4 goddesses meets the 4 angels

By rosieeeeroseee

100 0 0

4 goddesses meets the 4 angels. Can this eight people will be together? ... More

4 goddesses meets the 4 angels
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 4

4 0 0
By rosieeeeroseee


ATHENA'S
   POINT OF VIEW

Bigla Kong idinilat ang aking mga mata. Napalinga ako sa lugar. Puro puti lang aking nakikita sa kabuuan nito.

Nasaan ako?

Ang huli kong naalala ay tumakbo kami dahil sa takot ng mga tao sa amin. Ang kanilang pagtingin sa amin ay tela natatakot sila. At sa takot rin namin ay dali dali kaming tumakbo at di namin namalayan na may paparating na liwanag na di ko alam kong anong klaseng liwanag iyon. At naramdaman ko na tumilapon ako.

"Urghh!" Napadaing ako at napahawak say kanang balikat. At tela napakunot ang aking noo.

Ano to?

May puti na nakalagay sa aking balikat at hindi ko alam kong anong iyon. Akmang kukunin ko na sana ito ng biglang bumukas ang pinto at may nagsalita na ikinagulat ko.

"Gising ka na pala. Wag mo munang kunin iyan." Isang lalaki na hindi ko kilala.

Sino siya?

"Sino ka? Anong lugar ito? Bakit ako nandito?" Sunod sunod na tanong ko. Pero napakunot ang aking noo ng bigla siyang napahagikgik.

"Anong nakakatawa?"

"Wala. Ako nga pala si Macky. Nandito ka sa hospital dahil nabangga ko kayo."

"Nasaan ang mga kapatid ko?" Nagsimula na akong kabahan. Wala kasi sila sa paligid wala sila sa tabi ko. Nasaan sila?

"Wag kang mag alala. Ayos lamang ang iyong mga kapatid." Napaiwas ako ng tingin at napatingin sa likod ng palad ko na may nakatusok dito. Sinundan ko naman ito ng tingin.  Ano ito?

"Dextrose ang tawag diyan." Dextrose? Ano iyon?

"Nasaan ang mga kapatid ko?" Tinignan ko siya ng seryoso. Pero imbes na sagutin Nita ako ay tinapunan niya din ako ng seryosong tingin.

"Mayroon lamang akong mga katanungan. Bakit kayo napadpad dito? Anong ginagawa niyo dito? Alam niyo bang delikado ang pumunta dito? Isa iyong makasalanan." Tela napakunot aking noo sa kanyang sinabi. Hindi ko siya maintindihan. Kilala ba niya kami? Impossible. Tss

"Wala kang karapatan. Wala kang karapatan pagsabihan kong ano ang dapat naming gawin. Sino ka ba sa palagay mo?"

"Akoy nag aalala lamang sa inyo Mahal na prinsesa." Nanlaki ang aking mga mata say sinabi niya.

"K-kilala mo kami? Sino ka?" Kinakabahan ako.

"Nasabi ko na aking pangalan kani kanina lang Mahal na prinsesa."

"Sarkastiko ba yan? Tss. Wala pa din akong pakialam kong sino ka. At kung sino ka man kilala mo na kami. Kong may plano ka mang masama sa amin...." Tinignan ko siya ng matalim. "Ihanda mo na ang sarili mo. Gusto ko ng makita ang mga kapatid ko." Akmang tatayo na sana ako pero bigla akong nahilo at napaupo pabalik sa higaan.

"Nanghihina ka pa. Mas mabuting dito ka muna." Sino ba siya para diktahan ako? Tss.

"Wala.akong.pakialam. Gusto kong makita ang aking mga kapatid." Tinignan ko siya ng matalim. Nagkatitigan kami kaya siya ang unang nang iwas.

"Kaya mo bang tumayo at lumakad?" Tanong niya.

"Tss sa pagkakaalam ko may paa pa naman ako hindi ako naputulan kaya kaya ko pang tumayo at lumakad." Sarkastiko kong sabi. Napahagikgik lamang siya. Itinangal ko ang dextrose na nakaturok sa aking kamay at lumakad na.

"Ayos lang ako. Diyan ka lang. Wag mo akong hahawakan." Akmang hahawakan niya sana kasi ako pero  pinatigil ko agad siya kaya umatras siya.

