Leo and Aries

By UndeniablyGorgeous

3.9M 147K 112K

Four high school students living in a world of complicated first love, dream and friendship. (year 1996) Note... More

Foreword
Chapter 1
"Ito na ba" Lyrics
Chapter 2
"Lost in Your Love" Lyrics
Chapter 3
"Just Stay" Lyrics
Chapter 4
"Pareho ng Damdamin" Lyrics
"Balang Araw" Lyrics
Chapter 6
"Without You" Lyrics
Chapter 7
"This Love Hurts" Lyrics
Chapter 8
"Awit" Lyrics
Chapter 9
"Afflictive Love" Lyrics
Chapter 10
"My First Your Last" Lyrics
Chapter 11
"You and Me" Lyrics
Chapter 12
"Abot Kamay" Lyrics
Chapter 13
"Gusto Kita" Lyrics
Chapter 14
"Rollercoaster Ride" Lyrics
Chapter 15
"Farewell Love" lyrics
Chapter 16
"Kahit Takot Pa" Lyrics
Chapter 17
"Patawad" Lyrics
Chapter 18
"Mapapansin Kaya" Lyrics
Chapter 19
"Bittersweet" (Goodbye Song) Lyrics
Chapter 20
"Bayle" Lyrics
"Adik" Lyrics
Epilogue
"Walang Iwanan" Lyrics
Acknowledgement
Other Stories

Chapter 5

89.7K 4.2K 4.8K
By UndeniablyGorgeous

[Chapter 5] Featured Song: "Balang Araw" by Elli and Angel

"Aries, matatapon 'yung iskrambol mo" natauhan ako nang biglang sumigaw si Gwen sabay turo sa hawak kong ice scramble na kulay pink at nilagyan ng chocolate sa ibabaw. Hindi ko namalayan na napatulala pala ako habang nakatitig sa panindang ice scramble ni manong na nakasakay sa motor na may sidecar.

"Akin na nga lang 'yan" patuloy niya at akmang kukunin ang ice scramble ko na nakalagay sa maliit na yellow cup pero mabilis ko itong naiwas sa kamay niya. Ipinatong naman ni Jessica ang kamay niya sa balikat ko. Uwian na, nakatayo kami ngayon sa labas ng gate ng school kung saan nakapwesto ang mga nagtitinda ng pagkain.

"Ikaw naman kasi, hindi dapat nakasalalay sa zodiac sign ang taong gugustuhin mo" sermon ni Jessica, napasingkit na lang ako ng mata sabay tingin sa kaniya. Alam na nila ang lahat, nasabi ko na sa kanila kagabi dahil hindi ko na talaga kaya.

Tumango-tango naman si Gwen habang dinidilaan ang maliit na kutsara ng ice scramble, iba-iba ang kulay nito at palagi naming pinipili ang kulay pink. Hindi naman ako nakapagsalita, tama nga naman si Jessica pero hindi ko pa ring mapigilan ang sinabi sa'kin ng manghuhula sa Quiapo noong bata pa ako.

Anim na taong gulang pa ako noon, buhay pa si papa. Sinama ako ni mama sa tabi ng simbahan ng Quiapo dahil may nirekomenda sa kaniya ang kaibigan niya na isang magaling na manghuhula. Gusto ni mama magpahula kung babae o lalaki ba ang ipinagbubuntis niya.

"Naaaninag ko na lalaki ang isisilang mo" saad ng matandang manghuhula na puno ng hikaw sa ilong at tenga. Marami rin itong suot na kung anu-anong disenyo na kwintas na parang mga anting-anting at agimat. Nasa loob kami ng maliit na tent na napapalibutan ng mga tela na iba't iba rin ang kulay.

"Talaga? Siguradong matutuwa ang asawa ko" ngiti ni mama habang hawak-hawak pa rin ng matandang manghuhula ang kamay niya. Hinulaan siya nito gamit ang pagbasa sa kaniyang palad.

Tumingin naman sa'kin ang matandang babae at ilang segundo niya akong tinitigan na para bang binabasa na rin niya ang aking kapalaran. "Akin na ang palad mo hija" saad niya, napatingin muna ako kay mama, hindi ako madaling nagtitiwala sa mga taong hindi ko kilala dahil iyon ang turo niya sa akin.

Tumango sa'kin si mama at siya na mismo ang kumuha ng palad ko para ipakita sa matandang manghuhula. "Puno ng pangarap at hangarin ang buhay mo hija, Aries ang pangalan mo hindi ba?" saad niya dahilan para pareho kaming magulat ni mama dahil hindi naman namin sinabi ang pangalan namin sa kaniya.

"Pinanganak ka sa ilalim ng Aries na siyang unang zodiac. Maganda ang kapalaran mo, matutupad mo ang mga pangarap mo pero hindi lahat. May mga bagay at tao na hindi mapapasayo" patuloy niya saka tiningnan ng mabuti ang guhit sa palad ko.

Nagkatinginan ulit kami ni mama nang ngumiti ang matandang manghuhula "Mukhang magiging maganda ang buhay pag-ibig ng batang 'to" ngiti nito dahilan para magtaka kami ni mama. "Ang ibig niyo po bang sabihin... makakapangasawa ng gwapo, mayaman, matalino at mabait ang anak ko?" tanong ni mama dahilan para mapatulala ako sa kaniya.

Noong panahong iyon, ang alam ko lang na dapat kong makatuluyan paglaki ay mga lalaki na katulad ng mga prinsipe sa Disney movies. Ngumiti lang ang matandang manghuhula saka tiniklop ang palad ko, "Leo" sagot niya.

"Po? Ano pong Leo?" tanong ni mama, mas kinakabahan at interesado siya sa sinasabi ng manghuhula kaysa sa akin. Umiling lang ito saka tumayo, gusto po sanang alamin ni mama kaso tumanggi na ang manghuhula at sinabi nitong kailangan na niya magpahinga. Sa huli, dismayado si mama nang umalis kami roon pero nakalimutan na rin niya agad iyon nang ipanganak na niya si Axel.

"Aries! Papalabas na sila" bulong ni Gwen sabay turo sa gate kung saan natanaw ko na naglalakad na sina Leo, Gian at Adrian bitbit ang mga bisikleta nila. Lumilingon sila sa paligid na parang may hinahanap.

"Magtago ka!" saad ni Jessica sabay hila sa'kin paupo. Nagtataka namang napatingin sa'min si kuya na nagtitinda ng ice scramble, agad siyang sinenyasan ni Gwen na quiet lang dahil may tinataguan kami.

Dahan-dahan akong sumilip mula sa likod ng ice scramble sidecar, nakita kong tumigil pa silang tatlo sa gitna habang pilit na tinitingnan isa-isa ang mga mukha ng mga tao sa buong paligid. Uwian na ng lahat kaya nagkalat na ang mga estudyante sa labas, naroon din ang mga magulang at service na naghihintay sa sudunduin nila at ang mga nagtitinda ng pagkain.

Agad akong hinila nina Gwen at Jessica papunta sa gilid ng gate ng school kung saan wala nang tao masyado roon. Puro bato at damo ang gilid kung saan naroon din ang malalaking lagayan ng mga i-rerecycle na bote, papel at dyaryo. "Kailangan mo na talaga mag-isip ng paraan para hindi ka na sumabay sa kanila. Mababaliw ka talaga kapag kasama mo pa 'yan si Leo" sermon ni Gwen, napalunok na lang ako saka napatingala sa langit. Broken hearted na nga ako, mukhang ma-bobroken din ang budget ko.

