Could Have Been Better (Crush...

By PollyNomial

16.2K 600 58

Elaine Joy Mendoza was from Los Angeles. Pero kahit ilang taon na mula nang tumira siya roon kasama ang pamil... More

Could Have Been Better
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Ending
Lost With A Shattered Heart

Chapter 41

227 14 3
By PollyNomial

CHAPTER 41 — Walang Karapatan


After that lunch, Consntatine and I got along really well. He's still my boss and I'm his employee. I am not forgetting that fact but I still manageg to be comfortable with his presence.

Nagpatuloy lang kami sa pagkikwentuhan tungkol sa aming mga sarili, partikular kung bakit ang trabahong ito ang napili namin.

I didn't really expect that I would get to know him that fast. Isang araw pa lang ang lumipas ay sa tingin ko, nagkasundo na kaming dalawa.

But I still have a lot of things to know about him and one lunch wouldn't be enough. Pero kahit na ganoon ay nakakatuwa pa rin dahil mas nagkakilala pa kaming dalawa.

One of the things I learned about him was he was not hard to please. As long as he sees the good in you, or that you are worth his time, he'd entertain you. Sa kaso ko ay mukhang nakita niya na gustong gusto ko talaga ang pinasok kong trabaho kaya naman nakuha ko ang interes niya. He said that he likes people who are passionate and those who love what they do. Yes, a part of yourself is working because you are doing it for a living and for the money, but love and passion should also be involve more than anything else.

An excellent work is absent if you do not do your job with all your heart.

Iyan ang mga natutunan ko sa kaniya.

That's why I didn't have a difficult time coping up in the next few days. Ang nagpabigat lang naman ng pakiramdam ko sa trabaho ay iyong tatlong babaeng punong puno ng disgusto sa mukha nila tuwing makikita ako. Hindi ko naman kayang hindi iyon mapansin dahil sobrang halata sila. Ayaw nila sa akin sa hindi ko malaman na dahilan.

But despite of that, work is work. Hindi naman nila dinadamay ang trabaho at kapag kailangan na talagang makihalubilo sa isa't isa ay napagtitiisan naman nila ako. I don't mind working with them but their little gestures showing that they dislike me cannot be avoided. Nakikita ko ang lahat ng iyon, hindi ko na lang iniintindi.

I was so busy with all the things that we have to finish. Ibang klase pala ang magtrabaho bilang editor assistant. The editor-in-chief relies to you all the time. Kaya nga tama ang sinabi ni Constantine na dapat ay palagi kaming magkasama.

Bumukas ang pinto ng opisina at pinanood ko si Constantine nang maglakad siya patungo sa akin. Hinintay ko siya hanggang sa nasa harap na siya ng aking mesa.

"How's the report that I asked you to do?" tanong niya sa akin matapos akong lapitan sa table ko.

One more thing that I noticed about him, if he's at work, everything should be serious. Ni hindi niya makuhang ngumiti. Maging ang boses niya ay pinagkaitan ng lambot at hinhin dahil sa tigas nito.

"I'm almost done. I still have to edit the third one but I'm sure I can pass it to you this afternoon," sagot ko.

"Send it to my email once you're done," he said.

"Okay, Consntatine," I obeyed.

Tumango siya at isang beses lang pinatakan ng tingin ang mga mata ko bago nakapamulsang tumalikod at bumalik sa kaniyang sariling mesa.

In just one day, the team had three meetings. Ang una ay kaninang umaga pagkapasok naming lahat. Ang pangalawa ay bago magtanghalian at ang huli ay ngayong hapon. Ito ay dahil kailangan nang matapos ang presentation na ipapakita sa board sa makalawa.

Hindi ko binigo si Constantine. Pagpatak ng alas-tres ay tapos ko ang lahat ng pinapagawa niya. Like what he instructed, I sent the files to his email.

Pagka-send niyon ay tiningnan ko siya. Magsasalita na sana ako upang ipaalam sa kaniya na naipadala ko na ang files sa email niya nang ngumiti siya at bumaling sa akin.

