Stay awake, Agatha (PUBLISHED...

By Serialsleeper

35.1M 1.2M 570K

Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the... More

Stay awake, Agatha.
Epigraph
1 : Her name is Agatha
2 : That idiot named Cooper
3 : New kid on the ward
4 : Of breakdowns and Ice cream
5 : Menace
6 : That awkward moment
7 : The challenge.
8 : The real Cooper Alvarez
9 : Pushing Daisies?
10 : Stimulants
11 : The Boyfriend Commandments
12 : Stay close and don't let go
13 : It's too late
14 : The Stranger
15 : Long time no see
16 : Stay Away Agatha
17 : The truth about us
18 : The last chance
19 : The real jerks
20 : Because she stayed awake
21 : The Fool's move
22 : Back to square one
23 : Don't forget
24 : To-get-her
26 : Nothing
27 : As long as
28 : Struck by Truth
29 : Three words she just cant say
30 : Nothing's well in farewell
31 : The road to you
Epilogue.
Author's Note
The Lost Chapter
BOOK RELEASE AND BOOK SIGNING EVENT ON DAVAO CITY!

25 : Yet another star-crossed couple

750K 32K 10K
By Serialsleeper

25.

Yet another star-crossed couple

Agatha

Kintatok niya ng tatlong beses ang pinto mula sa labas.

Napatingin ako sa maliit na siwang sa ilalim ng pinto at nakita ko ang anino ni Cooper. Gaya ko ay nakaupo parin siya sa sahig habang nakasandal sa kabilang dulo ng pinto. Hindi ko alam kung ilang oras na kaming ganito. Hindi nagkikibuan at tanging ang pinto lamang ang naghihiwalay sa amin.

Sa di malamang dahilan, kinatok ko rin ng tatlong beses ang pinto.

"Agatha okay ka lang ba?" Narinig ko siyang nagsalita kaya ipinikit ko na lamang ang mga mata ko. Umiling-iling ako kahit pa alam kong hindi niya ako makikita.

 Hindi ako tanga. Oo nga’t hindi ako kasing talino ng mga kabataang nakakapag-aral sa isang normal na eskwelahan pero marunong akong makiramdam. At malakas ang kutob kong may itinatago sila sakin. Bakit sa isang iglap biglang si Cooper? Bakit sa isang iglap, bigla akong nagkaroon ng mga laslas at sugat? Bakit pakiramdam ko mamamatay na ako?

Malakas ang pakiramdam kong may mali sakin.

Napakaraming naglalaro sa isipan ko, isa-isang pumapasok sa isipan ko ang mga nakakatakot na posibilidad. Paano kung mamatay ako? Paano kung isang araw hindi na ako magising? Anong mangyayari sa mga magulang ko? Sa mga kaibigan ko?

Naramdaman kong may tumatamang manipis na bagay sa kamay kong nasa sahig kaya napatingin ako dito at nakita kong isa pala itong piraso ng papel.

Pinulot ko ang piraso ng papel na ipinasok ni Cooper mula sa ilalim ng pinto.

Agatha stop crying.

That sentence was written all over the paper. Three words that went on, over and over again. Oo nga’t iisang salita lang itong pinauulit-ilit pero halos mapuno ang papel dahil sa dami ng mga nakasulat at back to back pa. Hindi ko alam kung bakit niya to ginawa, hindi ba siya napapagod sa pagsulat nito?

Nasapo ko na lamang ang ulo ko’t nilukot ang papel at tinapon ito sa dulo ng kwarto.

“Don’t tell me to stop crying, you don’t know how bad I feel right now.” Giit ko at bahagyang siniko ang pinto bago muling sumandal dito.

Muli kong naramdamang may ipinasok siyang papel mula sa pinto kaya kinuha ko ito at binasa.

Agatha I missed you.

Just like the other paper, that sentence was written all over.

God knows how much I missed him but I don’t want to get hurt anymore. I’m done.

 I was about to throw it away too when I saw that he slid another piece of paper again.

Agatha, I’m sorry for everything.

This time. He’s apologizing by writing. Does he really think this will be enough for ditching and pushing me away?

"You dont know what its like to slowly die inside." Giit ko habang hinahayaan na lamang ang luhang tumulo mula sa mga mata ko. "I'm not okay and I feel like im never going to be okay."

"Tama ka, hindi ko nga alam kasi hindi ko naramdaman at dahil 'yon sayo. Noong mga panahong nahihirapan ako at pakiramdam ko ginagago ako ng buhay, bigla kang dumating sa buhay ko. 

Naramdaman kong may tumatamang manipis na bagay sa kamay kong nasa sahig kaya napatingin ako ditto at nakita kong isa pala itong piraso ng papel.

"Okay lang sakin kahit hindi ka magsalita, pakinggan mo lang tong sasabihin ko." Narinig kong sinabi niya kaya tumango-tango ako kahit pa alam kong hindi niya makikita ang magiging sagot ko.

“Makasarili ako. Gago. Walang ibang inisip kundi ang sariling pakiramdam at kapakanan. Hindi ako marunong tumupad ng pangako at magaling lang ako sa salita. Hindi ko alam kung magbabago pa ‘tong kagaguhan ko, pero Agatha may isang bagay na hinding-hindi magbabago at ito ay ang nararamdaman ko sayo. Okay lang sakin kahit hindi na mabalik ang dating samahan natin basta’t hayaan mo lang akong manatili sa tabi mo. Agatha sa maniwala ka o hindi, mahal—“

Bago pa man niya matapos ang mga sinasabi niya ay dali-dali akong tumayo at binuksan ang pinto.

