The Virgin's First Night 4: T...

By BonitaBabyy

2.7M 43K 4.4K

Sa mundo ng panghuhusga, may tao pa bang magtitiwala sa katulad ni Jackie? Isang social climber, tirador ng... More

TVFN 4: The 13 Hell Shots
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33 - The Last Shot
Epilogue

Chapter 30

60.9K 895 59
By BonitaBabyy

Chapter 30

Jackie's POV

Nagmamadali akong nagpaalam kay Bianca at sumakay na sa kotse ko. Pinaharurot ko yung kotse ko papunta dun sa hospital na sinabi sa akin nung katiwala sa mansion. Goodness!! Sana naman okay lang si Papa. Nagulat na lamang ako kanina nung tumawag yung katulong sakin at sinabing sinugod daw sa hospital si Papa. Tinawagan na kaya niya si Stanley? Alam kong may maling ginawa si Papa pero sana naman huwag niyang tiisin yung sarili niyang ama.

Agad akong nagtungo dun sa room ni Papa at sinalubong ako nung katulong. Bongga nung hospital room ni Papa. Presidential Suite! Haha. Hindi 'to yung panahon para kwentahin ko pa yung gagastusin dito. Napabuntong hininga ako ng makita ko siyang nakahiga sa hospital bed at may nakalagay na oxygen sa ilong niya. May mga monitor at kung anu-ano pa ang nakakabit sa katawan niya. Halos mapaiyak ako ng lapitan ko siya at hawakan yung kamay niya. Napatayo ako ng dumating yung doctor kaya naman pinahid ko agad ang mga luha ko.

"Ikaw ba ang anak ni Mr. De Vera?" tanong sa akin ng doctor. Agad akong umiling.

"Manugang niya po ako. Ano po bang nangyari sa kanya?" tanong ko sa doctor habang hindi pa din binibitawan ang kamay ni Papa.

"Nagkaroon siya ng chest pain dahil sa kanyang Coronary Heart Disease at hanggang ngayon under observation pa siya. Buti na lamang at naisugod agad siya sa hospital." nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ng doctor.

"Huwag na lang muna siyang ma-eexpose sa kahit anong strenous activities and yung diet and lifestyle niya dapat ma-monitor. Bawal sa kanya ang masyadong ma-stress." tumango lang ako sa doctor at nagpasalamat. Naupo ako dun sa silya na katabi nung hinihigan ni Papa at pinisil yung kamay niya.

Alam ko naman na may pagkakamali si Papa lalo na dun sa nararamdaman niya sa akin pero bago ang lahat father-in-law ko siya at tinuturing ko siyang isang mabuting kaibigan na laging nariyan para pasayahin ako sa tuwing nalulungkot ako. Alam kong kailangan niya ako ngayon. Sana maging okay na siya, wala pa namang nag-aalaga sa kanya ngayon. Ang sama ko para iwan siya.

"Ma'am uuwi na po muna ko para kumuha ng damit ni Sir." paalam sa akin ng katulong namin.

"Teka Manang, natawagan niyo na po ba si Stanley?" tanong ko kay Manang na napatingin naman sa kamay ko na nakahawak pa din sa kamay ni Papa. Agad ko namang inalis yung kamay ko at tuluyan na siyang hinarap.

"Ahmm. Opo kaso nagalit lang po sakin eh. Wala daw po siyang pakialam." nakayukong sabi ni Manang. Nanlaki naman yung mga mata ko sa sinabi niya. Totoo bang sinabi ni Stanley yun?!! Ganoon siya kagalit sa ama niya?!! Goodness! Pero ama niya pa din si Sander! Tumango na lang ako kay Manang at pinauwi na siya ng mansion. Ako na lang muna siguro yung mag-aasikaso kay Papa.

***

Stanley's POV

Psh. Ano naman kung ma-hospital siya? Umaarte lang yun panigurado para puntahan siya ni Jackie! Tss. Akala naman niya maloloko niya ko. Nasan kaya si Jackie ngayon? Ano ba namang buhay 'to. Mag-asawa nga kami magka-iba naman kami ng bahay! Makabili nga ng condo sa kompanya na pinapasukan ni Jackie para naman may matirhan na kami. Miss na miss ko na yung mga kabaliwan, kaingayan at kakulitan ng darling ko eh.

Tatawagan ko na sana siya para ayain na mag-date then sakto naman na siya yung tumatawag. Sabi na nga ba namiss din ako nito eh.

"Hello darling!" masigla kong bati sa kanya.

"Bakit hindi mo man lang dinalaw yung papa mo? Alam mo bang muntik na siyang mamatay?!!" peste! galit na bungad ni Jackie. Ang sweet lang eh. Tatay ko agad. Sa pinagseselosan ko pa.

"Mahaba pa buhay niyan. Masamang damo yan eh." eh bakit ba nagseselos pa din ako lalo na pag naiisip ko yung nakakagagong paghalik niya sa asawa ko! Yung kampante kang wala ka ng kaagaw sa asawa mo kasi nagmamahalan kayo tapos yung taong bantay salakay at kaagaw ko kasama ko lang pala sa iisang bahay?!! Tatay ko pa!! Putangina lang!

"Tarantado ka ba?! Pumunta ka sa hospital at dalawin mo siya. Kung hindi mo gagawin ako ang mag-aalaga sa kanya!" dahil dun pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo dahil sa inis.

"Subukan mo lang Jackie mag-aaway tayo!" at binaba ko na yung cellphone. Nakakainis. Alam naman niyang pinagseselosan ko yun eh. Subukan lang niya talaga!!