"Thank you, Elaine," he said in a soft tone. Marahil nakita na niya ang mga files na ipinadala ko.

Tamad siyang nagpahinga sa sandalan ng kaniyang swivel chair at nakataas ang labi nang balingan ako.

Hindi ko sigurado kung dahil ba natutuwa siya o dahil pagod na siya.

Namumungay na ang kaniyang mga mata. Ilang beses din niyang hinagod ang kaniyang batok.

"Good job. You can go home now if you want. I'll just check the content and tell you if there will be some revisions," aniya. "I'll email it to you tonight," usad niya.

Ngumuso ako dahil sa sinabi niyang iyon.

Biyernes ngayon at sinong empleyado ang hindi matutuwa kung maaga kang pauuwiin ng amo mo sa ganitong araw?

"Are you sure, Constantine? May isang oras pa naman. Kung may mga kailangan baguhin ay pwede ko namang gawin sa natitirang isang oras.

He chuckled and there was amusement in his eyes. "Such a hardworking employee, huh?" aniyang ikinainit ng aking pisngi.

Nag-iwas ako ng tingin dahil lumalalim ang titig niya. Kahit na malayo naman kami sa isa't isa ay naiilang ako. Sumulyap akong muli sa kaniya at napansin kong nakatitig pa rin siya sa akin.

Bakit napakadali sa kaniya ang titigan ako gayung ako ay kinakabahan at naiilang na rito? Ganoon na ba siya kakumportable sa akin? Alam kong hindi naman siya masamang tao. Hindi siya arogante o mayabang katulad ng inisip ko nung una ko siyang makita sa opisina ni Mr. Arden. Ngunit parang mas gusto ko na yung masungit at suplado siya kaysa ganitong lantaran niya akong nginingitian at tinititigan.

"I think it's only right to stay here until 4pm, Constantine," sabi ko.

Isa pa ito na ikinaiilang ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na tawagin siya sa kaniyang pangalan. Para kaming magkabarkada lang. Mas bagay kasi siyang tawaging 'sir' o 'boss' kapag kinakausap ko siya nang pormal.

"Iyon po ang out ko. Baka makwestiyon pa po ako ng HR kapag umuwi ako nang maaga ngayon."

"Well the truth is it's me who really wants to go home early," aniyang nagpataas ng kilay ko.

Ngumisi siya at umupo nang maayos. He closed his laptop and fixed the papers that he was reading a while ago.

"Ano po 'yon?" tanong ko dahil hindi ko makuha ang ibig sabihin niya.

"I want to go home and rest. Have a good and long sleep," buntong hinga niya. "We had a long week. Hindi ka ba napagod sa linggong ito?" he asked me in a mocking tone.

Mali ba kung sasabihin kong napagod din ako? Kung siya nga ay napagod ay siguro naman may karapatan din akong mapagod dito?

I remembered my promise to Celine. Naipangako ko na sa kaniya na sasama ako ngayong gabi patungong Batangas kung saan kami magbabakasyon. Pre wedding vacation daw iyon ayon sa kanilang dalawa ni Vans. It would be a pre-celebration because in just a few weeks, they'll be tying the knot.

Sa isiping iyon ay nakaramdam talaga ako nang matinding pagod. I could use that vacation to wind up and rest during the weekends.

Tiningnan ko si Constantine at pinag-iisipan ko pa rin kung kakagat ako sa nais niya. "Kapag umuwi na po ako ay uuwi na rin kayo?" tanong ko.

He tilted his head to point out the papers in front of him. "Yes, because I want to rest from these," usad niya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at nag-isip. "Paano po ang records ng time out natin? Hindi po ba ako maa-undertime kung uuwi ako nang maaga?" tanong kong muli sa kaniya.

Umiling siya kahit na nakangisi naman siya. "Don't worry about it. Akong bahala," wika niya pagkatapos ay tumayo.

Iniwan niya ang lahat ng kaniyang gamit sa ibabaw ng mesa maliban sa wallet at susi ng kotse na ibinulsa niya.

