Duke Sean FORD SERIES 1 COMPL...

By TheRealMinieMendz

1.6M 38K 1.3K

Si Duke Sean Ford ay bata pa lang ay pangarap na ang maging isang sikat na car racer. Sa edad na disi-otso ay... More

FORD SERIES 1
SIMULA
CHAPTER 1 - TRANSFEREE
CHAPTER 2 - SORRY NOTE
CHAPTER 3 - UNEXPECTED
Chapter 4 - TORPE
CHAPTER 5 - DUKE LOVE NESTLE 4EVER
CHAPTER 6 - KISS
CHAPTER 7 - LEAVING
CHAPTER 8 - PLAN
CHAPTER 9 - BOSS
CHAPTER 10 - SECRETARY
CHAPTER 11 - KIMBERLY
CHAPTER 12 - HER FEELINGS
CHAPTER 13 - GOLF PARTNER
CHAPTER 14 - MEET MR. CHAN
CHAPTER 16 - THREAT
CHAPTER 17 - CAUGHT IN THE ACT
CHAPTER 18 - JUST JOKING
CHAPTER 19 - SECRET PLACE
CHAPTER 20 - ACCIDENT
CHAPTER 21 - AMNESIA
CHAPTER 22 - IT'S HIM
CHAPTER 23 - RESCUE HER
CHAPTER 24 - EMBARRASSING
CHAPTER 25 - CLUELESS
CHAPTER 26 - JEALOUS
CHAPTER 27 - SHE'S HOT
CHAPTER 28 - PLAYBOY MAGAZINE
CHAPTER 29 - WEDDING DAY
CHAPTER 30 - FIRST NIGHT
CHAPTER 31 - MARRIED COUPLE LIFE
CHAPTER 32 - MAKE LOVE
CHAPTER 33 - HIS BUSINESS
CHAPTER 34 - NO MORE LOVING-LOVING
CHAPTER 35 - MR. ANDERSON
CHAPTER 36 - A JEALOUS HUSBAND
CHAPTER 37 - BABY RACER
Epilogue

CHAPTER 15 - NANDITO LANG AKO

33.4K 882 23
By TheRealMinieMendz

CHAPTER 15




NESTLE




Unti-unti kong dinilat ang mata ko at napapikit din dahil sa nakakasilaw na ilaw. Gagalaw sana ako nang hindi ako makagalaw dahil tila may matigas na braso at binti na nakapatong sa katawan ko. Tumingin ako sa gilid ko at nanlaki ang mata ko nang makita si Duke na nakayakap sa akin habang tulog. Hubad ang pang-itaas niya kaya hindi ko napigilan na mapasigaw at itulak siya na kinahulog niya sa kama.



"Ouch!" daing niya habang nakahawak sa balakang habang nakaupo sa sahig. Habang ako ay napatakip ng kumot at naupo.



"Anong nangyari?" biglang pasok ni Miss Ganda na kasunod ang lahat ng anak niya. "Bakit ka sumigaw, Nestle?" tanong niya sa akin.. Tinuro ko si Duke kaya napatingin sila doon. "OMG! Are you.," sabi niya na hindi matuloy-tuloy tila biglang-bigla. Napatakip pa siya ng bibig habang tinuturo kaming dalawa ni Duke. "God. Ang babata niyo pa. Duke anak, di ba sabi ko na hinay-hinay lang. Kailangan mong panagutan si Nestle. Gumamit ba kayo ng proteksyon? Dapat ay masabi ko ito sa Daddy mo. Kailangan nating mamanhikan sa pamilya ni Nestle. Jusko naman oh! Ano ba ang pagkukulang ko?," sunod-sunod na sabi ni Miss Ganda na kinamula ko sa hiya dahil naunawaan ko kung ano ang sinasabi niya...



"Mom, ano ba ang sinasabi niyo?" tanong ni Duke na nakaboard short pala habang nakahawak sa balakang habang tumatayo.