Binuksan niya ang pinto. Akmang lalabas na sana ako ngunit agad akong napahinto. "Don't worry Private to kaya wala gaanong tao." Nakahinga ako ng maluwag mabuti naman kong ganon.

May binuksan siyang isang pintoan at pumasok kami roon. Bumungad agad sa akin ang dalawa kong kapatid na sina Celestine at Proserpina na kumakain ng prutas.

Napansin ako ni Celestina. "Athena!" sigaw niya. Ang lakas talaga ng boses nito. Tss.

"Ayos lang ba kayo? Wala bang nangyari sa inyo?" Nag aalala kong sabi. "Medyo ayos na kami Athena. Wag ka ng mag aalala." Sabi ni Proserpina sabay kain ng mansanas.

"Ehem. Ano ang mga pangalan ninyo maha- mga binibini?" Napalingon ang dalawa kong kapatid sa gilid dahil may nagsalita.

"Ooh may tao pala. Hello ako nga pala si Proserpina, siya po si Celestina, siya naman po si Athena at siya naman si- oh nasaan si Hestiya?" Wala nga si Hestiya. Shet! Nasaan siya?!

"Ang tinutukoy niyo ba ang yung isa pang babae?" Tumango Ang dalawa samantalang ako ay masama siyang tinignan.

"Nasaan ang isa kong kapatid?" Habang sinasabi ko iyon ay lumalapit ako sa kanya. Nagulat naman siya sa ginawa ko.

"A-ano nandoon siya sa isang kwarto." Kandautal niyang sabi. Tss lumabas siya at sinundan ko naman ito. Binuksan niya ang isang pinto na katapat lamang ng kwarto nila Athena at Proserpina. Bumungad agad sa akin ang mahimbing na natutulog sa higaan. Agad ko itong nilapitan at hinawakan ang kanyang pisnge na may sugat. Nakuu naman sa pisnge talaga.

"Hestiya!" Napapikit nalang ako dahil sa lakas ng boses niya. At dahil sa boses niya ay bigla nalang gumalaw si Hestiya.

"A-anong nangyari?" Bumangon siya at nasapo niya ang kanyang ulo.

"Hindi ko alam. Nakita ko Lang na may paparating na liwanag sa atin at nawalan na tayo ng malay." Sabi ko.

"Ako ang may kasalanan Kong bakit kayo nandito, kasi ako ang nakabangga sa inyo. Hindi ko-" Hindi ko namalayan na nasa harap na ako ng lalaking to at isinakal ko siya.

"Anong sabi mo? Ikaw ang may kasalanan kong bakit kami nawalan ng malay?" Sabi ko habang malakas siyang dinidiin sa pader. Siya ang dahilan kong bakit kami nawalan ng malay. Paano kong may mangyari talaga sa amin? Paano kong mawala ang isa sa amin? Paano kong mawala kami ng tuluyan? At kapag mangyari yun mawawasak ang buong EVELLIAN. Magugunaw ang aming kaharihan. Naramdaman ko ang ilaw sa aking mga mata at ang kapangyarihan na dumaloy sa aking katawan. Di ko mapigilan.

"Athena! Itigil mo na yan! Mamamatay na Ang lalaki!" Napapikit ako pero di parin nawawala ang lakas ng kapangyarihan ko.

"Athena! Huminahon ka wag mong hayaang controlin ka ng kapangyarihan mo! Athena!" Huminga ako ng malalim. At agad na binitawan ang lalaki. Napatulala ako. Malapit na akong lamunin ng kapangyarihan ko. At natatakot ako na mangyari yun.

"Ayos ka lang ba?" Agad nila akong nilapitan. Napatingin ako sa kanila na may pag alala sa kanilang mga mukha. Napabuntong hininga ako at napayuko nalang. Muntik ko ng napatay ang lalaki.

"Ayos na po kayo ginoo." Napabaling ang tingin ko sa lalaki ngayon na pinagaling na ni Celestina.

"Ayos na ako. Sanay na ako dito." Imbes na lumayo at matakot siya sa amin ay tumawa lang siya. Nagtataka naman tatlo kong kapatid. Tss.