"Let's go? Before I change my mind," aniya.

Wala na akong nagawa at nagmadali na lang din akong mag-ayos ng gamit. Iniwan ko na lang din ang aking laptop katulad niya.

"How about the files, Constantine? Hindi niyo po ba dadalhin?" I asked while fixing my things and also myself.

Pinapanood lamang niya ako habang abala ako sa paglilinis ng mesa ko. "It's in the email, right? I can check it at home," usad niya.

"Itutuloy niyo po ang trabaho sa bahay?" hindi ko napigilang mag-usisa.

"Yes. Pagkatapos kong matulog at magpahinga. My mind and body function the best during midnight or dawn. Don't worry. Hindi naman kita pipilitin na magtrabaho rin ng madaling araw. You can check your email in the morning."

Tumango ako at pumayag na sa nais niya.

Nang nasa lobby na kami ay abala na ako sa paghahanap ng masasakyang kotse sa car app na matagal ko na ring ginagamit. I got used to it already and it was really convenient. Hindi ko na rin naabala pa sila daddy na ihatid pa ako dahil dito.

"Do you have somewhere else to go," tanong sa akin Constantine habang pinaglalaruan niya ang susi sa kaniyang daliri.

"Sa bahay na. Pero... uh..." hindi ko sigurado kung dapat ko bang ipaalam sa kaniya na magbabakasyon ako ngayong weekends gayung may trabahong maaaring gawin kung may ipapabago pa siya sa mga pinasa ko.

Nang tingalain ko siya ay nakamasid siya sa akin habang nakataas ang dalawang kilay.

Nawala sa aking phone ang atensyon ko.

Hilaw ko siyang nginisihan. "Pupunta kasi akong Batangas. 'Yong best friend ko kasi ikakasal na. Bago ang kasal ay may pa-out of town sila ng magiging asawa niya para sa pamilya nila at sa mga dadalo sa kasal," paliwanag ko. "Pero 'wag kang mag-alala. I'll check my email tomorrow. Kung may kailangan akong tapusin para sa presentation gagawin ko pa rin," salba ko sa aking sarili lalo na nang makita ko ang unti unting pangungunot ng noo niya.

Iyon lang naman talaga ang dahilan kung bakit ako nag-aalala at kung bakit sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa bakasyon. Pero totoo naman ang sinabi ko sa kaniyang gagawin at tatapusin ko ang kung anomang ipapagawa niya sa akin.

"G-galit ka ba?" tanong ko at tumungo na. "Alam ko, priority ko dapat ang trabaho ko. Ilang beses mo nang inulit sa akin 'yon..."

"What?" may halong iritasyon sa tono ni Constantine.

Ngunit nang marinig ko ang ngisi niya ay nagduda na ako kung iritasyon ba talaga iyon.

"Why are you saying this to me, Elaine? Of course you don't have to tell me about your whereabouts this weekend. And I'm sorry if I let you believe that work should always be your priority even at home and during weekends. That's not what I meant," he told me with a hint of humor in his voice.

"Masyado mong siniseryoso ang mga sinasabi ko. Hindi naman ako monster boss para hingin pa ang oras mo ngayong weekend na dapat ay pinapahinga mo na lang," he chuckled.

Pinagtatawanan niya ba ako?

Tumunog ang cellphone ko. It was a notification that I have already booked a car from the app.

Dumungaw si Constantine upang makitingin siguro. Pipindutin ko na sana ang 'Yes' button nang bigla niya akong pigilan.

"Don't confirm it. I'll bring you home," aniya sa akin.

Mabilis akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Nang sulyapan ko ulit ang aking phone ay nagtatanong pa rin ito kung pumapayag na ba ako sa sasakyang napili para sa akin.

"C'mon. Don't hesitate anymore. Kaya ko namang ihatid ka pauwi. So, bakit hindi 'di ba?" tanong niya sa akin habang may mapaglarong ngiti sa labi.

Damn. I'm not liking the reactions that I'm having everytime Constantine is like this.