"Makakasama ko pa rin siya sa band practice" pagmamaktol ko, hinawakan naman ni Jessica ang magkabilang balikat ko. "Hayaan mo na, sayang naman kung hindi ka sasali sa banda. Ang sabi mo ikaw rin ang gumawa ng paraan para pumayag ang lolo ni Leo na sumali siya sa inyo. Basta, isipin mo na lang na professionals kayo at walang damayan ng feelings" sermon ni Jessica, para silang mga legal advisers na medyo brutal.

Magsasalita pa sana siya nang biglang sumulpot si Gian sa gilid ng gate, "Huli ka!" sigaw niya dahilan para mapasigaw at mapaatras kaming tatlo sa gulat. "Bakit ka nagtatago dito?" habol niya na parang pulis. Napalunok na lang ako sa kaba at pa-simpleng tumingin kina Jessica at Gwen na pareho ring nawindang sa gulat.

"A-ano kase..."

"Sinasabi ko na nga ba, gusto mo lang mag-merienda at ubusin lahat ng baon mo para wala kang pang-ambag mamaya tsk tsk" patuloy ni Gian sabay iling ng ulo. "Ha?" iyon na lang ang nasabi ko, "Hays, gusto mo lang kumain ng masasarap dito e, dapat binilhan mo rin kami" dagdag pa niya sabay kuha ng ice scramble na kinakain ko.

"Leo! Adrian!" tawag ni Gian sa dalawa na sabay ding napalingon. Nasa gitna sila ng mga nagtitinda ng pagkain. "Nandito si Aries, nagtatago kasi ayaw niya manlibre" habol pa niya, nagkatinginan naman kami nina Gwen at Jessica, hindi namin alam kung dapat ba kaming mahimasmasan dahil mukhang hindi naghinala si Gian o matawa dahil sa pinagsasabi niya.

"Nandiyan na pala ang sundo namin Aries, bye" mabilis na paalam nina Jessica at Gwen na kasingbilis din ng kidlat na tumakbo papalayo sa amin. Susunod din sana ako sa kanila kaso dumating na sina Leo at Adrian. "Kanina ka pa namin hinahanap, nag-message na rin si Leo sa pager mo" patuloy pa ni Gian habang nilalantakan ang ice scramble ko.

Pinatay ko kanina ang pager ko dahil gusto ko talaga sila takasan. Nakalapit na sa amin sina Leo at Adrian bitbit ang kani-kanilang bisikleta. Napahawak na lang ako sa palda ko, ano bang pwede kong idahilan para hindi ako makasabay sa kanila pauwi?

"Halika na----" hindi na natapos ni Leo ang sasabihin niya dahil nagsalita na ako. "May pupuntahan pala ako sa bayan" mabilis kong sabi na parang tatamaan ng kidlat. Ang lakas din ng kabog ng dibdib ko, hindi pa ako nakapag-practice kung anong idadahilan ko sa kanila. Masyadong biglaan ang lahat.

"Anong dadaanan mo doon?" tanong ni Leo, nakatingin na silang tatlo sa'kin ngayon. Kailangan kong umarte ng natural. "Ha? Ah... eh... Sa kodak" sagot ko sabay tawa na parang nahihiyang kambing.

"Anong ipapa-develop mo?" tanong naman ni Adrian, hindi ko mapigilan ang pag-ikot ng mata ko sa kaliwa at kanan dahil hindi ko sila magawang tingnan ng derecho sa takot na mahuli nilang nagpapalusot lang ako.

"Ah! Yung mga kailangan naming pictures para sa nutrition month, tama! 'Yun nga 'yon!" sagot ko sabay kumpas sa ere ng kamay ko sabay ngiti. Sana lang hindi nila mapansin na pinagpapawisan na ako ngayon sa kaba.

Napansin ko naman na nagpalitan silang tatlo ng tingin. "Edi sasamahan ka namin sa bayan" saad ni Adrian, nanlaki ang mga mata ko bagay na hindi ko nagawang ma-kontrol. "Ha? Hindi pwede!"

"Bakit? Hindi pwede?" tanong ni Gian na napatigil na ng tuluyan sa pagkain. Napakamot na lang ako sa leeg at napapadyak ng paa. Ano bang dapat kong sabihin? Dapat mapaniwala ko sila.

"Kasi... Ano... surprise 'yung mga pictures! Bawal makita ng iba" sagot ko na parang desperadong palaka na atat na atat nang maglulundag papalayo sa kanila. "Edi ikaw na lang pumasok sa loob ng kodak, doon lang kami sa labas" saad ni Adrian, napakamot na lang ako sa ulo. Bakit ba ayaw nila akong tantanan.

"Bawal kasi talaga, alam niyo naman sa student council maraming confidential na bagay. Basta kailangan ko nang pumunta doon mag-isa" saad ko at akmang aalis na roon pero bigla akong napatigil nang magsalita si Leo.

"Nahiram mo ba kay lolo 'yung camera?" tanong niya dahilan para mapatigil ako at mapatulala sa kawalan. Napakagat na lang ako ng labi at napapikit sa inis nang maalala ko na wala pala kaming camera, palaging camera ni lolo Gil ang hinihiram ko. Wala ring camera ang student council. May personal camera si Chelsea pero ayaw itong ipagamit ng papa niya.

Bakit ba kasi pictures ang dinahilan ko?! "Ang alam ko may dalawa pang film si lolo, 'yun ba ang ginamit niyo?" habol pa ni Leo, dahan-dahan akong napalingon sa kanila sabay ngiti na parang aso. "T-tama, naiwan ko pala 'yung camera kay lolo Gil" sagot ko, tinapon na ni Gian ang plastic cup sa basurahan.

"Alrayt, uwi na tayo!" saad niya sabay sakay sa bike niya. Sumakay na rin si Adrian sa bisikleta niya, naglakad naman si Leo papalapit sa'kin, "Daan muna tayo sa bahay para kunin 'yung camera, ihahatid na lang kita sa bayan" saad niya, gustong magwala ng utak ko at magsisigaw na 'Wag mo nga ako paasahin Leo! Wag ka masyadong mabait! Wag mo iparamdam sa'kin na concern ka! Mas lalo akong na-fafall sayo kaya wag kang ganyan!'

"S-sige" iyon na lang ang nasabi ko. Hindi ko alam pero parang biglang umurong ang dila ko. Kasunod niyon namalayan ko na lang na paangkas na ako sa bisikleta niya. Siguro ang dapat kong kainisan sa lahat ay ang sarili ko. Ako mismo ang may kasalanan kung bakit hindi ako makaiwas kay Leo.

***

Nagkakantahan silang tatlo habang nakaangkas ako sa bisikleta ni Leo. Kasalukuyan naming tinatahak ang malawak na kalsada sa tabi ng dagat ng Atimonan. Kinakanta nila ang Kisapmata by Rivermaya.

Papalubog na rin ang araw na mas lalong kumislap dahil sa pagtama ng repleksyon nito sa dagat. Hindi ko alam pero napangiti na lang ako sa sarili habang dinadama ang lamig ng hangin na sinabayan ng magandang paligid at ang pag-awit nila.

Ilang sandali pa, napadaan ang sasakyan ni Chelsea, binuksan nito ang bintana sa likod saka kumaway sa akin. "Aries!" tawag niya sabay ngiti, napatulala kaming lahat sa kaniya habang tinatangay ng hangin ang mahaba niyang buhok.