"Di ba nag you know kayo ni Nestle?" sabi nito habang pinagdidikit pa ang parehong hintuturo.



"Si Mom talaga oh," sabi ni Samuel na napapailing at lumabas na kasunod ang iba nitong kapatid na ganun din ang reaksyon.



"Aba't! Bakit ganyan ang reaksyon niyo? Porket malalaki na kayo ay tingin niyo ay mali na ang pagrereact ko sa mga ginagawa niyo, ha," sermon ni Miss Ganda sa mga anak, habang nakasunod palabas ng kwarto.



"Ahem!" tikhim ni Duke kaya napatingin ako sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin.



"Bakit ka nakayakap at nakatabi sa akin, ha?" tanong ko sa kaniya.



"Hindi mo ba alam na ikaw ang may gusto na makayakap ako. Hiniga lang kita pero ayaw mo na akong bitawan," sabi niya na kinalaki ng mata ko sa inis. Kinuha ko ang unan at binato sa kaniya.



"Wag mo nga akong niloloko. Tulog ako kaya paanong gusto ko na makayakap ka," sabi ko sa kaniya na sinasalo lang ang mga unan.



"Hindi kita niloloko dahil wala sa bokabolaryo ko iyon. Aminin mo kasi na kahit tulog ka ay hinahanap mo ang init ng katawan ko," sabi niya at talagang ngumisi pa ng nakakaloko.



"Wag kang gumawa ng kwento! Kahit maghubad ka pa ay hindi ko hahanapin ang katawan mong--" sabi ko sa kaniya ay napatingin sa katawan nito. Mas lumaki ata ang katawan niya at may anim na abs na tingin ko ay matigas..



"Talagang wala kang pagnanasa sa katawan ko?" hamon nito at nabigla ako nang lumapit siya sa akin at talagang binabalandra ang katawan niya.



"Teka! Wag kang lalapit! Nakikita mo ito," banta ko sa kaniya at pinapakita ko talaga ang kamao ko. Ngumisi lang siya at talagang nang-aasar.. Kumagat labi siya at pinapalo-palo pa ang abs niya. Kinuha ko ang kumot at nagtaklob. Pinakiramdaman ko siya at napatili ako ng hatakin niya ang paa ko. Pilit kong hinahatak ang paa ko mula sa pagkakahawak niya ngunit hindi ko makuha. May naramdaman ako na may sinuot siya sa parehong paa ko kaya napatigil ako sa pagpupumiglas at tinanggal ang kumot. Tumingin ako sa kaniya na nakaluhod sa harap ko. Tumingin ako sa paa ko at nakita ko ang pares ng black heels sa paa ko.



"It fits," sabi niya at tumayo.



"Ano ito? Bakit mo sinusuot sa akin ito?" naguguluhan kong tanong sa kaniya.



"Yan na ang susuotin mo mula bukas," aniya.



"Ano?? Pero hindi naman akin ito," sabi ko sa kaniya at balak ko sanang ibalik iyon sa kaniya ng mahina niyang katukin ang ulo ko.



"Aray!" inis kong sabi sa kaniya.



"Sa'yo yan, kaya wag mong hubarin. Sige, lalabas na ako. Sumunod kang bumaba at nakaluto na si Mommy," sabi niya at lumakad na.



Bumubuka ang bibig ko dahil hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya. "Thank you," nasabi ko rin. Napahinto siya sa pagpihit ng pinto.



"Para sa'yo," sabi niya at tuluyan ng binuksan ang pinto at lumabas.



Napatingin ako sa sapatos na binigay niya. Masarap sa paa isuot at mamahalin. Napatingin ako sa side table kung saan nakapatong ang kahon na lalagyan ng sapatos. Galing pala sa Aurora Fashion & Shoe Shop. Kaya pala bago kami umalis sa shop ay may bitbit siya na isang paper bag. Napansin pala niya ang sapatos kong sira.