Kahit na gusto ko pang tumanggi ay wala na akong nagawa. Sa labas ng building ay nakahanda na ang sasakyan ni Constantine na dala ng security. He motioned me to walk to his car. Nauna naman siya sa akin at pinagbuksan ako ng pinto.

Pagkatapos ay naglakad na rin siya paikot upang pumasok na rin sa loob. Nagmaneho siya at tinanong kung saan ako nakatira. He entered it in a location finder in his phone.

"It's good that you're having a vacation. Siguro ay nabigla ka pa sa dami ng trabaho na tinatapos natin," aniya.

Inilingan ko siya. "Hindi naman ako nabigla. Nasanay na rin naman ako sa maraming deadlines noong nag-aaral pa ako," sabi ko sa kaniya.

Tinahak namin ang mga daan patungo sa aming bahay. We even passed through shortcuts that was not familiar to me. Hanggang sa makita kong malapait na kami sa village kung saan ako nakatira.

Siyempre, hindi pwedeng hindi namin madaanan ang village nila Conrad.

Bumuntong hininga ako dahil sa dinamirami ng ginawa ko ngayong araw, walang palya pa rin ang pagpasok niya sa isip ko.

"Sa loob ng village na 'yan, Constantine," salita ko upang balewalain ang mga iniisip ko. Kahit na alam na talaga niya na roon na ang village namin.

Sa loob ay tinuro ko sa kaniya ang mga tamang daan. Nang makalapit ang kaniyang kotse sa aming bahay ay namataan ko ang isang pamilyar na sasakyan. Hindi ko matandaan kung kanino ito ngunit parang nakita ko na.

The car is parked outside so I'm sure that it is not ours. Sino kayang bumisita?

The engine of Constantine's car stopped. Before I went out, I made sure to him that I would still wait for his email this weekend.

"Hm, naisip ko tuloy na 'wag na lang gawin 'yon pag-uwi para hindi na kita maabla sa bakasyon mo," biro niya sa akin.

Hindi ko napigilang pandilatan siya at dumila pa ko.

He only laughed at my weird reaction. Kahit napahiya ay nakitawa na lang din ako.

Lumabas siya ng sasakyan at alam ko na ang kaniyang gagawin. He jogged his way on the passenger's seat and opened the door for me. Nakangiti akong tumapak sa lupa habang nakatingin sa kaniya.

"Thank you," I mumbled. Ang mga kamay ko ay nasa aking harap at hawak ang itim kong bag.

"Anytime," he answered.

Magpapaalam na sana ako nang masulyapan ng mga mata ko ang taong nakatayo sa loob ng aming gate.

What the hell? What is he doing here?

Conrad was inside our gate, he's leaning beside my father's car. Nakahalukipkip siya at nakatingin nang masama sa direksyon ko.

I narrowed my eyes to see if it's me he's looking at. Umawang ang bibig ko nang mapagtantong pinanlilisikan niya ng tingin si Constantine na nasa tabi ko.

"If looks could kill, I'd be dead by now," Constatine whispered beside me. He even managed to chuckle despite Conrad's warning glare.

Lumayo ako nang kaunti sa kaniya sa hindi ko malamang dahilan. I felt guilty.

"Sige, Constantine. Thank you for bringing me home kahit na hindi kailangan," ulit ko sa sinabi ko kanina.

Wala na akong maisip na iba pang sasabihin dahil naiilang na ako sa presensya ng isang partikular na tao.

"Alright. I'll go ahead," aniyang itinagilid pa ang ulo upang pagmasdan ako. "I won't send you the file. Naisip kong kailangan natin ng break dahil nakakapagod ang linggong ito. Our team will be facing a lot by next week and I don't want to exhaust everyone," biglang pahayag niya. "I want a diligent and healthy team next week. So, use that vacation to relax and recharge, okay?"

Nakangiti akong tumango.

Tinapik muna niya ang aking braso bago bumalik sa driver's seat. Nanonood lamang ako sa kaniya hanggang sa makasakay siya at makaalis ang sasakyan niya.