Bago ko pa itaas ang kamay ko para batiin siya pabalik, nakita kong ibinaling niya ang tingin niya kay Leo sabay ngiti bago niya dahan-dahang isinara ang bintana ng kotse. Biglang napatigil sa pagpadyak ng bisikleta si Gian dahilan upang mapatigil din si Adrian.

Tumigil din si Leo at isa-isa ko silang pinagmasdan na pare-parehong natulala sa kagandahan ni Chelsea. "Nahulog ata puso ko 'don" tulalang ngiti ni Gian, hindi ko naman makita ang reaksyon ni Adrian dahil nakatalikod ito at hindi naman siya lumingon kay Gian.

Nagpatuloy na ulit kami hanggang sa makarating sa bahay. Sa bahay na rin ni Gian kami kumain ng hapunan matapos naming mag-practice ng ilang oras. Sabay-sabay na kaming lumabas sa ka bahay nila Gian, alas-otso na ng gabi. 

"Basta dagdagan na lang siguro natin ng iba pang lyrics" saad ni Gian habang abala kaming tatlo nina Leo at Adrian sa pagsusuot ng sapatos. "Masyadong mabilis ang pagtugtog mo sa piano, hindi ka namin mahabol" reklamo ni Adrian, napakunot naman ang noo ni Gian. 

"Mabagal ka lang talaga mag-drums" bawi niya kay Adrian, naglakad na kami papalabas sa gate nang matanaw namin mula sa di-kalayuan ang pamilyar na kotse na nakaparada malapit sa bahay nila Leo. 

"Hindi ba kotse 'yun nila Chelsea?" nagtatakang tanong ni Gian na nakadungaw sa gate nila. "Anong ginagawa dito ni Chelsea sa barangay natin?" habol pa ni Gian, sabay kaming napatingin ni Adrian kay Leo na ngayon ay napayuko lang. Ilang sandali pa, huminga siya ng malalim saka naglakad ng derecho papalapit sa kotse. 

Agad sumunod sina Adrian at Gian, sinubukan ko ring maglakad at sumunod sa kanila ngunit hindi ko magawang humakbang ng mabilis. Tumigil si Leo sa tapat ng kotse at kumatok sa bintana nito. Bumukas ang pinto at lumabas doon si Chelsea at humarap sa kaniya. 

"Namamalik-mata ba ako? Si Chelsea... Si Leo?" ulit pa ni Gian, napalingon naman sa akin si Adrian kung kaya't naglakad na ako papalapit sa kanila. Nakatalikod sa amin si Chelsea, hindi niya alam na nakatingin kami sa kanila mula sa malayo. 

Lumabas ang driver ni Chelsea na si kuya Mil, may sinabi itong hindi namin narinig hanggang sa pumasok si Leo sa loob ng kotse at umandar ito papalayo. 

***

Alas-diyes na ng gabi, nakatambay kaming tatlo sa labas ng bahay nila Leo. Ayaw pang umuwi nina Gian at Adrian dahil gusto rin nila malaman mula kay Leo kung bakit siya pinuntahan ni Chelsea kanina. Gustuhin ko man ding umuwi ngunit gusto ko ring malaman kung bakit.

Hindi nagtagal natanaw na namin si Leo na mag-isang naglalakad pabalik. Sandali siyang napatigil sa paglalakad nang makita kami ngunit wala na rin siyang nagawa kundi ang magpatuloy dahil batid niyang kanina pa namin siya hinihintay doon. 

"Gabi na..." hindi na natapos ni Leo ang sasabihin niya dahil naunang nagsalita si Adrian. "Ano 'yung nakita namin kanina Leo? Anong ibig sabihin 'non?" gulat na napatingin sa kaniya si Gian, samantala, pinili kong hindi kumibo. 

Agad sinagi ni Gian ang braso ni Adrian, "Ang seryoso naman nito" puna ni Gian kay Adrian sabay tawa sabay kapit sa braso ni Leo. "Anong meron sa inyo ni Chelsea? Bakit ka niya pinuntahan dito?" ngisi ni Gian na animo'y chismosang uhaw sa chismis. 

Napatingin muna sa akin si Leo bago siya nagsalita, "M-may pinag-usapan lang kami ni Chelsea" tugon niya, mas lalo namang dumikit sa kaniya si Gian. "Ano? May something ba sa inyo?" pang-asar pa nito. Agad namang kumawala si Leo sa pagkakahawak ni Gian na parang nababaliw na linta tinutukso siya. 

"May problema lang siya sa swimming team. Nagpapatulong lang siya sa'kin" patuloy ni Leo sabay tingin muli sa'kin bago siya tuluyang pumasok sa loob ng bahay nila. Naiwan naman kaming tulala sa labas at hindi makapaniwala sa sinabi ni Leo. 

Kinabukasan, maaga akong umalis ng bahay. Ayokong sumabay kina Leo kaya aagahan ko ang pagpasok sa school. Paglabas ko ng bahay, natanaw ko na agad silang tatlo na papunta sa bahay namin. Kumaway si Gian at itinigil nila ang kanilang mga bisikleta. 

Wala na akong nagawa kundi ang lumapit sa kanila at sumakay sa bisikleta ni Leo. "May ipapaliwanag pa raw sa'tin si Leo, pero ililibre niya muna tayo sa tindahan ni Manong Jude" panimula ni Gian sabay ngisi at mabilis na pinaandar ang kaniyang bisikleta. 

Tumingin muna sa amin si Adrian saka mabilis na sumunod kay Gian. Nakita kong lumingon sa akin si Leo sandali bago niya pinaandra ang bisikleta. Hindi ako humawak sa beywang niya, pinili kong humawak sa likod ng uniporme niya. 

Pagdating namin sa tindahan ni Manong Jude, naabutan namin siyang nagwawalis sa labas. "Aba, maaga na kayo ngayon ah" ngiti niya, mabilis namang kumuha ng mga chichirya at juice sina Gian at Adrian dahil si Leo ang magbabayad ngayon. 

"Si Leo po ang taya ngayon" ngisi ni Gian habang isa-isang binibilang ni Manong Jude ang mga binili nila. Hindi ako kumuha kahit isa hanggang sa kinuhaan na lang ako ni Leo ng isang biscuit at juice.

Nagpatuloy na kami papunta sa school. Dahan-dahang nilang pinapadyak ang kani-kanilang mga bisikleta habang tinatahak namin ang daan sa gilid ng kalsada at tinatanaw ang magandang mpagsikat ng araw. 

Nagawa namang kumain ni Gian habang nag-bibisikleta, "Leo, magpaliwanag ka na habang natutuwa pa kami sa mga pagkaing nilibre mo" panimula ni Gian, siya lang ang salita ng salita kanina pa. 

Napatigil sa pagbibisikleta si Leo dahilan para mapatigil din sina Gian at Adrian at mapalingon sa kaniya. "May malaking problema si Chelsea, kailangan niya lang ng karamay at tinutulungan ko rin siya" wika ni Leo, walang nakapagsalita sa amin. Dumaan ang ilang mabibilis na sasakyan na parang isang hangin. 

Lumingon si Leo sa aming tatlo, "Ano bang iniisip niyo?" patuloy niya, umikot-ikot naman ang mata ni Gian. "Parang ang weird lang kasi, bakit ka pa niya pupuntahan ng ganoon kagabi?" saad ni Gian habang sinisipsip ang juice na iniinom niya. 

"Kailangan niya lang ng makakausap kagabi" tugon ni Leo, napahalukipkip naman si Adrian. "Ano bang problema ni Chelsea?" usisa nito, napakagat lang si Leo sa labi niya. Batid ko na kapag ginagawa niya iyon ay nahihirapan siya mag-desisyon. Na iniisip niya ng mabuti kung dapat ba niyang sabihin. 

