigilan ang sariling maluha.

"Bakit?"

Nanlaki ang mga mata ni Agatha nang marinig ang inaantok na boses ni Cooper sa kanyang tabi at mistula siyang nakahinga ng maluwag nang makitang nakahiga lang pala ito sa tabi niya.

"Nothing." Umiling-iling na lamang si Agatha at pinilit ang sariling ngumiti habang sinasapo ang ulo.

"You look worried," Gulong-gulo ang buhok at halos di pa maidilat ang mga mata dahil sa antok, inihiga ni Cooper si Agatha sa balikat niya at marahang hinaplos ang mahaba nitong buhok. "You shouldn't be worried okay? Isang buwan ng maayos ang pagtulog mo. Hindi ka na nawawalan ng malay at hindi ka na nanghihina. And besides i'll always be by your side so just rest okay?" Dagdag pa nito at nginitian ang dalaga bago hinalikan ang noo nito.

"Okay..." Mahinang sambit ni Agatha at napayakap na lamang kay Cooper habang unti-unting ipinipikit ang mga mata upang makabalik sa pagtulog.

"Agatha Grace! Agatha Grace! Agatha Grace!" Bigla na lamang umalingawngaw ang mga sigaw mula sa labas at kasunod nito ang mabilis at malakas na pagkatok bagay na ikinainis nila Cooper at Agatha.

"Bwisit, ang aga-aga. Sino ba 'yan?" Mahinang sambit ni Cooper na hindi parin dumidilat.

"Ako na." Giit ni Agatha ngunit agad na napaupo si Cooper habang kusot ang mga mata.

"Magpahinga ka lang, ako na ang bahala." Antok man, pinilit ni Cooper ang sarili na tumayo kaya tumango-tango na lamang ang dalaga habang pinagmamasdan ang binata sa pagharap sa mga bisita.

Pagbukas pa lamang ni Cooper ng pinto ay agad nang bumungad sa harapan niya ang nakangiting mga mukha nila Reema at Javi na nakasuot ng damit pampasyente. Ngunit agad nawala ang ngiti sa mukha ng dalawa at napalitan ito ng gulat nang makitang walang suot na pang-itaas na damit si Cooper.

"Reema? Javi? Teka anong ibig sabihin niyan?" Nagulat si Agatha nang makitang mistulang mga pasyente na ulit ng ospital ang dalawa kaya dali-dali siyang tumayo mula sa kama at tumabi kay Cooper sa harapan ng pinto.

"This is super disgusting." Nakangiwing sambit ni Reema habang palipat-lipat ng tingin kay Agatha at Cooper na tila ba hindi makapaniwala sa nakikita.

"Hala nakaiskor ang ulol?" Gulat na sambit naman ni Javi kaya agad nakunot ang noo ni Agatha at pinagmasdan ang sarili.

"Oh my God!" Napasigaw si Agatha nang mapagtantong ang malaking t-shirt ni Cooper ang kasalukuyang suot niya samantalang si Cooper naman ay nakasuot lamang ng Pajama. Hindi niya alam ang gagawin kaya dali-dali niyang pinagsarhan ng pinto ang dalawang kaibigan.

"Agatha okay ka lang?" Kunot-noong tanong ni Cooper na walang kamalay-malay sa kahihiyang naramdaman ni Agatha.

"Dude i'm not okay! Reema and Javi just saw---Ugh! Magbihis ka na nga lang!" Natatarantang sigaw ni Agatha at dali-daling kinuha ang malaking sweater na nakapatong sa sofa. Magbibihis na sana siya nang marinig niyang tumawa si Cooper kaya agad niya itong nilingon at sinamaan ng tingin. "Stop laughing and wear your shirt!" Giit niya.

"I cant, you're already wearing it. Unless you want me to undress you again. If you know what I mean babe." Nakangising sambit ni Cooper na tila ba may ibang ipinapahiwatig kaya agad na napasimangot si Agatha at napahawak sa walis na nasa malapit lamang niya.

"By the way, my shirt really looks good on you." Pang-aasar pa nito lalo kaya agad siyang hinabol ni Agatha ng walis dahil sa inis.

*****

"Akala ko talaga si Agatha ang maso-sorpresa natin. Tayo pala ang maso-sorpresa sa kanila." Tumatawang sambit ni Javi pero nagtaka ito nang makitang nakatingin lamang sa kawalan si Reema.

"Teka anong problema mo?' Kunot-noong tanong ni Javi.

"Does she look happy?" Walang emosyong tanong ni Reema kaya lalong nagtaka si Javi.

"Simula ng magkabati sila, nagbago si Agatha. Napaka-masayahin na niya. Diba yan naman ang gusto nating lahat? Ang maging masaya siya." Guyunpaman, sumagot na lamang si Javi.

Napabuntong-hininga si Reema at napakagat na lamang ng kuko niya, "As long as she's happy, it wont happen right?"

Agad na nawala ang ngiti sa mukha ni Javi nang mapagtanto ang ibig sabihin sa sinabi ni Reema. Gaya ni Reema ay nalulungkot rin siya sa tuwing naiisip ang maaring mangyari kaya napahawak na lamang siya ng mahigpit sa gulong ng kinasasadlakang wheel chair.

"Reema hindi ito ang oras para maging mahina ka. Hindi tayo dapat maging mahina para kay Agatha." Giit ni Javi kaya kahit pigil ang luha ay tumango-tango na lamang si Reema at pinilit ang sariling ngumiti.

END OF CHAPTER 27

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

346M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
27.7K 951 37
SA MAHILIG SA SUGARMOM JAN , THIS IS FOR YOU HAHAHHAHA . This is an intersex story , kung di open minded please do skip this story 😘 ALL EVENTS AND...