"Hala nakita niya ang kapangyarihan natin. Paano na yan? Mapapahamak tayo nito." Sabi ni Celestina. At dahil doon ay napaisip kami. Nagkatinginan kaming apat. Mukhang buking na kami nito. Nakita niya Ang buong pangyayari. Ang pag ilaw ng mata ko na siyang lumabas ng kapangyarihan ko. At ang pag heal sa kanya ni Celestina. Nakuu naman dapat mag iingat ako e.

"Anong gagawin natin?" Napaisip ako. Kong patayin nalang namin ang lalaking to?

"Kong may Plano man kayong patayin ako, pwes itigil niyo na dahil mas malaki ang kaparusahan iyon. Wag kayong magalala hindi kayo mapapahamak kong nasa poder ko kayo mga mahal na prinsesa." Yung tatlo kong kapatid ay nagulat pero ako hindi na. Sino ba siya? Bakit alam niya ang lahat ng to? Bakit niya kami kilala? Taga EVELLIAN ba siya? Bakit hindi namin siya nakikita? Marami akong katanungan maski isa ay hindi masagot sagot.

"Ano? Kilala mo kami? Sino ka ba? Bakit hindi ka namin namumukhaan?" Nagtatakang sabi ni Proserpina.

"Pinatapon ako." Kami ay nagulat sa sinabi niya. Pinatapon? Sino naman ang may gawa non? At bakit siya tinapon?

"Aalis na tayo." Saad ko. Hahakbang na sana ako palabas ng pinto pero napatigil ako ng bigla siyang sumabat.

"Saan kayo pupunta? Kapag nakita kayo ng mga tao sa labas at kayo ay di pangkaraniwang tiyak ay mapapahamak kayo." Nagkatinginan kami. Tama nga ang kanyang sinabi. Lalong lalo nat may ibang tao na nakakita sa amin. Delikado pa na lumabas kami.

"Pero saan naman kami paruroon? Hindi pa naming kabisado ang mundong to." Sabat ni Proserpina sabay kain ng ubas.

"Kong inyung gustuhin ay mayroon akong lugar na mas ligtas kayo sa kapahamakan."

HINDI KO ALAM kong magtitiwala ba ako sa taong to. Jusko ngayon lang namin siya nakilala tapos itong tatlo naman grabe makasunod. Hayy nakuu. Ano bang naisip nila at pumayag sila sa lalaking to? Baka may gagawin siyang masama sa amin. Subukan niya lang at talagang hindi na siya mabubuhay pa sa mundong kinagisnan niya.

"Nandito na tayo." Napatingin kami sa napakalaking harang sa harapan namin. Ang laki naman ng bagay na to.

"Ano ang napakalaking bagay na yan ginoo?" Nagtatakang sabi ni Celestina.

"Ah ang tawag diyan ay gate." 

Nagulat kami dahil biglang bumukas ang gate kuno. Pumasok ang lalaki kaya sumunod kami. Napatingin kami sa paligid at isa lamang ang masasabi ko....ang ganda. Grabe ang ganda naman ng lugar na to. Parang paraiso.

"Kung palasyo ang tawag sa tinitirhan niyo. Ang tawag naman dito ay mansion." Hindi ko pinansin ang sinabi niya sapagkat pumunta lang ako sa bukal. Lumapit ako dito at may lumalangoy dito ibat ibang kulay. Mga isda. Napangite ako. Ang ganda.

"Hindi akin ang mansion na ito, pero pinabantayan ako ng amo ko dito. Nasa ibang bansa kasi sila. Sa akin muna pinabilin ang mga ari arian niya kaya ayos lang na nandito kayo." Sabi niya sa Amin. Hmmm...mabuti naman kong ganun.

"Ano po ang amo, ginoo?" Ani Proserpina.

"Amo ang tawag sa pinakamataas sa lahat. Yun bang sumusunod ka sa mga utos nila." Napatango naman siya. Ahh parang alipin.

"Waaaah ang ganda naman ng mansion ng amo niyo ginoo." Umaalingaw ngaw ang boses ni Celestina sa buong pasilyo. Nakapasok na kasi kami sa loob.

