548 Heartbeats

By peachxvision

3.8M 64.1K 39.5K

There's no such thing as a number of heartbeats. As long as your heart knows what forever means . . . It's p... More

Preface
Chapter 1: Mr. Heart
Chapter 2: Under My Umbrella
Chapter 3: Song of His Heart
Chapter 4: Wishes
Chapter 5: Fall to Pieces
Chapter 6: Roses Are White
Chapter 7: Stars and Dances
Chapter 8: Distance and Darkness
Chapter 9: On My Own
Chapter 10: My Fall, His Fall
Chapter 11: Santan with Six Petals
Chapter 12: The Beginning
Chapter 13: Best Friends and Secrets
Chapter 14: The Moment of Truth
Chapter 15: Destiny Meets Destiny
Chapter 16: His Heartbeat
Chapter 17: First Times
Chapter 18: Complicated
Chapter 19: The Saddest Day of My Life
Chapter 20: The Bridge Is Falling Down . . . Almost
Chapter 22: First Step: Be Calm
Chapter 23: Try Harder
Chapter 24: Last Step: Be Hers
Chapter 25: They Are and They Will Be
Chapter 26: I Need an Umbrella
Chapter 27: Their Happy Days and My Happy Ending
Chapter 28: Teardrops on My Guitar
Chapter 29: More Cries, Less Smiles
Chapter 30: Make Me Forget Who He Was
Chapter 31: Closed
Chapter 32: The Songs Speak
Chapter 33: This Is How We Go
Chapter 34: Numbness
Chapter 35: Wounded and Healed
Chapter 36: My Ferris Wheel
Chapter 37: Lips of an Angel
Chapter 38: My Heart
Chapter 39: Heart for Christmas
Chapter 40: Weird
Chapter 41: Secrets and Revelations
Chapter 42: War of the Worlds
Chapter 43: His Thoughts
Chapter 44: Apologies
Chapter 45: A Bit of Jealousy
Chapter 46: The Day of Our Birth
Chapter 47: Night Knight
Chapter 48: Don't Go
Chapter 49: Lips Stick
Chapter 50: 143 < 548
Chapter 51: When the Night Seems to End
Chapter 52: A Toast to Goodbye
Chapter 53: Not Really Moving On
Chapter 54: The 548th Heartbeat
Self-Published: 548 Heartbeats Anniversary Edition

Chapter 21: My First Attempt

18.6K 620 267
By peachxvision

Nananahimik akong nakaupo nang biglang nakita ko siya.

Dugdug. Dugdug.

Ayon, ang guwapo pa rin niya. Hindi talaga kami bagay, e. Sino nga ba ako para agawin ang puwesto ni Rai?

Sabi nga ng guidance counselor namin, sa age namin, mas trip namin yung may itsura ang lalako. Pero someday, maghahanap kami ng isang lifetime partner na responsable. Tapos eto namang si utak ko, sasabat, Bakit, mukha namang responsible si Kyle, a?

At yung isang parte na naman ng utak ko, ang sabi, Ang pathetic mo. Ano na bang nangyayari sa 'yo? Gusto mo na ba mawala sa landas ng mundo? Magpakatino ka nga. Nakakadismaya ka. Lalaki lang 'yan tapos gaganyan-ganyan ka. What's the matter with you? Ano ka—

"Xei," sabi niya, "puwede mo ba 'to ibigay sa kanya?"

Dugdug. Dugdug.

Gusto kong bawiin yung heartbeat na sobrang lakas kanina pero wala rin. Tuloy-tuloy lang yung pagtibok ng puso ko nang sobrang lakas.

"Ano 'to?" tanong ko.

"Sulat. Puwede mo basahin kung gusto mo."

"A, wag na. Ibibigay ko na lang sa kanya."

"Teka!" bigla niyang bawi. "Ako na lang pala magbibigay."

Binalik ko sa kanya yung sulat tapos nilagay niya sa bulsa niya yung letter. Aalis na sana ako nang tinawag niya 'ko ulit para magbigay ng . . . isa pang sulat. "Ito na lang pala."

"Sulat ulit?" tanong ko. "E, kanino yung isa?"

"Sa kanya rin. Pero ako na magbibigay nito."

