Duke Sean FORD SERIES 1 COMPL...

By TheRealMinieMendz

1.6M 38K 1.3K

Si Duke Sean Ford ay bata pa lang ay pangarap na ang maging isang sikat na car racer. Sa edad na disi-otso ay... More

FORD SERIES 1
SIMULA
CHAPTER 1 - TRANSFEREE
CHAPTER 2 - SORRY NOTE
Chapter 4 - TORPE
CHAPTER 5 - DUKE LOVE NESTLE 4EVER
CHAPTER 6 - KISS
CHAPTER 7 - LEAVING
CHAPTER 8 - PLAN
CHAPTER 9 - BOSS
CHAPTER 10 - SECRETARY
CHAPTER 11 - KIMBERLY
CHAPTER 12 - HER FEELINGS
CHAPTER 13 - GOLF PARTNER
CHAPTER 14 - MEET MR. CHAN
CHAPTER 15 - NANDITO LANG AKO
CHAPTER 16 - THREAT
CHAPTER 17 - CAUGHT IN THE ACT
CHAPTER 18 - JUST JOKING
CHAPTER 19 - SECRET PLACE
CHAPTER 20 - ACCIDENT
CHAPTER 21 - AMNESIA
CHAPTER 22 - IT'S HIM
CHAPTER 23 - RESCUE HER
CHAPTER 24 - EMBARRASSING
CHAPTER 25 - CLUELESS
CHAPTER 26 - JEALOUS
CHAPTER 27 - SHE'S HOT
CHAPTER 28 - PLAYBOY MAGAZINE
CHAPTER 29 - WEDDING DAY
CHAPTER 30 - FIRST NIGHT
CHAPTER 31 - MARRIED COUPLE LIFE
CHAPTER 32 - MAKE LOVE
CHAPTER 33 - HIS BUSINESS
CHAPTER 34 - NO MORE LOVING-LOVING
CHAPTER 35 - MR. ANDERSON
CHAPTER 36 - A JEALOUS HUSBAND
CHAPTER 37 - BABY RACER
Epilogue

CHAPTER 3 - UNEXPECTED

43.7K 1.2K 45
By TheRealMinieMendz

Kabanata 3

U N E X P E C T E D

D U K E ' S P . O . V .

Hindi ako makapaniwala na ayos na kami. Pinapansin na niya ako pero nandoon pa rin ang konting pagkainis ng mukha niya 'pag may maling bagay akong ginagawa. Well it's my fault anyway. Ang sarap niya kasing asarin gaya no'ng bata pa kami. Pero ngayon ay sisikapin kong 'wag painitin ang ulo niya. Gusto kong paibigin siya at gagawin ko ang lahat para mangyari iyon. Lalo na't puwede ko na siyang malapitan nang hindi niya ako iniiwasan. At 'pag napaibig ko na siya at 'pag naging kami na, hindi ko na siya pakakawalan pa.

Walang oras na hindi ako nakatitig sa Nestle ko. Fuck! Kahit simpleng kasuotan lang ang suot ay napakaganda niya. Lalo pa sa pagkakapusod ng buhok niya. Ang cute. Para siyang Japanese dahil sa pagka-chinita niya. Tapos yung ilong niya ay maliit pero pointed. Yung pisngi niya ay matambok. May dimples din siya na lalong makikita 'pag ngumiti na siya, na isa sa mga gustong-gusto kong makita. Tapos yung lips niya ay parang labi ni Yoon Eun Hye, may hati sa gitna na nakakaakit.

She's perfect for me. She belongs only to me. No one can come close. Dahil itinaga ko na sa isip at puso ko na siya ang bagay sa akin. Iisipin ko pa lang na hindi kami ang magkakatuluyan sa bandang huli ay parang sasabog ang puso ko sa sakit. Tiyak na mababaliw ako 'pag nangyari iyon.

Umungot ako nang may maliit na kamay na sumasabunot sa akin. Hinawi ko iyon dahil ayokong masira ang panaginip ko. Panaginip na sinagot na ako ng Nestle ko.