"Sino sila?" Sa wakas ay nagsalita na si Hestiya. Ngayon ko lang napansin na hindi lang pala kami ang nandito kundi may ibang tao pa na naglilinis yata habang sa amin nakatingin.

"Mga kasambahay yan sila dito. Sila ang tagalinis sa mansiong ito araw araw." Napatango sila. Sila yung alipin dito.

Trabaho ba nila na tanawin kami kahit na may trabaho sila? Diba pakikialam ang tawag don? Tss.

"Ito ang magiging silid niyong apat." Napalinga ako sa kabuuan ng silid nato. Walang ibang kulay kundi puti lamang. At may apat na higaan.

"Waaah ang lambot naman ng higaan nato. Kasing lambot ng ulap." Humiga si Proserpina sa kama habang nakadapa. Napailing nalang ako.

"Mayroon lang sana akong hihilingin sa inyo." Napatingin kaming apat sa kanya. "Wag na wag niyong tatangaalin ang sambalilo niyo. Dahil kapag nangyari iyon alam niyo na ang mangyayari. Matatakot sa inyu ang mga tao dito. Kaya mas maiging itago ninyo ang katauhan niyo." Napahawak tuloy ako sa teynga ko. Mataas pa naman ito. Nagpapakita na isa kaming taga EVELLIAN

"Osya aalis na ako. May gagawin pa kasi ako." Lumabas na siya sa silid nato. Kaya sinundan ko siya.

"Teka lang!" Napatigil siya at lumingon sa akin.

"Ano iyon Mahal na prinsesa?"

"May tanong lang sana ako. Bakit mo kami kilala? At bakit ka rin napadpad dito? Galing ka din ba sa lugar namin?" Sunod sunod kong tanong. Nakapagtataka lang kasi. Kilala niya kami? Kong kilala niya kami bakit hindi man lang siya nakita namin sa EVELLIAN?

"Hhmmm...sabihin nalang natin na doon ako nanggaling. At bakit ako napadpad dito? Sabihin nalang din natin na napadpad Rin ako dito." Ngumite siya ng may pagngiwi. Napasimangot ako. Teka sarkastiko ba yun?

"Teka Lang..Isa pang katanungan. Bakit mo kami tinulungan?" Nakatalikod siya sa akin.

"Dahil.....dahil Isa kayong prinsesa?"

"Pwede ba, gusto ko yung matino-"

"Dahil nagmahal na rin ako. Kaya proprotektahan ko kayo sa abot ng makakaya ko. Kong nasagot ko na ang iyong katanungan mahal na prinsesa, pwede na po ba akong umalis?" Napatango ako. Ano bang pinagsasabi niya? Atsaka nagmahal ?

Bigla siyang lumingon sa akin. "Hanggang nandito kayo sa poder ko hindi kayo mapapahamak Mahal na prinsesa, dahil gaya ng sabi ko, proprotektahan ko kayo." Huli niyang sabi at tumalikod na. Mas lalo tuloy kumunot ang noo ko dahil sa mga pinagsasabi niya. Ni hindi ko siya maintindihan. Tss

----

RR 💯💖

See Athena as Baifern in the mm.😉

Love lots 💞 ♥️

Continue Reading

You'll Also Like

215K 9.2K 24
စံကောင်းမွန် + တခေတ်ခွန်း ငယ်ငယ်ကခင်မင်ခဲ့တဲ့ဆက်ဆံရေးကနေအကြောင်းတစ်ခုကြောင့်စိတ်သဘောထားကွဲလွဲပြီး ပြန်တွေ့တဲ့အချိန်မှာသူဌေးနဲ့အလုပ်သမားဆက်ဆံရေးဖြစ်သွ...
179K 4.2K 101
As the Maid of Evil, Y/n sacrifices her life for her twin brother. As the Mist Hashira, Y/n sacrifices her life for humanity. But not anymore will Y...
39.6K 620 9
Meri nayi nayi shadi hui hai. main 19 saal ki hu. mere sasural wale bohot shareef hai lekin na jane kyu kuch dino se badal se gaye hai.
1.5M 99.7K 24
#Book-2 in Lost Royalty series ( CAN BE READ STANDALONE ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spread...