Ang labo. Pero sige, susunod na lang ako. Ito lang naman ako, e—tulay.

Bumalik ako sa classroom at pumunta kay Rai. Kinalabit ko siya at sinabing, "Rai, sulat . . . galing kay Kyle."

Nanlaki yung mata niya at kinuha niya kaagad yung sulat mula sa 'kin. Gusto ko tingnan, pero nag-decide ako na wag na lang. Baka lalo lang ako masaktan.

"Psst."

Tumingin ako sa paligid. Si Marj pala yung nag-"psst." Ano pa nga ba? Alam ko namang itatanong niya rin 'yon kaya umupo na lang ako.

"Ba't ka pumayag?" tanong niya.

"Na ano?"

"Na magpatulay? Sira-ulo ka ba?"

"E, hindi naman niya 'ko gusto, e," sagot ko.

"And so?"

"So wala talaga akong chance. E di, ibibigay ko na lang sa iba."

"Puwede namang namnamin mo na lang na wala kang chance at wag mo na lang saktan sarili mo, di ba?" naiinis niyang sinabi. "Nako, Xei. Ewan ko sa 'yo. Ako nafu-frustrate sa katangahan mo, e. Walang sisihan."

"Wag ka mag-alala. Kung may sisisihan man ako, ako 'yon at hindi kung sino."

***

Alam ko namang bumabalik na 'ko ulit sa dating Xeira—seryoso, tahimik, malihim, malalim. Tingin ko, mas mabuti kung ganito na lang ako.

Good news naman, may biyaya namang dumating. Pagdating ko sa bahay no'ng araw na 'yon, may linya na kami ng telepono. Tapos binilhan na 'ko ni Mama ng cell phone matapos ang isang daang pakiusap at pagdadahilan na kailangan ko talaga. Siguro, ganito lang talaga. Hindi talaga kami destined. Dumadating lahat ng suwerte kung kailan bibitawan ko na siya.

Haha! Ang drama ko na naman. E, hindi pa nga nagiging kami.

Tumawag ako kay Marj para sabihing may telepono na kami at may cell phone na 'ko. Siguro siya lang muna ang sasabihan ko na may contacts na 'ko para wala munang aberya.

Hinintay ko siyang sumagot habang nagriring. Pero . . .

"Hello? Sino 'to?"

Kilala ko yung boses na 'yon.

"H-hello," sagot ko. "Puwede po ba kay.Marj?"

"Sino 'to?"

"Si . . . Si Xei po."

"Xei?" excited na sagot ni Kyle sa likod ng telepono. Damn, sabi na nga ba. "Xei! Uy! Astig! May phone na kayo?"

Tapos somewhere sa background, narinig ko yung boses ni Marj na sumisigaw, "Akin na nga 'yan! Peste ka!" Nagkagulo sa kabilang linya hanggang sa mas malinaw kong narinig si Marj. "Xei, ikaw ba 'to?"

"Yup."

"I'm sorry," sabi niya. "Pakialamero kasi 'to!" Tapos narinig ko si Kyle na may sinabi pero hindi ko na masyadong narinig.

"Bakit siya andiyan?"

"Bigla lang niya trip pumunta," sagot ni Marj. "Since close nga families namin. P-pero, uy, baka mamaya"—tapos hininaan niya yung boses niya—"iba isipin mo."

"Hala! Hindi naman."

"Good, kasi kapag iba yung inisip mo, hahagisan kita ng holy water. Di ko siya type. Sa ugali nito? Ewan ko ba kung bakit—"

"M-Marj!" sigaw ko. Baka kasi masabi niya bigla nang hindi sinasadya.

"Ay, sorry!"

"Anyway . . . sa 'yo ko lang balak sabihin na may phone na kami."

"Pucha! Sorry talaga!"

"Okey lang. Nangyari na. Teka, ito na lang. Wag mo nalang sabihin yung cell phone number ko."

"Ano cell number mo?" sabi ni Kyle. Damn! Ano na naman 'yon? Galing sa kabilang linya?! Paanong nangyari na—

"Hoy, Kyle!" sigaw ni Marj. Inilayo ko tuloy yung tenga ko sa telepono. "Ano ba! Wag ka ngang parang makulit na bata! Ibaba mo yung phone!"