"Kuya! I want milk! Kuya!" Napakunot-noo ako nang unti-unti kong nakikita sa panaginip ko si Bettina. At nakita ko rin ang unti unting paglayo ni Nestle ko. Hinahabol ko siya dahil ayokong iwan niya ako.

"Nestle! Please, don't leave me! Nestle!" Sa aking pagtakbo ay bigla na lang akong nahulog na kinagising ng diwa ko. Dumilat ako at nakita ko si Bettina na nakangiting nakatunghay sa akin.

"Gising ka na po?" inosenteng tanong nito na akala mo ay hindi ako inihulog sa kama para magising.

"Bakit mo ako hinulog, ha? I'm your brother," maawtoridad na sabi ko habang nakahawak sa likod. Sumakit iyon dahil sa pagkakahulog. Naupo ako sa kama at humilata muli.

"'Pag hindi mo ako ginawan ng milk, hindi ako kakain. Tapos baka magkasakit ako. Tapos iiyakan n'yo ako sa hospital. Tapos makokonsensiya ka. Tapos—" Hindi ko na siya pinatapos at tinakpan ko na ang bibig niya.

"Enough! Ang dami mong sinasabi. Oo na! Gagawin ko na ang milk mo, mahal na prinsesa," nafu-frustrate na sabi ko rito. Haist! Napakadali talaga nitong pasunurin ang lahat. Dati ang cute-cute pa. Pero ngayon, naku, parang matanda kung mag-utos. Kawawa ang magiging boyfriend nito paglaki. Napapailing akong tumayo at nag-unat.

"Let's go," aya ko rito. Nasa pinto na ako nang mapansin kong hindi siya sumusunod. Nakita ko siyang nakatingin sa akin at tinaas ang dalawang braso.

Gigil na napabuga ako ng hangin at lumapit uli sa kanya. Tumalikod ako paluhod at hinintay kong sumampa siya. Napaubo pa ako nang mahigpit itong kumapit sa leeg ko.

"Bettina, luwagan mo. Hindi makakahinga si Kuya," sabi ko rito na mabuti't sinunod ako.

"Ang bait talaga ng kuya ko," malambing nitong sabi at hinalikan ang pisngi ko. "Kaya favorite kita, e," sabi pa nito. "Bakit ako pa? Sina Kuya Drake mo na lang. Bakit laging ako?" Halata sa boses ko na ayaw kong maging favorite kuya niya. "Si Kuya Diesel, mas love pa ang boxing. Si Kuya Drake, mas gusto pa ang libro. Si Kuya Deo, censored," natawa ako sa sinabi nito kay Deo. Ang manyak kasi ng isang iyon. "Tapos sina Kuya Samuel at Kuya Serge, lagi ako pinapaiyak. Kaya ayoko sa kanila. Ikaw kasi si Ate Nestle lang ang love mo." Napangiti ako sa sinabi nito.

"So dahil love ko si Ate Nestle mo, ako na ang lagi mong bubulabugin?" sabi ko sa kanya at inupo siya sa bar counter.

"Syempre, ayaw ni Ate Nestle ng tamad. Kaya 'pag lagi ka good, sasabihin ko sa kanya na sagutin ka na," sabi nito na agad kong kinangiti.

"At bakit ka naman susundin ni Ate Nestle mo?" hindi naniniwala kong sabi.

Nag-cross legs siya at humalukipkip pa ito habang nakaupo. Akala mo senyorita na nakaupo sa trono.

"Dahil cute ako," sagot nito na kinatawa ko. 'Langya! Porke cute siya ay susundin siya ni Nestle? Imposible. Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay niya, tila hindi siya nagbibiro.

"Ayaw mo maniwala?" tanong nito. Umiling ako at tinungo ko na ang refrigerator para kumuha ng milk nito.

Kumuha ako ng gatas at takure. Ayaw kasi niya ng malamig na gatas. Ang arte talaga.

Habang binabalik ko ang gatas sa ref ay parang may narinig akong boses. Boses ni Nestle. Napaharap ako kay Bettina na may hawak na phone.