'Ring! Ring!.. Ring! Ring!'



Kinuha ko ang bag dahil nandoon ang cellphone ko na may tumatawag. Agad kong hinanap dahil tawag ng tawag at baka importante iyon..



Nang makita ko ay tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Nakita ko si Magnolia. Kaya napangiti ako na sinagot iyon.



"Oh Magnolia, mabuti at tumawag--" natigil ako sa sinasabi ko dahil sa sinabi ni Magnolia na humahagulgol sa kabilang linya. Napamaang ako habang natulala.. Nabitawan ko ang cellphone dahil sa biglang panlalamig. "Ate! Ate!" sabi ni Magnolia.



Nanginginig ang kamay ko na kinuha muli ang cellphone ko at lumuluha na bumangon sa kama.



"W-Wait for me, Magnolia. Parating na si Ate," umiiyak kong sabi at dali-daling lumabas ng kwarto. Napadapa pa ako pero hindi ko ininda ang sakit ng tuhod at dali-daling bumaba ng hagdan.



"Nestle, tatawagin sana kita. Mabuti--Wait! Bakit ka umiiyak?" bungad ni Miss Ganda at nahinto sa sinasabi ng mapansin na umiiyak ako.



"Miss Ganda, kailangan ko pong umuwi ngayon. Pwede po ba na makisuyo na mahatid ako? Kahit sa port lang po," hindi ko mapakaling pakiusap rito habang tuloy-tuloy ang pagbagsak ng luha ko.



"Teka.. bakit ano bang nangyari? Huminahon ka," nag-aalala nitong tanong.



"Mom, ano pong nangyari?" tanong ni Duke na kasunod na ang mga kapatid nito.



"Huminahon ka, Nestle. Tatawagin ko ang tauhan ni Dimitri. Papahanda ko ang chopper," sabi ni Miss Ganda sa akin. Tumatango na humihikbi ako. Kinakabahan ako at nag-aalala. Parang gusto ko ng liparin ang Maynila para makarating agad.



"Hey, bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ni Duke at ganun din ang naguguluhang mga mukha ng mga kapatid niya. Inalalayan ako ni Miss Ganda na maupo.



"Pwede mo bang sabihin sa amin?" nag-aalalang sabi ni Miss Ganda.



"Tumawag po si Magnolia at sinabi na nabangga daw po si Nanay at Tatay ng isang rumaragasang bus. Nasa ER daw po sila hanggang ngayon. Kaya po kailangan ko po agad na makapunta dahil mag-isa lang po si Magnolia sa hospital," pagkukwento ko sa kanila habang nakatingin sa magkasiklop kong kamay na hanggang ngayon ay nanginginig.. May naupo sa tabi ko at hinawakan ang kamay na pamilyar sa akin kaya nag-angat ako ng tingin.



"Don't worry sasamahan kita," sabi ni Duke.



"Hindi. Wag na. Nakakaabala na ako sa pagkain niyo. Kaya ko naman--"



"Basta sasama ako. Gabi na at delikado na rin. At sabi mo na si Magnolia lang mag-isa roon. Mas lalo niyo akong kailangan. Kaya hayaan mo na akong sumama," putol niya sa akin.



"Duke's right, Nestle.. Hindi din ako matatahimik pag mag-isa kang pupunta sa hospital.. Gusto ko sana na sumama din ngayon pero don't worry susunod kami bukas ng umaga para kamustahin ang parents mo," sabi ni Miss Ganda.



"Salamat po talaga. Pasensya na po sa abala," sabi ko.



"Ano ka ba, para ka namang iba. At tsaka ka na magpasalamat pag ayos na ang lagay nila," sabi niya kaya tumango ako. Narinig na namin ang tunog ng chopper kaya napatayo kami..



"Wait for me here. Ikukuha kita ng jacket," sabi ni Duke kaya tumango na lang ako.