"Pasensiya na pero---" hindi na natapos ni Leo ang sasabihin niya dahil tumayo na ako. "Kalimutan na natin 'yon, hindi na siguro natin dapat pa pakialaman ang buhay ni Chelsea" panimula ko saka isa-isa silang tiningnan. Napatigil ako nang magtama ang mga mata namin ni Leo, "Okay lang kahit hindi mo sabihin sa amin. Tama lang na ilihim mo ang pinagdadaanan ni Chelsea dahil hindi maganda kung ipagkakalat mo ang problema niya" patuloy ko.

Ilang segundong naghari ang katahimikan. Nakita kong nagpalitan pa ng tingin silang tatlo hanggang sa mapatikhim si Gian. "Hays, crush ko pa naman si Chelsea pero sige give-up na ko. Kailangan kong isipin ang bro code" tawa ni Gian sabay suntok ng mahina sa balikat nina Leo at Adrian. 

"Tange, wala naman silang relasyon ni Chelsea. Ligawan mo siya kung gusto mo" saad ni Adrian na natawa na rin di-kalaunan. "Ayoko, talo na ko kay Leo. Siguradong ma-fafall din sayo si Chelsea" tawa ni Gian sabay suntok ulit ng marahan sa balikat ni Leo. 

"Ang dudumi talaga ng utak niyo" saad ni Leo pero natawa na lang din siya dahil sobrang seryoso ng mga hitsura namin mula kagabi hanggang kaninag umaga na parang hinuhusgahan namin siya dahil hindi niya nagawang sabihin sa amin na malapit pala sila ni Chelsea sa isa't isa. 

Napatingin sa akin si Gian, "Ikaw Aries, wag kang tutulad kay Leo. Bawal mag-sikreto ng love life, ayaw naming nabibigla ng ganito" turo sa akin ni Gian na parang tatay. 

"Basta, bawal ka pa mag-boyfriend o magpaligaw" saad ni Leo, "Kailangan muna dumaan sa aming tatlo ang mangangahas na manligaw sayo" dagdag ni Adrian. "Pero mukhang wala namang magkakagusto sayo kaya chill lang kami" dagdag pa ni Gian dahilan para taasan ko siya ng kilay. Binatukan naman ulit siya ni Adrian.

Magsasalita pa sana si Gian pero mabilis na nahila ni Adrian si Leo papunta sa mababang semento na pwedeng upuan paharap sa dagat. Lumingon sila sa akin na naiwan sa tabi ng mga bisikleta na ipinuwesto lang nila sa gilid ng semento.

"Nagugutom na ako, kumain muna tayo dito" saad ni Adrian sabay labas ng mga chichirya at juice na nilibre ni Leo kanina. "Oo nga, nahihirapan din ako kumain habang nagbibisikleta" dagdag ni Gian. 

Naupo kami sa mahabang semento na nakaharap sa dagat. Si Gian sa kabilang dulo, sa tabi niya si Leo, ako ang sunod at katabi ko naman sa kabila si Adrian. Nakaharap kami ngayon sa dagat habang pinagmamasdan ang pagsikat ng araw. Magkahalong kulay kahel at asul ang kalangitan habang umiihip ang sariwang hangin.

Nag-unat ng kamay si Gian "Basta, ipangako natin na hindi tayo pwede magkagusto sa iisang babae. Bro code 'yon" wika ni Gian sabay lahad ng palad niya sa gitna, Nagkatinginan naman sina Leo at Adrian sabay ngiti at ipinatong din nila ang palad nila sa kamay ni Gian.

Napakunot naman ang noo ko "Paano ako? Dapat ba meron ding code na hindi kayo pwede mangialam sa love life ko?" sabat ko, sabay-sabay naman nilang ginulo ang buhok ko. "Walang ganon"

"Bro-sis code ba?"

"Di ka magkaka-love life"

Napahalukikip na lang ako at tinaasan sila ng kilay. "Ang daya, dapat may batas din ako" reklamo ko pero nagkatinginan lang silang tatlo. "Hmm... May karapatan kaming mangialam sa love life mo pero ikaw ang may karapatang pumili kung sino ang mamahalin mo" saad ni Leo at ginulo niya ulit ang buhok ko.

"Ano pang hinihintay mo?" saad ni Gian, napangiti na ako saka ipinatong ko ang kamay ko sa mga kamay nila at sabay-sabay kaming sumigaw sabay kumpas ng kamay sa ere.

***

Pagkatapos ng klase, nakasalubong ko sila sa hagdan kaya wala na akong takas kundi ang sumabay sa kanila pauwi. Pinaalala ulit ni Leo ang camera ng lolo niya kaya wala na akong nagawa kundi ang dumerecho sa bahay nila. 

"Camera?" nagtatakang bungad ni Lolo Gil nang makarating kami sa bahay nila. Agad kong hinawakan ang braso ni Lolo Gil saka tinangay siya papunta sa lagayan ng kahera. "Lolo, 'yung camera na hiniram ko sa inyo diba" ulit ko habang pilit na inaagaw ang atensyon niya kay Leo. Medyo makakalimutin na si lolo Gil at siguradong sasabihin niya na nakalimutan lang niya.

Inilapag na ni Leo ang bag niya sa mesa ng kusina saka umimon ng tubig. Napakamot naman ng ulo si lolo Gil, "Ah, nakalimutan ko na siguro na nanghiram ka. O'siya, kukunin ko lang sa taas" saad ni lolo Gil saka umakyat papunta sa ikalawang palapag ng bahay nila. Wala kaming band practice ngayon kaya umuwi na sina Gian at Adrian.

"Dito ka na kumain" narinig kong saad ni Leo mula sa kusina, naglalakad siya ngayon papalapit sa'kin. Napalunok na lang ako sa ganda ng tindig niya, paborito ko sa lahat ay ang medyo magulo niyang buhok na tumatama sa makapal niyang kilay.

Bago pa ako makapagsalita hindi ko namalayan na nasa harapan ko na siya, "Magluluto kami ni lolo" patuloy niya sabay abot ng isang basong malamig na tubig sa'kin. "Magagalit si mama kapag hindi ko kinain ang luto niya, maaga siya nakauwi ngayon" kinuha ko ang baso ng tubig mula sa kamay niya saka uminom ng kaunti, parang binasa ko lang ang labi ko.

Sinimulan kong maglakad paikot sa mga tinda nilang cassette tapes, nakakabingi ang kakaibang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi naman kami ganito dati pero dahil sa pagiging malapit niya kay Chelsea ay parang may nagbago na, alam kong nakakaramdam na rin siya ng pagkailang. 

Tinitingnan ko ang mga cassette tapes sa 70s song section nang maaninag kong may kinuha siya sa bag niya saka naglakad papalapit sa'kin. "Maganda ang kanta mong ito, sakto rin ang title, bakit nga ba Lost in your love? Sinong tinutukoy mo dito?" sunod-sunod niyang tanong dahilan upang mapatulala lang ako sa kaniya at napatitig sa cassette tape na hawak niya.

Sa mga sandaling iyon, alam ko sa sarili ko na wala na akong karapatan para sagutin ng totoo ang tanong niya. May magbabago ba kapag nalaman niya na siya ang inspirasyon ko sa kantang 'yon? Magugustuhan din ba niya ako? O baka masira lang ang pagkakaibigan namin at iwasan na niya ako ng tuluyan.