"Hello, Ate Nestle! Gusto ko po kayo makalaro. Punta po kayo rito sa amin, please? Talaga po? O sige! You're the best talaga, Ate Nestle!" tuwang-tuwa sabi ni Bettina.

"Wait! Kakausapin—" Hindi ko na natapos nang ibaba na ito ni Bettina.

"May sinasabi ka, Kuya?" inosente pa nitong tanong. "Totoo bang pupunta si Nestle rito?" hindi makapaniwala kong tanong sa kanya.

"Ewan ko. Hindi ba hindi ka naman naniniwala? Kaya hindi ko sasabihin," malditang sabi nito. Napakamot naman ako sa ulo dahil sa inis. Ang sarap itiwarik nito.

Agad kong pinatay ang stove at kinuha ang takure para isalin ang gatas niya sa baso. Pagkatapos ay agad akong lumapit sa kanya at nakangiting inabot iyon.

"Heto na ang gatas mo, mahal na prinsesa," nakangiti kong sabi.

"Thanks, Kuya. Ang bait mo talaga," nakangiti rin nitong sabi at kinuha ang baso.

Hinintay ko munang maubos niya ang gatas bago ko siya tanungin kung totoong pupunta ngayon si Nestle. Nang maubos niya ay agad niyang inabot kaya kinuha ko at nilapag sa lababo.

"Princess, pupunta ba si Nestle rito sa atin?" nakangiti kong tanong.

"Ibaba mo muna ako, Kuya, please!" request nito kaya agad ko siyang binaba.

Pero gano'n na lang ang pagkabigla ko nang mabilis itong tumakbo. "Hey, Bettina!" tawag ko rito. Humarap ito at huminto sandali.

"Hintayin mo si Ate Nestle. Bye!" bungisngis nitong sabi at umakyat na sa taas.

Luging-lugi na naupo ako sa upuan dahil tila naloko ako ni Bettina. Spoiled kasi ni Mommy kaya ayan.

"Oh? Ang aga mo namang pinagbagsakan ng langit at lupa? Ano'ng nangyari sa 'yo, bro?"

Napaangat ako ng tingin nang magsalita si Deo. Himala, ang aga magising ng batugan na ito.

"Wala. Ginising kasi ako ni Bettina para itimpla siya ng gatas," walang gana kong sabi.

"Ginamitan ka ng paawa effect, 'no?" natatawang sabi nito at nagtungo sa ref.

"Yeah," tugon ko at hinilot ang sentido dahil tila sasakit ang ulo ko dahil inaantok pa ako.

"Oh, tapos?" sabi pa uli nito at naupo sa harap ko. "Haist! Ewan ko kung totoo ba ang sinabi niya na pupunta raw si Nestle ko rito mamaya. Hindi kasi ako naniniwala na malakas siya kay Nestle. Kaya ayun tinawagan niya si Nestle at pinapunta rito," mahaba kong pagkukuwento. Tumingin ako kay Deo na umiinom na agad ang chuckie chocolate milk. "Tingin mo pupunta nga si Nestle?" tanong ko.

Inubos muna nito ang iniinom at shinoot sa basurahan ang lalagyan. Tumayo ito at tinapik ang balikat ko.

"Payo ko sa 'yo, bro, malala na 'yan. Si Bettina pa, tiyak na ikaw ang pinag-trip-an ng brat na 'yon. Itulog mo na lang uli iyan, baka magkatotoo ang sinabi ni Bettina," natatawa nitong sabi at umiiling-iling na lumabas ng kusina.

Napasabunot ako sa buhok dahil tila tama nga si Deo, pinag trip-an lang ako ni Bettina. Humanda sa akin ang batang iyan paggising ko.

Tumayo na ako at naisipang matulog na lang uli, dahil talagang inaantok pa ako.

Pagdating sa kama ay pabagsak akong nahiga at pinikit na ang mga mata.

ღღღ

N E S T L E ' S P . O . V .