I took a deep breath when I thought of what I would be facing once I turn around.

Isa pang malalim na buntong hininga bago ako humarap kay Conrad na naghihintay pa rin sa loob ng aming gate.

Naglakad ako patungo sa gate at binuksan iyon para sa aking sarili. Conrad was just waiting there.

Ako ba ang hinihintay niya? Kung hindi ako ay sino naman? Imposibleng nandito siya para kay daddy at mas lalong hindi siya narito para kay mommy.

"What are you doing here?" I asked and I was very proud of myself that I didn't stutter when deep inside I only wanted to break down.

Binaklas niya ang pagkahalukipkip ng kaniyang mga braso at lumapit sa akin. "I was waiting for you. Akala ko nasa opisina ka pa. You're dad told me that you get out at 4pm. Yun pala..." hindi niya itinuloy ang sasabihin.

Tiningnan ko ang aking relo at halos mag-aalas kwatro na. Malamig ang tinging ipinukol sa akin ni Conrad.

"Did you come from work? O nakipag- date ka lang?" bintang niya.

Nanginig ang labi ko, hindi dahil nasaktan ako sa sinabi niya kundi dahil nainis ako.

What did he say? Nakipag-date ako?

"To answer your first question, yes, I came from work. At 'yong pangalawa..." kinagat ko ang aking labi.

Marami pa akong kasalanan sa kaniya. Malinaw iyon sa akin. Pero dapat pa ba na masaktan ako sa mga kinikilos niya? Bakit pakiramdam ko ay ipinamumukha pa niya sa akin ang lahat gayung alam na alam ko na nga iyon.

"Ano, nakipag-date ka?" tanong niya na para bang napakakaswal lang niyon. Ni hindi man lang natitinag ang boses niya.

Kung nakipag-date ako, anong mararamdaman niya? Masasaktan ba siya kagaya nung nasaktan ako nang malamang may girlfriend na siya?

Why do I feel like I have to protect myself from him? Noon ay sobrang kumportable ako sa presensya niya ngunit ngayon, pakiramdam ko ay puro sakit lang ang dulot niya sa akin.

Kinurap kurap ko ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pamamasa nito. I have wronged him but I don't think he deserves to see me cry.

I felt my lips quivering but I forced myself to speak without breaking.

"Why are you here?" I asked without answering his question. I intended to do that. Bahala na siya kung anong isipin niya.

He cursed under his breath. Nakaigting ang mga panga niya at may talim sa bawat titig niya.

Tinaasan ko siya ng isang kilay at saka ako humalukipkip.

Let's see, Conrad. Kung akala mo ay susuko ako dahil lang ako ang may kasalanan kung bakit tayo nasa sitwasyong ito ay nagkakamali ka. I might be at fault but I have a right to feel awful too.

Kung ayaw niya sa akin ay bakit siya narito? Kung galit siya ay bakit kailangan niyang magpakita sa akin? Bakit gayung may girlfriend na siyang dapat alagaan at makasama bawat sandali?

"Celine asked me to fetch you. They are at home and busy," matigas at malalamig ang bawat salita niya.

"Your village is just a few blocks away. Sana ay hindi na lang niya ako pinasundo," sinuklian ko siya ng mas malamig na pananalita. "I can go there myself," I said coldly.

Tinalikuran ko siya at umambang papasok sa loob ng bahay nang pigilan ng kamay niya ang aking braso.

All the guards I started to place around me cowered at his touch. Nanginig ang mga kalamnan ko at ngayon ay hindi na dahil sa galit kundi sa panlalambot. Init at kuryente ang dulot nito sa balat ko. Umabot iyon at yumakap sa aking puso. If we are in a better situation right now, I might feel joy because of his simple touch.

Pero bakit nasasaktan lang ako?

Ikinislot ko ang aking braso para lang mabitawan niya ito. My eyes were already burning but tears didn't flow. I turned to face him again.