"Ayaw niyo nito," sagot naman ni Kyle. "Three-way?"

"Hindi three-way! Ang tawag sa ginagawa mo, invasion of privacy. Ikaw na nga 'tong nanggulo ng buhay ng may buhay—"

"Xei, anong number mo?" tanong pa rin ni Kyle kahit na nagsasalita pa rin si Marj. Mukhang wala na yata akong magagawa. Ala na nga ngayon ko pa i-deny. Nakakaiyak naman. Dapat pala talaga, hindi na 'ko tumawag kay Marj. Nakabuntot pa pala sa 'kin ang malas.

May choice ba ko?

"Teka! Wag, Xei!" sabi ni Marj. "Kyle, ano ba! Wag mo nga kaming istorbohin!"

"Ano bang meron at ayaw mo ipasabi kay Xei yung number niya sa akin? Nagseselos ka, 'no? Di ka pa ba moved on sa 'kin? Please lang, parang tita na kita, Marj."

"Pucha! Sumbong kita sa nanay mo mamaya. Ang kapal din ng—"

"Teka, Marj," pagtigil ko. "Ito na yung number ko. Kailangan ko na kasi 'to ibaba"

So 'yon. Sinabi ko na. Tuloy-tuloy para di na makaimik si Marj. Tapos, nagpaalam na ako.

Oo, in a way, medyo naasar ako. Pero di naman yata tama 'yon kasi wala namang ginagawang masama si Marj. Yung timing lang ng pagtawag ko sa kanila ang pangit. Ayan tuloy. Nasira na ang araw ko.

Hindi ko na alam. Gusto ko na naman umiyak. Pero napakababaw naman kung iiyak ako sa gano'ng dahilan.

Maya-maya, tumunog cellphone ko.


INBOX

Marj: xei, marj to. sorry. :(( wag ka magagalit sakin ah? wrong timing e. papatayin ko na siya para sayo.

Xei: ok lang. medyo nasira nga araw ko haha. pero ok lang mare. sige. mwah.


Napahiga ako sa kama. Hay. Ayoko na. Ang sakit talaga sa pakiramdam na parang ayaw ka ng universe sumaya. Gusto ko na sumabog. Gusto ko ng

Narinig ko na naman na may text. Baka may reply na si Marj.


INBOX

<unknown number>: xei. usap naman tayo bukas. wee. thanks. labyu! -kyle


Binasa ko ulit yung text. Parang di ako makapaniwala. Wrong send lang 'to siguro. Pero nang tiningnan ko yung message. Hindi naman. Ando'n yung pangalan ko. Ando'n yung pangalan niya. Ang mali lang . . . bakit may "labyu" doon? Parang naligaw yung salita.

Di ko alam kung kikiligin o malulungkot na naman ako dahil umaasa na naman ako. Pero obvious naman talaga na wala na akong pag-asa. Hay! Ano ba 'tong ginagawa niya sa 'kin?! Di ko alam kung anong meron siya na gustong-gusto ko. Puwede namang si Chris na lang na laging andiyan, di ba?

***

Noong sumunod na araw, nakaupo ako sa bleachers. Iniisip ko kung ano na ba ang paguusapan namin? Teka, in the first place, ba't nga ba ako pumayag na maging tulay nila? Ang tanga ko talaga. Makaalis na nga

Dugdug. Dugdug.

"Xei!" narinig kong sigaw niya habang papatakbo papunta sa 'kin. Yung preno niya, halos itulak ako. Para siyang bata na excited para sa isang bagay.

"Ano?"

"Ang sungit naman nito."

"H-hala! S-sorry. Hindi naman—"

"Joke lang!"

Kunwari na lang na nagbabasa ako ng libro para lang walang awkward silence. Ilang minuto rin na di kami nag-uusap. Maaga pa kasi kaya hindi pa nagflaflag ceremony. E, ayoko namang i-issue ng mga tao, di ba? Sabihin pa nila na hipokrita ako. Mangaagaw, malandi. E, hindi naman talaga ako gano'n. At higit sa lahat, ayoko ng tinatawag akong malandi.

"Kyle," sabi ko. "Kung wala ka namang sasabihin, puwede bang . . . alis na 'ko?"