Maaga akong gumayak dahil sasabay ako kay Nanay sa pagpunta sa kanto. Nagulat nga ito kung saan daw ako

tutungo. Sinabi kong sa bahay nina Miss Ganda dahil nagyaya si Bettina na maglaro daw kami. Ewan ko sa batang iyon at kay agaagang tumawag. Buti na lang at malakas siya sa akin. Naku, ang ganda-ganda ng batang iyon, tapos mabait pa. Kaya hindi ko siya kayang tanggihan.

Sakay na kami ng tricycle nang may mag-text sa akin. Binasa ko at napangiti ako nang mag-text uli si Bettina. Napakatalinong bata, alam na agad kung paano humawak ng cellphone at parang matanda kung makipag-usap.

Ate Nestle, wait ko po kayo rito ha. ;*

Oww! Ang sweet.

"Sino iyang ka-text mo at napapangiti ka pa diyan, anak?" usisa ni Nanay nang mapansing nakangiti pala ako.

"Si Bettina po, 'Nay. Naghihintay raw po siya," tugon ko habang nire-reply-an si Bettina.

"Marunong na palang mag-text ang batang iyon? 'Di ba six years old pa lang iyon?"

"Opo, 'nay. Mukhang matalino nga po paglaki si Bettina," sabi ko at nilagay sa shoulder bag ko ang phone ko.

"Namana siguro sa magulang. Parehong may talento ang mag asawang Ford, kaya hindi nakapagtataka na may magmana kahit isa sa mga anak ng mag-asawa," sabi ni Nanay at pumara na para makababa ako. "Hinto mo muna, manong. Bababa ang anak ko," sabi pa ni Nanay.

Nagmano muna ako kay Nanay bago bumaba.

"'Wag pagabi. Tawagan mo na lang ang tatay mo 'pag magpapasundo ka," bilin ni Nanay.

"Opo. Sige po. Ingat po kayo," sabi ko at kumaway.

Nang hindi ko na makita ang sinakyan ni Nanay ay agad na akong nag-abang ng jeep. At suwerte dahil meron din agad. Sandali lang din ang biyahe dahil malapit lang ang bahay ng mga Ford. Ang gara nga, e. Apat na magkaibang way ang pagpipilian pagdating sa gitna. Ang unang way ay 'yong mansyon ng mga Ricafort na konti lang ang kapitbahay dahil kahalati ng lupain ay pagmamay-ari nila. Tapos ang sunod na way ay 'yong mansyon ng magulang daw ni Miss Ganda at Sir Dimitri. Naguguluhan nga ako kung bakit naging magulang din ni Miss Ganda ang magulang ni Sir Dimitri. 'Yon pala ay inampon si Miss Ganda at nagkaroon pala ng feelings sina Miss Ganda at Sir Dimitri. No'ng ikuwento nga iyon ni Nanay ay humanga at kinilig ako sa love story nila. Akalain mo 'yon, 'yong tinuring mong kapatid, magiging asawa mo pala in the future?

Anyway, balik tayo sa sinasabi ko. Sa unang way ay sa Ricafort. Sa pangalawa ay sa magulang nila Sir. At ang pangatlo ay kina Duke na. Private ang bahay nila at walang ibang kapitbahay. Napakalaki ng lupain nila. Siguro, daang bahay ang puwedeng itayo.

"Manong, dito na lang ho!" pagpara ko sa driver. Agad namang huminto ang jeep. Bago ako bumaba ay tiningnan pa ako ng ilang pasahero, tila nagtataka kung bakit doon ako nagpapababa.

Hindi ko na pinansin ang tingin nila at tumawid na ako para makapunta sa kabilang side ng kalsada, bale gate din ng mga Ford. Nag-doorbell ako at hinintay na pagbuksan ako. Nakita ko na ang isang tauhan nila. Napalunok ako dahil may mga baril pa ang mga ito. Jusko! Baka akalain ng mga ito na magnanakaw ako at barilin pa ako.

"Sino ka, Miss?" tanong no'ng malaki ang katawan. "Ako po si Nestle. Pinapapunta ako rito ni Bettina," nang sabihin ko 'yon ay agad nilang binuksan ang pinto.

