The Rampage- Breaking the Rul...

By missThiaChasez

744 29 11

isang babaeng takot na takot magmahal ng dahil sa babala ng kanyang Tita Jade,ang makikilala ang isang lalaki... More

The Rampage- Breaking the Rules
Chapter 1 - The New Girl
Chapter 2 - The Group
Chapter 3 - The Deal
Chapter 4 - Street Food
Chapter 5 - Cuppy Cake Song
Chapter 6 - Fireflies
Chapter 7 - Avoiding
Chapter 8 - Tita Jade
Chapter 9 - Rain
Chapter 10 - The Dance
Chapter 11 - A Day Together
Chapter 12 - Conversation
Chapter 13 - 3-Point Shot
Chapter 14 - Text
Chapter 15 - "Long-Distance" Call
Chapter 17 - Music Room
Chapter 18 - Defective
Chapter 19 - Hug
Chapter 20 - Late Night Call and Weird Looks
Chapter 21 - Handmade Bracelet
Chapter 22 - Shoes
Chapter 23 - The Art Contest
Chapter 24 - Midnight
Chapter 25 - Party

Chapter 16 - Gardening

23 2 0
By missThiaChasez

(Stephanie’s POV)

It’s Saturday at mayroon kaming project sa T.L.E class na binigay kahapon…. Maggagardening kami..saving the Earth daw sabi ni Prof.. taray noh..ansabe? Haha.. magtatanim kami ng gulay at by pair yun… at sino pa nga ba pair ko? Edi si Kris…. Ewan ko ba sa kapalaran…nananadya ata=__= napag usapan namin ni Kris na pumunta sa school ngayong Saturday para makapagsimula na..

Eesh………Czean Kristoff Chaves…..nakat-shirt lang siya at pants pero jusko….

(>_________<) ang pogi………………..haysssss………may mga tao pala talagang ganoon…simple lang ang suot pero shet naman………………… = __= mababali leeg mo sa paglingon kapag dumaan siya…

Andito kami ngayon sa likuran ng main building kung saan andoon ang assigned space naming ni Kristoff….

Binubunot namin yung mga damo nang nagsalita si Kris bigla

“oi alien nerd mag-ingat ka diyan ha…and daming cogon grass..baka matinik ka..”

“excuse me suplado… di ako- ARAY!”

“o edi kita mo….kasi naman sabi ko mag-ingat eh….ami na nga..patingin…”

“a-ayoko! Ang liliit lang naman ng mga tinik nito eh.. malayo sa bituka…kita mo o..parang buhok lang..”

“ haysss…masakit yan kasi bumabaon..kahit maliit lang yan dapat tanggalin..akin na kasi…”

“ayokooo ngaaaaaa”

“hay ang kulit!”

Lumapit siya sa’kin at umupo… hinawakan niya ang kamay ko pero pilit ko itong hinahatak….

“isa!” sabi niya habang nakatingin sa’kin ng masama.. o edi natahimik naman ako..

Seryosong seryoso siya habang tinatanggal niya yung mga tinik… actually ‘di naman talaga tinik yun eh.. alam ninyo yung parang buhok na maliliit na makati na nasa cogon grass? Ganoon..

Pagkatapos niyang tanggalin bumalik na siya sa lugar niya at nagpatuloy na sa paglilinis ng area namin.

Syempre ‘di naman pwedeng tumunganga lang ako dun kaya tumulong na ako….

 

“wag ka na munang tumulong, baka matinik ka pa ulit..umupo ka na muna diyan.”

“h-ha?? Uy ayoko… nakakahiya sa’yo…..tutulong ako.”

“hindi na nga eh…. Madudumihan pa kamay mo niyan.”

“so???”

“eesh.. ayokong madumihan ka okay? Gets?”

“ayoko nga ehhh…tutulong ako..”

“STEPHANIE RAIN LEIGH….”

“yes CZEAN KRISTOFF???”

“sabing ‘wag na munang tumulong di’ba???”

“pero-“

“upo.”

“p-pero Kris-“

“upo Steph…”

 

 

K fine…=_=

Nakaupo lang ako sa sulok at nakasimangot nang may tumambad na isang gumamela sa harap ko…

“ano ‘to?”

“bulaklak malamang, alangan namang damo.”

“ahh.k.”

“uy..’to naman o.. kaw kasi.. nakasimangot ka diyan..sige na nga, pwede ka nang tumulong.”

Napangiti naman ako..

“gumamela??? Yucks Kris ang corny:D”

“napangiti naman kita di’ba??”

“hmmm sa bagay..pero kulang pa ng fishball para lubus lubos ang ngiti ko..;)”

“ ikaw talaga kahit kelan ang takaw= _=… pasalamat ka generous ako”

“nahiya naman po ako sa generosity ninyo senyorito Kris -____-“

“you’re welcome.” Sabi niya sabay kindat

“yabang -_____-“

“nerdy girl:D”

“bipolar.”  Sumbat ko naman

“maganda………………” napatingin ako sa kanya sa sinabi niya..nakangiti lang siya sa’kin…. Biglang may nahulog na bunga ng mangga sa likod naming kaya napabalik kami sa reality…….

“t-tara..tapusin na natin ang planting…” sabi ko sabay iwas tingin

“yeah… we should..”

Continue Reading

You'll Also Like

64.2K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
93.9M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
1.9M 95.7K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...