"Ah, na-inspired lang ako kay Gwen at sa crush niya"

Magsasalita pa sana siya kaso narinig na namin ang pagbaba ni lolo Gil sa hagdan bitbit ang camera. "Heto Aries, pasensiya na, medyo ulyanin na ang lolo mo" tawa ni lolo Gil habang bumababa ng hagdan. Napansin ko na medyo maalikabok pa ang lagayan ng camera bagay na hindi sana mapansin ni Leo dahil siguradong maghihinala siya kung bakit maalikabok iyon kung hiniram ko na iyon nung isang linggo.

Agad akong lumapit kay lolo Gil at kinuha sa kamay niya ang camera "Salamat, lolo. Ibabalik ko po bukas" ngiti ko, tumango-tango naman si lolo Gil dahilan upang sumingkit sa tuwa ang kaniyang mga mata. "O'siya, sabi ni Leo pupunta raw kayo sa bayan ngayon para ipa-develop ang mga litrato" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni lolo Gil, hindi kami pwede pumunta ni Leo ngayon sa bayan dahil wala naman talaga akong maipapa-develop.

"Ah, bukas na lang din po. Malapit na pong dumilim" saad ko habang yakap-yakap ang lagayan ng camera. Napalingon ako kay Leo na naglalakad na palabas ng pinto para ihanda ang bike niya pero napatigil siya at napalingon sa'kin nang marinig ang sinabi ko. "Hindi ba kailangan niyo na 'yan bukas?" tanong ni Leo, napalunok na lang ako at napatingin kay lolo Gil na naghihintay din ng sagot ko.

"M-may sinabi ba ako na kailangan na bukas?" tanong ko habang pilit na inaalala kung may sinabi ba ako. Ito ang mahirap sa pagsisinunggaling, minsan makakalimutan mo ang mga sinabi mo sa katotohanang hindi naman iyon totoo. Napaisip din si Leo, "Ang sabi mo kailangan niyo 'yung mga pictures para sa nutrition month" tugon niya, maging siya ay hindi rin sigurado kung iyon ba ang sinabi ko.

At dahil mukhang hindi rin siya sigurado, ginamit ko na ang pinaka-last life line. Tumawa ako ng malakas na parang mangkukulam, "Sa Friday pa ang event sa nutrition month, pwede pa 'to bukas ipa-develop" tawa ko dahilan para mapangiti rin si lolo Gil habang si Leo naman ay halatang napapaisip kung ano ba talaga ang sinabi ko kanina. Sa huli mukhang napaniwala ko naman siya kasi hindi na siya lumabas ng bahay.

Bago pa makapagsalita si Leo mabilis na akong lumabas sa pinto saka nagpaalam sa kanila at naglakad ng mabilis pauwi sa bahay. Napalingon pa ako sandali at naabutan kong napakamot na lang sa ulo si Leo, mabuti na lang hindi niya masyado maalala ang palusot ko kanina.

***

Kinabukasan, mas maaga akong pumasok sa school para hindi ako makasabay sa kanilang tatlo. Medyo madilim pa ang langit at hindi pa sumisikat ang araw. Maaga rin ang byahe ng mga jeep kaya hindi ako nahirapan makasakay. Kailangan ko lang talaga gumising ng mas maaga para mapanindigan ko ang pag-iwas kay Leo.

Alas-singko pa lang ng umaga nasa school na ako, kaunti pa lang ang mga estudyante at halos mabagal ang lakad ng ilan na mukhang napilitang gumising ng maaga dahil maaga silang ginising ng nanay nila.

Ako pa lang mag-isa sa classroom at dahil sa inip pinadaanan ko ng pambura ang blackboard kahit malinis na iyon pagdating ko. Nagwalis din ako saka nagbunot kahit malinis at makintab na ang sahig ng classroom namin. Inayos ko rin ang mga upuan at siniguradong pantay-pantay ang layo ng lahat sa isa't isa.

Ilang sandali pa, napatigil ako sa pagiging masipag nang sumilip ang teacher naminsa P.E "Aries, may bakante pa kayong upuan? May bagong estudyante sa section three kaso wala na silang extrang upuan" saad ng teacher namin na si Sir Dan Fifty years old na siya pero sobrang bata at liksi niya pa rin dahil active talaga siya sa sports. Siya rin ang coach nila Leo sa swimming team at siyang ninong ni Chelsea.

"Meron po Sir, sa likod" sagot ko sabay turo sa pinakalikod na upuan. Tumango si Sir Dan sabay senyas mula sa malayo. Ilang sandali pa, natanaw ko sa bintana ang isang babae na naka-boy haircut, naglalakad siya papalapit kay Sir Dan. "Si Joyce Gonzales, third year high school sa section three" saad ni Sir Dan, sabay tapik sa balikat ni Joyce na ngumunguya lang ng bubble gum.

"Hi" saad ko pero hindi ako pinansin ni Joyce na parang chill lang, makapal ang eyeliner niya, naka-wax din ang maikli niyang buhok. Nakasuot siya ng pambabae naming uniform pero parang lalaki ang kaniyang kilos. "Ah, pwede mo kunin 'yung nasa dulong upuan. Walang nakaupo doon" patuloy ko sabay turo ulit sa pinakadulong upuan na siyang pinakapanget na upuan na hindi namin ginagamit. May mga vandalism sa upuan na iyon at medyo umuuga na.

Tiningnan niya lang ako saka naglakad papunta sa pinakadulong upuan para kunin iyon. "She's from Manila, anyway, ikaw na ang maghatid sa kaniya sa classroom nila" saad ni Sir Dan saka naglakad papalayo. 

Lumabas siya sa isang pintuan namin sa likod, sinundan ko siya papalabas "Sandali, nasa second floor 'yung classroom niyo" tawag ko sa kaniya dahil dere-derecho lang siyang naglakad papunta sa kabilang classroom. Napatigil naman siya saka sumunod sa akin sa baba.

Pagdating namin sa classroom nila, medyo marami nang tao roon. Nagulat pa ako nang marinig ko ang boses ni Gian "Aries! Bakit hindi ka nagsabi na papasok ka ng maaga, naghintay pa doon si Leo sa bahay niyo" sigaw niya, napalingon pa ang iba nilang kaklase sa amin. Sanay na ang lahat na medyo iskandaloso si Gian pero nakakagulat pa rin talaga siya.

Tumayo si Adrian at inakbayan si Gian. Sabay nilang tiningnan ang babaeng nasa likod ko. "J-joyce? Ikaw ba 'yan?" gulat na tanong ni Adrian, habang si Gian naman ay halos mapanganga sa gulat. Napakunot naman ang noo ko at napatigil ako sabay lingon muli sa babaeng nasa likod ko nang unti-unti kong mapagtanto na pamilyar nga ang pangalan at hitsura niya. 

Napatakip na lang ako sa bibig nang mapagtanto ko na siya ang babaeng M.U dati ni Gian noong elementary kami at naudlot lang ang pagmamahalan nila nang dalhin si Joyce ng mama niya sa Manila bago kami mag-grade five.

Sabay kaming napatingin ni Adrian kay Gian na ngayon ay parang wala sa sariling nakatulala kay Joyce na tinatawag niya dating love of his life. Ilang araw din namin siyang hindi nakasama maglaro noon sa labas dahil nagmumukmok siya sa kwarto sa pagkawala ng baby bunch at sweetie pie. At ngayon sa pagbabalik ni Joyce, totoo pala ang naririnig naming balita na tomboy na siya.