"Kukunin ko lang ang mga gamit ko. You may enter the house if you want. I'll ask our helper to prepare something for you," halos wala nang emosyon doon. Kung matatawag bang emosyon ang panlalamig na nararamdaman ko sa kaniya ay iyon na lang 'yon.

Hindi pa man ako nakakalad ulit ay sumagot siya.

"I already ate. Your dad... Tito William saw me and asked me to have merienda with them," he informed me. Ang tigas sa baritono niyang pananalita kanina lang ay nabawasan.

Good for him. Kung pinapasok siya ni daddy ay marahil nakilala na rin siya ni mommy.

"Okay," that's my only answer.

Tuluyan na akong pumasok sa aming bahay. Nadatnan ko ang mga magulang ko sa living room. I also saw a tray of food prepared in the small table at the middle of the living area. Ito na siguro ang tinutukoy ni Conrad na kinain niya.

I went straight to them and sported a smile that hopefully won't show the agony I felt a moment ago.

"Hi, mom, dad!" bati ko sa kanilang dalawa. Iniwasan ko agad ang kanilang mapanuring tingin at humalik na lamang sa kanilang mga pisngi.

"You're home," dad mumbled. May pag-iingat sa kaniyang boses. "Did you see Conrad outside? He's waiting for you. He said he'd fetch you."

Tumango ako habang nakangiti pa rin. Sa paraan ng pagtingin sa akin ni mommy ay alam kong buking na ako sa itinatago ko.

"I'll just prepare my things, dad. Nasa itaas pa kasi. May mga gamit pa akong hindi naayos," sabi ko.

"Where are you going again, anak?" mom asked.

"Batangas po, mommy."

Tumango siya at ngumiti. "Go and get your things. Mag-iisang oras nang naghihintay si Conrad sa'yo," aniya sa pangalan na naikwento ko na noon sa kaniya.

Kung ganoon ay magkakilala na nga sila.

Nagpaalam akong aakyat muna sa kwarto. Kagabi ay naihanda ko na ang ilan kong gamit. I prepared clothes and other necessities that I would use for the next two days. Dalawang gabi lang naman kami sa Batangas kaya ipinagkasya ko na lang ang aking mga gamit sa isang duffle bag.

I decided to also bring my laptop just incase Constantine would change his mind. Hindi naman masama na magtrabaho kapag weekends. Mas mabuti pa nga ito dahil nakakabawas sa naghihintay sa amin sa opisina. So I brought the things that I think I would need for work. Lahat ng iyon ay nasa personal backpack na dala ko.

Pagkatapos ay nagbihis na ako ng mas kumportableng damit. I chose a loose white tank top with a sports bra inside. Nakamakapal din akong leggings upang kumportable talaga. I will just bring a thin jacket that I can use if I feel cold.

Nang maihanda ko na ang lahat ng aking gamit at sarili ko ay bumaba na ako. I heard noises downstairs. Hindi ingay na masakit sa tainga kundi iyong nakakapanlambot ng tuhod.

Conrad was laughing at whatever my father was saying.

Nakababa na ako nang huminto sila sa kanilang pinag-uusapan.

Conrad looked at me for a few seconds and then averted his eyes down my body and to the bag I was holding. Tumayo siya at nilapitan ako.

Ilalayo ko na sana ang aking bag nang abutin niya iyon ngunit mabagal ako.

"Let me handle it..." I said but he just ignored me.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Conrad. Alaga mo pa rin ang anak ko," ani daddy.

Nasindak ako sa pahayag niyang iyon at pinandilatan ko ito. Si mommy ang nagpahinto rito sa pamamagitan ng paghawak sa kamay nito.

"We'll go ahead, dad," sabi kong sinabayan ni Conrad.

"Of course, tito," aniya.

Natigil ang paghinga ko nang sabihin niya iyon. We are talking about him taking care of me all the time and that's his answer? Tama ba ang narinig ko?

"Hm," may panunuya sa paghinga ni daddy. "Just make sure that my daughter is safe, okay? She's not familiar with Batangas. Hindi ko pa siya naipapasyal doon. So better keep her protected, are we clear, Conrad?" dad requested but there's authority in his tone.