"Tanong ba 'yon o statement talaga?"

"Mukha namang tanong siya, di ba?" sinabi ko nang pasungit kahit parang kulang pa sat alas ng tono.

"Dito ka lang."

Dugdug. Dugdug.

Tinitigan ko siya tapos bumalik na sa librong binabasa ko. Nakapagtataka kung bakit siya gano'n. Pero di ko alam, masaya lang ako na nasa tabi niya. Masaya ako kasi pinipigilan niya 'kong umalis. Pinapatibok na naman niya si Mr. Heart.

Pero as usual . . . hindi siya sa akin.

"Ayan na," sabi ko. "Magflaflag ceremony na pala."

"Usap ulit tayo mamaya."

"Wala nga tayong napausapan ngayon, e."

"E di, mamaya meron na," sagot niya sa 'kin tapos kinindatan niya ako. "Basta ha?"

Ngumiti siya bago siya umalis.

Dugdug. Dugdug.

Di ko na alam ang gagawin ko. Habang nagkaklase, nag-iisip ako ng dahilan para di siya makita. Malala na to. Pag nakapagusap pa kami, baka di ko na makayanan. Bawat araw na lang na nakikita ko siya, parang ayoko na umalis sa kinaroroonan ko. Meron siyang ability na i-petrify ako gamit yung mga paasa niyang salita, pero masaya pa rin ako, at ako naman 'tong si tanga na mas aasa pa. Kailangan ko na tigilan 'to. Di ko naman kakayanin.

Pagdating sa classroom, kinalabit ko kaagad si Marj. Sa mukha ko pa lang, alam na niya yung topic.

"Yes, my dear?" tanong niya, nakasimangot para sa 'kin.

"Di ko na alam gagawin ko."

"Hay nako. Ang tanga mo naman kasi, girl. No offense. Pero dapat di mo na tinanggap kung di mo naman talaga kaya, di ba?"

"Naumpisahan na, e. Pag nag-refuse pa 'ko, may iisipin si Rai."

"Mas mahalaga pa ba talaga sa 'yo ang iniisip ni Rai?"

"Medyo," sagot ko.

"Hindi, e. Oo ang sagot mo. Ikaw, girl. Desisyon mo 'yan. Pero kung ako ang gagawa ng desisyon mo, titigilan ko na 'yang kamangmangan ko. Andiyan naman si Chris. Bakit naman kasi hindi na lang yung gunggong na 'yon kaysa naman sa sadistang isa pa?"

"Ewan ko nga."

"Ayoko na marinig yung sagot na 'kasi di ko kayang turuan ang puso ko' bla bla bla. Twentieth century na tayo, Xei. Di na uso ang mga tangang babae ngayon. Ay mali pala ako, uso pa rin pala. Pero 'yon nga ang dapat iwasan, e!"

Grabe. Straight to da heart ang punto ni Marj. Tama siya. Tama. Iyon na lang ang sasabihin ko pag nag-usap kami mamaya. Ayoko na. Titigilan na. Tama rin naman, di ba? Ako rin naman talaga ang masasaktan. Hindi naman ako masokista.

***

"Hindi ka pa rin ba sasabay?" tanong ni Chris sa 'kin no'ng uwian.

"Ah, hindi na, Dad," sagot ko. "Mag-uusap kami ni—"

"Okey, okey. Wag mo na sabihin."

"Nako. Puwede ba makisali sa love triangle na to?" biglang sabat ni Marj. "Ang daya naman, e. Wala akong love life!"

"Hanap ka na lang ng mga lalaki sa kanto. Dami diyan," sagot ni Chris.

"Whatever, Chris. O ano, Xei, sure ka ba? You can do it by your own na?"

"Oo, Marj," sabi ko. "Good luck na lang. Sasabihin ko na talaga na di ko kaya."

Ngumiti si Chris. "Xei," sabi niya. "Dito lang ako ha?"

Ramdam ko naman na gustong-gusto niya ako. Handa naman siya maghintay. Pero di ko naman siya pinapaasa. Ayoko ng gano'n. Siya lang yung may choice.

"Opo, Dad. Alam ko 'yon."