***

Nang hapon ding iyon, pagkatapos ng huling subject namin, nagmamadali akong umuwi na parang wala ng bukas. Ayokong maabutan nila Leo at siguradong dadalhin niya ako sa bayan para magpa-develop ng picture.

Matagumpay naman akong nakauwi ng bahay, nasundo ko rin ng maaga si Axel sa bahay nila lola Amor dahil natutulog ito sa hapon pagkatapon ng klase nito. Alas-siyete ng gabi, nanonood ako ng balita sa TV, ilang beses ko rin in-aadjust ang antenna dahil bigla itong lumalabo kada ten minutes. Pinukpok ko na rin ang likod ng TV para umayos ito, bagay na hindi ko nagagawa kapag nandiyan si mama dahil siguradong papagalitan niya ako kapag nahuli niya akong pinupukpok ang likod ng TV at remote.

Ilang sandali pa, lumapit si Axel bitbit ang mga laruan niyang power rangers. "Ate, gatas" saad niya at napakurap-kurap pa ng mata na animo'y nagpapa-cute para hindi ko siya matanggihan.

"Sige, umupo ka lang diyan. Dapat behave ka ha" bilin ko sa kaniya, napangiti naman siya sabay lundag sa sofa. Pinisil ko pa ang pisngi niya bago ako naglakad papunta sa kusina kaso napatigil ako nang makita kong ubos na pala ang gatas ng kapatid ko.

Napatingin ako sa ref kung saan nakita ko ang note na iniwan ni mama doon. Hindi ko nabasa kanina na nagbilin pala siya na wala ng gatas si Axel, nag-iwan din siya ng pera na iniwan niya sa ibabaw ng ref.

Kinuha ko na ang pera saka naglakad papalabas sa pinto, "Axel, bibili lang ako ng gatas sa tindahan. Diyan ka lang ha" bilin ko sa kaniya, tumango naman siya habang nakatingin sa TV. Sinara ko na ang bahay saka naglakad sa labas. Nakasuot lang ako ng green na tshirt at black na short.

Tahimik na ang kalsada sa labas, may ilang matatanda lang na nakatambay sa sari-sari store ni Aling Ninay. Nagkwekwentuhan at nagtsitsimisan sila roon na para bang palaging may exlusive na balita na pinag-uusapan nila. Bumili na ako ng isang pack na gatas at ilang hanny na chocolate candy.

"Alam niyo ba, bali-balita na mag-aasawa na ulit si mayor" narinig kong sabi ng isa, sa pagkakataong iyon si Chelsea ang unang pumasok sa isip ko. "Matagal naman nang namatay ang asawa ni mayor, may karapatan din naman siyang sumaya at makahanap ng bagong asawa" pagsang-ayon naman ng isa na sinang-ayunan din ng lahat.

Sinuklian na ako ni Aling Ninay saka siya sumali ulit sa usapan nilang matatandang magkakaibigan. Naglakad na ako pabalik sa bahay pero naisipan kong dumaan muna sa isa pang tindahan nina manong Jude. Gusto kong bumili ng makukulay na puto seko at papakin iyon habang nanonood ng teleserye mamaya.

Ilang sandali pa, natanaw ko na ang malaking tindahan ni Manong Jude pero napatigil ako nang madaanan ko ang playground. Mula sa malayo, nakita ko sina Leo at Chelsea na nakaupo sa swing. Nakita ko pang ngumiti si Chelsea sa sinabi ni Leo. 

Naka-uniform pa si Chelsea, samantala nakapalit na ng damit pambahay si Leo. Nakaparada sa gilid ang sasakyan nina Chelsea habang naninigarilyo si kuya Mil at nakasandal sa kotse. Hindi ko alam pero parang hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Parang ayaw makisama ng mga binti ko, habang ang mga mata ko ay derecho lang na nakatingin sa kung gaano sila kasayang dalawa.

Sa dinami-rami ng lugar, bakit sa pinakapaboritong lugar ko pa sila maabutang magkasama? Alam kong alam ni Leo na paborito kong lugar ang playground kung saan kami naglalaro noong mga bata kami at siyang takbuhan din naming dalawa sa tuwing pinupuntahan niya ako sa bahay pag gabi.

Bakit niya kailangang dalhin doon si Chelsea? Bakit niya hinayaang may ibang babae ang makisalo sa paborito kong lugar? Bakit niya pinaupo si Chelsea sa dati kong pwesto?

Sa pagkakataong iyon, namalayan ko na lang na unti-unti nang pumatak ang mga luha sa aking mga mata. Dahan-dahan na rin akong tumalikod at nagsimulang maglakad papalayo sa kanila. Naiintindihan ko naman na wala siyang ideya sa nararamdaman ko, pero alam niya na iyon ang lugar naming dalawa. Sa kabila ng lahat, nagawa niya pa ring magsama roon ng iba.

***

Pag-uwi ko sa bahay, naabutan kong naroon na si mama. Nagkalat din ang mga supot ng groceries sa kusina at kasalukuyan nang umiinom ng gatas si Axel habang nakaharap sa TV. "Kumain na ba kayo?" tanong ni mama sa'kin habang abala siya sa paglalagay ng mga pinamili niyang karne sa ref.

Hindi ko alam pero bigla na lang akong napaiyak sa harapan niya, napatigil siya at nagtatakang napalingon sa akin. "Anong nangyari sayo? Aries" tanong ni mama, sinara niya agad ang ref saka lumapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pilit na tinatanong kung bakit ako umiiyak na parang bata.

"Mama... G-gusto ko ng roller shoes" iyon lang ang nasabi ko at siyang unang pumasok sa isip ko. Hindi ko na mapigilan ang pagbagsak ng mga luha ko at ang pagngawa ko na parang batang inagawan ng candy o laruan.

"Roller shoes? Bakit ka umiiyak ng ganiyan? Sige sige, bibilhan kita ng roller shoes, wag ka na umiyak" nag-aalalang saad ni mama sabay yakap sa'kin, hinagod-hagod niya pa ang likod ko. "Parang ngayon mo lang naman sinabi sa'kin na gusto mo ng ganong sapatos. Ikaw talagang bata ka" sermon pa ni mama, saka pinaimon ako ng tubig.

Nang makainom na ako ng tubig at mahimasmasan, umakyat na ako sa kwarto. Nahuli kong nakatitig din sa'kin si Axel na para bang iniisip niya na inagawan niya ako ng laruan. Pumasok muna ako sa banyo saka naghugas ng mukha. Napahawak na lang ako sa dibdib saka napatitig sa salamin.

Kahit papaano medyo nabawasan ang bigat na nararamdaman ko kahit pa ngumawa ako na parang bata kanina. Wala na akong pakialam, kahit pa medyo weird ang sinabi kong roller shoes kay mama. Iyon lang ang unang pumasok sa isip ko para makaiwas kay Leo. Kailangan kong matuto mag-roller skate para hindi na ako sumabay sa kanila pagpasok ng school at makatipid.

Dumerecho na ako sa kwarto saka napabagsak sa kama. Siguro magkasama pa rin silang dalawa ngayon habang masayang nagkwekwentuhan at naglalaro sa playground. Samantalang ako, heto nagmumukmok sa kwarto at umiyak na parang baliw kanina.

Ilang sandali pa, napatingin ako sa gitara kong pinangalanan kong Hope. Regalo pa sa akin iyon ni papa at talagang iniingatan ko. Kulay brown ito at ilang beses ko na ring pinapalitan ng string. Ilang minuto ko pang tinititigan ang gitara bago ako bumangon at kinuha iyon.