"Sige, Miss. Hatid ka na namin," alok nila kaya tumango ako. Nakita ko ang isang pang-army na sasakyan at doon kami sumakay. May mga puno na namumulaklak sa mga dinaraanan namin. Ang ganda rin ng mga dahon ng puno, kulay orange. Lalo akong namangha dahil meron silang basketball court, gym, at glass garden.

Lumiko na ang sasakyan at nakakita ako ng napakalaking mansyon. Grabe! Ang yaman pala talaga nila. Ang ganda ng style ng bahay. May nakita rin ako parang pond na may bridge na nakakonekta sa mansyon.

Huminto na ang sasakyan kaya natigil ang paninitig ko sa buong lupain nila. Inalalayan ako ng isa para makababa kaya nagpasalamat ako.

"Pumasok ka na lang, Miss. Tiyak na nag-aalmusal na sila boss," sabi no'ng isa.

"Sige po. Salamat," nakangiti kong sabi na tinanguan lang nila. Humakbang na ako habang iniikot ang paningin.

Nakaapak na ako sa glass floor ng pinakalabas ng mansyon nila. Tumingin ako doon at may nakita akong mga maliliit na isda na kulay orange.

Nahiya tuloy akong tumapak, baka marumi pa ang suot kong rubber shoes. Tiningnan ko ang parehas kong sapatos kung may putik ba o may pupu ng hayop. Nakahinga naman ako nang maluwag nang wala silang masyadong dumi. Tanging alikabok ng lupa lang.

Tumingin ako sa pintuan nila at bigla akong nahiya. Nagdadalawang-isip pa ako kung papasok ba ako o maghihintay na lang dito.

"Oh, hija, nandiyan ka pala." Napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Miss Ganda. Kilik-kilik nito si Benjamin, na tila galing sa pag-iyak.

"Magandang umaga po, Miss Ganda. Pinapapunta po kasi ako ni Bettina rito," nahihiya kong sabi.

"Naku. Pasensiya na at inabala ka pala ni Bettina," paumanhin nito. Pagkaraan ay agad din itong ngumiti. Kahit na magulo ang buhok niya dahil sinasabunutan ni Benjamin ay ang ganda pa rin niya. "Halika. Pumasok ka at doon mo na lang hintayin si Bettina sa sala," aya nito.

Ngumiti ako at tumango bago sumunod sa kanya. Para akong ligaw na bata na nililibot ang kalooban ng bahay. White tiles ang sahig. May hagdan din na may red carpet. Tapos nakita ko rin ang living room nila. Mamahalin ang lahat ng kagamitan nila. Mula sa leather couch, malaking flat screen TV, may DVD player din, may malaking halamang nakalagay sa mamahaling vase na malaki. Meron din silang altar at malaking statue ni Mama Mary at Jesus Christ. Sa harap ng couch ay may mahabang lamesa na may nakapatong na glass. Sa sahig n'on ay may carpet bilang sapin ng lamesa.

"Halika sa dining area. Marami akong pinalutong almusal," aya nito.

"Naku po, 'wag na po. Kumain na rin po ako sa bahay bago po magtungo rito. Hintayin ko na lang po si Bettina rito," nahihiya kong sabi.

"Gano'n ba," sabi nito at nag-isip sandali. "Sige, maupo ka muna at padadalhan na lang kita ng meryenda," nakangiti nitong sabi. Tumango ako kaya iniwan na niya ako mag-isa.

Naupo ako sa malambot na couch at nilibot muli ang paningin. Tumayo ako nang makita ang isang pinta ng isang pamilya. Buo ang pamilya nila kasama si Baby Benjamin. Ang ganda ng pagkakapinta at kuhang-kuha ang itsura nila. Lalo akong humanga kay Miss Ganda. Talagang napakaperpekto ng kanyang pagpinta.

Napatingin ako sa hagdan nang makarinig ng yabag. At mula doon ay nakita ko si Duke na halatang bagong gising at tanging boxer shorts lang ang suot. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil bigla akong pinamulahan ng pisngi. Ngayon pa lang kasi ako nakakita ng hubad na lalaki. Pero may karapatan siyang maghubad, lalo na't ang ganda ng katawan niya. Maputi rin ang balat niya. Umiling-iling ako dahil sa naisip ko at naupo muli.