"Hayaan mo Ate Nestle, pagdadasal ko sila Aling Nelia," sabi ni Bettina kaya ngumiti ako sa kanila dahil kahit na hindi naman nila kami kadugo at hindi naman kami matagal na nagkakilala ay handa silang tumulong at nakaalalay.



"Mommy, sama," ungot ni Benjamin na nakayakap sa hita ni Miss Ganda.



"Naku baby, bukas na lang. Alam kong gustong-gusto mo ang Ate Nestle mo. Pero bawal ang bata doon pag gabi," lambing ni Miss Ganda kay Benj.



Tumango naman si Benj kahit na maiiyak. Kinilik ito ni Miss Ganda at tumingin muli sa akin.



"Ganito talaga ang batang ito. Pag naramdaman na may aalis, gustong lagi siyang kasama," sabi niya kaya napangiti ako kahit papaano.



"Malambing na bata si Benj. Tiyak na paglaki niya ay sweet siya sa babaeng magugustuhan niya," sabi ko. Ngumiti si Miss Ganda at tumango habang hinahaplos ang likod ni Benj.



May naramdaman akong sinuot sa balikat ko kaya napatingin ako. Jacket. Tumingin ako kay Duke na nakatingin na sa Mommy niya.



"Mom, alis na kami. Pakisabi na lang kay Dad pag-uwi niya," paalam at bilin niya sa Mommy niya bago ako hinawakan sa kamay. Napatingin ako sa kamay namin. At nakita ko kung gaano kahigpit ang hawak niya para bang ayaw niyang pakawalan. Hindi ko naman matanggal dahil feeling ko safe ako at humihinahon sa mainit niyang pagkakahawak.



Inakay na niya ako sa likod ng bahay nila kung saan lalabas kami at hindi ko alam na may akyatan pala sa taas ng bahay nila. May rooftop at doon daw bumababa ang chopper.



Todo alalay siya sa akin paakyat ng mapansin namin na nakayapak lang pala ako dahil sa pagmamadali ko kanina.



"Wait. Ikukuha kita ng sapatos mo," sabi niya na pinigil ko.



"Wag na. Naghihintay na sila. Okay lang na madumihan ang paa ko basta makarating na ako agad kela Nanay," sabi ko sa kaniya.



Napabuga siya ng hangin at napaisip. Hahakbang na sana ako ng mabiglang buhatin niya ako kaya napayakap ang kamay ko sa leeg niya. Tumingin ako sa kaniya na nakatingin na sa nilalakaran.



"Hindi pa rin ayos na marumihan ang paa mo. Baka magkagerms ka at ikaw naman ang magkasakit," sabi niya.



Hindi na ako nagkomento pa dahil nasa taas na kami at rinig ang maingay na chopper. Napasubsob ang ulo ko sa leeg ni Duke dahil sa lakas ng hangin. Mabuti at hanggang ngayon ay nakapusod ang buhok ko sa dalawa. At ang suot ko pa rin yung pang golf.




"Wag na kayong sumama Kuya Wilson, bantayan niyo na lang sila Mommy," sabi ni Duke sa mga body guard nila.



"Pero baka mapahamak kayo kung kayo lang," sagot nung Kuya Wilson.



"Don't worry, I can protect myself and Nestle. And I think, they will hide now because we've got Mr. Chan," sabi ni Duke na hindi ko maintindihan kung ano ba ang pinag-uusapan nila. Naalala ko nga pala. Ano kaya ang nangyari sa laro? Basta bago makatira si Duke ay nakaramdam na ako ng hilo. At napasigaw pa ako no'n nang may isang lalaki na sapilitan akong tinatayo. Nagpupumiglas ako noon ngunit tinablan na ako ng hilo at nag black out na.