“Shut up!” Giit ko.

Tumayo siya at akmang hahawakan ang mukha ko kaya agad akong umiwas.

“Cooper don’t say things you don’t mean!” Muli kong sigaw.

“But I mean it!” Aniya at natahimik ako nang makita kong may luha naring tumutulo mula sa mga mata niya.

“No you don’t!” Umiling-iling ako at napahawak na lamang sa bibig ko, “Kung mahal mo ako dapat hindi mo ako sinaktan!”

Hindi na ako naiwas pa sa kanya nang muli niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi. Humakbang siya palapit sakin at idinikit ang noo niya sa noo ko. Kapwa kami umiiyak.

“Just let me stay by your side this time. Please baby, let me stay by your side.” Bulong niya kaya iling ako ng iling at napapikit na lamang.

“Why? Why now? Cooper magsabi ka ng totoo,” Muli kong idinilat ang mga mata ko. “May alam ka bang hindi ko alam? May itinatago ba kayo sakin? Mamamatay na ba ako?” Sunod-sunod kong tanong hanggang sa tuluyan akong napahagulgol.

“H-indi! H-indi ka mamamatay! Tayong dalawa, magiging masaya tayo sa piling ng isa’t-isa. Babawi ako sa kasalanan ko. Patatawarin mo ako. Mumurahin at pagt-tripan tayo palagi nila Reema at Javi. Ipagmamayabang ko sa Trent na ‘yon na akin ka. Hindi ko hahayaang maging malungkot ulit. Basta Agatha, hindi ka mamatay.” Nanginginig at mangiyak-ngiyak niyang sambit kaya muli akong napapikit at umiling-iling.

Iwinakli ko  na lamang ang mga kamay niya at humakbang paatras. Hindi ako umiimik, paulit-ulit lamang akong umiiling-iling. At alam kong alam na niya ang ibig kong sabihin.

“Agatha naalala mo yung sinabi mo sakin ‘never let your faith wither’.” Giit niya kaya napasinghal na lamang ako at tumawa ng pilit.

“I’m a hypocrite! I cant practice what I preach! Now can you just leave me alone?!” Sigaw ko kaya pansamantala kaming binalot ng nakaiilang na katahimikan. Muli kong nataguan ang sarili kong nakatitig sa mga mata niyang lumuluha.

“O sige.” Mahina niyang sambit. Tumango-tango siya at unti-unting kumurba ang isang maliit na ngiti sa mukha niya. Nakangiti nga siya pero patuloy naman ang pag-agos ng luha mula sa mga mata niya bagay na lalong nagpapabigat sa kalooban ko.

Dahan-dahan siyang umatras mula sa akin hanggang sa tuluyan na siyang tumalikod at naglakad palayo.

He walked away.

He’s fed up.

He’s done.

I asked him to leave me alone, I should be happy, but why does seeing him walk away breaks my heart even more? Why cant I stop hurting? Why cant I just be happy?

Why do I suddenly regret everything I said?

Why do I suddenly want him by my side?

Bullshit.

This is bullshit.

This is one utter and complete piece of shit.

My heart and mind has gone insane.

Cooper Alvarez, what have you done to me?

Napabuntong-hininga ako’t napahawak na lamang sa dibdib ko gamit ang nakakuyom kong kamay. Naninikip ang dibdib ko, siguro nga ito ang dahilan kung bakit gusto nila akong lumayo kay Cooper noon. Tama nga naman ang kasabihan na kung sino man ang nakakapagpasaya sayo ay siya ring makakapagbigay sayo ng matinding sakit.

Nanghihina man, sinikap kong humakbang patungo sa pinto. Isasara ko na sana ito nang bigla na lamang humarang ang isang kamay sa gitna nito kaya muli ko na lamang binuksan ang pinto.

“Cooper?” Nakunot ang noo ko nang muli ko siyang makitang nakatayo sa harapan ko. Hindi siya tumitingin sakin, sa halip ay nanatili lamang na nakayuko ang ulo niya sa sahig.

 “Gusto mo ba talagang lumayo ako sa’yo? Yan ba talaga ang gusto mo?” Nanlulumo niyang sambit hanggang sa unti-unti niyang ibinalik ang tingin sakin.

Cooper is my saving grace and at the same time my Achilles’ heel.

The way he looks at me…

The way our eyes gaze at each other…

Napalunok ako at dahan-dahang umiling habang nanatiling nakatitig sa mga mata niya, “Cooper natatakot ako. Takot na takot ako. Nahihirapan na ako at kailangan kita. Hindi ko alam anong gagawin kaya pwede bang manatili ka muna sa tabi ko?”

God knows how much I want to punch myself right now.

I really want to curse myself for saying those things.

I hate myself but at the same time I feel relieved.

I finally got to say the things I held back.

 “Kahit hindi mo sabihin, ‘yun parin ang gagawin ko. Kahit na ipagtulakan mo ako palayo, gagawa at gagawa parin ako ng paraan para manatili ako sa tabi mo. Hinding-hindi na kita iiwan ulit. Hinding-hindi ka na ulit mag-iisa. Agatha Mahal kita.” Aniya at bigla na lamang akong niyakap ng napakahigpit. Sa sobrang higpit ay napahampas na lamang ako sa likod niya. Makailang ulit ko rin siyang hinampas hanggang sa natagpuan ko ang sarili kong nakayakap narin sa kanya.

END OF CHAPTER 25.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

380 152 13
STATUS: ON-GOING She is his dose of dopamine.
621K 40.7K 162
Hi, bebi! An epistolary.
370M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.