I saw Conrad's adam's apple bobbed. Kung wala lang kaming sama ng loob sa isa't isa ay matatawa ako sa naging reaksyon niya. But his reaction may be because he's troubled that he couldn't do what my father was asking because he had someone else to protect and that's not me. Hindi na ako aasa sa kaniya pagdating doon.

"I promise, tito. I'll keep an eye on her. I'll make sure that she's always beside me," he promised them that made my eyes wide open.

Tumawa si daddy at alam kong pang-aasar lamang iyon. If he knew that his daughter's heart was aching, would he still make fun of us?

Hinatid nila kami ni Conrad sa labas.

Apparently, the car parked outside was Conrad's. Ipinasok niya sa back seat ang mga gamit ko pagkatapos ay binuksan naman niya ang pinto sa harap. I was thinking of just seating at the back with my things but that's an insult for him. Hindi naman siya driver.

Kaya naman pumasok na ako sa loob nito at binuksan na lang ang bintana upang makapagpaalam pa sa mga magulang ko.

"By the way, anak," dad said and walked near the car. "Your Tito Enrico called me and asked if we could join you." Sinilip niya rin si Conrad sa loob. "We'll try, okay? I have a business meeting tomorrow then after that, we'll follow you in Batangas. Hintayin mo kami roon, anak," aniya.

Dinungaw ko silang dalawa ni mommy at sumunod sa kanilang utos. "Yes, dad. See you there!" I said.

Ilang sandali pa ay umaandar na ang sasakyan.

The feeling I get inside Conrad's car was so different from what I had felt in Constantine's car. Magaang ang pakiramdam ko kay Constantine at hindi ko maipagkakaila na maging sa kaniya ay kumportable na rin ako.

But with Conrad, I felt suffocated. Ang gusto ko na lang ay matapos na ito at makarating na kami sa bahay nila. I want to get out of here and breathe. Nakakapanghina dahil ang bigat ng pakiramdam ko. It wasn't as good as what I felt before whenever I was with him. It can't be compared to what we had before. Not even a fraction.

Walang nagtangkang magsalita sa aming dalawa. Definitely, I won't speak. What would I say? Apologize again for what happened?

No, I wouldn't do that again. At least, not right now.

Kung hihingi man akong muli ng tawad sa kaniya ay sisiguraduhin kong manhid na ako upang makaramdam pa sa kung ano man ang magiging reaksyon o sagot niya. Na ano pa man iyon ay tanggap ko na.

Panaka-nakang tikhim lang ang naririnig ko mula sa kaniya habang siya ay nagmamaneho. And like what I've said, their village was not too far from ours especially when using a car. Halos limang minuto lamang yata ang lumipas ay papasok na kami sa kanilang village. Isang minuto pa ay nasa harap na kami ng kanilang bahay.

And I made through it without breaking into more possible pieces. Sobrang nakakapanlumo ang makasama siya sa loob ng sasakyan. Pero ayos lang dahil wala naman kaming pinag-usapan na maaari lang ikasama pa lalo ng pakiramdam ko.

Bumukas ang kanilang gate upang papasukin ang sasakyan ni Conrad. There were two vans parked outside their house and the maids were so busy going back and forth. Naghahanda na ang lahat sa pag-alis.

Hindi ko namalayang nakalabas na pala si Conrad at narinig ko na lang ang pagbagsak ng pinto. Akmang pagbubuksan pa niya ako ng pinto ngunit natigil iyon nang may tumawag sa kaniya.

I saw him turn and face the girl running out from their house.

It was Shayne.

Ako na lang ang nagbukas ng sarili kong pinto. Lumingon pa sa akin si Conrad kahit na kinakausap siya nung Shayne. Inabala ko naman ang sarili ko na kunin ang mga gamit ko sa likod ng sasakyan.

"Bakit ngayon ka lang?" the girl asked in unison to Conrad's words.

"Don't take that," he commanded me.

Hinawakan niya ang braso ko at ibinalik ang mga gamit ko sa loob.