Nag-angat uli ako ng tingin at nagtama na ang mga mata namin. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya at nahinto rin siya sa paghakbang palapit dito. Nagkusot pa ito ng mata at tumingin muli sa akin. Nagtataka naman ako sa reaksiyon niya.

"Ikaw ba 'yan, Nestle ko?" hindi makapaniwala nitong sabi. "Oo," sabi ko at umiwas muli ng tingin. God. Wala ba siyang balak na magbihis man lang ng pang-itaas?

Narinig ko ang bilis ng yabag niya kaya napatingin ako sa kanya. Gano'n na lang ang gulat ko nang bumalandra sa paningin ko ang katawan niya.

Niyakap niya ako na kinalaki ng mata ko. Agad ko siyang tinulak kaya agad siyang napabitaw.

"Bakit ba nangyayakap ka?" inis kong sabi at yumuko nang konti at pasimpleng nagtakip ng kamay.

"Akala ko ay nag-iilusyon lang ako. Totoo palang nandito ka," tuwang-tuwa na sabi nito at naupo sa tabi ko.

Agad akong umusod palayo sa kanya. Pero ang siraulo ay umusod din. Hinarap ko siya at pinigil sa balikat.

"'Wag ka ngang dumikit. 'Tsaka magbihis ka muna," irita kong sabi at agad napabitaw sa balikat niya.

"Huh? Bakit naiilang ka ba? Ha? Ha?" sabi nito at talagang tinutukso pa ako. Ginitgit niya ako sa pinakadulo ng couch kaya nahulog ako. Hinawakan nito ang kamay ko para sana hindi magtuloy sa pagkahulog ko, ngunit huli na. Napahiga at napadaing ako nang may mabigat na dumagan sa akin.

Dumilat ako at bumungad sa akin ang nakalapit na mukha ni Duke. Dumaing din siya dahil pati siya ay nasama. Natitigan ko nang malapitan ang mukha niya. Makinis, walang black heads, pimples o ano pa man. Ang kilay niya na makapal ay bumagay sa mata niya na may mahahabang pilik-mata, lalo na't nakapikit siya. Ang ilong niyang matangos na talagang lalaking-lalaki ang dating. Napalunok ako nang makita ko ang labi niyang mapula-pula. Daig pa 'ata ako.

Dumilat siya kaya nagtagpo ang tingin namin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, pati na rin ang kanya. Halos maduling ako sa binibigay niyang tingin.

Bumaba ang mukha niya kaya lalo akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit tila hindi ko siya kayang itulak.

Malapit na sanang maglapat ang labi namin nang may magsalita. "Ano'ng ginagawa n'yo?"

Agad kong tinulak si Duke at tumayo ako. Tumalikod ako sa kanila at napahawak sa pisngi dahil sa kahihiyan. Oh my god! Ano'ng nangyayari sa akin at hindi ko siya tinulak? Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko sa nangyari.

"Magbibihis lang ako," sabi ni Duke. Tumango ako kahit hindi naman niya nakikita.

Nakita ko ang likod niya kaya nakahinga ako nang maluwag. Tumingin ako sa gilid ko nang may kumalabit sa akin, si Bettina. "Laro na tayo," nakangiti nitong sabi. Tumango ako nang wala sa sarili.

Continue Reading

You'll Also Like

665K 17.8K 30
Bata pa lang ay ibig nang makalaya ni Akina Kobayashi sa palasyong naging hawla niya. Hindi man niya nais na iwanan at takasan ang mga magulang niya...
187 87 32
Tartini is known for being a brat, rude and step on other people's feelings. Her dad wants her to handle their farm that's why she was sent there wit...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.6M 38K 40
Si Duke Sean Ford ay bata pa lang ay pangarap na ang maging isang sikat na car racer. Sa edad na disi-otso ay natupad ang pangarap niyang iyon. Siya...