Naputol ang iniisip ko nang iupo ako ni Duke at lagyan ng head phone sa tenga. Para hindi sumakit ang tenga ko sa ingay. Naupo siya sa tabi ko at nagsuot din ng headphone. Sinara na ng mga tauhan niya ang pinto ng chopper bago ko naramdaman ang pag-angat.



Sa buong byahe sa himpapawid ay tahimik lang ako. Iniisip ko pa rin sila Nanay. Sana pagdating ko doon ay ayos na sila at magpapahinga na lang.



Tahimik lang din si Duke at tila nauunawaan ang pagiging tahimik ko.



Hindi na kami sumakay ng yacht dahil maaari din naman chopper na lang ang gamitin patungong hospital.



Sa Makati hospital dinala sila Nanay gaya ng text ni Magnolia. Nagtungo ng apartment ko pala ang mga ito na nilinis daw para kunin din ang gamit ko. Tingin ko ay kasalanan ko pa ang nangyari.



Bumaba ang chopper sa mismong rooftop ng hospital. Inalalayan akong bumaba ni Duke at pagbaba ko ay may sinenyas siya sa isang tauhan na kasama namin. May hawak itong slippers na inabot kay Duke. Lumuhod si Duke at kinuha ang paa ko na kinainit ng mukha ko sa hiya.



Nang maisuot sa akin ay tumayo siya at tumingin sa akin. "Let's go," aya niya kaya napatango na lang ako dahil speechless ako sa mga ginagawa niya.



Sumakay kami ng elevator pagbaba namin ng rooftop. Tinext ko si Magnolia kung anong room sila pero nasa ER pa daw.



Kaya doon kami nagtungo. Tumakbo kami ni Duke at sa pagliko namin ay nakita ko si Magnolia na nakaupo sa sahig habang naghihintay..



"Magnolia!" tawag ko. Lumingon siya at napatayo. Bakas ang luha sa kaniyang mukha at namumula ang mata at ilong.



"Ate.. Ate, hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas ang doctor. Hindi ko alam kung anong nangyayari kila Nanay," umiiyak na sabi niya habang magkayakap kami. Hinagod ko ang likod niya upang pakalmahin. Pinipilit ko na wag maging mahiya sa harap niya para hindi siya kabahan. Kahit na ako man ay sobrang kinakabahan ay tinatatagan ko ang loob ko para sa kapatid ko.



"Shh..shh, magiging okay din sila Nanay. Wag kang mag-alala at hindi sila pababayaan ng Panginoon," sabi ko sa kaniya.



Tumingin ako sa mga bench na may nakaupo na, kaya pala sa sahig nakaupo si Magnolia.



Bumukas ang pinto kaya napabitaw kami ni Magnolia ng yakap. Lumabas ang doctor kaya agad akong lumapit.



"Doc, ayos na po ba sila Nanay at Tatay? Maaari na po ba namin silang makita?" sunod-sunod kong tanong. Nagtanggal ang Doctor ng face mask.



"Kayo ba ang anak nila Mr. and Mrs. Ramirez?" tanong niya.



"Opo," sagot namin ni Magnolia. May kinuha si Doc sa bulsa niya na isang papel at inabot sa akin. Nagtataka na kinuha ko ito.



"Ano po ito?" tanong ko kahit na ubod ng kaba ang dibdib ko.



"Pinapaabot iyan ni Mrs. Ramirez sa inyong dalawa bago sila malagutan ng hininga. They did not survive. I'm sorry. I did my best but --" sabi ng doctor na pinigil ko.



"NO! Nagsisinungaling kayo! Buhay pa sila!" galit kong sigaw sa kaniya habang walang patid ang pagluha ko. Hinawi ko ang doctor at pumasok sa ER.



Nakita ko ang mga nurse na tinatakpan ng puting kumot ang katawan nila.