"Oh? Badtrip ka ata ngayon loverboy?" untag sa akin ni Beatrice.

"Ha? Wala 'to may pinagtalunan lang kami ni Misis." ngumiti ako sa kanya huminga ng malalim. Nakakainis talaga.

"Normal lang yan. Haha. Mabuti nga at okay na kayo eh." sabi sa akin ni Bea at ngumiti.

"Oo, at hindi ko talaga mapapatawad yung taong sisira ng maganda na naming relasyon."

Naupo na lang ako sa stool at nagsalin ng brandy sa baso at inisang lagok ito. Ang sama na talaga ng tama ko kay Jackie, hindi naman ako naging possesive ng ganito kahit kanino. Kahit kay Beatrice. Napakamot na lang ako sa ulo ko at nagsalin muli ng alak. Sa lahat naman kasi ng magkakagusto kay Jackie bakit tatay ko pa?!! Puta naman talaga oh! Tataluhin pa talaga niya ako?!! Ano ba talaga gusto niyang patunayan?!! Kahit anong intindi ang gawin ko hindi ko pa din maintindihan eh!

Nawala ako sa pag-iisip na iyon ng bigla na lamang agawin ni Bea yung alak sa kamay ko.

"Tigilan mo na nga yan. Tanghaling tapat eh." awat sa akin ni Bea at ngumiti.

Jackie's POV

Nakakainis!! Siya na nga lang inaalala eh! Anong klase yang tao?!! Dahil lang sa selos titiisin niya ng ganun si Sander?!! May tiwala naman siyang hindi ko siya ipagpapalit pero ganun pa din siya umasta. Bwisit lang! Hindi ko naman siya pwedeng suwayin kasi ayoko namang mag-away kami. Thankful nga ako na hindi naging masyadong issue sa kanya yung ginawa sakin ni Sander pero maaatim ko bang pabayaan si Sander?

Si Sander? Mabait siya sa akin. Malambing. Nakikinig sa lahat ng problema ko laging nariyan para damayan ako. Ang lalaking kahit kailan hindi ako hinusgahan sa kung sino at ano ako. Tinanggap niya lahat ng flaws ko and somehow natutuwa ako dun. Ghad!! Nalilito na ko. Mahal ko si Stanley alam ko yun pero ano ba 'tong ikinalilito ko?!!

Nilingon ko si Sander na natutulog pa din, hinawakan ko yung kamay niya at pinisil ito.

"Maging okay ka please?" mahina kong usal sa kanya. Hinalikan ko siya sa noo at ngumiti.

Paano ko nga ba hahatiin yung katawan ko? Kailangan ako ni Sander ngayon pero ayoko namang mag-away kami ni Stanley? Naiiyak na ko. Dumukmo ako sa kama ni Sander at nagsimula ng umiyak maya-maya naramdaman ko na may kamay na humahaplos sa buhok ko kaya naman napaangat agad yung ulo ko. 

Si Sander gising na!! Binigyan niya lamang ako ng weak smile at kahit alam kong naghihina pa siya ay pinahid pa din niya yung mga luha ko na patuloy pa din ang pag agos. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil ito. Isa pa 'to sa mga gestures ni Sander, hindi ka niya paiiyakin kasi siya pa yung magpupunas ng mga luha mo.

Masokista ba ko? Kasi mas pinili ko yung anak niya? Yung lalaking nanghusga at nagpaiyak sa akin? Hay. Ayokong malito. Siguro itinuturing ko lang na mabuting kaibigan si Sander at marami akong utang na loob sa kanya. Mabait at disente siyang tao, hindi mahirap mahalin. Sa sitwasyon nga lang ngayon mahal na mahal ko ang anak niya.

"Don't cry." he mouthed. Halos walang boses ang lumalabas sa bibig niya marahil na rin sa panghihina.

"Tatawagin ko lang yung doctor mo hmm?" masuyo kong sabi sa kanya pero hnigpitan lang niya yung hawak sa kamay ko. Ngumiti na lang ako.

"Ang tigas ng ulo mo para kang bata." naupo na lang ulit ako at hinarap siya. Halatang nahihirapan siya. Hay. Kung may magagawa lang ako.

"Please....stay with...me" mahina at pautal utal niyang sabi at hinigpitan pa din ang paghawak sa kamay ko. Napabuntong hininga na lang ako.

What to do?!! Tama bang mag stay ako? Hindi ko ata kayang isugal ang maganda na naming relasyon ni Stanley pero hindi ko din ata kayang iwan ng ganito si Sander.

to be continued...

Ang daming nagpapa-dedic :/ di ko maalala yung iba minsan. Pasensya na po ah? :'(

BANAS! Ang sabaw ng update ko! Amp. Babawi talaga ko next update at climax na e.

BONITABABYY.

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 50.5K 60
Three years ago Tiffany Charmaine Pineda ran away from home. when she came back after three months. she never talked about what happened. she buried...
3.1M 61.8K 44
THIS STORY IS COMPLETED IN DREAME APP. A/N: Please understand, I had to sell the rights of this story because we were struggling financially on year...
11.1K 200 34
[R-18] Charlotte Medousa Ramos is as alluring as the goddess Medusa. She has long golden hair and is known for her fierce looks. Girls only see her a...
4.7M 83K 46
Hindi inaasahan ni Xial Andrew na sa isang club siya dadalhin ng kaibigang si Riche. At kahit pa hindi naman talaga siya pumupunta sa ganoong lugar...