Ngumiti na lang ako bilang ganti sa ngiti niya. Tapos, pinagmasdan ko silang umalis.

May meeting pa kasi sina Kyle doon sa group report nila kaya naghintay ako nang kaunti. Maya-maya, nakikita ko na siyang papunta sa 'kin.

Dugdug. Dugdug.

Ilang beses na niya napatibok yung puso ko nang sobrang lakas. Sobrang lakas na parang mamamatay na 'ko—teka, ilang beses ko na nga ba 'yon nasabi? Ewan ko na. Basta pag nakikita ko siya . . . gano'n.

"Xei," pagtawag niya sa pangalan ko. Sarap pakinggan.

"O?"

"La lang."

"Ayan ka na naman," sabi ko sa kanya. "Wala ka bang sasabihin?"

"Eh kasi . . . parang naguguluhan ako."

"Naguguluhan na?"

"Para kasing hindi si Rai ang gusto ko."

Dugdug. Dugdug.

Tama ba narinig ko? Heto na naman ako, umaasa sa wala.

"Ha? E, sino?" tanong ko.

"Ang ibig kong sabihin, para kasing nagbago si Rai. Hindi siya yung dating nagustuhan ko. Bigla na lang niya 'ko sinusungitan. Di ko rin naman alam kung bakit."

Nagbuntonghininga ako. Akala ko, hindi nga talaga si Rai. Iyon pala, siya pa rin. Puwede naman kasi niyang piliin nang maayos yung mga salitang gagamitin niya, bakit gano'n pa? Ayan tuloy, nangangarap na naman ako.

"Selosa yung pinsan ko," komento ko na lang. "Hula ko—as in hula ko lang—baka nagseselos siya . . . sa 'kin."

"Sa 'yo?"

Bigla kong na-realize na ang kapal ko naman para sabihin 'yon. Binawi ko na lang at sinabing, "I-in general kasi. Puwedeng kay Marj—"

"Sabagay, may karapatan naman siyang magselos sa 'yo."

Nagkaro'n ng nakaiilang na katahimikan. Ayoko. Di ako padadala. Lumaban ka, Xei! sabi ko sa utak ko. Hindi puwedeng naniniwala at napapatumba na lang ako nang gano'n-gano'n sa mga sinasabi niya.

"Sira," sabi ko.

"Alam mo . . . parang best friend kita, e," bigla niyang komento na natatawa. "Best friend nga ba kita?"

Shit. Di ko ba alam. Siguro nga, tama si Marj. May lahi siyang sadista by heart.

"Best friend?" komento ko. "Para kang bata. Yung mga tipong nag-aagawan pa kung sino yung best friend ng isa. High school na tayo, Kyle. Hindi na tayo grade 2 para i-announce kung sinong best friend natin."

"So oo?" tanong niya, nakangisi na parang nanunukso pa. Hindi ko tuloy mapigilan matawa sa ka-ewanan niya.

"Ewan ko sa 'yo. May narinig ka ba sa mga sinabi ko? Hinihiling pa ba 'yon? Puwede namang automatic na 'yon."

Tapos ngumiti siya. Leche yang mga ngiti na yan. Pahamak.

Sabay kaming umuwing dalawa. Hinatid pa nga niya ako hanggang sa bahay, e. Pagpasok ko, inintriga agad ako ng nanay ko kung boyfriend ko ba 'yon. Umiling lang ako.

Sa kuwarto ko, napaupo na lang ako sa kama. Nagbuntonghininga ako at napaisip, Sana nga boyfriend ko siya, kaso hindi, e. Best friend. Pinagpilitan pa niya yung posisyon na 'yon sa buhay ko.

Di ko masabi sa kanya na ayoko.

Di ko nasabi na ayokong na maging tulay . . . dahil mahal ko siya.

Continue Reading

You'll Also Like

2.5K 185 11
In this world full of "Sana All" kind of relationship, mayroong dalawang taong pilit pinapipili ng tadhana-pag-ibig o pangarap. College pa lang sila...
96.5K 3.4K 13
THAT SUMMER WITH A GHOST SERIES #1
6.3M 347K 26
[PUBLISHED under LIB] #2. "If liking you is a crime then why don't you convict me, attorney?"
1.1M 22.9K 33
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...