"Bakit niyo tinatakpan?! Buhay pa sila!" sigaw ko sa kanila at lumapit kay Tatay at inalis ang kumot. Nanginginig ang kamay ko na nakahawak sa kumot nang makita ko ang maputlang itsura ni Tatay na may bakas ng hiwa sa mukha. Napatingin ako sa kabilang higaan at nandoon si Magnolia na yakap si Nanay.



Dahil sa nasaksihan at nararamdaman ko ay parang hindi ako makahinga. Hindi ko matanggap na wala na si Nanay at Tatay. Bakit kinuha agad sila?



Umikot ang paningin ko at naramdaman ko na lang na bagbasak ako at tuluyan na akong nawalan ng ulirat.





-



DUKE




"Shit!" bulalas ko nang makita na pabagsak si Nestle. Kaya agad ko siyang sinalo at nakita ko na wala siyang malay. Binuhat ko siya at tumingin sa mga nurse.



"Kumilos kayo at ikuha niyo ako ng VIP room dali!" utos ko. Nahihintakutan naman ang mga ito at sumunod. Binilinan ko si Jerry na bantayan si Magnolia.



Bitbit ko si Nestle patungo sa pinahahanda kong room. Sabi ng doctor ay pagod at stress daw si Nestle. At hindi pa daw ito kumakain ng hapunan kaya tuluyan nang nagbreak down.



Hawak ko ang kamay niya habang hinahaplos ang mukha niya. Masasaktan siya paggising niya na marealize niyang wala na ang parents niya. Gusto ko sa tabi lang niya ako para samahan niya at gabayan para tumayo.



"I'm sorry. I know it's my fault. Nalayo ka sa pamilya mo dahil lamang sa kagustuhan ko na makasama ka. Siguro kung hindi ko pinilit ang gusto ko ay nasa bangko ka pa rin at nakikita mo pa rin sila palagi. Sorry," sabi ko sa kaniya na alam ko na hindi niya maririnig.



Tumayo ako at binilinan ang nurse na bantayan saglit si Nestle. Kailangan kong bumili ng pagkain para paggising niya ay makakain siya agad.



-



Natagalan ako sa pagbili dahil natagalan pa sa pagluluto ang mga chef ng restaurant na inutusan kong ipagluto ng soup at beef with corn. Kailangan ni Nestle iyon para mainitan ang sikmura niya. Kinuha ko na rin si Magnolia at mga tauhan na kasama ko dahil alam ko na gutom din sila.



Bitbit ko ang maraming plastic nang mapansin na hindi mapalagay si Jerry sa labas ng room ni Nestle.



"Jerry, bakit nasa labas ka?" tanong ko pagkalapit ko.



"Sir, wala si Miss Nestle. Pagdating namin dito sa kwarto ay wala siya," sabi niya.



"Fuck! Saan iyon pupunta?"



"Hindi po namin alam. Tiningnan namin ang pinagdalhan ng katawan ng parents nila pero wala doon si Miss," sabi pa ni Jerry.



Napaisip naman ako kung saan ito maaaring magtungo? At nang may maisip ako na isang tao ay agad kong pinahawakan kay jerry ang binili kong pagkain at sinabihan ito na pakainin na si Magnolia at kumain na din siya.



Tumakbo ako at nilabas ang cellphone ko. Tinawagan ko pa rin si Nestle pero hindi siya sumasagot. Paglabas ko ng hospital ay pumara ako ng taxi at tinungo ang sikat na condominium rito sa Makati.




-




NESTLE



'Nestle anak, maaari mo bang puntahan ang nobyo mo sa kaniyang condominium. Dapat ay pupuntahan namin siya para sundan nung makita namin siya. Pero bumangga kami anak. Mahal namin kayo. Pasensya na at nanghihina na ako sa pagsulat. Basta tandaan mo na kung ano man ang masaksihan mo ay magpakatatag ka. At pakisabi sa pamilyang Ford na salamat sa pagpapatira sa'yo at pagkuha sa'yo ng trabaho. Ikaw na ang bahala kay Magnolia. Wag kayong malulungkot dahil lahat ng tao ay kinukuha. Siguro kami ay talagang oras na namin ng Tatay mo. Mag-iingat--" hindi natapos ni Nanay ang sinusulat niya. Kahit na nginig ang pagsulat at may bahid ng dugo ay naunawaan ko pa rin.