Naupo ako sa kama saka sinimulang kapain ang gitara mula sa nararamdaman ko ngayon. Sabi nga nila, ang pinakamabisang alas ng isang taong mahilig sa musika ay ang nararamdaman nito. Sa pamamagitan ng musikang nalilikha, lirikong naisusulat at tinig na nagmumula sa puso... Nabubuo ang isang kantang puno ng damdamin. Magkakahalong lungkot, saya at paghihinayang.

Sa pagkakataong iyon, hindi ko namalayan na tuloy-tuloy akong nakalikha ng awiting mula sa nararamdaman ko para kay Leo. Alam kong masaya na siya ngayon kay Chelsea. Sino ako para pigilan iyon? Hindi ba dapat maging masaya ako dahil masaya siya. Hindi ko man makuha ang puso niya, habambuhay naman akong mananatili sa tabi niya bilang isang kaibigang tunay na nagmamalasakit at nagmamahal sa kaniya. Balang araw alam kong lalaya rin ako mula sa pag-ibig kong ito para sa kaniya.

***

Kinabukasan, halos abala ang lahat dahil Nutrition Month Celebration na. Magkakaroon ng short program sa umaga na dadaluhan ni Mayor at ilang konsehal. Talagang pinaghandaan ito ni Chelsea dahil alam niyang darating ang papa niya.

Alas-otso na ng umaga, isa-isa nang dumarating ang mga bisita at magulang ng mga kaklase naming mag-peperform sa stage. Ngayong araw din i-aanunsyo ang mga nanalo sa Poster Making Contest at Slogan Contest na ang tema ay tungkol sa 'Pagkain ng Gulay para humaba ang Buhay'

Kalahating oras na ang lumipas, hindi na mapakali ang mga teacher namin at maging kami sa student council na siyang nag-organize ng event. Kanina pa dumating si mayor na ngayon ay nakaupo na sa harap kasama ang ilang konsehal. Inabutan na rin namin sila ng tubig at inilagay na rin ang malalaking electric fan sa tabi nila.

Maliit lang ang entablado at open area ang pwesto ng mga audience. May malaking tarpaulin na nakalagay itaas na nagsisilbing bubong. Hindi naman matirik ang sikat ng araw kung kaya't hindi mainit.

"Chelsea, magtawag muna kayo ng kakanta sa stage para hindi mainip ang mga tao lalo na ang papa mo. Wala pa si Mr. Conrado, at late din ang ibang sasayaw" iritang sabi ni Sir Dan na hindi na mapakali. Nasa backstage kami ngayon at pare-parehong kabado. Ilang beses din akong sumilip sa mga audience at halos naiinip na ang lahat.

May ilang bata ring nagtatakbuhan sa taas ng stage na mabilis namang pinapababa ng mga magulang nila. "Sinong kakanta? Hindi po ako kumakanta" saad ni Chelsea, sakto namang dumating si Leo, may bitbit siyang dalawang bottle water at inabot niya sa amin ni Chelsea. "Palamig muna kayo, gusto niyo ba ng soft---" hindi na natapos ni Leo ang sasabihin niya dahil biglang nagkatinginan si Chelsea at Sir Dan.

"Leo! Ikaw muna ang kumanta sa stage!" halos sabay nilang sabi na ikinagulat ni Leo. Napalingon din sa akin si Chelsea, "Kayong dalawa ni Aries, hindi ba nasabi mo sa'kin na bubuo kayo ng banda? Please, kumanta muna kayo para hindi mainip sila dad" pakiusap ni Chelsea sabay hawak sa braso ni Leo. Iniiwas ko na lang agad ang mata ko sa ginawa niya saka uminom ng tubig.

"Siguradong ma-didisappoint si dad sa'kin" patuloy pa ni Chelsea na parang maiiyak na, "No, hindi naman ganon ang pagkakakilala ko sa Dad mo" saad ni Sir Dan para pagaanin ang loob ni Chelsea na nagpapanic na ngayon. "But, ninong sometimes he gets mad at me lalo na sa performance ko here sa student council" saad ni Chelsea at napaupo ito sa upuan sabay hawak sa ulo niya.

Napatingin naman ako kay Leo, bakas sa mukha niya na nag-aalala siya kay Chelsea lalo na kapag napagalitan ito. Magsasalita pa sana si Sir Dan para gumaan ang pakiramdam ng inaanak niya nang biglang kinuha ni Leo ang gitara na nakapatong sa isang gilid. Madalas naming gamitin ang gitarang iyon kapag may misa sa school.

Tumingin sa akin si Leo, kahit hindi siya magsalita alam ko ang gusto niyang sabihin. Alam kong gusto niyang pagbigyan si Chelsea at kumanta kami ngayon sa entablado. "Please Aries" patuloy ni Chelsea na ngayon ay mukhang nabuhayan na ng pag-asa dahil gagawin ni Leo ang lahat para sa kaniya.

"Bro, pinapatawag ka ng librarian, 'yung libro raw sa math" bungad ni Gian na bigla na lang sumulpot sa pintuan. "Kanina ka pa namin hinahanap, nandito ka lang pala" dagdag naman ni Adrian, pareho silang umiinom ni Gian ng coke mula sa plastic at straw.

"Bro" saad ni Leo sabay abot ng isang gitara kay Gian at ang maliit na beat box drum kay Adrian. Gulat na napatingin sina Gian at Adrian sa mga musical instrument na inilapag ni Leo sa harap nila. "Medyo mapapaaga ang pagpapakitang gilas natin sa banda. Okay lang ba?" patuloy ni Leo, napatulala naman sina Gian at Adrian sa gulat. Alam nila na manonood si mayor at ilang mahahalagang tao.

"Wala na tayong oras, akyat na sa stage!" sigaw ni Sir Dan sabay tulak sa aming apat paakyat sa stage. Napatigil ang ingay ng mga audience at halos lahat sila ay nakatingin na sa amin ngayon.

Apat na gusgusing estudyante ang biglang sumulpot sa stage bitbit ang mga instrument na hindi namin alam kung saan ilalagay. Biglang sumunod sa stage si Tim na nasa kabilang pinto. Siya ang naatasan na maging MC ng program "Ladies and Gentlemen, let's all welcome..." napatigil si Tim at napalingon sa amin sabay bulong "Aries, anong pangalan ng banda niyo?"

"Ha?" nanlaki ang mga mata ko sa gulat, wala pa palang pangalan ang banda namin. Napag-usapan namin na saka na namin iisipin iyon kapag malapit na ang contest. Napatingin ako sa kanilang tatlo na pare-parehong naistatwa sa kaba. Para silang mga tuod na hindi na makagalaw sa kinatatayuan nila. "Wala pa kaming pangalan" bulong ko kay Tim na halos lumuwa ang mata sa gulat.

Napalingon ulit ako sa kanilang tatlo at pinandilatan ko sila ng mata dahilan para matauhan sila, nakita kong nasindak pa si Gian nang makita niya si Joyce sa audience habang ngumunguya ng bubble gum at seryosong nakatingin sa kaniya. "Ah, diba mahilig ka sa zodiac signs? Ano ang zodiac signs niyo?" mabilis na bulong sa amin ni Tim.

"Leo and Aries" si Adrian na ang sumagot, ngumiti at tumango si Tim sabay kuha ng microphone. "Ladies and gentelemen, let's all give it up to Leo and Aries band!" masiglang anunsyo ni Tim na sinabayan ng palakpakan ng mga audience.