"Huh? Hindi ba sa van ako sasakay? I will ride with Celine. 'Yon ang napag-usapan namin," sabi ko sa kaniya.

Sinilip ko ang babae sa kaniyang likod na nagtataka lang na nakamasid sa amin. She doesn't look mad, hurt or irritated that Conrad didn't answer or even recognize her presence.

Bago pa niya maramdaman iyon ay hinawi ko na ang kamay ni Conrad.

"That's not what I promised to your dad. I told him that I won't let you out of my sight," aniya sa akin.

Napanganga ako ngunit mabilis akong nakabawi. I have to get use to being with him. Hindi na dapat ako palaging naaapektuhan. There's no reason to be affected, anyway.

Wala na dapat dahilan.

"It's okay. Hindi naman niya malalaman," I told him. Itinuloy ko ang pagkuha sa aking mga gamit.

"Conrad..." the girl called him again.

Come on, Conrad. Your girl is calling your attention. Give it to her. Give all of it to her.

"Elaine, iwan mo 'yan diyan," imbes ay nasa akin pa rin ang buong atensyon niya.

Nilingon ko siya at direkta ang mga mata ko sa mga mata niya. Napahinto siya sa pagpigil sa akin. Napaatras pa siya ng isang hakbang.

"I will ride with Celine and I'm not asking for your permission. Kung ang problema mo ay 'yong pangako mo kay daddy, don't worry. I won't tell," sunod sunod kong sabi.

Umawang ang bibig niya habang pinagmasmasdan ang aking mukha. Naaapektuhan ako ngunit nakipagtagisan pa rin ako ng tingin sa kaniya.

"No. You will ride with me," mariin at taas-noo niyang utos. Kung makaasta ay tila makapangyarihan siya at susundin ko siya.

Tumalim ang tingin ko.

Nang palalimin ko ang aking mga tingin sa kaniya ay nawala ang ipinakita niyang awtoridad sa mga mata.

I was the one who's melting at our staring game. Pero papatinag ba ako? Hindi.

Binitiwan ko ang aking mga gamit at humalukipkip sa harap niya.

Bumaba ang tingin niya sa aking mga braso. He bit his lower lip and then glanced at me again.

"Wala kang karapatang utusan ako," usad ko.

Naghiwalay ang mga labi niya at nangunot ang gitna ng kaniyang dalawang kilay.

"Kay Celine ako sasama. Sa ayaw at gusto mo. Wala akong pakealam sa'yo," utas ko.

Wala man akong karapatan pero nasasagad na ako. Akala ko noon, kapag nagharap kaming dalawa ay luluhod na lamang ako sa harap niya hanggang mapatawad niya ako. Akala ko ay para akong asong magiging sunud sunuran sa kaniya para lang mapansin niyang muli ako.

Pero iba pala talaga kapag nasa sitwasyon ka na. I was hurting. I felt more pain today than the years that I was not seeing him. Mas masakit ang makita siya. Mas masakit na makasama ulit siya. Dahil wala na. Wala na yung Conrad na ipinangako niya.

"Elaine," he uttered. Akmang lalapit siya ngunit itinaas ko ang aking kamay sa harap niya.

"Conrad," matalim kong bigkas.

He stopped doing whatever he's about to do. Bumagsak ang mga balikat niya at humakbang paatras.

Ngunit nang tumango upang pumayag sa nais ko at lumingon sa babaeng kanina pa humihingi ng atensyon niya ay nawala ang tapang na kanina lang ay ipinakita ko sa kaniya.

Hinayaan ko siya at tinuloy ang pagkuha sa mga gamit kong nasa kotse niya.

That's right, Conrad.

Wala na tayong karapatan sa isa't isa.  

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
29.7K 837 40
MONTEFIERRO SERIES #1 Cyrelle Blessica Escareal, a woman with high hopes and big dream. She used her passion for music to reach her goals in life. Al...
453K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
1.2K 128 47
Gratifying Wretched What if you met a person who caused for you to hold a responsibility even though you're not responsible for it... What if someday...