Kaya kahit na nanghihina ay bumangon ako mula sa pagkakahiga ko nang mabasa ko itong sulat ni Nanay.



Nasa harap ako ng unit ni Khalil. Mabuti at alam ko ang password niya na binigay niya sa akin. Pinindot ko ang password at binuksan ang pinto.



Nasa bungad pa lang ako ay nakita ko na ang sapatos niya na hindi pa ayos.



Lumakad ako at nilibot ang paningin. Wala siya sa sala pero may nakita akong pinag-inuman ng wine na dalawang baso.



Tinungo ko ang kwarto niya baka nandoon siya. Nag-alangan pa ako dahil baka nagbibihis siya pero kumatok ako ngunit hindi siya tumugon. Kaya binuksan ko na.



Tumingin ako sa banyo dahil nakarinig ako ng buhos ng tubig mula sa shower kaya tiyak na nandoon siya. Lumapit ako sa kama para sana maupo upang doon siya hintayin. Pero napahinto ako sa paanan ng kama nang mapansin ang isang T-Back?



Tumingin pa ako sa gilid ng sahig at nakita ko ang damit niya at isang sexy na damit ng babae.



Bumukas ang pinto ng banyo kaya tumingin ako doon. Napatakip ako ng bibig ng makita na hubo't-hubad siya at ang isang babae na kahalikan niya habang bitbit niya ito palabas. Napaluha ako dahil sa nasaksihan ko.



Dumilat siya at napatingin sa akin na kinalaki ng mata niya. Agad niyang nabitawan ang babae na kasex niya.



"Ouch" daing ng babae. Umiwas ako ng tingin.



"H-Hon," tawag niya. Nagpahid ako ng luha at tumingin sa kaniyang mukha.



"Wag mo akong tatawaging hon. Dahil simula ngayon pinuputol ko kung ano mang meron tayo. Nakakadiri ka Khalil. Akala ko iba ka. Magsama kayo," mariin kong sabi sa kaniya at tiningnan ko talaga siya mata sa mata.



Pagkatapos kong sabihin iyon ay lumabas agad ako ng kwarto. Narinig ko pa ang ang pagtawag niya pero hindi ko pinansin.



Matagal na siguro niya akong pinagtataksilan. Siguro masaya siya nung malayo ako ng trabaho dahil may kalandian pala siya. Ito pala ang sinasabi nila inay.



Nang dahil sa kaniya kaya namatay sila Nanay. Hinding-hindi ko siya mapapatawad. Hayop siya!



Tumatakbo ako palabas ng condominium na tulala. Ngunit napahinto ako ng mabunggo ako. Mag-aangat sama ako ng tingin nang yakapin niya ako ng mahigpit. Yumakap ako sa kaniya pabalik at umiyak sa dibdib niya.



"Nandito lang ako," sabi niya.


Copyrights 2016 © MinieMendz

Continue Reading

You'll Also Like

665K 17.8K 30
Bata pa lang ay ibig nang makalaya ni Akina Kobayashi sa palasyong naging hawla niya. Hindi man niya nais na iwanan at takasan ang mga magulang niya...
193K 4.9K 11
Sa kabila ng isip batang katangian ni Yuka ay minahal siya, tinanggap, at inalagaan ni William. Pagkatapos ng lahat ng nangyari ay mas naging protekt...
610K 13.3K 22
Lahat ng himpapawid ay kanyang liliparin. Maging ang malalim na dagat ay kanya ring lalanguyin. Pati ang pagpapansin ay kanya na ring gagawin; makuha...