Nagsigawan naman ang mga kaklase namin kahit pa nung una ay nagtataka sila kung bakit nasa stage kami. "P*cha anong kakantahin natin?" narinig kong bulong ni Gian sabay kamot sa ulo. Pumwesto na rin si Adrian sa likod at inupuan niya ang beat box drum.

Nasa gitna naman ako, sa tapat ng microphone. Nasa kanan ko si Leo habang nasa kaliwa ko naman si Gian. Pareho silang may hawak na gitara. Napalingon ako sa kanila sa huling pagkakataon saka sinabi ang chords at sinenyasan si Adrian kung kalian niya gagamitin ang beat box drum.

"Sigurado ka Aries? Anong kanta ang kakantahin mo?" habol pa ni Gian, narinig na namin ang ilang audience na nagsasabi na Ang tagal naman. Mas lalo kaming kinbahan nang mapatingin kami kay mayor na seryosong nakatingin sa amin. Magandang lalaki si mayor na siyang kamukha ni Chelsea pero nakakatakot talaga ito pag seryoso lalo na dahil nakasuot pa siya ng barong.

"Balang araw" mabilis kong sagot, ni hindi ko alam kung narinig ba nila dahil sa matinding kaba. Sinenyasan ko na si Leo na simulan na niya ang pagtugtog ng gitara. Na-practice na rin namin ito noong mga nakaraang araw. 

Napapikit na lang ako bago magsimulang kumanta. Pinili ko na lang pumikit hindi dahil sa hindi ko kayang makita ang dami ng mga tao na nanonood sa amin ngayon kundi dahil hindi ko kayang matingnan si Leo habang sinasabi ang bawat liriko.

Sinenyasan ko si Adrian bago niya simulan ang paggamit ng beat box drum. Ilang sandali pa, narinig namin ang pagsabay ng mga tao sa indak ng musika. Ang ilan ay sinasabayan ito ng palakpak at pagtango ng ulo habang ang ilan naman ay ang pagpadyak ng paa.

Nagkatinginan kaming apat at pare-pareho kaming hindi makapaniwala na nagugustuhan nila ang performance namin. Napatingin din kami kay mayor na napapatango rin ng ulo at bumubulong sa kaniya ang ilang konsehal na kasama niya.

Napatingin din ako kay Chelsea at Tim na magkahawak kamay sa gilid ng stage at tuwang-tuwa dahil naaaliw namin ang mga tao. Maging si Sir Dan ay nakangiti at proud na nanonood sa amin.

Nang matapos ang performance namin, humiling pa sila ng isa pang kanta pero dumating na si Mr. Conrado na nagmamadaling umakyat ng stage. Sabay-sabay kaming bumaba ng stage at dumerecho sa backstage, nagulat kami nang biglang tumakbo si Chelsea at sinalubong si Leo sa matinding tuwa.

"Thank you talaga!" saad ni Chelsea na biglang namula sa hiya. Paulit-ulit pa siyang nagpasalamat sa amin at nangako na sagot na niya ang lunch namin mamaya. Napaiwas na lang ako ng tingin saka kunwaring may kinuha sa bag ko habang nag-uusap pa rin sila ni Leo. Magkaakbay naman sina Gian at Adrian at inilapag sa gilid ko ang gitara at beat box drum.

"Aries, kunin mo pala sa office ni Mr. Conrado 'yung mga medal" utos ni Sir Dan, agad naman akong tumango at kahit papaano ay nagpasalamat sa tadhana dahil makakaalis na ako sa backstage kung saan hindi ko mapigilang masaktan habang nakikitang magkausap silang dalawa.

Naglakad na ako papalabas, binilisan ko ang lakad ko papapunta sa office ni Mr. Conrado na medyo may kalayuan pa. Mabilis na lakad hanggang sa mamalayan ko na lang na tumatakbo na pala ako. Umaasa na makakatakbo ako papalayo sa nararamdaman ko para kay Leo.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa marating ko ang malaking field. Walang tao roon dahil halos lahat ay naroon sa program. Doon ko na lang din namalayan na kanina pa pala bumabagsak ang luha ko habang tumatakbo ako ng mabilis papunta sa kawalan.

Gusto kong tumakas, gusto kong makalaya, gusto kong mawala ang nararamdaman ko. Sa umpisa pa lang, kasalanan ko kung bakit ako naghihirap ng ganito. Alam ko na hindi dapat ako magkagusto sa kaniya, hindi dapat ako umasa na may hihigit pa sa pagkakaibigan naming dalawa pero heto pa rin ako, isang malaking tanga na hindi pa rin makabitaw sa kaniya.

Napaupo na lang ako sa gitna ng malaking field na puno ng mga damo. Madalas dito kami naglalaro ng soccer at baseball sa P.E at dito rin kami nakapila sa ROTC. Pero ngayon, dinidiligan ko ang mga damo sa lupang ito mula sa luha ko na hindi na maawat sa pagbagsak.

Makulimlim din ang langit, hinihiling ko na sana bumagsak na ang ulan para may karamay ako sa pag-iyak. Wala na akong pakialam kung para akong bata umiyak, natanaw ko rin mula sa malayo ang isang matandang lalaki na nagagapas ng damo pero mukhang hindi niya naririnig ang malakas kong pag-iyak doon dahil may nakasalpak na headphones sa magkabilang tenga niya.

Ilang sandali pa, napatigil ako nang biglang may kulay red na panyo ang bumungad sa harapan ko. "Ano ba 'yan, tulo sipon ka pa rin hanggang ngayon" narinig ko ang pamilyar na boses mula sa likuran ko.

Para akong naistatwa at napatulala sa kawalan dahil sa magkahalong gulat at hiya. Naramdaman ko na lang na umupo siya sa tabi ko saka kinuha ang kamay ko at pinahawak sa'kin ang pulang panyo na hawak niya.

"Anong sabi ng kanta mo kanina? Akala ko ba Balang araw makakalimot ka na" patuloy niya pa na parang inaasar ako. Siningahan ko na lang ang panyong binigay niya dahil bukod sa ang sakit na ng mata ko, hindi na rin ako makahinga mula sa baradong ilong.

Hindi ko siya magawang tingnan, okay lang kung si mama o si Axel ang makakita sa'kin na umiyak ng ganito. Pero ngayon mukhang wala na akong mukhang ihaharap sa kaniya. "Alam ko na kung sino ang tinutukoy mo sa kanta kanina..." dagdag pa niya, dahilan para mapatigil ulit ako at napasigaw sa isipan na sana hindi niya ituloy ang sasabihin niya.

Tumikhim pa si Adrian bago muling nagsalita, naramdaman ko na tumingin pa siya sa'kin. "Si Leo, hindi ba?" patuloy niya dahilan para tuluyang tumigil ang takbo ng paligid. Sumisigaw na ang utak ko at dumadagundong ng malakas ang puso. Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa sa katotohanang alam na ni Adrian ang tunay kong nararamdaman para kay Leo.


****************************************

#LeoAndAries on twitter

Note: Pakinggan niyo ang original song na ito "Balang Araw" by Elli and Angel. Please like, comment and subscribe sa kanilang youtube channel. Maraming Salamat!

"Balang Araw" by Elli and Angel

Continue Reading

You'll Also Like

14M 573K 22
Merong iba't-ibang paraan ang mga tao para makatakas sa reyalidad. Yung iba nagbabasa ng libro, nanonood ng mga drama sa tv, nakikinig ng music...
2M 76.6K 164
Sml? An epistolary.
2.5M 189K 33
Gabriel is sick and Shane is beside her during her ups and downs. But with both of them losing time and connection, will they be able to pull off an...